Share

MADILIM NA KAHAPON

                           Chapter 3

   Lingid sa kaalaman ni Brenda may tinatagong lihim pala ang kanyang Inay  Elaine at Itay  Tenor sa kanya. Kaya ganun na lamang kung magselos at magalit ang kanyang ama sa kanyang ina.

     "Patayin niyo na ang ilaw sa kwarto matulog  na kayo  bukas may pasok pa kayo. Brenda  tuloy ba yong palahok niyo sa skul bukas" tanong ni Inay sa akin. "Opo Inay si Marlon na nagbayad ng costume ko" . Nahiya nga po ako Inay." " Bait talaga ng batang iyan hayaan mo anak pagmalaki kita ko sa paglalabada bayaran mo si Marlon nakakahiya na siya pa magbayad." Wika ni Inay. " opo Inay, cge po matulog na po ako Inay maaga pa ako bukas". Cge , anak matulog na rin ako nag aantay na ama mo baka mamaya aawayin na naman ako." Patawang sabi nito sa akin.

        Pagpasok ni Aling Elaine sa kwarto nila mag asawa. Agad nitong kinandado ang pinto at tumabi na sa paghiga sa asawa nito sa kama. Akala niya tulog na Mang tenor .Bigla itong nagsalita ng mahina.

   " Kailan mo sasabihin kay Brenda na  hindi ko siya tunay na anak at mayaman ang kanyang ama?tanong ni Mang tenor . " kung maari Tenor huwag na natin ipaalam sa kanya na anak ko siya sa pagkadalaga. Maawa ka sa akin baka magalit at  magtampo siya sa akin at iiwan tayo.  Ayoko mawalay sa akin ang aking anak. " nagmamakaawang sabi nito sa asawa.. " Hangggang kailan mananatiling nakatago ang mahalagang lihim sa kanyang buhay.  Baka pagsisihan mo ito pagdating ng tamang panahon at sa iba pa niya malaman ang katotohanan sa pagkatao niya.  Malaki na si Brendda ito na ang tamang panahon uoang malaman niya ang tungkol sa kanyang pagkatao Elaine. Kung ako lang masusunod ipagtapat ko na sa bata ang matagal ng  nakatagong lihim sa kanyang pagkatao. Wika nito. " Tama na nga yan Tenor matulog na tayo bukas maaga ka pa naman aalis. Ayoko muna sabihin saka na pagkailangan . Ayoko masaktan ang anak natin. Ayokong marinig kung anuman ang kanyang mga sasabihin. Natatakot ako. Oo inaamin ko nagkamali ako . Nagkasala ako sa relasyon natin pero diko naman sinasadya yon bata pa tayo noon at dipa naman natin alam kung paano humawak ng relasyon di ba.  Kaya ng umalis ako sa amin noon at nagtatrabaho sa Maynila nakalimutan na kita agad. Patawarin muna ako. At salamat na ikaw ang umako noon sa aking pagbubuntis. Alam ko masama ang loob mo kaya mo ako lagi sinasaktan. Pero diko naman sinasadya ang lahat na mga nangyayari sa akin noon. Pero kahit papaano. Malaki pa rin ang pasasalamat ko sa Diyos at saiyo dahil kahit na nagkasala ako sa relasyon natin pero pinakasalan mo pa rin ako. Salamat Tenor. " sabay yakap sa asawa nito. " Kaya nga dahil sa mahal na mahal kita kahit ganoon paman nangyari saiyo ay tinanggap pa rin kita at pinakasalan. Wala akong pakialam ano sasabihin ng mga tao mahalaga mahal kita at kasama kita habang bubay. Patawarin mo rin ako kung lagi kita nasasaktan kapag naalala ko ang ginawa mo. Ngayon ko lang napagtanto na di pala dapat kita sinasaktan dahil di naman sinasadya ang lahat. Patawarin mo ako Elaine.? Sabay yakap ng mahigpit sa asawa. Umiyak si Elaine . " Naunawaan naman kita kaya kahit anong pananakit na ginagawa mo sa akin nandito pa rin ako kasama mo at sa mga anak natin. Aaminin ko na minsan naisip ko na na iwanan ka at ang mga anak natin . Napupuno na rin ako minsan katulad kanina.  At sinabi ko sa mga bata isang  pang pambubogbog ang gagawin mo sa akin ay iwanan ko na kayo. Kaya nag iyakan mga anak natin kanina. " Patawarin mo na ako. Mahal na mahal kita ." Alagaan mo ng mabuti mga anak natin kapag akoy wala na lagi mong tandaan mahal na mahal ko kayo. Ang sinabi ko sayo. Dapat sabihin muna kay Brenda baka pagsisihan mo pa yan pagdating ng panahon." Sabay halik nito sa noo ng asawa. "Tulog na tayo." Ani ni Mang Tenor. Di makatulog si Aling Elaine may kung anong kirot at kaba sa kanyang dibdib kung bakit parang mga sinasabi ni Mang Tenor sa kanya parang namamaalam na. Nanghingi pa ito ng patawad sa kanya . Samantalang noon galut na galit ito sa kanya kapag maalala ang ginawa niya. 

     Kinabukasan maaga pang  bumangon ang mag ama.  Si Brenda na ang nagluto ng almusal .

   " Itay bat ang aga mo, ?" Tanong ko sa aking ama. " May kailangan kasi kaming tapusin mamaya anak sa 5th floor. Kasi darating bukas si engineer kaya nagmamadali kami." Paliwag ni itay. " Ingat po kayo Itay nasa ikalimang palapag na pala kayo. Doble ingat po  mahal po kita at maraming salamat po sa pagmamahal niyo ni Inay sa aming magkakapatid." Sabay yakap ko kay Itay.  Nakangiti lang si Itay sa akin at parang may gusto siyang sabihin. " cge po Itay maliligo na ako kailangan ko makarating ng maaga sa eskwelahan  may palabas kasi kami mamaya  Itay" . Bakit ngayon na ba paligsahan niyo sa skul?;tanong ni Itay. " opo Itay ngaun na.  Sana makapanood kayo ni Inay para makita niyo ako lung gaano ako kagaling sumayaw hahaha.pagmamayabang ko sa aking ama" Goodluck anak ha, kung puwede lang sana lumiban sa trabaho bakit hindi ako manood.. Sana manalo kayo. Sige mauna na ako umalis  anak." Paalam ni Itay. Hinalikan niya ako sa noo. Nakapagtataka di naman ako hinahalikan ni Itay bakit ngayon humalik siya sa akin na para bang namamaalam na. 

    Dali dali akong naligo at nagbihis na pagkatapos  ay umalis na rin. Dami ng tao sa skul. " Asan na kaya sila." Tanong ko sa  aking sarili. "Brenda !Brenda! Halika dito sa bandang likod nandito kami", sigaw ni Marlon sa akin. Dali dali ko silang pinuntahan. "Maghanda na kayo pang lima tayo na kalahok". Sabi tItser namin. Kinakabahan ako. Di ako mapakali si Itay ang laman ng isip ko. 

  

     Sabay sa pagtawag ng kanilang numero ay siya rin pagkalaglag ng ama ni Brenda sa gusaling pinagtatrabahuan nito. Dead on arrival ito pagdating ng ospital. Basag ang kanyang ulo at bale bali mga buto nito.  

     " Marlon bakit kinakabahan ako?". Tanong ko kay Marlon. Relaks kalang mag uumpisa na tayo dapat manalo tayo para may iuwi kang pera sa inyo." Excited ka lang .  Nakangiting sabi nito. Si Itay nandito nakita ko siya nakangiti at kumaway sa akin." Sabi ko kay Marlon. Bigla po akong nagkaroon ng lakas ng loob ng nakita ko ang aking ama na nakangiti ay kumakaway sa akin. " Saan siya? Nawala na natabunan na ata ng mga tao.  Mahalaga nandito si Itay. Tinawag na kami at umakyat na agad kami ng intablado. Palakpakan ang mga manonood. Magaling daw kaming sumayaw at sabay sabay lahat.   

      Nang natapos na ang paligsahan grupo nina Brenda ang kampyon. Lahat ay masaya .

    " Paano yan nanalo tayo. Sabi ng isa naming kaklase. " Brenda ! Halika muna ! Humagangos na sigaw ni Warren  . " Bakit ? Tanong ko. " Wag ka mabigla patay na ang  Itay mo. Nahulog siya sa ikalimang palapag ng gusaling pinagtatrabahuan niya. Wika ni Warren. Halos di ako makagalaw. Di ako makapagsalita. Nanginginig buo kung pagkatao at halos na di na ako makagalaw. " Ano sinabi mo Warren. Hindi totoo yan . Nandito si Itay kanina nakita ko kumakaway pa nga sa akin.paano siya namatay nakita ko siya dito kanina" umiiyak na ako. " Patay na nga ang tatay mo. Huminahon ka Brenda. Alam ko  naman gaano kasakit mawalan ng  isang ama ." Paliwanang ni Warren. Agad akong umalis at umuwi tinakbo ko lang pauwi. Pagdating ko sa bahay nasa punerarya pa daw ang bangkay ng Itay.  Agad kung pinuntahan ang punerarya kung saan nandoon ang bangkay ng aking ama . Nadatnan ko si inay na humahagulhol sa iyak. Pati mga kapatid ko.

     

       " Inay, ano po nangyari bakit po nalaglag ang Itay? Tanong ko habang umiiyak. " Aksidenteng naputol daw ang lubid na tinatali niya sa kanyang katawan bago umakyat sa ikalimang palapag. Yan ang sabi ng kanyang mga kasamahan ." Paano na tayo ngaun? Di ko kayo kayang paaralin na lima ...magkano lang kita ko sa paglalabada." Saka na natin isipin yan Inay ang mahalaga ngaun  maipaburol natin si Itay ng maayos at maipalibing. Paliwanag ko kay Inay. Sobrang sakit po talaga na mawalan ka ng isang  haligi ng tahanan.

 " Tama si Inay paano na kami ngayon wala na si Itay. Hindi ka namin makakalimutan Itay?! Kaya pala nakita kita kanina. Salamat saiyong pagmamahal  sa akin at lalo na sa mga kapatid ko. At saka kay Inay Itay....hindi kita malilimutan...huhuhu.Kumakaway ka pa sa akin kanina habang nasa likod kami .  Napagkasunduan naming mag iina na hindi na kailangan iburol si itay ng matagal. Kinabukasan ilibing na agad si itay. Wala naman  komontra sa mga kamag anak ni Itay. Pagdating namin sa bahay nakaayos na ang bahay at nagulat ako  sa aking nakita. Nakaayos na ang pagbuburulan ni itay. At ang nag ayos ay ang titser  ko at mga kaklase . Nandoon din sina  Marlon. at Warren

      "Ikinalulungkot namin ang nangyari saiyong ama. Nandito lang kami handang umalalay po at tumulong sainyo.."Wika ni alysa. "    " Maraming salamat sainyong pagdadalamhati." Sagot ni Inay sa kanila.  Kinabukasan po agad na inilibing si Itay. Marami namang tumulong sa amin upang maayos ang pagkaburol at paglibing. 

      " Brenda, tanggapin mo itong sobre. Galing po yan sa mga magulang ko." Wika ni Marlon. Maraming salamat Marlon hindi ko tatanggihan ito dahil kailangan po namin ito. " Maraming salamat. Sagot ni Inay.

     Maraming tao ang pumunta sa bahay at nakimiramay sa amin. Kinabukasan libing na ni Itay .  Nagsidatingan ang kanyang mga kasama sa trabaho. Nagbigay din ng tulkng ang kanilang amo. Kahit papaano nakakatulong din sa mga gastusin. Inihatid na sa huling hantungan si Itay. Humahagulhol na naman sa pag iyak sina Inay at mga kapatid ko. Ipinasok na si Itay sa kanyang libingan. Wala na akong luha na mailuha pa kaya di na ako umiyak pa.. Iniisip ko paano na kami nito ngayon. Kawawa mga kapatid ko. Si Inay ayoko maglalabada  pa siya. Kailangan makapag isip ako ng maayos. 

Nagsiuwian na ang lahat.  Iyak pa rin ng iyak si Inay kami nalang naiwan at medyo madilim na. " Inay uwi na tayo." Tahan na po Inay masakit man ang pagkawala ni Itay pero wala na tayo magagawa hanggang dito nalang talaga ang buhay ni Itay. Mabuti naman at tumayo na si Inay at lumakad . Sinundan   namin halos di niya maihakbang ang kanyang mga paa. Pagdating namin sa bahay mabuti at nandoon din lahat mga kapatid ni Itay at mga kamag anak sila na mismo ang nag asikaso sa mga bisita. Nagluto ng mga pagkain, nagbigay ng mga kape at tinapay. Habang yong iba naman ay abala sa sugal. Nang may kotseng dumating. Nagulat ako ng nakita ko si Marlon na lumabas ng kotse at may kasamang dalawang medyo may edad na. Nagulat din si Inay at agad ito tumayo at sinalubong ang dalawang bisita na kasama ni Marlon. 

         " Magandang gabi po mam , sir. Salamat po sa pagpunta". Sabi ni inay.  " Nakikiramay po kami sainyo Elaine. Di namin akalain na asawa mo pala ang namatay. Kung hindi sinabi nitong anak namin na si Marlon ay hindi namin alam."sabi ng ina  ni Marlon. " Anak niyo pala si Marlon mam ? Lagi yan dito sa bahay magkaklase sila ng anak ko. Brenda!."  Tawag ng inay sa akin." Opo Inay. Magandang gabi po." Magandang gabi din naman. Napakagandang bata . Magkaklase pala kayo ni Marlon.? Ikaw pala yong lagi niya kinukwento sa amin." Nakangiting taning ng ina ni Marlon. " Opo mom, dad siya po si Brenda ".pakilala ni Marlon sa akin. " ang liit talaga ng mundo anak ka pala ni Elaine. Tapos hindi rin alam ng nanay mo na anak namin si Marlon. Hahahha". Sabay tawa ang mag asawa. Siya nga pala Elaine, di na kami magtatagal dumaan lang kami kasi nagtataka kami bakit itong anak namin e si Brenda ang laging bukang bibig kaya sabi namin daan muna dito para makilala naman namin kung sino ba talagang Brenda lagi nitong bukang bibig. Kunin mo ito pasensya ka na yan lang ang dala naming cash. ". Naku mam/sir , malaking tulong na pi ito para sa aming pagluluksa  maramjng salamat po. ". Pasasalamat ni Inay sa mga magulang ni Marlon Xer. " walang anuman. O siya Marlon mapaiwan ka ba dito ? " tanong ng ama ni Marlon na si Mr. Rex Xer. " Puwede  po ba daddy samahan ko lang muna si Brenda nandito naman lahat po ng mga kaklase namin at titser. " ika ni Marlon. " Sige, tawagan mo na lang ang driver natin kapag magpapasundo ka na . Ingat kayo. Brenada ikaw na bahala muna kay Marlon." Bilin ng ina ni Marlon. " Opo Tita .      Umalis na mga magulang ni Marlon, samantalang malungkot ulit ang Inay. Umiiyak ulit habang tinitingnan ang lumang litrato ng itay. Hinayaan na lang namin siya. At ainabihan ko na magpahinga  na lang muna. Lumapit din si titser Charmaine Reyes. Ganun din ang kanyang sinabi kay Inay. Sumunod naman ito. Pumasok sa kwarto na walang kibo. Awang awa ako kay Inay. Pinatulog ko din mga kapatid ko. Baka magkasakit pa kapag masobrahan sa puyat.  Marami pa ding tao kahit mag uumaga na.  Tinanong ako ng titser ko kung ano ang plano ko. " Diko pa po  alam titser Charmaine Reyes pagod pa po ang utak ko.". Ang tugon ko sa kanya. "  Basta Brenda, kung anu man ang problema mo  huwag kang mahiya magsabi sa akin nakahanda akong tumulong sainyo kahit papaano. Napamahal ka na din sa akin. Parang anak na rin ang turing ko saiyo.   Sainyong  lahat na mga estudyante ko." Wika ng titser ko. " Maraming salamat po titser sobrang bait niyo po. Sana marami pang titser ang katulad niyo na sobrang bait, matulungin at suportib. Kahit sa anong bagay. Napakabuti niyo po. " nakangiting sagot ko sa napakaganda kung titser.  Masuwerte ako kahit saang anggulo di ba kasi lahat mahal ako at ang pamilya ko. Pero ang tanong hanggang kailan. Isa isa na nag uwian ang mga nakikiramay sa amin  Nagpaalam na rin sina titser at mga kaklase ko. Sinundo na rin si Marlon ng kanilang drayber  at nagpaalam na rin si Warren a Gilda sa akin ang matatalik kung kaibigan.  Dahil sa pagod at puyat nakatulog ako sa labas  ng bahay. Nagising si Inay at pinalipat ako sa kwarto . Alas 6 na pala ng umaga. " Anak gising, lipat ka doon sa kwarto. Anak !. " inay gising na po kayo? " tanong ko sa kanya na halos diko pa maimulat ang aking mga mata. " lumipat kana at matulog ako na bahala dito." Opo Inay. Pagpasok ko ng kwarto tulog agad ako at diko na alam ano nangyari. 

              NAG LINIS ANG INA NI BRENDA HABANG MGA ANAK NITO AY TULOG PA RIN. NAALALA NA NAMAN NITO ANG KANYANG ASAWA NA SI MANG TENOR. AT UMIIYAK NA NAMAN  ANG INA NI BRENDA. DUMATING ANG KAPATID NI MANG TENOR NA SI EMA .

          "Ate Elaine, kumain na po kayo. Ito nagluto ako ng gulay  maganda ito sainyo na puyat. Ganun talaga ang buhay nauna lang si kuya Tenor kaya tanggapin nalang natin. Huwag ka na malungkot nakatingin lang si kuya sa atin. " ika nito. " Salamat Ema  kain tayo sabay na tayo mamaya na mga bata tulog pa lahat.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status