Share

The Wily Husband - Chapter 2

CHAPTER TWO:

Inilapag ni Lorelei ang dalang basket na puno ng mga puting rosas sa ibabaw ng lamesang mahaba ng kusina.

"Nana Desta, nandito na po ako," wika niya sa malakas na boses, habang palinga-linga sa maluwang na palibot. "Nana? Nasaan kayo?" ulit niya.

Lalabas na sana siya sa pinto na patungo sa kabahayan nang maulinigan ang tinig ng matandang yaya mula sa laundry room.

"Nandito ako, Lei," anang pagaw na boses. "Bakit?" tanong nito nang makalabas na.

"Pupunta na po ako sa planta, Nana. Magpapaalam lang po ako."

"Tamang-tama, naihanda ko na ang baon mo. Heto'ng basket."

"Ang Nana talaga. Inunahan n'yo na naman po pala ako." Hinagkan niya sa pisngi ang matandang malakas pa kahit na edad sitenta y singko na. "Huwag naman kayong masyadong magpapagod dito. Baka sumpungin na naman kayo ng rayuma kapag nababad kayo nang husto sa tubig."

"Oo, sabi. Tapos na nga ako sa ginagawa ko. Kinusot ko lang ang kaunting basahan para hindi

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status