CHAPTER FIVE
"T-TALAGA po bang kamukha ko siya?" tanong ng nanginginig na tinig ni Catherine.
"Oh, Catherine, este, Arminda! Wala tayong dapat ikatakot. Tiyak na tiyak na mapapaniwala na natin si Ruel." Abot-teynga na ang ngiti nito.
Ngunit imbis na maibsan ang mga agam-agam ni Catherine, lalo pa yatang nadagdagan ang mga bagay na dapat niyang ikatakot.
Umalingawngaw sa loob ng utak niya ang mga sinabi ni Marita kanina.
"Halika na. Para hindi tayo gaanong gabihin."
Tila nawala na nga ang anumang pangamba ni Miss Mina Cervantes. Masigla ito hanggang sa makarating sila sa isang mansiyon.
Sa pinakamalaki at pinakamagarang mansiyon na nakita ni Catherine sa buong buhay niya.
"D-diyan po kayo nakatira?" paniniguro niya.
Tumango ang matandang dalaga.
CHAPTER SIX ANG gabing iyon ang naging simula ng magiging buhay niya bilang 'fake wife' ni Ruel Cervantes. Mahirap na madali. Wala siyang ginagawa kundi ang palaging maging available sa lalaki kapag gising ito. Sumisilay ang masuyong ngiti sa bibig at mga mata nito kapag nakikita siya. Iyon ang paraan ng pagbati ng lalaki. Na nagbibigay naman ng ibayong kaba sa dibdib ng dalaga. "Nagpapahinga ka rin ba kapag natutulog ako?" tanong nito nang isang linggo na siyang dinaratnan palagi sa tuwing gigising ito. Tumango si Catherine. "Oo. Kararating ko nga lang ngayong dumilat ka." "I believe you," sambit nito. "You look fresh and young, darling." Namula ang mga pisngi niya. Umiwas siya ng tingin upang makabawi ng wisyo.
CHAPTER SEVEN Natutulog ang lalaki. Kaya nagbalik na lang uli si Catherine sa itaas. Kinabukasan na siya nagtungo sa silid ni Ruel. "Good morning, Arminda," bati ng lalaki pagkakita sa kanya. Mukhang wala itong sumpong dahil masayang nakangiti. "G-good morning, Ruel," ganting-bati niya nang makalapit na siya sa kama. "Tapos ka na bang mag-almusal?" Umiling ang lalaki. "Hindi pa. Hinihintay nga kita, e." Tumango si Catherine habang lumalapit sa intercom. "Ano ba'ng gusto mong kainin?" "Fruits." Gayon nga ang hiningi niya sa kusina. Habang naghihintay sila sa pagdating ng isa sa mga katulong ng mansiyon, naupo siya sa paborito niyang footstool. "Kumusta ang araw mo k
CHAPTER EIGHT Walang imik ang lalaki nang makita siya. "R-Ruel? Pasensiya ka na. Nakatulog kasi ako at--" "Huwag ka nang magpakahirap na humabi ng mga kasinungalingan, Arminda," pakli nito. Malamig ang tono. "Hindi ako nagsisinungaling, Ruel," bawi niya. "Umuwi ako kanina. Hindi ka pa raw puwedeng tumanggap ng bisita, nung nasa ICU Room ka." Nagngalit ang mga bagang ng lalaki. "Hah! Asawa kita, Arminda. Puwede kang sumama sa akin kahit na saan ako dalhin!" singhal ni Ruel. Napatigagal si Catherine. "A-ang ibig mong sabihin, puwede kitang lapitan kanina--k-kung sinabi ko lang na ako ang asawa mo?" Kumunot ang noo ni Ruel. "Bakit? Hindi mo ba sinabing asawa kita?" pananalakab nito. Umiling si Catherine. Nanlulumo siya. Nanghihinayang.&nbs
CHAPTER NINE HINDI nag-i-ilusyon si Catherine na imposibleng madiskubre ni Ruel ang tungkol sa tutoong pagkatao niya. Palagi itong nakabantay sa bawa't salita at kilos na gagawin niya. Isang pagkakamali lang ang hinihintay nito. Tiyak na matatapos na siya. Aywan niya kung bakit. Ngunit nararamdaman niyang mayroon itong itinatagong suspetsa. Malimit niya itong mahuling nakatitig sa kanya. Para bang ngayon lang siya nakita... Papalapit siya sa pool nang marinig ang malutong na pagtawa ng lalaking laman ng isipan. Nangaligkig si Catherine. Napaka-sensuwal ng tunog. Parang mga labing humahagod sa kanyang pisngi at punong-teynga. Doon ang paboritong lugar na palaging hi
CHAPTER TEN Tumawa nang patuya si Ruel. Tinunghayan nito ang mukha niya. "Bakit ba kailangan ko pang malaman 'yon?" Ito rin ang sumagot sa sariling tanong. Habang unti-unti na namang pinagagapang ang nagbabagang bibig sa kanyang leeg, papaakyat. "Ang importante, sa akin ka na uli ngayon, mahal ko." Pasipsip na hinagkan nito ang kanyang mga labi. Ipinilig ni Catherine ang ulo. Ilang ulit iyon. Inilalayo niya ang mukha. Ngunit nakuntento ang kaniig sa kanyang punong-teynga. "Umuwi ka na uli sa akin," sambit nito. Napalunok si Catherine. Kailangan niyang iwaksi ang pagkalasing na idinulot ng naglalagablab na pagnanasa ni Ruel. "Sa akin ka na lang, Arminda. Kaya kong ibigay sa 'yo ang lahat-lahat ng ibig mo," pangako nito, paanas.&nbs
CHAPTER ELEVEN Nagmistulang panaginip na lang ang tagpong nangyari sa swimming pool. Nang sumunod na mga araw, naging payapa ang atmospera sa pagitan nilang dalawa ni Ruel. Ginagampanan pa rin niya ang kanyang papel bilang 'dutiful wife' nito. Habang pinaglilingkuran niya ang lalaki, unti-unti siyang nakakalimot. Unti-unti siyang nababaliw. Para bang nais na niyang maniwala sa pagkukunwaring ginagawa. Ano kaya ang pakiramdam ng maging isang tunay na asawa para kay Ruel Cervantes...? "Iha? Tila napakalalim ng iniisip mo, a? May problema ba kay Ruel?" Napapitlag si Catherine. Hindi niya namalayan ang paglapit ni Auntie Mina sa kinauupuan niya. "Huh! K-kayo pala, Auntie." Pinilit niyang ngumiti. "W-wala naman po akong pr
CHAPTER TWELVE HINDI inaasahan ni Catherine ang mala-paraisong lugar na naghihintay sa kanilang pagdating. Ubod nang lawak ang puting buhanginan na nakalatag sa paanan ng matayog na istruktura ala-lighthouse ang disenyo. "Nung maliit pa si Auntie, nangarap siyang magkaroon ng sarili niyang lighthouse. Kaya ganitong bahay ang pinili niyang ipatayo," pagkukuwento ni Ruel habang naglalakad sila sa dalampasigan kinabukasan. Dapithapon na sila nakarating dito matapos ang halos limang araw na paglalayag sa dagat. Sakay sila ng pribadong yate na pag-aari din ng mga Cervantes. Kasalukuyang nakadaong sa di-kalayuan ang naturang yate. Arminda. Nagsikip ang dibdib ni Catherine nang mabasa ang mga letrang nakapintura sa gilid ng puting sasakyang-tubig. Sinikil niya ang maling nararamdaman.
CHAPTER THIRTEEN Hindi kumibo si Catherine. Itinuon niya ang buong konsentrasyon sa pagkain. Pinilit niyang ubusin ang laman ng pinggan niya. Pati ang sa tasa niya. "Nagmamaktol ka ba?" untag ni Ruel nang tumagal nang tumagal ang katahimikan. Umiling ang dalaga. "Hindi." "Bakit hindi ka na nagsalita?" "Wala naman akong sasabihing importante," katwiran niya. "I see." Muli silang natahimik. Nang magsalita uli ang lalaki, tapos na sila parehong kumain. "C'mon, magpunta na tayo sa studio ko," aya nito. Tumango si Catherine. "Tatawagin ko lang si Maya para mailigpit ang mga ito." "Hihintayin kita sa sala." Nakasalubong nila si Maya sa koridor