CHAPTER FOUR:
"AALIS ako, Dionisio," pahayag niya sa butler, matapos ibagsak ang receiver nang padaskol. Sinuklay ng mga daliri niya ang maikli at medyo kulot na buhok.
"Pupunta ka sa Ifugao Province, senyorito?"
Tumango siya. "Pupuntahan ko na lang siya."
"Ano'ng sasakyan ang ipapahanda ko, senyorito?"
"Ang helikopter."
Yumukod ang butler upang sundin ang ibig niya.
"Ipa-impake mo na rin ang mga dadalhin ko," pahabol niya.
"Masusunod, senyorito."
Napatitig si Ysrael sa telepono nang mapag-isa na siya. Ilang araw siyang nagmatigas. O natotorpe na siya? pambubuska ng isang sarili niya.
"I'm too conceited," pag-amin niya. "That's the problem with me!" Pabagsak siyang naupo. Hindi pa niya naranasang magpakahirap para makuha ang isang babae.
Ang mga panliligaw niya ay pulos pahapyaw lang. Pakunwari. Para lang maisalba ang feminine ego. Ayaw din naman niya ng babaeng easy-to-get. Maingat siyang pumili
CHAPTER FIVE:HINDI mapakali si Lorelei. Palakad-lakad siya.God! Nandito na siya! bulalas niya sa sarili habang palakad-lakad sa loob ng opisina. Kabababa lang niya sa receiver ng telepono. Tumawag sa kanya ang head mechanic, para ibalita ang pagdating ng isang helikopter."Senyorita Lei, ikaw ang sadya ng lalaking kasama ni Manong Udong. Ipapahatid ko ba sila diyan?""S-sige," tugon niya kahit na nag-aalinlangan.Nasukol na siya ni Ysrael Ravago. Ang tanging magagawa na lang niya ay ang magpakatapang. At magpakatatag.Inayos niya ang long coat na kulay puti. Kinapa ng mga daliri ang mga butones na isinara, pati ang nakapusod na buhok. Kahapon, hindi niya itinuloy ang pagtatrabaho sa laboratoryo. Alam niyang masisira lamang ang pormula na balak niyang gawin. Kaya nga tuwang-tuwa si Nanang Desta nang umuwi siya nang maaga."Kuu, mabuti naman at pinakinggan mo ako, Lei.""Parang inantok ako sa paglalakad, Nana. Magpapah
CHAPTER SIX:PINANOOD ni Ysrael ang kaakit-akit na tanawin. Ang dahan-dahang pamumula ng mga pisnging makikinis matapos niyang ipahayag ang kanyang sagot."I won't take 'no' from you, Lorelei," ulit niya. Para mas klaro. "Hindi ako tatanggap ng kabiguan mula sa iyo. Lalo na sa 'yo.""B-bakit?" tanong ng dalaga, paanas. "I don't really want you."Pinigil niya ang mapangiwi. "Let me be the judge of that, Lorelei," pakli niya. "Whenever I kiss you, I always feel your passionate response.""Hindi tutoo 'yan!" Pumiksi ang dalaga habang itinatanggi ang sinabi niya."Tutoo ang sinasabi ko, Lorelei. Hindi mo maitatangging gusto mo rin ang mga halik ko," panunudyo niya."Y-you're--you're despicable!" bulalas nito. "An atrocious swine!"Tumawa lang siya. "I've been called by worser name, my dear. Yours is too tame--and very old-fashioned. I just hope your not like that in bed," dagdag pa niya.Napahumindig ang dalaga sa huling sin
CHAPTER SEVEN:LALONG lumala ang mga pangyayari!"Y-you're impossible!" Wala na siyang ibang maisip sabihin sa lalaking nasa harapan niya. "Kung nagpunta ka rito para maghanap ng magiging laruan, nagkakamali ka ng pinuntahan. You can go now, Mr. Ravago. Huwag mong ubusin ang pasensiya ko. Remember, teritoryo ko ito. Puwede kitang ipabugbog at ipatapon," pananakot niya.Ngunit halatang walang epekto sa lalaki ang mga banta niya."Kung makukumbinsi kang tapat ako sa hangarin ko, papayag akong magpabugbog, Lorelei."Pumiksi ang dalaga. Nayayamot na siya. Nais na niyang matapos ang paghaharap na iyon."Ano ba talaga ang ipinunta mo rito?" Minabuti niyang magpaka-prangka na. "Hindi ba business ang ipinunta mo rito?" tanong pa niya gayong alam na niya ang sagot."Tsk! You already know the answer to that," panunudyo ng lalaki. "I came here to seduce you. But now that I decided to make you my wife instead--liligawan na lang muna
CHAPTER EIGHT:"MANONG Udong, saan kaya ako puwedeng tumira habang nandirito ako?" tanong niya sa matandang lalaki.Ang matabil na drayber ang sumagot sa kanya. "May mga pinapaupahang bahay dito sa farm, Mr. Ravago," pahayag nito. "Ang namamahala ay si Nana Desta.""Sino 'yon?""'Yung katiwala ni Senyorita Lei," sabad naman ni Manong Udong. "Dating yaya at ngayon ay tanging kasama sa malaking bahay.""Tanggapin kaya niya ako bilang tenant?""Kung ipapakilala n'yo nang maayos ang sarili n'yo, oo." Ang drayber na naman."Mahigpit pala siya.""Hindi naman. Kaya lang, ang kalimitang nagbabakasyon sa ganitong lugar ay matatanda na o kaya'y galing sa sakit. O di kaya'y isang buong pamilya na mahilig sa nature," ang mahabang paliwanag ng nagmamaneho. "Maninibago sa inyo si Nana Desta dahil binatang-binata kayo at tila hindi sanay sa ganitong lugar.""Ganoon ba?" singit ni Manong Udong. "Puwede kaya akong mag-apply na kasama mo
CHAPTER NINE:"A-ANO'NG sinabi n'yo, Nana Desta?" bulalas ni Lorelei matapos marinig ang buong kuwento nito. Kauuwi lang niya mula sa planta. Dapithapon na iyon."Ang sabi ko, may inililihim ka pala sa akin," wika ng matanda habang ngingiti-ngiti na para bang may sikreto sa kanya."Hindi po 'yan ang sinabi n'yo kanina," paalala niya. Pigil ang tono. Ayaw niyang banggitin ang pangalan ni Ysrael Ravago dahil baka magkatutoo ang hinala niya. "May ibinabalita kayo tungkol sa bagong tenant ng isa sa mga mini-villas natin," umpisa niya."Oo nga. 'Yon na nga ang sasabihin ko, e," ang pa-inosenteng wika nito.Huminga nang malalim ang dalaga. "E, ano po ang tungkol doon?""May nakilala ka na palang binata na ubod nang kisig, pero ni hindi mo man lang binabanggit sa akin.""Nakalimutan ko na nga po, Nana. Kakilala ko pa lang naman siya, a? Wala naman kaming relasyon sa isa't isa," pangangatwiran niya.Humagikhik ang matandang babae. "Ika
CHAPTER TEN:"WILL you marry me?" anas ni Ysrael.Namilog ang mapupungay na mga mata. Hinila ni Lorelei ang kamay nang akmang hahagkan uli niya iyon."M-marry you?" tanong nito, pabulong.Tinitigan niya ang dalaga. "Are you against marriage, Lorelei?" untag niya nang umiwas ito ng tingin."N-no, but--""But?" Pinilit niyang maging kaswal. "You don't like children?""I do, but--"Muli niyang ginagap ang kamay ng dalaga. "I want you to be the mother of y children," pahayag niya, walang gatol."Even though I'm still a stranger to you?" singhap ng malamyos na tinig ni Lorelei.Paano'y hinagkan niya uli ang palad nito. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa mga daliring nanlalamig."Bitiwan mo muna ako," utos nito. Nanginginig na ang boses. "Let me think--"Tumawa nang patudyo si Ysrael. I can't believe it, bulong niya sa sarili, but I'm really enjoying this!Naging sinikal na siya sa maramin
CHAPTER ELEVEN:"YOU'RE really outrageous, Mr. Ravago!" bulalas ni Lorelei. Gumagapang ang kilabot sa kabuuan niya habang pinipilit bawiin ang sarili."You, too," salo ng lalaki. "Bakit 'Mr. Ravago' pa rin ang tawag mo sa akin?"Umiwas siya ng tingin."Tinatanggap mo na ako bilang suitor, hindi ba?" patuloy nito.Hindi siya umimik. Nagpatuloy siya sa pag-iimis ng lamesa.Nilapitan siya ng lalaki at hinawakan sa isang braso.Nang mapahinto siya, sinapo ng mga daliri nito ang kanyang baba upang muling magtagpo ang kanilang mga paningin."Answer me, sweet woman," anas ng binata habang inaarok siya ng mga matang madidilim. "Payag kang umakyat ako ng ligaw sa 'yo, hindi ba?"Pumiksi siya at umatras ng isang hakbang upang maikawala ang sarili mula sa pagkakapigil ng mahahabang daliri."O-okey," pahayag niya nang makaipon ng sapat na lakas ng loob, "you don't have to court me. I can be yours--now--without any fuss.
CHAPTER TWELVE:GOD, give me enough strength! usal ni Ysrael. I need my self control!Ipinilig ni Ysrael ang kanyang ulo. Nakalalango ang bango ng malasutlang balat ni Lorelei. Animo mga talulot ng bulaklak.Kailangan niyang maging matatag. Hindi siya naniniwalang magiging ganito lang kadali ang pagsuko ng babae.But then, women are fickle-minded creatures... aniya sa sarili."Lorelei," sambit niya, paungol.Kumiwal ang malambot na katawan at umangat nang kaunti. Ipinahihiwatig ang buong pagpapaubaya sa kanya."Do it to me," utos nito, paanas. "Now, please...!""Are you sure, my darling siren?" tanong ni Ysrael."Yes, yes, I want you!" Yumapos ang mga bisig ni Lorelei sa kanyang leeg. Pati ang mga binti sa kanyang beywang."Don't rush me, sweetheart," sambit niya, halos padaing.Pinilit niyang iangat ang sarili palayo sa mapanrahuyong katawan. Minasdan niya ang nakahaing kariktan. Halos mabingi siya sa laka