Share

Chapter 1: Story

Chapter 1

Story

Agad kong niligpit ang mga gamit sa desk ko nang marinig ko ang tunog ng bell. Umalis ang teacher namin sa math pagkatapos magpaalam sa amin. Nagsitayuan naman ang mga kaklase ko at animong nagpapaunahan sa paglabas ng classroom. Hindi ko na lang sila pinansin at isinilid na lang sa loob ng bag ko ang mga notebook na ginamit ko kanina.

“Sabay na tayong mag-lunch.” agad kong nilingon si Zarren nang magsalita siya. I didn’t say a thing but I manage to nod my head. 

Well, there’s no problem with it. Isa pa ay sanay naman kaming magsabay kumain since naging magkaklase kami noong grade 7.

We’re grade 10 students right now at sa hindi maipaliwanag na dahilan. Hindi na kami nagkahiwalay pa ng classrooms na pinasukan. Palagi kaming magkaklase kaya siguro ganito na lang kami kalapit sa isa’t-isa.  

Zarren is nice... and good looking.  

Hindi ako magsisinungaling para sabihing hindi siya magandang lalaki. 

Zarren has a hazel eyes and a thin curvy lips. His lips reminds me of BTS Kim Taehyung’s. 

Ngumiti siya sa akin bago kuhain ang backpack ko at isinakbit ‘yon sa balikat niya. 

“Ako na. Mabigat na nga ang gamit mo,  bibitbitin mo pa ‘yung akin. Kaya ko naman ‘yan bitbitin.” usal ko na inilingan lang niya. 

Alam ko namang hindi niya ibibigay sa‘kin ‘yon dahil sanay siyang binibitbit iyon pero mas pinili kong punahin ang ginawa niya. Yun nga lang nahihiya pa rin ako. Ito rin kasi ang dahilan kung bakit parati kaming napagkakamalang may relasyon. 

“Ayos lang, kaysa naman ikaw ang mabigatan. Mabigat din ang bag mo kaya ako ng bahala dito.” ngumiti siya kaya wala akong nagawa kundi ang ngumiti na lang rin pabalik at sumang-ayon sa kanya. 

“Galit na naman si Ma’am Josie. Ang dadaldal kasi.” dinig kong bulong ng mga kaklase namin na nasa corridor. Napansin nila kami ni Zarren at napatingin sa gawi namin.

“Naks naman. Magkasama na naman ang love birds.” nilingon ko si Jasmin na siya palang nagsabi no’n. Ngumiti siya sa akin kaya naman nginitian ko rin siya. “Magd-date kayo?” tanong niya sa amin. Hinarang niya kaming dalawa ni Zarren kaya naman pareho kaming natigil sa paglalakad. 

“Shut up! Kakain lang kami.” dinig kong sagot ni Zarren sa kanya. Napatingin ako kay Zarren. His forehead creased. Ang alam ko lang ay naiinis siya kay Jasmin at si Jasmin naman ay paborito siyang inisin.

“Bakit galit ka? Nagtatanong lang naman ako---”

“Paulit ulit kasi ang tanong mo. Kahapon nung magkasama rin kami, tinanong mo rin kung magd-date kami. If I were you, I will just shut up and mind my own business.” iritadong sambit ni Zarren. 

Napahalukipkip lang ako at saka nag-iwas ng tingin. I don’t want to be involve with their fight. Kaya gusto kong mag-isang kumain e. Para wala akong inaalalang ganito.

“Hay naku! Bakit ba hindi pa ‘ko nasasanay e, lagi ka namang naiinis sa akin.”

Napalingon ako kay Zarren nang marinig iyon mula kay Jasmin. I want to see his reaction. “Kasi palagi ka ring nang-iinis.” usal niya. I heaved a sigh. 

“Mauna na ‘ko. I’ll just go to the restroom.” baling ko kay Zarren na pansin kong bahagyang nagulat sa sinabi ko. I just smiled and walk away. 

Bumuntong hininga ako at saka kinuha ang cellphone sa bulsa ko. My forehead creased while I’m walking my way to the rest room.

Sunod sunod ang pagtunog sa cellphone ko. Maybe because of the notification. 

Pagkapasok na pagkapasok ko sa isa sa mga cubicle roon ay tiningnan ko agad ang mga notifications. 

Naupo muna ako sa toilet bowl at saka tinignan ang mga iyon. 

Hilary mentioned you in a comment.

“Gawa ka naman ng bagong story, Miss A. I miss reading your stories.”

Napanguso ako at saka umiling. Gusto ko rin namang gumawa ulit ng bago kaso ay wala talaga akong maisip.

I’m a writer. I’m creating stories for myself before. But now, I’m creating stories to satisfy myself and also to share it with every readers. 

Masarap ang magsulat o bumuo ng isang kwento. I’m really into writing novels and I’m happy that they were appreciating my stories from the beginning.

I’m no professional but I really want to share my imaginations to others. Gusto kong malaman nila ang mga nasa loob ng utak ko. That’s all I want to do. To write for myseld and to be satisfied at what I did write. 

But still... 

Mahirap paniwalaan ang isang bagay na nararanasan ko. Every story I wrote... there’s something about its I can’t figure out. 

Kylla mentioned you in a comment. 

“It’s been how many months na din, Miss A. Wala ka pa bang naiisip na new story? I really love how you write your stories. Sana magkaroon ka ulit ng bagong kwento. :)”

I bit my lower lip after reading her message. Kaya pala tunog ng tunog ang cellphone ko ay dahil sa isang post ng isang fan page. Naka-tag ang dummy account na ginagamit ko kaya naman sobrang daming nagmention sa akin na mga facebook friends ko.  

I smiled a bit. 

Balak ko na sanang i-off ang cellphone ko nang bigla na lang manlaki ang mga mata ko. 

Swear!  I don’t wanna right something! 

Mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko habang naiisip ang isang tanong sa isip ko.  

Bakit nagkukusa ang mga kamay kong magtipa ng kung ano?!

“What the hell?!” I shouted as I put my phone on the floor. Para akong nakakita ng multo dahil sa nangyari.  

I gulped. 

What the fuck did happened?!

My heart is beating so fast while I’m standin on the toilet bowl. Buti na lang at sarado iyon kung hindi ay baka nag-shoot na ang paa ko sa loob no’n.  

Kabado kong dinungaw ang cellphone ko. My mouth form an ‘O’ shape when I saw what my hand did without any signal of my brain. Nakagat ko ang labi ko at saka pumikit ng mariin. 

I was just hallucinating. Nothing happened. My hands didn't do anything. Gutom lang ako! 

But when I looked for my cellphone again. Tuluyan akong nabalot ng kaba. It was all written and I’m seeing it clearly. 

Imaginator Wp

Gonna drop a short fantasy story again titled “Different World But Same In Feelings.” Can't wait to share it with you guys. Ang tagal kong pinag-isipan ‘to.

I almost laughed. Napatingin ako sa kamay ko at napamura. “Echosera! Wala nga akong naiisip e!” napapikit ako ng mariin at sinabunutan ang sarili. 

“Namamaligno ba ako?” usal ko habang tuloy pa rin ang kabog sa dibdib ko. 

Napatalon muli ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nakita kong tumatawag si daddy pero natatakot na ‘kong hawakan ang cellphone ko.  

How I wish, Zarren is outside.  

Natigilan ako at saka umalis sa cubicle at isinara iyon. Wala namang masyadong gumagamit kaya iniwan ko muna. Sakto naman nakita ko si Zarren na nag-aantay sa labas. 

Thank goodness. He’s here. 

“Zarren...” halos mangiyak ngiyak na ako habang lumalapit sa kanya. Nangunot agad ang noo niya at mabilis akong dinaluhan.  

“Anong nangyari?” tanong niya agad. Naiiyak ko siyang hinatak papunta sa loob ng cr ng mga babae. Ayaw pa nga niyang pumasok kung hindi ko siya itulak. “Bakit ba? Alam kong may pagnanasa ka sa‘kin pero ‘wag mo naman akong gawan ng masama.” hindi ko na lang siya pinansin at pinapulot sa kanya ang cellphone kong nasa sahig. 

“Tawagan mo nga ulit si daddy. Sabihin mo namamaligno ako.” usal ko na ikinakunot ng noo niya. He’s laughing while looking at me. 

“Ano?” tanong niya at umiling. 

“Gutom lang ‘yan.” mabilis niyang inilagay sa bag kong nakasakbit sa balikat niya ang cellphone ko at niyaya akong lumabas na sa loob ng restroom. Ngumiti siya sa akin at saka ako inakbayan. “Baliw na baliw ka na siguro sa‘kin no, hindi mo lang sinasabi kaya kung anu-anong naiisip mo.” humalakhak siya pero hindi na lang ako nagsalita pa. 

Hindi ko talaga alam basta ang sigurado ko lang. Hindi ako ang may gawa no’n. Wala akong planong magsulat ulit ng panibagong kwento dahil wala akong naiisip. Infact, wala akong kahit isang ideya sa kwentong ‘yon. Napatingin ako sa mga kamay ko. 

Napatingin rin si Zarren do’n pagkatapos ay nginisihan ako. Maiinis pa sana ako pero hindi ko na lang siya pinansin. 

“Pwede mo namang sabihing gusto mong hawakan ko ang kamay mo e. Patingin tingin ka pa dyan, sus!” mabilis na hinuli ni Zarren ang kamay ko at mahigpit iyong hinawakan. 

Nag-init ang pisngi ko at binawi ang kamay sa kanya. “Gago!” I shouted at him. 

He raised his hands while chuckling. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status