Share

Chapter 2: Confused

Chapter 2

Confused 

Hindi ko alam kung ano bang magiging reaksyon ko habang pinapanuod ang mga babae kong kaklase. I shut my eyes tightly. 

Damn it! Hindi ko na alam ang gagawin kooooo!

Kung pwede lang magpapadyak at gumawa ng sarili kong ritwal, ginawa ko na kanina pa! 

"Kasi naman ‘diba, ilang buwan din s’yang hindi nagparamdam tapos OMG! May isusulat na pala siyang bago. Grabe... Ang galing niya talaga!” halos mapangiwi ako habang pinakikinggan ang usapan ng mga kaklase ko. 

Mas lalo tuloy akong kinabahan. Paano kapag nalaman nilang ako ang sumulat sa mga paboritl nilang libro? Baka hindi nila ako tigilan sa pagtatanong ng mga pwede ko pang isulat na mga kwento. 

I let out a heavy sigh. Nasa room na ako pero ang utak ko’y parang nasa restroom pa rin. Hindi ko lubos maisip at mapaniwalaan ang nangyari sa akin kanina. 

Sa totoo lang ay ayaw kong maniwala. Iniisip ko nga kung nasa isang panaginip pa rin ako hanggang ngayon dahil sa nangyari kanina. 

“Zarren." Tawag ko kay Zarren na nagsusulat sa notebook niya. 

Wala ang teacher namin ngayon sa filipino kaya naman nag-iwan lang si Ma’am ng susulatin namin. Mamaya na lang ako gagawa sa bahay tutal ay hindi rin naman ako makapagsusulat sa dami at gulo ng isip ko. Manghihiram na lang ako ng notes kay Zarren. 

Baka kasi mamaya masulat ko pa sa notebook ko na namamaligno ako. Ano na lang ang sasabihin sa‘kin ng teacher ko ‘diba?

“Oh?” even Zarren’s not looking at me. I manage to say what I wanna tell him. 

Kahit naman kasi may ginagawa siya ay kaya naman niyang makipagdaldalan sa‘kin. 

“Ahm.” I paused. Trying to figure out if he’ll take what will I say seriously. Baka pagtawanan lang ako ng kumag na ‘to e pero bahala na! Malapit naman siya kaya madali lang masapok kapag tumawa. “Naniniwala ka ba sa magic? Ahm... sa miracle?” kunot noong tanong ko. I really don't know what to asked him. 

Ano ba dapat ang itanong ko? 

Naniniwala ka ba sa maligno? Sa tingin mo ba namamaligno ako? 

Mas sigurado akong mas tatawanan niya ako kapag ‘yun ang tinanong ko. 

“Ha? Magic, miracle?” nakatinging tanong niya. Confusion is evident on his face. Napangiwi ako dahil mukhang alam ko na ang isasagot niya. 

Nasisiraan na ako. 

“Hindi pa ba sapat yung kinain na‘tin kanina? Nasisiraan ka na yata talaga.” he said, looking straight to my eyes. 

Umiling ako at saka siya sinamaan ng tingin. Hanggang dito lang ang kaya kong sabihin sa kanya lalo pa‘t mukhang malabong maniwala s’ya sa akin. 

“Hindi nga. Curious lang ako.” palusot ko na nginusuan lang niya. 

Ibinigay niya sa akin ang notebook niya pagkatapos magsulat. Kinuha ko naman yun at inilagay sa bag ko. Isang subject na lang ang papasukan namin pagkatapos ay uwian na. Hindi ko alam kung paano pa ako nakapakinig habang naiisip ang nangyari kanina. 

Hindi naman na talaga bago sa akin ang ganito. Kahit noong mga panahon na nagsusulat ako ng mga kwentong nagawa ko na ay malimit ko ring mapansin ang pagkukusa ng mga kamay ko, though hindi naman ‘yon katulad ng kanina na sobrang nakakagulat talaga. Halos hindi ako makagalaw sa sobrang gulat... at takot. 

We all know that brain controls all the body’s functions. When a message comes into our brain from anywhere in the body, the brain tells our body how to react. 

Kaya nakapagtataka na ang mga kamay ko lang ang gumagawa ng kilos. Hindi ko alam kung bakit hindi man lang naiisip ng utak ko kung anong dapat kong gawin. My hands were typing words like it have its own brain kaya mas nakakatakot. How come my hands could do that? I don't even have any idea how will that story will go and what it moves for. Kung anong klaseng kwento iyon ay hindi ko alam. 

Sinapo ko ang noo ko at saka umiling iling. Halos isabunot ko na ang mga kamay ko sa buhok ko because of frustration. 

“Mauna na ‘ko.” agad na usal ko at saka binalingan si Zarren na nakapilig ang ulo at tinitingnan ako. Hindi ko siya pinansin at kinuha na ang bag ko at tumayo. Uwian na namin ngayon. Palagi kaming kumakain ni Zarren bago pumunta sa parking lot pero wala ako sa mood ngayon. 

“Ano bang problema mo? Meron ka ngayon?” tanong niya na mabilis kong inilingan. 

“Sira! Gusto ko lang umuwi kaagad.” tumawa siya at saka ako inakbayan. Sa ginawa nga niyang iyon ay narinig ko ang mumunting iritan ng mga kaklase namin at ang iba naman ay walang pakialam. 

“Basta ihahatid kita. Kahit sa parking lot lang.” ngumiti siya kaya napailing na lang ako. After all I can't do anything kaya hindi na lang rin ako nagpumilit pang ‘wag niyang ihatid. 

“Kumain ka ng marami a, ‘wag papagutom.” paalala niya habang naglalakad kami. 

Mula sa balikat ko ay lumipad ang mga kamay niya sa ulo ko. I smiled a bit. “Luh, pa fall.” bulong ko na sinimangutan niya. Humalakhak ako bago siya ilayo sa akin. Natawa rin siya bago hatakin ang bag ko na nakasakbit sa likod ko kaya naman bahagya akong napaangat at napaatras. 

“Zarren Liam!” sigaw ko at tsaka hinampas siya na mabilis niyang naiwasan. 

“Faye Alistry!” panggagaya niya sa akin. Sumimangot ako at sinamaan siya ng tingin. Humalakhak lang siya bago ako hilahin palapit sa kan’ya. 

“Kung ma f-fall ka...” bulong niya at saka nilapit ang mukha sa mukha ko. Natigilan ako pero agad kong itinaas ang isang kilay ko. Hindi ko alam kung bakit bigla bigla na lang siyang nagiging seryoso. “Matutuwa ako kung mahuhulog ka.” dagdag niya. 

Ngumuso ako at saka inilayo ang mukha niya sa akin gamit ang buong kanang kamay ko. “Shut up!” sigaw ko at saka siya iniwan sa kinatatayuan niya. Tumatalon talon akong kinawayan siya. 

“Tumingin ka sa daan!” sigaw niya na dinilaan ko lang. 

“Bye!" I shouted to him while waving my hand. He smiled and raised his hand too.  

“Take care.” he mouted. 

Ngumiti lang ako at tsaka tinalikuran na siya. Abot abot ang ngiti ko nang makita si Tay Karding na nasa labas ng kotse at siguro ay iniintay ako. 

“Hi, Tay Kards.” bati ko at nagmano saglit sa kanya. Ngumiti siya at saka tumango. He then tapped my head while smiling widely. 

“Kumusta ang eskwela? ” tanong niya. I smirked while gesturing an okay sign with my thumbnail up. 

Ngumiti siya at pinagbuksan ako ng pinto sa backseat. Agad naman akong pumasok ro’n. Nagpaalam akong iidlip muna habang nasa byahe kami. Wala namang kaso kaya hinayaan niya akong makaidlip kahit kaunting sandali. 

Pagkatapos kumain ay agad akong naglinis ng katawan at nagpalit ng damit. Alas tres pa lang ng hapon kaya naman marami pang oras ang mayroon ako bago matulog.  

Kahit kinakabahan ay agad kong kinuha ang cellphone ko sa loob ng bag ko at saka lakas loob iyong tinitigan. 

“What the hell is wrong with you, phone?” kausap ko sa cellphone ko at hinampas iyon. Napangiwi ako nang makita ang mga kamay ko. “Ikaw nga pala ang may sala, hindi ang cellphone ko!” sigaw ko sa mga kamay ko at pinaghampas iyon. “What the hell is freaking wrong with you, hands?” usal ko at saka ngumuso. 

Tatayo na sana ako para umalis at lumabas muna ng kwarto ng sunod sunod na gumawa ng tunog ang cellphone kong nasa kama ko na at medyo natatabunan na ng comforter. Nangunot ang noo ko at inabot iyon. 

Rusella mentioned you in a comment. 

“OMG. Can’t wait to read the prologue! Ilabas na yarn!”

Napabuntong hininga ako at napailing. No! I won't do that. Naiisip ko pa lang na ginagawa ulit ‘yon ng mga kamay ko ay kinikilabutan na ako. 

Kylla mentioned you in a comment. 

“Drop the prologue, Miss Author. Pleaseuuuuu.”

I bit mg lower lip after reading the highlighted comments. Maraming nag likes sa mga comment nila. Some replied actually and said that they want me to update the story. 

They wanted me to update a prologue I don‘t even know how can I write. 

Pero sa kabilang banda ay may gusto akong makita. Gusto kong mapatunayan sa sarili kong nag h-hallucinate lang ako and I was just imagining things earlier. 

“Bahala na nga!“ I said and let out a heavy sigh. Pabagsak akong nahiga sa kama ko at hinayaan ang mga kamay kong magtipa ng kung anu-anong letra at salita sa cellphone ko. 

While my hands are busy with clicking every letter on my keyboard. My mind is thinking about a best answer to my questions and confusions. 

Bakit gano’n? Alam ko ng may ganitong nangyayari pero imbes na pigilan ko ang sarili ko ay mas lalo ko pang sinubukan. 

Habang ang mga kamay ko ay nagtitipa sa cellphone ko ay napatingin ako sa veranda kong bukas. Umihip ang malakas na hangin kaya lumipad lipad ang kurtinang naroon. 

Nang matapos akong magtipa at maipublished iyon ng walang basa-basa ay tumayo ako at pumunta sa veranda. 

I immediately hugged myself when I felt the breeze of the cold wind. Panay ang lipad ng buhok ko sa mukha ko pero hindi ko na inabala ang sarili ko sa pag-aayos nito. I inhaled the fresh wind that were blowing around. Ipinikit ko ang mga mata ko pagkatapos ay dinama ang malamig na simoy ng hangin. 

If I could only see the future, I should’ve guarded my heart even more and even tighter. Hindi ko dapat inalis ang gwardya sa puso ko at mas hinigpitan ang kapit rito. Hindi dapat ako naging panatag at hindi ko na sana itinuloy ang kung ano mang nagagawa ng mga kamay ko. 

Masaya naman ang nangyari... kaso sobra ang naging epekto sa buhay ko. Tuloy ay nakakatakot ng asahan ang mga susunod na araw... hindi ko na alam kung saang lupalop pa ako maghanap ng sagot sa mga tanong ko. ​

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status