Share

MADILIM NA KAHAPON

                          Chapter4

      LUMIPAS ANG ILANG BUWAN  PAUBOS NA ANG PERANG BINIGAY SA KANILA NG MGA TUMULONG. AYAW DIN NI BRENDA NA MAGTRABAHO PA ANG KANYANG INA DAHIL AYAW NITO MAGKAKASAKIT DAHIL SA PAGLALABADA. KAYA PINAG ISIPAN NIYANG MABUTI KUNG  ANO ANG KANYANG DAPAT GAWIN. NAGDESISYON SI BRENDA NA HUMINTO NALANG NG PAG AARAL DAHIL HINDI KAKAYANIN NG KANYANG INA NA BUHAYIN AT PAG AARALIN SILANG LIMA. KINAUSAP NI BRENDA ANG KANILANG TITSER.

       " Titser puwede po ba kayo madisturbo saglit may sasabihin lang po sana ako sainyo." Ani ko. " Opo Brenda halika, maupo ka. Ano ang sasabihin mo sa akin mukhang mahalaga iyan? Tanong ng titser. " Magpapaalam sana ako sainyo na hihinto na po ako sa pag aaral. Kailangan ko po magtrabaho para makapag aral ang aking apat na mga kapatid. At ayoko rin na magtrabaho pa si Inay dahil sumasakit na din ang kanyang likod sa paglalabada." Paliwanag ko. Biglang nalungkot si titser at umiiyak na . " Sayang  Brenda matalino ka pa naman at napamahal kana sa amin ng mga kaklase mo. Pero wala din kani maitulong sayo ng todo.  Hindi naman namin maibigay ang lahat na pangangailangan niyo mag iina. Nasa iyo ang desisyon. Bilang guro mo nalungkot ako. Pero mag ingat ka lagi saan ka man paparoon. "Maraming salamat po titser Charmaine. Hindi ko po kayo makakalimutan. Kayo nalang po bahala magsabi sa mga kaklase ko kung magtanong sila. "Kung  sakaling magtrabaho ka saan ka magtatrabaho nga pala?" Tanong ni titser na pinapahiran pa rin nito mga luha. " May kakilala po kasi ako titser sa kabilang bayan, knalok niya po ako na magtrabaho sa Maynila. Naghahanap daw po ng tauhan ang pinagtatrabahuan niyang restaurant po." Sabi ko. " Matagal mo na bang kakilala yon baka naman maloko ka brenda mag ingat ka.!" " Opo titser, matagal ko nang kailala iyon siya si Marian Pablo. Matagal na rin siya nagtatrabaho sa Maynila umuwi lang siya dahil nagkasakit ang nanay niya at nagkataon nannapadaan siya sa bahay kahapon  nagpagamot sila sa albularyo malapit sa amin . Kaya nagkita kami at nagkwentuhan sandali habang hinihintay nila ang albularyo. " paliwanag ko kay titser. " o siya cge pero mag ingat ka iba ang Maynila kaysa sa atin."pag alalang bilin ni titser Charmaine Reyes sa akin. Nakita ko sa mga mukha ng aking titser ang lungkot at pag alala. Bago ako umuwi nagpaalam muna ako sa kanya. " Titser Charmain uwi na po ako. Hindi na po ako magpaalam sa mga kaklase ko nasa likod pa sila naglilinis ng bakuran. Hindi nila alam na uuwi na ako." Mag ingat ka Brenda kailan ba ang alis mo? " tanong nito. " Pupunta pa ako sa kanya bukas para masabi ko na sasama ako sa kanya pagbalik ng Maynila. "  Tanggapin mo kaunting halaga para baon mo at pambili mo ng pangangailangan mo sa pag alis." Salamat po titser ang bait niyo po sobra. " niyakap ako ni titser at ang iyakan kami. Nagpaalam na ako baka kasi maabutan pa kami ng mga kaklase namin at mapigilan pa ako na hindi aalis lalo na si Marlkn kaya nagmamadali na akong umalis. Pagdating ng bahay. Tahimik at tulala na naman si Inay. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit.

      " Inay, hihinto nalang po ako sa pag aaral. May nakilala kasi ako na naghahanap po ng tauhan sa isang restaurant  sa maynila. Alam ko naman po na nahihirapan ka  lalo na ngayon 
     Wala na si Itay. Wag kang mag alala Inay gagawin ko ang lahat matulungan lamang kayo". Iyak kung sabi kay Inay. Umiiyak na rin siya humahagulhol habang yakap yakap ako." Anak, ako nalang ang aalis para sainyo dito lang kayo mag aral kayo. Huwag kang huminto sa pag aaral. Ako na magtrabaho. Kaya ko kayong lahat. Magtiis lang muna tayo sa ngayon. Marami naman ang tumutulong sa atin. Hindi ako papayag na titigil ka sa pag aaral mo. Hindi. Mag aral ka obligasyon ko kayo. At nangako ako sa Itay niyo na hindi ko kayo pababayaan anuman mangyari." Sabi ni inay habang umiiyak na yakap yakap ako ng mahigpit." Pero Inay, nakapagpaalam na po ako sa skul at pumayag na po sila. Bukas po puntahan ko po ang kaibigan ko sa kabilang bayan upang sabihin sa kanyan na sasama na ako sa kanya pagbalik ng Maynila."   "Pero anak bata ka pa at hindi mo pa alam ang magtrabaho." Pag alalang sabi ni Inay. " Inay dalaga na po ako im 17years old na po. Marunong na po akong tumayo sa sarili kong paa. Kailangan ko pong maging matatag at magtiwala sa aking sariling kakayahan para matulungan ko po kayo at ang mga kapatid ko. Huwag po kayo mag alala Inay kada sahod pi magpapadala po ako  para sa mga pangangailangan niyo po." Pamiwanag ko kay Inay mas lalong humagulhol itonsa pag iyak at naiyak na rin ako. Mas lalong humigpit ang kanyang pagkayakap sa akin. Maya maya pa'y may tumawag sa pangalan ko sa labas. Boses ng isang babae." Brenda! Magandang hapon po. " paglabas ko nakita ko ang aking kaibigan na nag alok sa akin pumunta ng Maynila kaya tuwang tuwa ako. Lumabas agad ako ng bahay at pinuntahan siya. " Magandang gabi ate Marian napadaan po kayo.? Tanong ko nito." Nagpagamot kasi kami ulit nandiyan ang nanay ko. Kaya naisipan ko daanan ka nalang para maitanong ko saiyo kung interesado ka ba para makuhaan na kita ng ticket." Paliwanag nito.  " Halika sa loob ng bahay para makausap mo si Inay ng personal." Pumasok kami ng bahay at ipinakilala ko si Ate Marian kay Inay. Nag usap sila at pinaliwanag naman ni Ate Marian kay inay ung ano ang maging trabaho ko doon.
    Sa wakas pumayag na din si Inay na punta ako ng maynila. Tuwang tuwa ako dahil makatulong na ako kung sakaling makapagtrabaho na ako sa Maynila. Agad naman nanagpaalam na si ate Marian . " paano Brenda maghanda handa kana ng mga dadalhin mo. Sunod na linggo alis na tayo." Bilin nito. Agad na itong umalis dahil tinatawag na siya ng kanyang Ina na nagpapagamot sa katabing bahay lang namin.  Nakatingin si Inay sa akin na para bang iiyak na naman. Tama nga ako. Bumuhos na naman ang mga luha nito at napahagulhol sa pag iyak habang akoy niyayakap niya. " Tahan na Inay huwag na kayong  umiyak. Di naman ako aalis na mawala na talaga sainyo. Aalis po ako para magtrabaho at makatulong po sainyo at sa mga kapatid ko.  Kaya ko po ang sarili ko Inay kaya huwag ka na mag alala." Paliwanag ko kay Inay. Napaiyak na rin ako pati mga kapatid ko. " kung buhay lang sana ang inyong ama. Hindi ka mapapalayo sa amin. Ayaw na ayaw noon na mapalayo ka sa amin at lalo nang ayaw na ayaw noon na hihinto ka para magtrabaho.  Ako nalang aalis anak huwag kana." Sambit ng Inay. " Huwag na Inay ako na. Ayokong magkasakit kayo dahil sa paglalabada.  Hindi po maganda yan sayo . Lalo na't may edad ka na. Dito ka nalang sa bahay at ako na magtrabaho. Balang araw magkita din tayong muli at magsama sama. Kaawaan tayo ng panginoon. Paliwanag ko kay inay. " Matulog na tayo Inay ihahanda ko pa bukas mga gamit ko." Umiyak na naman si Inay. Nag alala ako baka magkasakit si Inay dahil iyak ito ng iyak mula ng nawala si Itay at hanggang ngayon umiiyak pa rin. Kailangan ko paghandaan ang aking pag alis.

          Nakatulog na may luha sa mga mata si Inay awang awa ako sa aming Ina parang batang musmos na iyak ng iyak ng iniwan ng nanay. Pero nararamdaman ko din ang kirot ang sakit na mawalan ng mahal sa buhay. Tapos ako aalis din  para magsapalaran sa Maynila." Matulog na nga ako para bukas maihanda ko na ang aking dadalhin." 
       
         KINABUKASAN NAGTATAKA NA ANG MGA KAKLASE NI BRENDA AT MGA KAIBIGAN DAHIL ISANG LINGGO NA ITONG HINDI PUMAPASOK NG ESKWELAHAN. KAYA NAG USAP USAP SILA.
     
          " Bakit kaya  di na pumapasok si Brenda? Ano kaya kung puntahan natin siya sa kanilang bahay. Mag ambag ambag tayo  kahit magkano lang at mga groceries baka kasi nahihirapan na sila. Warren wala ka bang alam kung bakit hindi nakapasasok si Brenda?"tanong ni Glehn isa sa mga kaklase namin .  " Wala di ko kasi siya nakikitang lumabas ng bahay e. Baka may sakit. ". " Ano? Sige mamaya punta tayo pagkatapos ng klase. Ako na bahala sa sasakyan uwi muna ako kunin ko yong L300 namin para magkasya tayo. Hintayin niyo lang ako sa labas ng eskwelahan. Tapos deretso na tayo ng groceries bilhan natin sila ng mga pangangailangan nila sa bahay.  " ani ni Marlon. " Sige mamaya baka napaano na yong kaibigan  natin." Pagsang ayon ng mga kaklase namin.

           HINDI MAPAKALI ANG MAGKAKAIBIGAN GUSTO NILA MATAPOS NA AGAD ANG KLASE. NAPANSIN IYON NG KANILANG TITSER.

        " May problema ba kayo?". Bakit parang balisa kayo na nagmamadali na matapos na ang ating klase." Tanong ng titser nila. " Pasensiya na po titser, gusto na namin kasi makauwi na. Puntahan kasi namin si Brenda dahil ang tagal na niyang hindi pumapasok e. Bka napaano na yon.? Paliwanag ni Marlon Xer. Biglang nalungkot ang mukha ng kanilang titser. "Sige umuwi na kayo ng maaga. Pagbigyan ko kayo. Ikumusta niyo din ako kay brenda ." Malungkot na tugon nito. " Yes! salamat po titser. Nagmamadaling lumabas ng room si Marlon Xer upang makauwi na at makuha niya ang malaking sasakyan upang magkasya lahat ng mga kaklase nila. " Hintayin niyo ako sa labas ng skul! Balik agad ako." Sigaw ni Marlon. 

           Maya maya pa dumating na si Marlon dala ang L300 nito. Sumabay na ang lahat. Bago sila dumiretso sa bahay nina Brenda dumaan muna sila sa isang malaking groceries store. Namili sila ng mga delata ,noodles, biscuit, coffee, milk at bigas. Lahat yon ay pera ni Marlon.  " Itago niyo nalang yan pera niyo. Ako na ang bahala, alam kong kailangan niyo yan." Wika ni Marlon. " Ang bait mo talaga Marlon maswerte kami ikaw ang naging kaklase namin at kaibigan. Totoo kang tao at matulungin sa kapwa." Ani ni Warren.  Pagkatapos nilang magbayad ay agad na sila sumakay ng sasakyan. Tahimik ang lahat habang binabaybay nila ang daan papuntang bahay ni Brenda.

         SAMANTALANG SI BRENDA AY KARARATING LANG GALING BAYAN. NANG MAY TUMAWAG SA KANYA SA LABAS NG KANILANG BAKURAN. AGAD NAMAN ITO TININGNAN NANG KAPATID NA BUNSO NI BRENDA .

          " Ate ! Mga kaklase niyo po. Nasa labas ng bahay."sabi nito. Nagulat si Brenda kaya agad nitong itinago muna sa ilalim ng kanyang kama ang mga pinamili nitong mga gamit at damit niya papuntang Maynila. " Brenda" sigaw ng mga kaklase nito." Naparito kayo?. Gulat na tanong nito. Isa isa siyang niyakap ng mga babaeng kaklase at kaibigan. Napaiyak si Brenda. " Kayo talaga mahal niyo talaga ako. Maraming salamat  sainyong pagpunta." Iyak na tugon nito. Pasok kayo sa bahay lahat. Marlon pasok kayo kahit hindi tayo kasya maupo nalang tayo lahat sa sahig. Salamat sa pagdalaw niyo sa akin. Mabuti at naisipan niyo na pumunta dito. " paliwanag nito.

        " Nagtataka kasi kaming lahat kung bakit hindi ka na pumapasok.kaya naisipan namin na puntahan ka. ". Ani ni Marlon. " Wala bang sinabi sainyo ai mam Charmaine? Tanong ko. " Bakit ano sasabihin niya? Takang tanong ni Glehn isa sa mga kaklase namin.
        " Tumigil na ako sa pag aaral." Sabay buntong hininga ng malalim." Ano? Bakit?" Sabay sabay silang lahat na nagtanong sa akin. Gulat na gulat. " Pupunta na ako ng Maynila sa susunod na araw. Kailangan ko magtrabaho para makapagpatuloy ang mga kapatid ko sa pag aaral nila." Malungkot kong sabi sa kanila. " Teka muna yong dala natin nasa kotse dalhin niyo dito." Utos ni Marlon sa mga kaklase namin. Dali dali naman lumabas ang mga ito at kinuha ang dala dala nilang mga groceries.  " Brenda  bakit naman tumigil ka? Malungkot na tanong ni Marlon. Di ba sabi ko sayo tutulungan kita. Handang tumulong mga magulang ko sa pamilya mo." Ani ni Marlon. " Pasensiya ka na Marlon Xer.  Maraming salamat sainyong kabutihan lalong lalo na ikaw. Pero hindi habang buhay ay aasa na lang kami sa tulong. Kailangan kong kumayod para maitaguyod ko ang aking pamilya. Handa ako magtiis para sa kanila. Aalis na ako sa susunod na araw." Malungkot kong paliwanag. Nag iyakan na silang lahat. " Bakit naman kayo umiiyak para naman akong namatay niyan." Pabiro kung sabi. " Iiwan muna pala kami. Mamiss ka namin Brenda. Mag ingat ka na lang sa Maynila. Balitaan mo kami lagi siguro naman makakabili ka na niyan ng bagong celphone." Tugon Daisy Ador kaklase din namin.  " Huwag kayo mag alala di ko kayo makakalimutan. Uuwi naman ako dito magbabakasyon kung sakali basta magkita pa rin tayong lahat."sabi ko. " Kailan ba ang araw ng alis mo talaga para naman mapaghandaan ka naminn kahit papaano. " tanong ni Marlon. Di ko kasi alam malalaman yan kapag hinatid na dito ang ticket ko." Wika ko. " Araw araw dadaan ako dito para malaman ko kung kailan ang alis mo. Okey lang ba sayo Brenda? Tanong ni Marlon. " Ikaw nasaiyo na yan. Maraming salamat Marlon at sainyong lahat mga mahal kong kaklase. Mamiss ko din kayong lahat. Sana darating ang araw magkita kita din tayo lahat." Sabi ko. Pagkatapos namin nag usap usap. Nag paalam na silang lahat paano madilim na siguradong hinahanap na sila ng kanilang mga magulang. " Huwag kayo mag alala hatid ko kayo isat isa." Tuwang tuwa naman mga kasamahan ni Marlon. 
           

     "Inay . Tingnan niyo po ang daming groceries bigay nina Marlon at mga kaklase namin.  May dalawang kabang bigas pa." Tuwang tuwa kong sabi. " Naku anak ang dami niyan. Hindi na namin maubos yan ng tatlong buwan. Ang babait ng mga kaklase mo lalong lalo na si Marlon Xer." Opo nga Inay sobrang bait talaga yon. Paano Inay matulog na ako bukas ko nalang  ayusin mga gamit ko." Sabi ko kay Inay.

             Kinabukasan maaga nagising si Brenda at inayos na ang kanyang mga dadalhin. Maya maya may tumawag sa kanyang pangalan galing labas ng kanilang bakuran. Nang silipin niya ito. Si Charmain. Agad na lumabas ng bahay si brenda.
            " Magandang umaga po Ate Charmain." Bati ko. " Magandang umaga din sayo. Ano handa ka na ba."? Aalis ka na mamayang alas 5 ng hapon. Ihatid kita sa airport mamaya. Huwag kang mag-alala pagdating ng Maynila may susundo din sayo sa airport at dadalhin ka sa bahay kung saan doon ako nagrerenta. Maghanda ka na ha balikan kita mamaya mga1pm. Pakisabi na lang sa nanay mo Brenda. 

       Nalungkot ako na diko malaman kung ano ang aking gagawin. " Inay gising ka na ba. Dito na po ticket ko. 1pm babalik si ate Charmain.  " Aalis ka na mamaya?". Tanong ni Inay. " Opo Inay."sagot ko.

            SINUNDO NI CHARMAINE  SI BRENDA. IYAK NG IYAK ANG INA NITO. HINDI NA SILA PINASAMA NI BRENDA SA PAGHATID SA KANYA SA AIRPORT DAHIL ALAM NIYANG MAS LALONG BIBIGAT PA ANG KANYANG NARARAMDAMAN. PAGDATING NG AIRPORT. PINACHECK IN NA KAAGAD SIYA NI CHARMAINE. TAHIMIK LANG SI BRENDA SA LOOB NG WAITING AREA.  PAGDATING NG DEPARTURE AGAD NAMAN ITONG TUMAYO AT SUMUNOD SA MGA TAONG SASAKAY DIN NG EROPLANO. PAGLIPAD NG EROPLANO AGAD NAMAN NAKATULOG ITO DAHIL SA PAGOD.

           
      

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status