Share

Chapter 7: Controlled

Chapter 7

Controlled 

Nakarating naman kami agad ni Leiton sa bahay. Sinalubong rin kami ng maraming tanong nila Nay Carmen at Tay Karding. Tinanong nila ako kung sino si Leiton na pinakilala ko namang kaibigan ko at galing pa sa ibang bansa. Naniwala naman sila.

Medyo nag-guilty ako sa pagsisinungaling pero hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila ang totoo dahil hindi naman sila maniniwala. Mas mabuti na ring sinabi kong galing sa ibang bansa si Leiton kaya hindi na sila nagtanong pa tungkol sa kan’ya. Pag pahingahin ko daw muna si Leiton sa guest room na ginawa ko naman kaagad. 

“Saang bansa nga ako galing? Sa America. Woah, nice choice huh.” habang nag-aayos ng matutulugan niya ay narinig ko ang pang-aasar ni Leiton sa gilid ko. 

Maayos naman ang guest room dahil laging nalilinisan pero walang bed sheet at comforter ang kama kaya naglabas ako. 

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status