Share

Chapter Two

Nanlalamig ang mga kamay ko habang kaharap ko si Mr.Fabras nakipagkita siya sa akin para pag-usapan ang Hacienda Mayor. I need to have that property in my hands and I am not giving it to them lalo na sa rason na si John ang may gusto sa hacienda. That place is my safe haven. I cannot afford to lose that place. Matagal ko nang inaasam-asam ang lugar na iyon. I will get it by hooks or by crooks. 

"You know that we are much willing to pay a lot just to have that property Ms.Dellalana." sabi ni Mr. Fabras sa akin. I really hate the man. Unang beses kong nakilala ito ay noong mapadpad ako sa La Alquera. This man drastically asked for my number mabuti nalang at nadaluhan agad ako ni Jade at ito na mismo ang tumaboy sa lalaking kaharap ko ngayon ngayon. 

"I also have the money Mr. Fabras... Don't underestimate me." nagtagis ang mga bagang ko nang makitang ngumisi lamang si Mr.Fabras. 

"My cousin really wants that property." panimula niya. Hinanda ko na ang sarili ko para sa ganitong usapan. "And I believe na kilala mo ang pinsan ko diba?" dagdag ni Mr.Fabras. 

I swallowed hard. Mas lalong lumapad ang pagkakangisi no Mr. Fabras at hindi ko talaga gusto ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Alam ko na may alam si Mr.Fabras tungkol sa nakaraan namin ni John. 

Pinantayan ko ang mga mapanuring titig ni Mr. Fabras. I will not show him that I am still affected about his cousin. "Anong kinalaman ng pinsan mo sa usapan na 'to Mr. Fabras?" 

The man infront of me shook his head. "Sayang lang talaga..." he trailed off. "Ikaw sana ang nasa lugar ni Blythe ngayon but too bad dahil niloko mo siya." Mr. Fabras stated like he really knows everything. Naikuyom ko ang mga kamay ko dahil sa tinuran ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Nangingimi akong suntukin si Mr. Fabras gamit ang kamao ko but I stayed calm. Hindi dapat ako magpatinag sa kanya. 

"The conversation bores me a lot. Kung may balak kayong makipag-agawan sa property then be it. After all I won't mind Mr. Fabras." 

I stood up. Kumuha muna ako ng pera sa wallet ko at ipinatong ko iyong sa lamesa. I left Mr. Fabras without any word. Dumiritso ako sa kotse ko nakaparada sa parking lot ng restaurant na pinagkainan namin ni Mr. Fabras. I pressed the key fob and jumped in to the driver's seat. I sighed deeply. Simula nang makabalik ako sa mga magulang ko ay unti-unti rin na bumabalik ang sakit ng nakaraan. Ang daya lang kasi akala ko time will heal all the wounds but it doesn't have any effect on me. I am still hurt. Ramdam ko pa rin ang sakit at pait sa dibdib ko. If only he knew the reason why I left... Yes, I wasn't ready for him but there's actually more to it. Five years of bringing this pain inside was hellish. Ilang beses kung gustong bumalik sa Pilipinas para bawiin lahat ng sinabi ko sa kanya but I just can't do it. It is for his sake. Para sa kanya lahat ng ginawa ko. I did it for him. 

I drove my car away from that restaurant. I couldn't think clearly. Palibot-libot lang ako sa buong Metro until I found myself standing at someone's grave. Yumuko ako at inalis ang konting dumi sa marmol na kung saan nakaukit ang pangalan nito. 

John Antonio Guanzalo Jr. 

Mas lalo ang napaiyak nang maalala ko ang lalaking ito. I cried so hard. Napasalampak ako sa damuhan habang kaharap ang puntod ng tatay ni John. 

"I am still inlove with your son. Do you think I made the right decision? Hindi ko alam maski sa sarili ko kung tama ba ang desisyon ko na iwan siya. We were both miserable and you knew about that. Mahal ko siya at alam kung alam mo 'yon. I just couldn't accept the fact that he is now happy with someone else. I am losing the fight." 

Mas lalo akong humagulhul. Ramdam mo iyong sakit na kahit ilang taon mo pang pagtakpan ay hindi pa rin kaya - hindi pa rin sapat ang mga araw o taon na ginugol mo para kalimutan ang isang tao. Now, I am doubting kung tama ba ang naging desisyon ko. I told my self that I'll get him back once everything is fine... Pero huli na ang lahat. Kasi hindi na pwede. I just cried my heart out. John was too miserable when I left ilang gabi itong naglasing. Alam ko rin na ilang beses din itong bumisita sa bahay para pakiusapan si mama kung saan ako nakatira. He told my mama na dapat hindi daw ako magpalipas ng gutom. Dapat daw maging mas maingat ako kasi may pagka-clumsy ako. Iyak lang ako ng iyak habang sinasabi iyon ni mama sa akin. Nasasaktan ako dahil kahit iniwan ko na siya ay mas inaalala niya pa rin ako. 

He kept on pestering Vermuda. Kahit si ate Vermz ay nahihirapan kapag nakikita nito si John. Ate Vermz told me kung gaano ako kamahal ni John at alam ko iyon. Taon bago tuluyang tumigil si John sa paghahanap sa akin. I just heard the news that he is now quite busy dahil nag-aaral ito ng photography and after two years ay nabigla nalang siya nang makita niyang namamayagpag ang pangalan ni John sa isang sikat na foreign magazine.

I am just so proud of him. Hindi mapagsidlan ang saya ko ng malaman ko iyon. I even threw a party for him. Kahit hindi niya alam ay basta masaya ako sa naging achievement niya. I was just looking at him from afar. 

Hindi na ako nagtagal pa sa semeteryo. Malapit na rin kasing gumabi at baka mag-alala pa si mama kapag hindi pa ako nakauwi. Ayaw kong mag-alala pa sila sa akin. Halos isang oras lang ang ginugol ko sa pagmamaneho bago tuluyang makarating sa bahay namin. Namamaga pa ang mga mata ko at ang bigat ng pakiramdam ko para akong lalagnatin. I beeped and someone opened the gate for me. Nang maihimpil ko na ng maayos ang sasakyan ay kaagad akong bumaba. 

I went inside our house and I was greeted by mom and dad's sweetness. Nakahalukikip ako habang tinititigan silang dalawa. They were dancing and papa was whispering something that made mama to giggle. May lumukob na inggit sa puso. I guess I will never experience that kind of happiness. 

My eyes became misty again. I cursed myself for being such a cry baby. 

"Anak nandyan ka na pala. Kanina kapa?" Mama asked. Lumapit ito sa kanya bigla siyang niyakap. 

"Kararating ko lang, Mao." I informed her. 

"Kumain ka na? Ba't namamaga iyang mga mata mo?" tanong ulit ng mama niya ng mapansin ang aking mga mata. 

"Jade and I watched a sort of a romantic movie ma. Naiyak lang ako kasi ang sweet."

"May bisita tayo mamaya anak kaya umakyat ka na at magbihis. Mamanduhan ko lang sila Ate Lydia at Ate Gina." aniya na ang tinutukoy ay ang mga katulong ana matagal ng nagseserbisyo sa amin. 

I followed Mama's order. Nagshower muna ako para at least gumaan ang pakiramdam ko. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang malamig na tubig na dumampi sa balat ko. Nang matapos ako sa pagligo ay pinili ko iyong knee-length dress na bigay sa akin ni Ivy noong nakaraang buwan. Malalim ang neckline nito. Ivy is my bestfriend. I met her when I was still in Japan. Ivy was also running away from something. Ivy is a well-renowned fashion designer and a shoe designer in Japan kaya madalas ay wala ito sa Pinas. Madalas din akong gawan ni Ivy ng mga damit. All of my clothes,dresses and shoes are came Ivy Desire. That was the name of Ivy's shop. Inilugay ko nalang ang maalon-alon ko na buhok. 

Nang makababa ako ay dumiritso ako sa komedor. Papalapit pa lang ako ay naririnig ko na ang boses ng bisita nila mama. Naging mabigat ang naging paghinga ko. Pamilyar sa akin ang boses na iyon. My heart was beating so damn fast. Nang tuluyan akong makapasok ay nanigas ang buo kong katawan.

"She's here." anang mama niya. 

Mas lalong kumabog ang dibdib ko nang dahan-dahang lumingon sa gawi ko si John. Nanunuot ang kanyang mga titig sa buong pagkatao. Nanlamig ang buo kong katawan ko. I think I am going to faint. 

"She is still beautiful just like before tita. Walang nagbago." he smirked and it brought shivers to my spine. 

What the hell is he doing here?


Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status