Share

Chapter 34: IV Sandro De Castro

Matapos ang huling pito ng tren, umugong ang pagdausdos ng bawat piyesa sa ilalim kasama ang atungal ng riles. Sa wakas ay tumakbo na rin ang sasakyan. Sumandal si Sandro sa upuan, mag isa sa dapat ay pangtatluhang silya dahil sumakay siya sa huling trip panggabihan. Ipinasak niya sa tainga ang magkabilaang dulo ng kaniyang earphone. Matapos i-play ang kantang kinagigiliwan niya nitong linggo, bumalik ang isip niya sa huling pag-uusap nila ng kaniyang tito.

Masyado pang bata si Alex Medina para tawaging tito. Miracle child kung tawagin ang tito niyang 'yon dahil ipinagbuntis ito ng kaniyang lola sa edad na kwarenta. Ngayon nga sa malayo ay papasa silang magkapatid.

“May pasyente ako na galing din sa school mo. Baka pamilyar sa 'yo, Sandro. 'Ka ko, e, baka matulungan mo. Kausapin ba ga. Naka-comatose ang dalagang 'yon at hindi halos mabisita ng mga magulang. Kawawa naman." Sunud-sunod ang lunok ng kaniyang tito habang kinukuwento ang babaeng si Mary Joy Chua nang magtanghalian ito.

N
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status