Share

Chapter 5

WALA NA AKONG pakialam kung lumayo man ako sa kanila. I need to find a way to get out here. Dire-diretso lang ako nang lakad sa hallway na dinaanan namin kanina hanggang sa marating ko ang elevator.

I hesitated at first where floor I should go but later decided to push the button of third floor. I crossed my arms and wait for it to open nang may tumawag sa akin. Napalingon ako sa kanya. Kumabog ang dibdib ko sa kaba.

"Miss! Mahigpit po na ibinilin sa amin ni Sir. Ravence na huwag kayong palalayuin sa lugar na ’to," magalang nitong pagpapaliwanag.

I sighed. "At anong gustong mangyari ng boss mo? Ang maghintay ako sa labas ng opisina niya habang dinig na dinig ang kababuyan niya sa loob? Kung kaya mong magtiis, well, ako hindi! Kahit anong gawin mo hindi ako sasama sa ‘yo pabalik but you can accompany me instead," mahaba kong sabi.

He looked harmless and trustworthy person. Mas mabuti nang isa lang ang nagbabantay sa ‘kin kaysa roon na puno ng guards. I can't escape there.

Bumukas ang elevator at pumasok ako sa loob kasama siya. I don't look at him. Nasa harap lang ang tingin ko. Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin hanggang sa maisipan kong magtanong.

"Kabisado mo ba lugar na ’to?" tanong ko sa kanya.

"Ah, opo. Madalas akong naa-assign dito para magbantay at paalisin palabas ng Casino ang lahat ng mga taong hindi marunong sumunod sa batas," sagot niya.

Napatango-tango ako. Hindi ako mahihirapan kung ganun. I can ask him about places here without him knowing that I am making a plan to escape. Tumitig ako sa harap at nakita ko ang mukha niya. He looks clueless.

"Anong pangalan mo? Saka gaano ka na katagal dito?" curious kong tanong.

Gulat naman siyang napatingin sa likod ko. Kitang-kita ko ’yon dahil sa repleksyon niya sa wall ng elevator. He prepared himself for an answer.

"Clark ang pangalan ko, Miss. Matagal na po akong nagtratrabaho kay Sir. Ravence. Simula noong sixteen years old ako. Wala na po kasi akong magulang."

Lumamlam ang mga mata ko sa mga narinig ko sa kanya. I'm glad kahit papaano natulungan siya ng demonyo ’yon. I looked at him again. Feeling a little nervous and guilty.

"Is he bad. . . when he's mad?" tanong ko sa kanya.

"Opo. Siya po ’yung tipo ng tao na hindi gugustuhin ng kahit sino na kalabanin dahil sigurado ang kapahamakan nila sa kapag siya ang nagalit. Para siyang isang judge. Pantay ang panghuhusga niya pati na rin ang pagpaparusa," seryoso nito sagot.

I gulped. If I runaway nang siya ang nagbabantay sa ‘kin, that jerk will probably punish him. Can I afford to let this innocent boy get harm dahil lang sa pagtakas ko?

I sighed and looked up in the ceiling. Damn this kind heart. Bakit ba hindi na lang sarili ang isipin ko? The heavens already gave me the chance. Kailangan ko na lang umalis pero alam kong may mapapahamak. I hate it. Mariin akong napapikit.

Is there any other way of escaping that green-eyed devil?

"Paano nga uli ako napunta sa ganitong sitwasyon?" bulong ko sa sarili.

Napatuwid ako nang tayo nang bumukas ang elevator. I cautiously took a step forward. Napalingon ako kaliwa qt kanan dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nahalata naman ni Clark ’yon kaya nagsalita siya.

"Ito po ang drinking area kung saan ang sinong gustong uminom ay pumupunta dito," paliwanag niya.

Tama ba ang pinuntahan ko?

Napalingon uli ako sa kanya ng muli syang magsalita.

"Meron pong walong palapag ang building na ito. Sa una at ikalawang palapag naka-locate ang gambling area. Mayroon din pong restaurant sa bandang kaliwa. Dito sa pangatlong palapag naman ipinuwesto ni Sir ang mga alak. Sa pang-apat hanggang anim na palapag, may mga kuwarto roon na p’wedeng ukupahan sa loob ng isang gabi o depende sa gustong itagal ng customer. Sa pang pito, pribado ang lugar na yun dahil doon naka-stuck lahat ng confidential files ukol sa kompanya niya. Nandoon din ang security team ni Sir naka-base. Ang pang-walo ay ang opisina ni Sir," mahaba niyang paliwanag.

"Opisina niya lang ’yon?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yes, Ma'am."

Napakalaki pala nito!

Nagsimula kaming maglakad sa kaliwang daan. Sinabi niya sa ‘kin na ang kanan daw ay C.R. Doon din daw ang exit dahil mahigpit ang security sa building. Kailangan daw nilang siguraduhing maayos na papasok ang customer at lalabas itong maayos din.

Narating namin ang isang transparent na pinto at wall glass. May dalawang security na nag-babantay roon. Clark salute to them bago niya ako pinaunang pinapasok.

Inilibot ko ang tingin ko sa kumpol-kumpol na mga tao sa loob ng bar. I didn't expect it to be this big. Halatang lasing na ang iba dahil sa lantarang pagsasayaw ng iba sa gitna. Kitang-kita ko ang mga estante ng alak na tila mga krystal na kumikintab sa tuwing natatamaan ng ilaw.

The lights is like dancing along the people and it was hurting my eyes. Napatingin ako kay Clark nang bigla nitong itulak ang lalaki mula sa gilid ko.

"Back off," matigas at seryoso nitong banta.

The man held his arms up on the air as if surrending. Sabay tawa at lakad paalis. Tumingin uli ako sa paligid.

Pakiramdam ko hindi ako nararapat sa lugar na ’to. Pero ano pa ba ang pupuntahan ko? Napatingin ako kay Clark nang marinig kong isinigaw niya ang pangalan ko.

"Meron pong VIP area rito. P’wede po kayo roong maupo."

Tanging tango na lang ang isinagot ko sa kanya at sinundan ang direksyon na itinuturo niya. Nasa bandang taas iyon kung saan kita ko ang mga taong nag-iinuman at nagsasayawan mula sa baba.

This place was hidden because it was covered by thin curtain. Meron ilaw sa loob but it was dim. Napaupo ako roon. Nagpaalam naman si Clark at sinabing nasa labas lang siya kung sakaling kailangan ko siya.

Tanging tango ang isinagot ko muli sa kanya. Komportable akong sumandal sa sofa nang may biglang nagsalita sa gilid. Hiningi nito ang order ko.

"A-Ah, n-no. Hindi ako iinom," tanggi ko.

Narinig ko naman ang pagpapaalam nito bago tuluyang nawala. Nanuod na lang ako sa mga taong nasa baba. Gulong-gulo pa rin ang isip ko sa mga bagay na dapat kong gawin. Gusto kong makawala sa impyernong pinagdalhan sa ‘kin ng amain ko.

I closed my eyes and calm myself until I finally made a decision.

I still need to escape no matter what. Pinangako ko ’yon ngayong gabi at kailangan ko ’yung gawin para sa ikakabuti ko.

I gulped and mentally apologized Clark. Tumayo ako sa aking kinauupuan at dahan-dahang sumilip. Nakita ko siya na nakasandal sa railing at nakatingin sa baba. I sneak out quietly and ran as fast as I can. Narating ko ang baba at hinawi ang mga katawang nagsasayawan. Dahil sa laki ng lugar nahirapan akong hanapin ang exit.

"Asan na ba ’yon?" naiirita kong tanong.

Naglakad-lakad pa ako nang makita ko ang exit door na may dalawang guards na nakabantay. Napalunok ako. Ano nang gagawin ko? Hindi naman siguro nila ako kilala?

I need to try.

Buong tapang akong naglakad papunta sa kinaroroonan nila at umaktong isang normal na customer lang. They open my bag and inspected it. When they're finally done. Pinalabas nila ako. Nakahinga ako nang maluwag nang makahakbang ako palabas. I was already celebrating when someone called me.

"Where's your entrance pass, Miss?"

Nanigas ako kinatatayuan. Entrance pass? What is that?

"Miss?" mariin nitong tawag.

I gulped and turn around. One guard was looking at me suspiciously.

"I'm with a friend. He have the entrance pass."

Buy it please!

"Then where is your friend?"

"He's inside. We had an argument so he refuse to give me me the pass kaya. . . .uuwi na ako."

Nagkatinginan silang dalawa. They were about to speak when someone interrupted them. Napatingin ako sa bagong dating.

"I'm her friend. This is her pass."

Napamaang siya nang ibigay nito ang dalawang ticket sa guards. Mabilis namang bumalik sa serbisyo ang dalawa na parang walang nangyari. Nagkatinginan kaming dalawa. Nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa kakaiba ntong pagtitig.

"You owe me."

"I-I don't owe you! Hindi kita pinilit na ibiga—" Napatili ako nang bigla niya akong buhatin. "Put me down!"

Pinaghahampas ko siya sa likod pero parang wala lang sa kanya iyon. Napuno ng takot ang dibdib ko nang naglakad siya papunta sa elevator.

Panay ang hampas ko sa likod niya at pagtawag sa pangalan ni Clark pero walang nangyari. My hands were already trembling in fear habang iniisip ang maaring mangyari sa ‘kin. The elevator closed and he pressed the sixth floor.

Mas lalo akong binalot ng takot nang maalala ko ang sinabi ni Clark tungkol sa floor na ’yon.

Sa pang apat hanggang anim na palapag. May mga k’warto roon na p’wedeng ukupahan sa loob ng isang gabi o depende sa gustong itagal ng customer.

There are rooms there. . .

That idea seems to woken up my senses sending my whole body in panic mode. Mas nilakasan ko ang paghampas sa kanya at ang agresibong paggalaw upang makababa sa kanyang buhat.

Mahina siyang napamura dahil sa kalikutan ko. Napasigaw ako nang walang pasumbaling ibinagsak niya ako sa matigas na sahig. Nakaramdam ako ng pagkahilo dahil sa pagtama ng ulo ko sa lapag.

"H-help. . ." hirap kong sigaw.

"You should be thankful to me dahil pinahiram kita ng entrance pass because if it wasn't for me, they will send you to jail or much even worse than that place, whore."

Napasigaw ako dahil sa sakit nang mahigpit niyang hawakan aking buhok at hinila ako papasok sa loob ng isang kwarto.

Handa na akong manlaban at makipagpatayan sa kanya sa kabila nang panghihina ko. Pero bago pa kami makapasok sa loob, he was forcefully pulled.

Bagsak ako sa sahig dahil sa paghihina nang mabitiwan niya ang hawak sa aking buhok. Hindi ko kaagad natingnan ang pagdating ng kung sino. Ngunit narinig ko ang malakas na pagkauntog ng isang bagay sa pader.

Habol ko pa ang aking paghinga nang may dalawang pares ng itim na sapatos ang tumapat sa aking harap. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin.

My body run cold when my eyes met those cold and menacing emerald eyes.

I'm so dead.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status