Share

Starting Point

"Please help me welcome the man of the night. The man behind this photo exhibit my cousin John Antonio Guanzalo II."

Malakas na palakpakan ang sumalubong sa lalaking papaakyat ng stage habang akay-akay ang sikat na aktres na si Blythe Madrigal. There's a rumor na ikakasal na raw ang dalawa sa susunod na taon. They've been together for almost a year and John finally proposed to Blythe. Lahat 'ata ng tao sa buong Pilipinas ay nagbunyi ng nalaman nilang ikakasal na si Blythe at si John. They were the epitome of the perfect couple.

Huminga ako nang malalim ng biglang humingi ng kiss ang mga tao sa magkasintahan na nasa stage. Tapos na kasi ang speech ni John hindi ko man lang naintindihan kung ano ang sinabi niya. I was just busy staring at him. Ang laki ng kasi ng pinagbago niya. He's now a famous photographer who travels a lot just to shoot big events for the big stars. I just couldn't believe that he'll come this far. Simple lang naman kasi ang pangarap ni John. He didn't wish for a gold or diamond to be in his hands. He simply wished to give happiness to the woman he loved before.

"Venice! Venice!"

Napasimangot ako nang marinig ko ang boses ni John na tinatawag na naman ako. Hindi ba ito napapagod sa kakahabol sa akin? He was chasing me when I was still in high school at ngayon na nasa kolehiyo na kami ay hinahabol niya pa rin ako.

I sighed and faced him. "Guanzalo, what?" I asked with a bored face. Heto na naman siya sinusundan ako and I really don't know why he's always pestering me.

"Smile!" He said as I heard the 'click' coming from his camera. This man never gets tired of taking picture of me. Ilang beses ko na siyang nahuli na kumukuha ng litrato sa akin but I chose to disregard it.

"Here you are again..." I sighed as I walked towards him. Pinameywangan ko siya. "Kailan ka matatapos sa pagkuha ng litrato sa akin Guanzalo?" Tinaasan ko siya ng kilay pero imbis na ma-intimidate siya sa akin ay tinawanan niya lamang ako.

Palagi siyang ganito. Kahit tinatarayan ko na siya sa kahit na anong paraan na alam ko ay hindi pa rin siya natitinag o hindi niya pa rin ako tinitigilan. Hindi ko rin naman siya masisi dahil ipinanganak naman talaga akong maganda at ubod ng sexy kahit medyo skinny ako pero keber lang kasi maganda pa rin naman ako. Minana ko kasi ang mala-porselana kung balat sa mama ko na isang public school teacher pati na rin iyong makakapal pero pouty kong lips ay sa mama ko rin galing and the rest ay sa papa ko naman. My family owns a sardines company sa Zamboanga. Ang pamilya ko ang may-ari ng isang sikat na sardinas dito sa Pilipinas.

"Good weather means I need a companion pwede ka ba?"

"Gago! Tinatanong kita iba ang sagot mo nakadrugs ka ba? Adik ka ba?" tanong ko sa kanya pero imbis na sagutin ako ay tumawa lamang siya. Inis na tinalikuran ko siya at inayos ko ang pagkakasukbit ng bag ko sa aking balikat. This is one of the reason why I don't like John Antonio because he kept on annoying me. Maraming beses na niya akong iniinis. Naalala ko pa minsan ng magkaroon ng party iyong subdivision kung saan kaming dalawa nakatira. I was just having fun staring at the group of people who were actually dancing in glee when John suddenly appeared infront of me. Nakangisi ito at may itinatago sa likuran nito. Sinimangutan ko siya pero napasigaw nalang ako ng bigla niya nalang sinupalpal ang isang home made cupcake ng mama nito sa mukha ko. Napatili ako dahil sa sobrang lagkit ng feeling ko. At ang mas lalo ko pang ikinaiinis ay tawang-tawa lang siya sa akin. That was the day that I started hating him and at the same the day when he also started taking pictures of me

"Well, Venice I need -"

Hinarap ko siya nang marinig ko na naman na hihirit na naman si John. Inirapan ko siya at sinipa ko ang paa niya. Napaigik lamang si John. "Hindi tayo friends! Don't you know it?"

"So we're more than friends?" tanong niya sa akin habang nakangisi. I glared at him.

"Asa ka lang!"

I walked away from him. Ayaw na ayaw ko talaga kapag nasa malapitan lamang si John dahil alam ko na babanatan na naman ako ng gago. I know and I am very much aware na maganda ako kaya alam ko na may gusto sa akin si John. People would recognize that I am the daughter of Frederick Dellalana. As I mentioned earlier my father owns one of the biggest sardines factory in the country. Tinatangkilik na rin ang business ng daddy sa ibang bansa. I must say that I grew up with the silver spoon in my mouth. Kahit kailan ay hindi ko naranasan ang maghirap dahil na rin sa pagsisikap ng papa ko. Ang mama ko naman na si Taraha Dellalana ay natigil sa trabaho simula ng mag-asawa sila ni Papa.

"Kunin mo, o!"

May inabot siya sa akin na isang supot ng isang pamilyar na fastfood chain sa lugar namin. Umirap lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

"Venice naman alam kong paborito mo ang burger galing sa Jollibee. Kunin mo na." aniya habang nakasunod sa akin.

"Hindi ko paborito 'yan." Pagkakaila ko. Paano niya nalaman na paborito ko ang burger?

He just smirked at nauna siyang naglakad sa akin. This became a routine to us until I reached college and I graduated. Hindi nagbago si John. He kept on buying hamburger for me even if I didn't ask for it. Naalala ko pa minsan nagising ako na may hamburger na sa tabi ko. I asked my yaya about it and she said bigay daw ng anak ni kapitana. At first ay hindi ko pa kinakain ang mga padala niyang hamburger pero hindi nagtagal ay nilantakan ko na rin kapag may ipinapadala siya sa akin. That's how it works before. It seems like he was willing to do and give everything just to make me happy.

"Venice!" napalingon ako sa boses na mula sa likuran ko. My mind came back from reality. I smiled when I recognized who just called me. She was wearing a body hugging fitted dress na may malalim na cut sa dibdib.

"Katarina! How are you?!" I exclaimed. Lumapit ako kay Katarina na naging matalik kung kaibigan noong nasa kolehiyo pa ko. Isa si Katarina sa mga kaunting tao na nakakaalam sa relasyon niya noon kay John.

"I never thought that you'd be here Ven." Katarina smiled at me as her eyes roamed around my body. I shook my head. "Did the two of you already talk?" Katarina asked.

I sighed. Hindi ko alam kung bakit pero kapag tinatanong ng mga tao kung nakapag-usap na ba kami ni John ay wala akong sagot na maibigay. I never had a mistake and I never hurt him - pero iyon ang tingin ni John sa akin. Years had passed but the pain in his heart was still there. The pain was the sole reason why he cursed me to death. Kung hindi lang talaga dahil sa mama ni John na dati naming kapitana noon ay hindi ako magbabalak na dumalo sa engagement party ni John. Ayaw ko na rin makaramdam pa ng sakit dahil lang sa iisang lalaki. Pagod na ako... Pero bakit ganoon kahit alam mo na pagod ka na ay lumalaban ka pa rin. Iyong klase ng paglaban na para bang kayamanan ng Pilipinas ang nakasalalay.

"Mrs. Guanzalo invited me Kat." I said. "Hindi ko naman mahindian si Tita dahil marami na rin siyang nagawa para sa akin. Kaya pinaunlakan ko nalang siya."

I saw sadness in Katarina's eyes. She tapped my shoulder. "You are still the toughest woman that I have ever known, Ven."

Isa si Katarina sa iilang mga tao na nakakaalam sa pinagdadaanan ko. I can call her as one of my special friend. Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin si Katarina dahil tinatawag na ito ng nobyo nito na si Hugo De Silva isa sa sikat na negosyante sa Pilipinas. Ibinalik ko ang atensyon ko sa magkapareha na nakaupo sa entablado. They seems so inlove with each other. Halata sa mga mata ng dalawa ang labis na pagmamahal nila sa isa't-isa. I don't know how to say this - but I am still hurting! Bakit ko pa pinakawalan ang lalaking mahal na mahal ako? I should have fight for him because without him my life is filled with sadness.

My cheeks burned as I felt my eyes started to be misty. Marahas akong lumunok ng laway para labanan ang bikig sa aking lalamunan. I grabbed my phone and texted my best friend Ayana Ivy Salvador. Alam ko na isa siya sa mga taong makakaintindi sa akin. After a few minutes of waiting ay nakatanggap na ako ng reply galing sa kanya.

Hayop! Sinasaktan mo na naman ang sarili mo, Ven?

I smiled at her response. Bakit ko ba sinasaktan ang sarili ko? I have a choice not to come here pero natagpuan ko nalang ang sarili ko na nagbibihis dahil gusto kong makita si John na masaya at nakangiti. Ang mga ngiti niya ngayon ay dating akin, Ang mga haplos na iginagawad niya sa kanyang kasintahan ay ako dati ang nakakaramdam. Pero ngayon iba na.

Ivy! This is my way of moving forward. :))

Ven!! Wag mong ipilit kung nasasaktan ka pa. Please umuwi ka na or pumunta ka dito sa unit ko. I will cook for you.

Bakit ba nagpapakatanga pa ako? Bakit ba dinadamdam ko pa iyong pait ng kahapon? Bakit sinisisi ko pa ang sarili ko? Bakit pa ako nasasaktan? Mga tanong na kahit kailan ay hindi ko masasagot - wala akong mahanap na sagot.

I drew a deep breath. Muli ay itinungga ko ang wine na nasa loob ng aking kopita. Inubos ko iyon para magkalakas loob akong magpaalam nang maayos sa mama ni John. Tumayo ako at inayos ang suot ko. I excused myself to those guests whom I shared the table with. Dumiritso ako sa table kung saan nakapwesto ang pamilya ni John. This is a photo exhibit at ang nakapalibot sa mga guest ay ang mga magagandang litrato na kinunan ni John sa iba't-ibang bansa. I am so proud of him. Malayo na ang narating niya dahil kanyang sipag at tiyaga. John is indeed a talented man!

Nang makarating na ako sa kinaroroonan nila Tita Amanda - ang mama ni John ay agad ko kinalabit ang ginang. Nasa likuran niya kasi ako. Lumingon si Tita Amanda at sumilay ang isang magandang ngiti sa mga labi nito.

"Tita kailan ko ng magpaalam. Tumawag kasi si mama gusto niyang makipag-video call." binuntutan ko pa ito ng tawa. Nakita kong lumungkot ang mukha ni Tita Amanda.

Back when I was still a kid, Tita Amanda used to invite me to play with her daughter Jea na kapatid ni John. Gusto ko si Jea dahil hindi ito kagaya ng kuya nito. I and Jea became the best of friends. Si Jea ang nagsilbing bridge naming dalawa ni John. We were so close but Jea is now residing in Canada may sarili na itong pamilya.

"Hindi na ba kita mapipigilan Ven?" Tita asked. Tipid akong ngumiti.

"I will visit you Tita kapag may free time ako." I said. Hinalikan lamang ako ni Tita sa pisngi sabay bulong na "I still like you for my son, Venice. Please keep fighting."

I sighed. Sana ganoon nalang kadali na lumaban sa taong hindi ka na mahal. Hindi na ako nagtagal pa sa lugar na iyon dahil pakiramdam ko hindi ako makahinga. I couldn't contain my emotion anymore parang gusto ko ng ibuhos lahat ng luha na naipon ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. I just immediately escsped from the party but escaping was not that easy.

John himself was standing near my car. His eyes were darted on mine. Parang gusto kong kumaripas ng takbo dahil mas lalo akong hindi makahinga nang papalapit ako sa gawi niya. When I finally reached him, narinig ko ang pagbuga niya ng hangin.

"What the hell are you doing here Venice?" paasik na tanong niya. Hinablot niya ang braso ko. I can feel his tight grip in my arms.

"Y-your mom invited me - Aray! Nasasaktan na ako John." I cried.

Tumaas ang gilid ng labi niya na para bang nanunuya. "Marunong ka bang masaktan? Hindi diba, Ven? Kung nasasaktan ka man you deserve that pain that you are feeling right now. You deserve to be hurt!"

Padabog niya akong pinakawalan. No, I don't deserve to be hurt. Iniwan niya akong umiiyak habang nasasaktan. What have I done to him?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status