Share

CHAPTER 16

Kabanata 16

“MASAMA BA ANG pakiramdam mo, Sheeva? Kuu, batang ‘to! Ako na nga riyan at magpahinga ka muna d’un sa kwarto ni Danaya.”

Umahon si Sheeva mula sa malalim na pag-iisip nang matantong kinakausap siya ni Nanang Marina, ang ina ng batang si Danaya.

“Hindi ho. Ako na ho nito. I'm okay po.” Magalang na giit ni Sheeva.

Nahihiya niyang inalis ang bantulot na mga mata mula sa Ginang pabalik sa mga sangkap na kanyang hinihiwa.

Itinaktak ni Nanang Marina ang sandok na gawa sa kahoy sa gilid ng malaking kawali kung saan kumukulo ang niluluto nitong sauce ng spaghetti.

“Kahapon ka pa tahimik, pansin ko. Kanina sinikreto ako ni Danaya, an’ya nanuno raw ang Ate Mumu n’ya. Hindi ka na raw kasi magiliw makipag-usap. Sumasama pa nga raw ang pakiramdam ng anak ko kapag ini-inglisan mo s’ya. ‘Di raw siya gaanong makaintindi.” Nakangitin

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

DMCA.com Protection Status