Share

Chapter 4: Solution

Solution

[*2-months later*]

Today is I am going to our dean's office. Hindi ko alam kung bakit ako pinapatawag ng kaitaas-taasan ng alas-tres ng hapong iyon. Kinakabahan ako ngunit ikinalma ko naman ang sarili ko sa pagharap sa University Dean's ng school na iyon.

I took a deep sigh then I knocked three times on the door.

May nagbukas ng pinto, isa sa kawani ng dean. Ngumiti ito sa akin.

"Good afternoon..."

"Hikarry, pasok ka hinihintay ka na ni Mrs. Agoncillo sa tanggapan niya." Sabi ng nagbukas sa akin ng pinto.

"Salamat ho, Ma'am." Magalang ko na tugon saka pumasok sa loob at sinundan patungo sa pinaka office ng Dean.

"Pasok ka na, Hikk." Sabi nito ng tumapat kami sa harapan ng pinto ni Mrs. Agoncillo.

"Sige ho. Salamat."

Kumatok ako ng tatlong beses saka iyon binuksan.

Mrs. Agoncillo is busy scanning the paper works on her table. Nag-angat agad ito ng mukha nang tuloyan na akong pumasok at kiming bumati rito.

"Ms. Libres, I'm glad you are finally here. Sit down, Ija." Aniya.

Ngumiti ako at nbaupo sa tanggapan nito. "Ma'am... B-Bakit ho ninyo ako pinapatawag?" Tanong ko rito ng mahina.

"How's your days of school, Ija? Nahirapan ka ba ngayon nasa tatlong baitang ka na ng kolehiyo?" Tanong agad nito.

"M-Mahirap. Pero kakayanin ko po ma'am para kina nanay, tatay at mga kapatid ko." Sagot ko na medyo nakakunot ang noo.

"Nice one, Hikkary. Ipagpatuloy mo 'yan." Sabi nito. May kinuha itong documents at saka pinakita sa akin. "Anyway, I am excited to talk to you pero hindi lang halata. Hikk, did you remember last year about the academic students na mabigyan ng tiyansa na mag-aral sa ibang bansa?"

Tumango ako ng marahan. "Y-Yes po Ma'am."

"Well, I already opened and scan this letter last two days. Galing ito sa sikat na University ng Australia. I guess, I need to finally congratulate you this time, Hikkary Libres. Dahil ikaw na top academic student ng school na ito, ikaw ay personal na napili nila na kuhanin as our University Representative students na magaaral sa Universidad nila."

Napalunok ako at napatikhim sa aking narinig. "A-Ako ho, Ma'am?" Hindi ako makapaniwala at napapakurap ang mga mata kong nakatitig sa mga mata ng Dean.

"Yes, you are. So," She extends her arms to me. "Congratulations, Hikkary. I am so very proud to you, Ija."

Lutang ang pakiramdam na tinanggap ko ang pakikipagkamay nito. "Ma'am, deserve ko ba na a-ako ho ang napili ng University?" Nag-aalangan kong sinabi.

Ngumiti muli ito sa akin. "Of course, you deserve it. Humanga ako at sila sa filled-up files mo through handwritten and through type writing entry last year. Your amazing grades hit their criteria and your goal to your family. Also, they are so much impressed, Hikkary. Masipag ka kasing bata and you are doing your best to maintain your grades para hindi ka malaglag sa scholarship ng University na ito, at pati na sa personal na nagpapaaral sa'yo na si Mr. and Mrs. Diaz."

"Kailangan ho kasi e. H-Hindi ho kasi kaya nila Nanay at Tatay na paaralin ako sa school na ito. Kaya ginagawa ko po ang makakaya para sa pagaaral ko. Isa na din ho na hindi madi-disappoint sa akin ang mga tao na siyang tumulong sa akin na makapag-aral ako ngayon rito."

"Sobrang suwerte ng mga magulang mo sa'yo. Sana ganyan din ang mga kabataan. Matutong gumawa ng paraan para makapag-aral at isa pa, marunong tumulong sa mga magulang nila. Hindi tulad ng may kaya sa buhay na Estudiante, alam nilang may magulang namang nakakasuporta sa kanilang pagaaral ngunit puro pagbubulakbol naman ang ginagawa. That's why I am proud of you. Alam mo ngayon pa lang nakikita ko na ang pag-angat mo sa buhay, Hikk. Mark my words 3-4years, malayo na ang mararating mo." Pagpapalakas loob nito sa akin.

"S-Salamat ho ma'am. I really appreciate your words of wisdom. Don't worry, hindi ko ho kayo bibigun." I said, but deep inside me. Nagdadalawang isip. Pero kapag naaalala ko ang mga sakripisyo sa akin ng mga magulang ko at ang kahirapan namin. Mas gugustuhin ko nalang tanggapin upang sa mga susunod na taon ay ako naman ang babawi sa kanila.

"So, have you immediately decide it, Hikkary? I mean, are you willing to relocate and live in the other country for the sake of your studies?"

I just silence and gulped.

"Alam ko, mahirap mag decide kasi mahirap na iwan mo ang pamilya mo rito. Pero kung yun ang iisipin mo sayang kasi pagkakataon mo na ito. Think twice about the offer, Hikkary. Maraming magagandang offer ang The University of Western Australia para sa'yo." Sabi nito at saka may iniabot sa akin. "Here, you can read this guidelines, tips and then also the contract of their Special Scholarship Program. Hindi kita mamadaliin. You still have one month to prepare as we preparing your Australian Visa. But Hikk, I need your response as soon as possible. I can give you till one week to decide."

"O-One week to o-one month?" Hindi ako makapaniwala sa aking naririnig. "So 1-month mahigit nalang ako mag-stay dito sa Pilipinas, ma'am? G-God..." I almost whispered.

"Yes." Saka ito tumango. "Pero nasa 'yo parin if you are willing. Ija, as I told you... Pagisipan mo munang mabuti. If you say no immediately, hindi ko tatanggapin. I will wait your final answer until 1 week. That's all, Hikkary..." Sabi nito saka ngumiti.

"S-Sige ho ma'am. I will informed you immediately for my response. Babalik nalang ho ako dito kung ready na ako dahil sa ngayon ho, aaminin ko... 50/50 percent pa ho ang desisyon ko."

"I feel you, so for now. Dalhin mo narin itong documents para ma excite ka rin sa buhay na tatahakin mo kapag nasa ibang bansa ka na. Again, congratulations Hikkary."

After my conversation to our head, Dean ay naglakad na ako pabalik sa BS. AD Building. Lutang parin ako at hindi makapaniwala. Huminga ako ng malalim, huminto ako nang parang nanglalambot ako dahil sa sikat ng araw sa kapaligiran.

"Hikk..."

Napalingon ako sa isang pamilyar na boses. "Erica, wala ka bang klase sa ngayon?"

Humalik ito sa pisngi ko. "Hikk, may problema ako."

"H-Huh? Ano yun?" Tanong ko na nakahawak sa sentido ko na namimigat.

"Si Z-Zayn..."

"W-What about him. H-Hindi parin ba siya--"

"Hindi parin, Hikk. I always trying to ask. Ayaw naman niya akong sagutin kung bakit at kung ano ang problema niya." Malungkot itong tumingin sa akin. "D-Did you talk to him?"

Yes... And he doesn't want to talk to you nang dahil sa akin. Ako parin ang dahilan. I thought to myself.

"E-Erica. Ano kasi--"

"H-Hikk, you kindly asked him for me, p-please?" Napaawang ang bibig ko sa pinapagawa nito sa akin. "Please...?"

"I-I can't, g-galit siya sa akin." I finally know her kung bakit.

"M-Mahirap ba akong mahalin, kesa sa'yo? K-Kaya hindi niya ako kayang mahalin? Hikk?" Lumapit ito at humawak sa braso ko. "P-Paano ba maging ikaw? P-Paano ka ba magmahal? Si Raven at si Zayden--"

"Erica, I am so sorry. I-I can't help you this time. G-Ginawa ko na ang---"

"I am desperate, Hikk. I'm begging you to ask him. A-Ako nalang... M-May Raven ka na naman diba? Hikk..."

Mas tumindi ang sakit ng sentido ko ngunit binalewala ko iyon. I embrace and comfort her. "Please, do not cry, Erica. Baka sumpungin ka ng hika mo. Makakasama sa'yo." I said and I wipe her tears. "O-Okay, I-I'll try. kakausapin ko siya. Now stop crying..."

Tumango ito at niyakap ako ng mahigpit. "T-Thank you... Thank you, Hikk... I don't know what to do if you are not here... Thank you..."

Mahirap na naman ang pinapagawa niya. Pero hindi ko siya matiis at hindi ko siya kayang tikisin, kahit pa ako parin ang naiipit sa kanila ni Zayn.

Dear God, bakit ganito ka bigat ng problema ko? Bakit kailangan na ako ang mahirapan. Hirap na hirap na din ako. Zayden is disappointed and mad at me. Nahihirapan akong iwasan nalang siya palagi. And about, Erica. Ayoko siyang masaktan. Kaya kong magparaya, pero ang hirap kung hindi naman tugma ang lahat. Okay lang sana na mahalin din siya ni Zayn. Pero hindi e. Hindi siya kayang mahalin ni Zayn dahil sa akin. God, bakit ako

ang kailangang mahirapan sa ngayon?

"Ms. Libres, are you okay?" Our professor ask me. Napasulyap naman ang iba sa aking dereksyon.

"Hala girl, namumutla ka..." Sabi sa akin ng seat-mate ko na babae na si Mara.

"T-Talaga?"

"Oo..." Nagtataka itong tumingin sa akin.

"Ms. Libres, may masakit ba sa'yo?" Tanong muli sa akin ng professor namin. Lumapit pa ito sa akin na puno ng pagaalala.

"W-Wala ho ma'am. O-Okay lang naman ako."

"Baka gusto mo mag clinic muna? Pasasamahan kita kung--"

"Ma'am, I am really okay, don't mind me. S-Salamat ho."

Bumuntong hininga ito. "Okay. We'll proceed to our discussion then." Sabi nito saka tumungo harap ng lahat.

"Girl, nahihilo ka?" Tanong muli ni Mara.

Tumango ako. "Medyo."

"Nasusuka ka?"

"M-Medyo... Masakit kasi ang ulo ko. I think,  migraine lang ito or sa mata ko lang ito. I think I should visit my ophthalmologist."

"Girl," lumapit ang bibig nito sa aking tenga. "PT ang kailangan mo girl, hindi doctor sa mata."

"W-What?" Namula at lumakas ang pintig ng dibdib ko sa ibinulong nito.

"Malay mo, baka positive ka. Advice ko lang naman. Don't worry, kung buntis ka man ngayon. Be grateful, anghel 'yan." She said then smiled at me.

Natulala lang ako sa sinabi nito sa akin. Tumingin ako sa professor naming nagsasalita. I focused my stares but my mind is flowing in.

What if??? Oh, kakayanin ko ba? Gosh!

Bago umuwi ng bahay ay dumaan na muna ako ng butika. I bought 2 Pregnancy Test kit. Actually, pangalawang beses ko nang bumili, noong una ay dalawa rin. It's negative, hindi ko lang alam ngayon kung negative parin ba.

Pagkauwi ng bahay ay ginawa ko agad. Pagkatapos kong ginawa ay hindi ko muna tinignan. Kinakabahan kasi ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko kung may makita akong dalawang guhit na pula.

Good God... Ano ang gagawin ko kapag-- No, hindi ito mangyayari. Mag-aaral pa ako. Hindi!

Napagpasiyahan kong pumasok sa loob ng silid ko. Hindi ko parin tinignan kung ano ang resulta ng pregnancy test ko. Itinabi ko muna iyon sa drawer at saka nagbihis.

I was about to get the PT but then my phone make some noise. Nasilip ko kung sino ang tumawag. Agad nangunot ang noo ko at kinabahan.

"Hello, Tita Erin--"

["Hikkary... S-Si Erica, sinugod namin sa hospital--"]

"H-Huh? B-Bakit, I mean. A-Anong nangyari Tita?"

I heard sob on the other line. ["Please come over. Umuwi siya kaninang matamlay. Then when I entered her room... Nahihirapan na siyang huminga. She's pretending that she is okay. H-Hikk my daughter... Please, punta ka dito oh..."]

"God... S-Sige Tita, pupunta na ako diyan. Ngayon din. Just wait for me..."

Natataranta agad ako at nagbihis muli. Aalis na sana ako ngunit naalala ko naman bigla ang PT ko. Lumunok ako at huming ng malalim saka ko iyon lakas loob na tinignan.

Oh God...

____

"T-Tita, Tito... N-Nasaan ho si Erica?" Iyon agad ang bungad ko nang pagdating ko sa hospital na pinagdalhan sa matalik ko na kaibigan.

"Hikkary..." Agad tumayo si Tita at niyakap ako habang umiiyak.

"Shh... Everything will be okay, Tita." Sabi ko rito.

"Hikk, this past few days iba na ang kinikilos no Erica. Lagi nalang siyang tulala." Sabi nito sa akin.

"Hikk..." Napasulyap ako kay Tito nang magsalita ito sa tabi namin. "Alam namin kung anong ikinasasama ng loob ng anak namin." I gulped. "Ija, I know it is too much to ask. But please, will you do some favour for our, Erica? Will you?"

Napakagat ako ng aking labi. "T-Tito--"

"Please, Ija." Tita sobs and also beg me with her gleaming eyes. "Will you asked Zayn to come over and visit your best friend? P-Para naman lumakas agad ang anak namin. Please, Hikk... Please?"

"I... I-I try. T-Titignan ko kung mapakikiusapan ko ho siya. B-But please, don't expect too much. K-Kasi ho, galit sa akin si Zayn. H-Hindi na 'yon makikinig sa akin." Nagkibit balikat si Tito at nalungkot naman si Tita sa sinabi ko.

"But we still hoping. Gusto ko sanang kausapin si Zayn, pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko." Tito said.

"I can beg him for Erica... Magagawa ko 'yon para sa anak ko..." Tita sounds desperate.

Gusto kong tumulong kahit masasaktan parin ako. Gusto ko, pero hindi ko alam kung sa anong paraan. Bhat if...Hindi! Hindi ko kaya at hindi kaya ng konsensiya ko na gawin ang iniisip ko. P-Pero sa nangyayari ngayon. I guess--.

"T-Tita, Tito... M-May ipapakiusap lang sana ako sa inyo... I know, malaking kasalanan ang gagawin ko sa kanya, p-pero ito lang ang naiisip kong paraan para tigilan na ako ni, Z-Zayn para kay Erica. M-Magpaparaya pa rin ako para sa kanya, kahit masakit ho..." Naiyak na rin ako sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. "T-Tulongan n'yo lang ho ako. I'm sure this plan will be the solution. Tulongan n'yo lang ho ako."

Nagtatakang napatingin sa akin ang mag-asawa. Ako naman ay unti-unting ginupo ng aking takot sa dibdib at labis na kunsensiya sa aking gagawing plano.

Nakinig ang mag-asawa sa aking gustong mangyari. Yeah, maybe I am desperate para lang makatulong. And yeah, I know pagkatapos ng gagawin ko ay kaakibat ang hanggang langit na galit sa akin ni Zayn. Pero yun lang ang nakikita kong paraan.

Napapaawang habang nakikinig sila Tito Errol at tita Erin sa akin. Hindi sila makapaniwala sa gusto kong gawin. Hindi sila makapagsalita, hindi sila makapag desisyon ngunit sa bandang huli ay napapayag ko rin sila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status