JAIRAH’S POV
“Uy, gising na.”
“Hmmmm.”
“Gising na.”
“Maya, ate. 5 minutes.”
Aray ko naman. Ang sakit naman magyugyog ni ate. Parang hindi naman siya ganito manggising. Parang kamay ng lalaki.
“Ate, mamaya. 5 minutes, please.”
“Aray! Ang sakit mo mangurot ate.”
Pero pagtingin ko hindi si ate ang nasa harapan ko kaya napabangon ako bigla.
“M-multo!” sigaw ko.
“Huwag kang sumigaw. Hindi ako multo.”
“Kung hindi ka multo, sino ka?!” sigaw ko habang hawak ang unan ko na pwedeng panghampas sa kanya.
“Bilis mo naman makalimot,” sabay talikod at upo sa kama ko. Biglang nagtampo?
“Magtatanong ba ako kung alam ko,” pagtataray ko naman sa kanya. Umupo na ako ng ayos sa kama ko pero ma
I just noticed that I forgot to put the prologue.
CASSANDRA’S POVNagising ako mula sa pagtulog nang maramdaman ko may tumatapik sa balikat ko. Pagtingala ko ay nakita ko si Tita Aimi, ang mama ni Aga.“Tita, kayo po pala yan,” sabi ko habang inaayos ang buhok ko dahil sa nakasubsob lang ako habang natutulog sa tabi ni Hiro, “ Kanina pa po kayo?”“Kakarating ko lang. Umuwi ka muna para makapagpahinga ka at makabawi ng tulog. Ako muna magbabantay kay Aga,” sagot niya habang inaayos ang mga pagkain na dala niya.“Sige po. Babalik na lang po ako mamayang gabi.”Kinuha ko naman ang bag ko at nagpaalam na kay Tita.One week na ang nakakalipas simula nung naaksidente si Aga. One week na rin akong nagbabantay sa kanya. Gusto man ako pauwiin nina Tita ay hindi ko ginagawa dahil gusto ko talagang bantayan si Aga. Ayoko siyang iwan. Gusto ko paggis
JAIRAH’S POVPagkarating ko sa bahay ay hindi ko na naabutan si ate. Mukhang pumasok na siya sa trabaho niya. Maaga akong natapos ngayong araw dahil maaga akong nagising. Ilang araw na rin akong ganito ang gawain. Nilagay ko naman sa kusina yung pinaglagyan ng pandesal. Dahil init na init ako ay nagpasya akong maligo.Inabot ako ng halos kalahating oras sa paliligo dahil init na init talaga ako. Binalot ko lang sa tuwalya ang katawan ko. Nakalimutan ko magdala ng pamalit na damit kanina dahil nagmamadali ako. Nalalagkitan na kasi ako sa sarili ko.Palabas na ako ng banyo ko ng—“AAAAAHHHHH!! MULTOOOOOO!!”“AAAHHHHH!” Miski siya ay nagulat din sa paglabas ko sa banyo.Napabalik agad ako sa loob ng banyo ko. Akala ko hindi na siya babalik. Anong ginagawa niya rito?“Sorr
LANCE’S POV“Anak, gising na. Male-late ka na sa school mo. Nakahanda na sa lamesa ang umagahan mo. Bumangon ka na dyan.”Nagising ako dahil sa pagpasok ni Mama sa kwarto ko. Kinakapa ko ilalim ng unan ko para kunin ko ang cellphone, titingnan ko kase ang oras.7:30am. Maaga pa naman eh.Wait. Monday ngayon at 8:00 ang klase ko. Napabangon ako bigla at kinuha ang tuwalya ko. Nagkagulatan pa kame ni Mama dahil hindi pa pala siya nalabas ng kwarto ko. Inaayos niya yung mga tiniklop niyang damit ko.“Hinay-hinay anak at baka naman kung anong mangyare sayo dahil sa pagmamadali mo,” paalala niya sa akin bago ako lumabas ng kwarto. Hindi na ako nakasagot pa dahil nagmamadali na talaga ako. Terror pa man din yung prof namin first subject tapos two hours pa kame sa kanya. Kung bakit ba naman hindi nag-alarm yung cellphone ko. Mamaya ko na la
JAIRAH’S POV“Ma’am, pabukas po ng body bag niyo.”Nandito ako ngayon sa SM dahil may pinapabili sa akin si Ate. Ayoko sana kaya lang baka mapagalitan na naman ako. Gusto ko nga sana isama si Gab kaya lang simula kaninang umaga hindi pa siya nagpapakita sa akin. Sayang, hindi siya makakapasyal.Pagkatapos tingnan ng guard ang bag ko ay pumasok na ako sa loob ng bag. Kinuha ko na ang listahan na binigay sa akin ni ate at ngayon ko lang nakita na ang dami pala nito. Paano ko mabibitbit lahat ng ‘to mamaya?Una ko munang pinuntahan ay ang mga bibilhin ko sa Watsons. Pagkapasok ko ay nginitian agad ako ng saleslady na nakatayo sa gilid. Syempre ngingitian ko rin baka naman masabihan ako ng suplada.Fresh Jeju Aloe Ice, face mask, serum at kung ano-ano pang pangkoloreta sa mukha. Ganito ba talaga ang mga babae?
CASSANDRA’S POV“Thank you po, Ma’am.”“Thank you rin po.”Nandito ako ngayon sa cashier sa hospital para magbayad ng bills ni Aga. Ako muna inutusan ni Tita dahil nagkaroon lang ng problema sa restaurant nila. Pabalik na ako ngayon sa kwarto ni Aga.Sa tuwing babalik ulit ako sa kwarto niya, hinihiling ko lagi na kada bubuksan ko itong pinto ay makikita ko siyang nakaupo na sa higaan niya at masayang-masaya dahil gising na siya. Wala na nakalagay na benda sa ulo, braso at binti niya. Pero agad din nawawala ang ngiti sa labi ko sa tuwing makikita kong tulog pa rin siya.Love, kalian ka ba gigising?Umupo na ako sa may upuan malapit sa kanya at umub-ob muna ako para matulog. Ilang gabi na rin kasi akong puyat dahil hindi naman ako sanay matulog sa ganitong lugar at tsaka para na r
KENNETH’S POV“Good morning, Kuya,” bati ko sa guard ng school namin.“Oh, good morning din, Kenneth. Himala, aga ngayon ng pasok mo.”“Maaga lang po ako nagising.”“Klaseng kakaiba ang ngiti mo ngayon. May girlfriend ka na nho? Sino naman kaya itong malas na babae ang naloko mo ngayon?”Natawa naman ako sa sinabi ni Kuya, “Wala po akong girlfriend. Magiging girlfriend pa lang.”“Naku, sana ay huwag siya magpaloko sa iyo.”“Huwag naman po ganon,” nagtawanan na lang kaming dalawa, “Sige po. Punta na po ako sa room.”“Sige. Ingat.”Siya si Kuya Luis. Ilang taon na rin yan guard dito sa school namin. Hindi pa ako nag-aaral ditto ay nandito na raw siya. Habang naglalakad a
JAIRAH’S POV“Okay ka lang ba talaga?”Simula kaninang umaga, kanina pa ako kinukulit ni Gab. Naka-ilang tanong na siya sa akin kung okay lang daw ba ako. Gabi na kasi nung nagpakita ulit siya. Hindi naman niya binanggit kung saan siya nagpunta kaya nagso-sorry siya sa akin dahil hindi niya ako nasamahan kahapon.“Oo nga. Okay lang ako.”“Sure?”“Very sure.”Mag-iisang buwan na pala kami magkasama ni Gab kaya sobrang closed na kaming dalawa. Sobrang bait lang niya. Kaya siguro siya naging anghel. Ang swerte ko naman sa guardian angel ko mabait na, gwapo pa.“Oh, bakit ka nakatitig sa akin? May dumi ba ako sa mukha?”Natauhan naman ako sa tanong niya. Napatitig na pala ako sa kanya.“W-Wala. May i
JAIRAH’S POV “Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to youuuu.” Naalimpungatan ako sa pagtulog dahil may narinig akong nakanta. Hindi ko sana papansinin pero biglang bumukas ang ilaw ng kwarto ko. Hindi nga pala bukas ang ilaw ng kwarto ko kapag natutulog na ako. Hindi lang ako sanay at hindi rin talaga ako makatulog kapag ganon. “Happy birthday, Ash!” Kung kanina may nakanta ngayon naman may sumigaw. Tinanggal ko na ang pagkakatalukbpng ko ng kumot para makita sila. Nasilaw pa ako pagmulat ko pero agad din naman luminaw ang paningin ko. Nakita ko si ate na nasa harapan ko at may hawak na cake na may nakasinding kandila. Habang nasa kaliwang parte ko naman Chandra na may hawak na tatlong lobo sa kaliwang kamay at cellphone naman sa kanang kamay. “Anong ginagawa mo?” tanong ko sa kanya.