Share

Chapter 17

JAIRA’S POV

Malapit na maghatinggabi at ngayon ako ay nanood ng movie sa Netflix. Kakatapos lang din tumawag sa akin ni Chandra. Nasa ospital pala sila ngayon dahil naaksidente ang boyfriend ng ate niya. Sayang nga raw kasi anniversary nila ngayon at may surprise silang ginawa para sa ate niya kaya lang epic.

Gusto ko sana laksan pa ang volume nitong cellphone ko para maintindihan ko pinapanood ko kasi nasira earphone ko kaya lang baka marinig ni ate. Kakaiba kasi tenga nun kahit nasa ibaba lang kwarto nun, maririnig niya.

Medyo okay na nga pala kami. Saktong pag-uwi ko kahapon, wala siya dito sa bahay. Kinabahan pa man din ako ng very very light akala ko may sermon na sasalubong sa akin pero wala pala, tahimik na bahay pala ang madadatnan ko.

Nagsorry na siya sa akin pero hindi pa rin maalis sa akin na magtampo. Sakit kaya nung sampal lalo na yung katotohanang nalaman ko. Katotohanang ako pala ang may kasalanan kung bakit kami nawalan ng nanay.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status