Share

CHAPTER 4

Don't Mess With The Billionaire

Chapter 4

"SIKTI-One, sikti-two, sikti- Ano bang kasunod, Aba?" Ngumiti si April nang mapakamot sa batok ang anak niyang si Alamo. Binibilang nito ang iba't ibang uri ng bulaklak sa bakuran ng bahay nila galing sa mga ligaw na damo.

Ito iyong lumang bahay ng mga magulang niya na totally ay yari sa kahoy. Dahil nga sa may kalumaan na at napabayaan kaya paunti-unti ay pinaayos muna niya ito para magsilbing kanilang bagong tirahan. Ang kaso ay hanggang sa dingding at bagong pintuan lang ang nakaya ng budget niya, na inutang pa niya kay Garett kaya ngayon sira-sira pa rin ang ilang bahagi ng sahig at kailangan pang palitan ang kinakalawang nang mga yero. Bukod doon ay natitiyak niyang ligtas sila roon. Nasa liblib na rin kasing parte iyon sa kanilang nayon.

"Ewan ba po, Kuya. Balik ka na lang sa one para sure." Malambing na suggestion ni Alabama sa Kuya Alamo niya. Sa triplets ay si Aragon ang unang lumabas. Pangalawa si Alabama na nag-iisang babae at panghuli si Alamo.

"Huwag ka na lang mag-count d'yan para talagang sure, Alamo. Tulong mo nalang kami rito, 'di ba, Mama? The more, the merry Christmas." Sabat naman ni Aragon na kunwari ay tumutulong kay April sa paglilinis ng kanilang bakuran.

Mula sa kabataan ni April hanggang ngayon ay isa na talaga sa mga hobby niya ang mag-alaga ng mga halaman. Na kalaunan nga ay naging hobby na rin ng triplets. 

"The more, the merrier iyon, Aragon. Isa pa 'to. Iniistorbo mo lang naman po riyan ang mga ants atsaka kunwari help mo si Mama." 

"Help ko naman talaga e." Kagyat na inabot ni Aragon ang laruan nitong pruning shear at nilagas ang madaanang damo. "O, kita mo. Ang galing ko. Mama, is 'da best ako, hindi ba?" 

"Siyempre. Lahat kayo the best." Proud na wika ni April.

"Naku po, 'Ma. Isda-fish po si Aragon. Peyborit niya po 'di ba ang fish na corol orange na adobo kaya alam ko magiging fisherman ka, Aragon." 

"Oy, hindi a! Gusto ko farmer para marami tayong bigas tapos tutuparin ko kay Mama ang pramis ko." Nagmamalaking sabi ni Aragon.

"Pramis? Iyong bahay kubo kahit munti, ang halaman doon ay sari-sari. Singakamas at talong, sigarilyas at kangkong ganoon?" Sikmat naman ni Alamo sa kapatid na si Aragon. Sa kanilang tatlo kasi ay ito ang umaapaw ang mga pangako pero ito rin ang walang gana na pumasok sa childhood development center.

"Iyon mismo."

"Kaya mo po lahat iyon, Aragon?" Alabama asked doubtfully.

"Sisiw lang iyon sa akin, Aba. Ang galing ko kaya. Lahat ng halaman sa bahay kubo itatanim ko tapos bebenta ko tapos yayaman na ako. Mayaman na mayaman hanggang Manila zoo."

"'Sus! Manila zoo ka lang? Ako hanggang planet Nemic ang yaman ko. Tapos ako ang hari nila ro'n atsaka si Piccolo at San Goko, 'sus alalay ko lang 'yon. Tapos dadalhin ko ro'n si Haruko, dyowain ko s'ya 'pag i-break n'ya si Sakuragi." Nagpataasan na ng ihi ang magkapatid.

Habang pinapanood si Aragon at Alamo sa childish na talumpati ng mga ito ay naalala niya bigla ang kupal na lalaking iyon. Gustong sabihin ng isipan niya na doon namana ng mga anak niya ang pagiging boastful ng mga attitude nito. Iwinasiwas kaagad ni April ang opinyong iyon.

"Oy, Kuya Alamo. Sama please ako sa Dragon Ball. Sosyotain ko lang si Trunks kasi poging-pogi siya. Bagay na bagay kami kasi ganda-ganda ko." Napangiwi si April sa lantarang kilig na pinakawalan ng apat na taong gulang niyang supling na si Alabama. Kay bata-bata pa pero maalam na sa syotaan ang isang 'to. Dinaig pa siya.

"O s'ya! Stop na sa trunks-trunks na usapang iyan. Akyat na tayo para makaligo na. Aba, punas lang muna tayo ha? Kasi bawal kapa maligo."

Dahan-dahang inalaayan ni April si Aba pababa sa hammock na ginawa ni Garett kahapon. Naka-guwardya rin sa likuran ni Alabama ang mga kapatid niyang si Alamo at Aragon upang masigurong maayos siyang makakababa sa lupa.

Nagpatiuna ang tatlo patungo sa tatlong baitang nilang hagdan paakyat ng bahay. Naghahagikhikan pa ang mga ito at pabulong na nagpatuloy sa paksa nilang si Trunks. Si Alamo at Aragon ay nasa magkabilang side ni Aba at nakaakbay sa kanilang nag-iisang prinsesa.

That's the most priceless view that April won't ever resist to look at. She could look at it every second of her life. The triplets are the people who came into her life out of nowhere and suddenly means the world to her. And being the mother of these wonderful kids is the best feeling in the world.

Sana lang dumako pa sa walang hanggan ang pagiging Ina niya kina Alamo, Alabama at Aragon. Pero malaking banta sa kasiyahan nilang mag-iina ang paglitaw ng Wolf Atlas na iyon.

ARAW ng Lunes ay maagang pumunta ng municipal hall si April upang lakarin ang kanyang Mayor's Permit na isa sa mga required na papeles upang makapagbukas na siya ng kanyang maliit na delicacy outlet. Mayor's Permit na lamang ang kulang niya at ewan ba niya kung bakit pahirapan ang pagkuha nito ngayon samantalang ang dali naman kumuha nito dati. 

Bago na rin kasi ang Alkalde sa kanilang munisipyo at ang prediction niya ay baka may kinikilingan ito na siyang hindi imposible.

"Miss Nuyda, right?" Isang on-the-job trainee ang lumapit kay April bago pa niya idugtong ang sarili sa pila ng mga kukuha ng naturang permit. She remembered that it was the same girl who told here last Friday na hindi pa siya maaaring issue-han ng permit at bumalik na lamang sa araw na iyon.

"Yes. Ako iyong kukuha sana ng Mayor's Permit last Friday in case nakalimutan mo 'ko." 

"Hindi naman po, ma'am kaya nga naalala ko pa ang apelyido ninyo." Shyly, the girl replied.

Hinandugan naman ito ni April nang isang friendly na ngiti. "Ayos lang. So, ngayon sure naman na makakakuha na ako ng permit, hindi ba?"

"Ay, opo, ma'am."

"Here's my receipt. . ." Iaabot pa lamang sana niya ang resibo sa binayaran niyang permit sa treasurer's office pero imbes na kunin ng babae ay iginiya siya nito sa ikalawang palapag ng hall.

Doon daw ang claiming section ng permit ayon dito which is doubtful pero sumunod na lamang siya. Kailangan niya iyon e. Gusto na niyang magbukas ulit ng delicacy outlet upang source of income niya. Paano na lamang niya bubuhayin ang mga anak niya kung aasa lamang siya sa patumpik-tumpik na orders?

"Puwede na po kayong pumasok sa loob, ma'am. Good luck!" 

Wala sa loob na nagtaray si April sa sinabi ng babae. Mabuti na lamang at mabilis na itong nakaalis at hindi napansin ang unfriendly niyang reaksiyon. 

Good luck? What's her problem? 

Nevermind! Dahan-dahan na lamang na itinulak ni April ang pintuang nasa kanyang harapan. She entered silently and closed the door.

"Olá." (Hello.)

Muntik nang umalpas sa kamay ni April ang colored envelope na hawak niya nang lumantad sa mismong harapan niya ang hindi inaasahang bulto. She wasn't aware where the hell he came from. Parang malakas na sinipa ang utak niya papunta sa kabilang dimension ng planeta nang makita niyang muli ang taong malapit na niyang isumpa kahit wala naman itong mabigat na atraso sa kanya. She just hate him with a burning passion. Period!

And there's the Brazilian monk in front of her again. Tumahip na naman ang balawis na pakiramdam sa kalooban ni April.

"Psh. You look so cute when you're startled. Surprised!" 

Marahas na tinampal ni April ang kamay ng ungas nang nanggigigil nitong kurutin ang kanyang pisngi. She didn't expect that kind of cordial gesture from him.

Feeling close, gano'n? Hayup!

"Puwede ba? Huwag mo nga akong mahawak-hawakan diyan. Hindi kita kilala!" 

Halos magsirko ang sikmura ni April nang maalala na naman niya ang huling pagkikita nila ng lalaki doon sa dati niyang bahay. At kumunyapit din sa alaala niya ang mahalay na ginawa nito bago sila nagkaharap nang araw na iyon.

Ang dumi ng tingin niya sa lalaki. Mainam na't hindi siya mahawakan nito baka ginawa na naman nito iyong kalaswaan na iyon kanina. Who knows? Mabuti na ang sigurado. Hindi naman sa pag-iinarte 'no?

"Woah! Untouchable goddess, are we?" He said, flashing a vibrant smile. This guy always got this vibes with him that every people will get a feeling that 'he must be filthy rich' without any luxurious accessories in his body.

In fact, he's only wearing a ripped biker denim trouser with a vintage patchwork and plain shirt with a distressed jacket's on but goodness! This guy looks sinfully handsome and God must be unfair for getting rid off any flaw from this creation.

"But anyway, you got me there. Hindi mo pa pala ako kilala." Ipinilig nito ang ulo at sandaling napipilan habang parang may nginunguya sa inner lip niya.

"At wala akong balak na kilalanin ka! So if I were you, I wouldn't mind introducing myself, though." April remarked acidly as she clutter her vision behind the arrogant man. Nasaan ang alkalde o ang staff sa claiming section? Bakit naroon ang ungas na iyon sa hall?

"Cruel! E paano kung gusto kong magpakilala? Let me just informed you that this is a once in lifetime privilege." Maangas na buwelta nito at hindi iyon nagustuhan ni April.

"Gusto mong magpakilala? Puwes umalis ka sa harapan ko at bumaba ka ro'n sa stage ng municipal hall at humarap ka sa national road. Pumwesto ka sa podium at doon ka magpakilala at magyabang! Huwag ako!"

"Hayst! E sa ikaw nga ang gusto ko." Tila batang maktol nito na ikinakunot ng noo ni April. Hindi aasahan ng sino man na may childish side pala ang isang mayabang na tulad nito. "Gusto kitang makilala. Gusto kitang makausap. Gusto kitang maging kaibigan. Gusto kong mag-apologize about my rudeness the last time we saw each other. I thought I scared you kaya tumalon ka sa bintana. And you know what? I almost had a heart attack and amazed at the same time when I witnessed a gorgeous woman jumping off the window though it was so freaking risky. Ang galing mo ro'n pero last mo na iyon kasi delikado. Hindi nararapat na mahulog sa bintana ang napakagandang likha na kagaya mo. Dapat sa isang big shot at guwapong tulad ko."

April heartbeat went totally freak with his set of words. It was so kind. Pleasant in ear kahit pumatida na naman ang kayabangan nito sa bandang dulo ng talumpati nito. Hindi naman siguro appreciation ang naramdaman niya kasi ang alam niya ay asar siya sa taong ito.

"G-gorgeous? Me?" She stammered.

He skeptically nodded and caught her eyes. Pumingol na naman ang pambihirang pulsation na iyon sa dibdib niya. Tila nanlambot si April. Naalala niya kasi ang kanyang yumaong asawa na si Gino. 

Gorgeous. Iyon ang palaging nasa heading ng love letter nito na ipinapadala sa kanya. 

"Yes. You're gorgeous. Hindi mo alam?" 

Wala sa sariling napailing si April. Hindi sa hindi niya alam o sumasang-ayon siya sa papuri ng lalaki ngunit kinutkot na ng masasayang alaala nila ni Gino ang tapang niya. She can't argue with him more.

A disturbing grin appeared in his lips. Doon natauhan si April. "So now, dalawa na tayong may alam na maganda ka." Himig nang-iinsulto ito. At sinapok nga ni April ang makapal nitong pagmumukha gamit ang bitbit niyang envelope. 

"Leave me alone!" Without glaring at the man who's following her, she said furiously.

"Where are you going?"

"Hahanapin ang Alkalde at nang maabisuhan siya na may teroristang nakapasok sa munisipyo."

"Oy, hindi ako terorista ah? Sa guwapo kong 'to, pagkakamalan mo akong gano'n." Sinabayan siya nito pababa ng hagdan. Iniisang hakbang lang nito ang bawat pares na baitang ng konkretong hagdan. "I am getting friendly here. Kausapin mo naman ako ng maayos. Let's be decent to each other."

"Stop following me! At huwag kang magkakamali na gamitin ulit ang salitang decent kasi ikaw mismo ang nagbabahid ng dumi sa salitang iyon." Asar na asar na talaga si April Rose. Kung wala lang ibang tao roon ay baka itinulak na niya sa hagdan ang makulit na lalaki. 

"I have your permit." Saktong napatigil si April sa exit door ng municipal hall. "At dadaan din sa mga kamay ko ang occupancy permit at locational clearance ng itatayo mong outlet. Ang gagawin mo lang ay kausapin ako ng maayos and you'll have it all plus a lifetime rent-free store since that building is mine."

"Ano?" She hissed frantically. His? Sa siya ba ang may-ari ng mundo?

Ano'ng kaletsehan ang pinagsasabi ng kumag na 'to?

"That is a deal, Miss Nuyda. Take it or-"

"Mama, mama. Mama ko..." Pakiramdam ni April ay sumabak siya sa ice bucket challenge sa sobrang panlalamig ng mga kamay niya nang tumakbo sa direksyon niya si Alabama. Hindi na mapakali sa pagkabog ang puso niya sa halu-halong emosyon ng mga sandaling iyon. "Ba't ang tagal n'yo po? Si Aragon po hindi papigil at bili po siya ng harmful food do'n po sa Ale na may suot pong drooler bib sa bewang." 

Kung ano ang reaksyon niya ay tumugma rin ang reaksyon ni Wolf Atlas habang nakadukwang sa apat na taong gulang na si Aba. Like April, Wolf also froze on his spot. Tila hindi nito alam kung ano ang iaakto sa mga sandaling iyon.

"Hello po, Mamang poging kasama ng Mama kong maganda. Artista po ba ikaw?" 

God, help me!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status