Share

Chapter 1: Court

Court

"Anak, salamat sa pagtulong mo sa akin sa paglalaba ngayon huh?" Pasasalamat ni Nanay sa akin habang nagkukusot ito ng mga puting damit ng pamilya Diaz.

"Okay lang ho 'yon Nay. Wala naman akong ginagawa sa bahay. Isa pa bakasyon e. Walang pasok sa school." Sagot ko rito habang binabanlawan ang mga dekolor na damit.

"Sabagay." Sabi nito. "Alam mo anak, napaka suwerte talaga namin ng Tatay mo at sa dalawang kapatid mo, sa'yo. Bukod sa mabait na anak at maunawaing kapatid, magalang pa. Maganda na, matalino pa." Proud na sabi nito sa akin.

Natawa ako ng bahagya sa sinabi ni Nanay sa akin. "Nay, alam mo. Bolera ka rin e. Lagi nalang." Napapailing ako.

"Nagsasabi kaya ako ng totoo, Hikkary. Nak, mag-aral kang mabuti huh? 'Yang edukasyon talaga ang pinaka importante sa ngayon ng buhay ng tao. Huwag ka tumulad sa amin ni Tatay mo, walang natapos. Kaya heto. Nauwi sa paglalabandera at ang Tatay mo naman ay isang Driver lang."

"Nay, huwag n'yong nila-lang ang trabaho ninyo ni tatay. Proud na proud parin ako sa inyo Nay, promise. Huwag rin kayong mag-alala, Nay. After 2years, gagraduate na ang anak n'yong ito. Tapos Nay, kapag grumaduate na ako. Hindi na kita hahayaang maglabandera pati rin si Tatay, pahihintuin ko na sa pamamasada ng traysikel. Promise Nay, bibigyan ko kayo ng maganda at maalwan na buhay ni Tatay at nila bunso."

"Nak, kahit hindi nalang para sa amin. Kahit para sa sarili mo nalang. Masaya na kami para sa'yo ni Tatay mo." Sabi ni Nanay habang nagkukusot parin.

Lumapit ako sa tabi ni Nanay at naupo. "Syempre Nay, tagumpay ko. Tagumpay nating lahat." Sabi ko saka niyakap si Nanay at hinalikan sa pisngi nito.

"Nak, huwag kang lumapit, mabaho si Nanay." Ito pa ang nagreklamo kesa sa akin.

"Nako naman Nay. Walang problema yun, pareho lang tayong amoy pawi." Sagot ko rito habang nakatawa.

Tumawa naman ito. "Nak, napapansin ko lang. Parang isang buwan na ata ng huli kong makita si Zayden na nagawi sa bahay natin. Minsan nakikita rin kitang tulala at masyadong malungkot. May problema ba anak? May problema ba kayong dalawa?"

Bigla akong natigilan ng sambitin ni Nanay ang pangalang iyon sa akin. Bigla ring kumirot ang puso ko and again. Para na naman akong naiiyak sa lungkot at pighati sa aking ginawa.

Bumuntong hininga ako ng malalim. "N-Nay, w-wala na ho k-kaming dalawa. Nakipaghiwalay na ho ako sa kanya." Sagot ko sa nanay ko na hindi nakatingin sa mga mata nito.

"Huh? Bakit naman anak? Bakit hindi mo manlang nabanggit sa akin, nagkaroon ba kayo ng hindi paguunawaang dalawa?"

"N-Nay, nakakagulo kasi siya sa pagaaral ko e. Study first muna ho ako, Nay. Yun ho muna ang goal ko ngayon. H-Hindi ko naman siya priority."

"Sabagay. Pero mabait namang bata 'yon anak. Maganda ang hangarin sa'yo ng nobyo mo. Nakakapangliit lang nga kasi mayaman siya at mahirap lang tayo. Pero alam mo anak sabi ng batang 'yon, kapag nakapagtapos ka na ng pagaaral mo. Ora mismo, hihingiin na niya ang kamay mo sa amin ni Tatay mo. Alam mo, nangako siya na hinding-hindi ka niya sasaktan."

Napakagat-labi ako ng mariin ng marinig iyon kay nanay, saka ako bumuntong hininga ako ng malalim.

P-Pero ako ang nanakit sa kanya... Nasasaktan rin ako sa naging desisyon ko...

"N-Nay, sige ho. Magda-dryer at magsasampay na ho ako." Sabi ko nalang para iwasan ang topic namin ni Nanay. At iwasang makita nito ang lungkot sa aking mga mata.

"Sige anak at tatapusin ko na itong ginagawa ko."

Hindi na ako tumungin pa kay Nanay at dumeretsyo nalang ako sa may dryer area.

Pinipigilan ko ang luha ko nang maalala ko na naman muli yung gabi kung paano kami ni Zayn nagtapos sa aming relasyon. Napapailing rin ako nang maalala ko noong isang linggo. Yung araw na tumawag ito sa akin.

Tumawag ito ngunit hindi naman nagsasalita. Hindi rin ako kumikibo rito. Pareho lang kaming nagpapakiramdaman. Parati kong naririnig ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya ng ilang beses. I want to speak and explain everything, pero wala naman akong masabi dahil hindi ko rin kayang bawiin ang lahat. Hanggang sa pinatay niya ang tawag at doon na ako tuloyang napapaiyak. Naulit pa iyon ng dalawang beses, ganoon ulit ang ginawa nito at nangyari.

Dahil ayoko nang makaramdam pa ng sakit sa aking dibdib, nagpasiya nalang ako na magpalit nalang ng bagong sim card. Masakit man pero ginawa ko, at kailangan ko ring gawin para mas makaiwas nalang rito. Masakit, pero kailangan kong magtiis.

Hikkary... Kaya mo 'to. Lalaki lang siya. Marami pang ibang lalaki. Huwag lang siya.

"Hello, sissy..."

Napasinggap ako at nagulat sa pagsulpot ni Erica sa aking tabi.

"E-Erica, anong ginagawa mo dito?"

"Sis, thank you... Thank you so much..." Nakangiti ito sa akin ng napakatamis.

Nagtataka ko itong tinitigan sa mga mata. "H-Huh? A-Anong meron?"

"Finally, Sis. Kasi, k-kasi nagpaparamdam na sa akin ngayon si Zayden..."

Natigilan ako sa aking ginagawa at napalunok ako ng mariin. "G-Good, good for you." Sagot ko pero ang puso ko, sobrang nagulat at nanghina sa narinig ko. Although, I already expect that it will be happened.

"I...I invited him for lunch, papunta na siya rito." Sabi ni Erica na ikinalingon ko rito. "O-Okay lang ba s-sa'yo?"

"O-Of course, don't mind me, Erica. Alam mo namang t-tapos na kami." Sagot ko ngunit ang mga kamay ko ay nanginig at ang puso ko ay patuloy na nakakaramdan ng kirot.

"So, can you also sit with us for lunch, Hikk?" Tanong nito sa akin.

"H-Huh? Kailangan pa ba nandoon ako?" Nagulat ako sa pag-invite nito sa akin na para bang wala lang. Para bang okay lang talaga sa akin.

"Not so. Pero syempre gusto kita makasama sa hapag, like those days kapag nasa bahay ka."

"A-Ahm, sige. O-Okay lang sa akin." Nag-aalangan kong sagot rito. Pero ang totoo ay ayoko.

"Yes. Thank you best friend..." Sabi nito at humalik pa sa pisngi ko.

Napabuntong hininga nalang ako nang papalayo na sa akin si Erica. Napapakurap ako at napapailing.

Ano ba 'yan. Gusto ko nga siyang iwasan e. Lord naman, please po. Hindi sana siya matuloy rito sa bahay nila Erica. Sana sa ibang araw nalang, yung kapag wala ako rito. Ayoko na siyang makita pa e. Nagi-guilty ako sa ginawa ko.

But the Almighty didn't hear my prayers. Kasi natuloy talaga ang pagpunta roon ni Zayden. Wala akong magawa kundi ang makisabay sa pagkain nila ng pananghalian ni Erica at pamilya nito.

***

PANAKA-NAMA akong napapasulyap kay Erica. She's always talking, at ako minsan ang tinatanong nito. Katabi nito si Zayden, ngunit nunka na nagagawi ang mga mata ko sa kanya.

"Ijo, so you are a flesh BS Add Graduate, tama?" Nagtanong ang ama ni Erica.

"Yes, Tito." Nadinig kong sagot nito.

"But you're already 25-26 years old, right? So bakit ngayon ka lang nagtapos?" Tanong naman ni Tita Erin.

"Nako mommy, paiba-iba kasi ng kurso si Zayden noon, that's why matagal bago siya nagtapos." Si Erica ang sumagot para rito.

"Ah, kaya pala." Napapatango ang mag-asawa.

"Yes. Time comes and I just realized that my family needs me in our business. Kaya nagsikap at tinapos ko." Sagot nito sa mga magulang ni Erica.

"Mabuti naman Ijo at naisipan mo 'yon." Tanong ulit ni Tita rito.

"Thanks to the person who pushed me to study well at nang sa wakas ay magtapos na ako sa taong ito."

Napalunok ako sa sinagot nito. Hindi ko sinasadyang napaangat ang mga mata ko at nag-tagpo ang mga mata namin. Matiim niya akong tinitigan. Bumaba muli ang mga mata ko.

"Oh, ang galing naman ng taong iyon at napursige ka niyang magtapos." Untag ni Tito Errol.

"Uhm, Zayn, eto pa oh. Alam mo, ako nagluto nito. Sige pa, kain ka pa." I feel that Erica want to dropped the topic.

"Thanks..."

"So, Ijo... Kilala mo rin ba si Hikkary? Schoolmates din kayo. Katulad ni Erica, 2nd year college students din siya ng Business Add. Iba nga lang sila ng kurso ni Erica." Tita Erin ask him.

Nabitin ang paghinga ko at hinintay ko ang sagot nito.

"Kilala mo rin ba siya, Hikk?" Tito ask me.

"Uhm. Medyo ho, h-hindi masyado." Sagot ko habang tumatambol ng malakas ang dibdib ko.

Nakita ko ang pagtiim ng bagang nito at galit na titig sa aking dereksyon. "I didn't notice her at the school. Maybe siya kilala niya ako kasi varsity player naman ako sa school." Sagot rin nito.

Nagbaba ako ng tingin kasabay ng pagkirot ng puso ko.

That's what you want, Hikkary, ang saktan ang sarili mo. Damn! How I wish that I'm not here. I don't belong here...

Bumuntong hininga ako at napapakurap ako habang nakayuko. Ayoko kasing salubungin ang panakaw na titig nito sa akin. At higit sa lahat, ayaw kong makita ang galit nito sa kanyang mga mata.

"Hikk, Ija, nasaan pala ang Nanay mo? Bakit hindi sumabay sa'yo kumain dito." Tanong sa akin ni Tita Erin.

"S-Sa kusina nalang ko daw siya kakain kasama ng mga kasambahay. N-Nahihiya kasi si Nanay, Tita." Sagot ko rito na nahihiya rin.

"Sus 'yong Nanay mo talaga, sobrnag mahiyaan. Mana ka doon. I bet, napilitan karing sumalo sa amin ngayon dahil pinilit ka na namam nitong Best friend mo." Sabi ni Tita na umiiling.

"True mommy, buti nga pumayag siya. Minsan na nga lang kaming magkasama e. Kaya pagbibigyan ako ni Hikkary. Diba sis?"

Humarap ako rito at tumango saka marahang ngumiti. "O-Oo naman. Malakas ka sa akin e."

"Then, Ijo... Pwede ba kitang matanong?" Tito Errol.

"Go ahead, Tito." Sagot ni Zayden rito.

"Bakit ka nga pala nandito ngayon? Any important agenda?" Si tito Errol ulit.

"Yes." Deretsyong sagot nito.

"Then what is it, Mr. Villafloré?" Tita Erin.

Napapakurap ako habang nakikinig sa kanilang mga usapan.

"I am here because of, E-Erica," kumirot ang puso ko. Hindi ko napigilang tumingin sa mukha ni Erica na masaya sa mga oras na iyon. Hindi ko rin mapigilang tumingin kay Zayden, lalo na sa mga mata nito. "I want to court your only daughter, Erica." Nagbaba muli ako ng tingin ng sabihin nito iyon. "Gusto ko hong magpaalam sa inyo."

God, ayoko na po. Alisan n'yo ho muna ako ng pandinig sa mga oras na ito. Ayoko hong marinig ang sinasabi niya habang nasa harapan niya ako.

"Well, Ijo, nasa anak namin ang desisyon." Tita Erin said while smiling.

"Malinis ba ang hangarin mo sa anak ko, Ijo?" Tito Errol.

Matagal bago sumagot si Zayden. "Y-Yes..."

Nakita kong ngumiti ng malawak si Erica kay Zayden. "So, Mom, Dad? Papayag kayo? Kasi kung ako, magpapaligaw ako." Untag nito sa mga magulang.

Tumango naman ang mga magulang ni Erica sa kanya. Kaya mas ngumiti ito saka humawak sa braso ng katabi nito. "Payag sila mommy at daddy, Zayn..."

"Okay---"

"Excuse me ho Tito, Tita, Erica... Uhm, tapos na ho akong kumain. B-Babalikan ko na ho si Nanay, tutulongan ko pa siya sa paglalaba." I said, tumayo na agad ako saka iniwanan na silang lahat.

Bakit pa kasi ako pumayag na sumalo sa kanila. Eto napala ko. Tsk! Puso, hayaan mo na. Kung saan sila masaya, susuportahan nalang natin sila. Si Zayden? Hindi kawalan 'yon. Lolokohin ka parin nun kasi isang dakilang Playboy 'yon. Kaya okay lang na ikaw na ang kumalas sa inyong dalawa. Maybe nasasaktan tayo ngayon. Pero mawawala rin 'to. Tanggapin nalang natin na hindi kami para sa isa't isa. Isa pa, masyado pang maaga para magseryoso sa ngalan ng pag-ibig.

Agad akong kumubli sa dryer at nagpahid ng mga luha ko sa mga mata. Ngunit nagtataka ako dahil hinding-hindi iyon naubos at patuloy parin iyon sa pag-agos.

Bakit kasi ang sakit e. Ang sakit sakit e. Bakit ba ganito 'to. Ayoko ng ganito. Naninikip ang puso ko, nasasaktan ako... Oh, God. Ayoko nang magmahal, ayoko nang masaktan. Ayoko na itong maranasan pang muli. Akoyo na... Masakit, pero kailangan kong mamili ng isa lang. Masakit man na hindi siya ang pinili ko, pero 'yon lang ang paraan upang makabawi manlang ako ng utang na loob ko sa kanila.

God... I hope, you will heal my broken heart... Heal me, God. Heal me fast...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status