Share

Chapter Five

Tahimik ako sa buong durasyon ng biyahe. He was also silent. Hindi niya kailanman ako tinapunan ng tingin, buong atensyon niya ay nasa kalsada lamang. I tried to declined his offer about sending me home but he insisted. Hindi ako nakatangi dahil sa paraan ng pagtitig ni John sa akin habang inaaya ako. I can sense that he is mad but para saan?

Papasok na kami sa subdibisyon. Madilim na ang paligid at ang nagsisilbing ilaw ay iyong mga poste. Hindi naman gaano kalayo ang bahay namin mula sa main gate ng subdibisyon. Mga tatlong bahay muna ang dadaanan bago makarating sa mansion. Nang marating na namin ang mansion ay inihinto na ni John ang sasakyan. I unbuckled my seatbelt. Nag-ipon muna ako ng hangin sa aking baga bago ko siya hinarap. He was still looking at the road. Nakaigting ang kanyang panga at ang kaliwang kamay niya ay mahigpit na nakakapit sa manibela, halos lumuwa ang mga ugat niya sa kamay.

Tumikhim ako. "John..."

"Do you really have to fetch your friend everytime she's drunk..." lumingon siya sa akin. Nag-isang linya nag kanyang kilay at naglapat ang kanyang mga labi na parang pinipigilan nito ang sarili na magalit.

"Ivy is special to me. Hindi ko siya kayang iwan sa ganoong estado."

"But you are putting your life at stake. You were in danger earlier because of her!"

Tumaas ang boses ni John. I shut my eyes close. Ayaw kong pag-awayan pa namin ito dahil na pagod na rin ako. Pagod ako sa mga nangyari and... everytime John is around. I feel so weak. I feel so restless. Ramdam ko pa rin iyong sakit sa dibdib ko. Ayaw ko ng ganito dahil mas lalo kong napapatunayan na mahal ko pa rin siya after all these years. Walang nagbago siya pa rin ang laman ng puso ko but I am not that desperate to blurt out what I feel. I can still take it. Kaya kong itorture ang sarili ko sa paraang gusto ko.

Sa mga ganitong birada niya ay alam kong umaasa na naman ang puso ko but I have to use my mind this time. Dapat akong maging rational sa mga magiging desisyon ko ngayon. We were both adults and John... he seems so happy with Blythe but why does he have to save me?

Mapakla akong ngumiti at inabot ang kanyang braso. I can feel that he stiffened. Mataman lamang siyang nakatitig sa akin. John's face softened. "I am fine John. I am just... tired." anang ko sa pagod na boses.

He sighed. "I know..." he looked away. "I am also tired. Goodnight, Venice." sabi niya.

Tumango ako at binitawan ang kanyang braso agad akong bumaba ng kanyang sasakyan. Hindi ko na siya nilingon pa dumiritso na lang ako sa aming gate at pinindot ang doorbell. Ramdam ko na naman ang pagkabog ng dibdib ko. It has always been like that everytime he is near. Hindi ko alam kung paano ko pa maiwawala ang ganito klase ng reaksyon kapag nand'yan siya. Nang mabuksan ang gate ay dumiritso kaagad ako sa pagpasok narinig ko nalang ang pagharurot ng kbanyang sasakyan paalis. Madilim na sa kabuoan ng mansion dahil pasado alas dos na rin ng madalinh araw. Hindi na ako nag-abalang dalawin pa sila mama at papa sa kanilang kwarto dahil alam kong tulog na ang dalawa. Pumanhik na ako sa aking kwarto. Initsa ko sa kama ang bag na dala ko at padabog na itinapon ang sarili ko sa aking kama. Pagod na pagod ako. Pagod ako dahil sa mga nangyari pero mas napagod ako ng dahil kay John.

Naisip ko bigla kung paano nagkakilala si John at si Blythe. Hindi naman nila ini-establish sa buong madla kung paano sila nagkatuluyan or kung sa anong paraan sila nagkakilala. The people were shocked when Blythe announced in national tv that she is getting married. Hindi ko napanood ang naturang interview but it went viral in the social media at may clip pa iyon na naging viral. I accidentally played the clip. Kinakain din ako ng aking kuryosidad dahil isang sikat na artista sa Pilipinas si Blythe. People were admiring her. She was also the daughter of the late beauty queen Beliyana Ferrer-Madrigal. Maraming nakakakilala sa pamilya ni Blythe. The whole duration of the interview went well. Halata sa mga mata ni Blythe ang kasiyahan dahil sa nalalapit na kasal nito. The host asked her if who's the lucky but before she could answer ay mga litrato ng lumabas sa likod nito na malaking screen. It was John and her being intimate with each other. Namula si Blythe dahil sa mga litrato. She then confirmed that it was whom she gonna marry.

Such a lucky woman.

I haven't head anything about John when I was still in Japan. But Vermz told me that he is doing great with his job. Napangiti pa nga ako ng malaman kong isa na siyang sikat na photographer. Alam kong natupad ang mga pangarap niya simula ng mawala ako. He conquered his dreams and now I can see that he is completely happy.

Napatingin ako sa aking cellphone ng makatanggap ako ng text message galing kay Ivy.

Ivy:

Are you okay? I saw John. He was so mad when he instructed your driver to send me home. Hindi ako lasing. Don't fret!

Napangiti ako dahil sa natanggap ko ka mensahe galing kay Ivy. Nagtipa ako ng mensahe at pinindot ang send ng matapos iyon.

Ako:

I am good Ivy. I'll go to sleep by now, you should too. Goodnight!

Itinabi ko ang cellphone ko at dumiretso sa tokador. I am looking for a comfortable clothes to wear. Napili ko iyong pink pajama ko at tinernuhan ko pa iyon ng maluwag na puting t-shirt. Pumasok muna ako ng banyo para mag-quick shower. I only spent ten minutes in the shower. Kinuha ko iyong blower ko at agad na tinuyo ang aking buhok. Alas dos na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. When I finished drying my hair, I went down to grab some milk. Pero imbes na sa kusina ang punta ko ay dumiritso ako sa garden ni Papa. I don't know why but there's something inside me that wants to go to the garden.

Napangiti ako nang mamataan ko ang maliit na gate papasok sa garden. Marami ng naging halaman si papa. May orchids, vermuda, green plants at higit sa lahat ay sunflower. Huminga ako ng malalim at bahagyang pumikit. I want to breathe! Masyado na akong kinakain ng aking kalungkutan. Alam mo iyong pakiramdam na gustong-gusto mo iyong isang bagay pero kahit anong pilit mong kunin iyon ay gumagawa ito ng paraan na lumayo sa'yo. It's frustrating to the point that you're thinking of doing a desperate move just to get that certain thing that you want.

I badly need to have Hacienda Mayora. Doon ako magsisimula ng buhay ko. I will finished my work here and settle the papers for Hacienda and leave again... run again from reality.

Hindi ako nakapasok kinaumagahan dahil puyat pa ako at wala pang saktong pahinga. I woke up at exactly eleven am in the morning. My mama didn't even bother to wake me up. Papungas-pungas ako habang papasok ng banyo. Naligo ako at nagbihis. I wore my knee-length floral dress. Hindi na ako nag-abalang magblow dry dahil ramdam ko na ang pagkulo ng tiyan ko.

Pababa na ako ng hagdan nang mamataan ko ang mama ko nakatunganga habang nakatanaw sa kawalan.

"Ma..." I called her. I went to her and kissed her cheeks. "You are spacing out." puna ko sa kanya.

She gave me a weak smile. Maganda pa rin si mama after all these years. Minsan sinabi ni papa na marami raw ang tutol sa pagmamahalan nila ni Mama noon pero my father was too persistent to have my mom as her queen. He even said that he is willing to move heaven and earth just for her mom. I found myself admiring my parents. My heart hopes to have that kind of love someday.

"I am worried about you Venice... Alam ko sa sarili ko na may pinagdadaanan ka anak but you chose not to tell us because you are a strong person at alam mo sa sarili mo na kaya kung ano ang pinagdadaanan mo ngayon but I am your mother I think I deserve to know anak. I deserve to know the reason behind your sudden disappearance five years ago."

Hinaplos ni mama ang aking pisngi. Her eyes were now watery. Namumula ang pisngi ni mama kapag umiiyak. A lot of people says na I am a mini version of my mama. Kamukhang-kamukha ko siya - namana ko raw lahat sa kanya pati na kung paano ako kumilos pero pagdating sa pagiging malakas at independet ay namana ko raw iyon sa papa ko. My mama is too emotional and so do I but... I prefer dealing my emotional problem alone. Ayaw kong may makaalam sa pinagdadaanan ko.

"Mama, I just want to be independent that's all." pagsisinungaling ko. Nag-iwas ako nang tingin sa kanya.

"I know when you are lying Venice Cai."

"I am not mama. Iyon po talaga ang rason ko noon." I said in a convincing tone.

"You left without telling John."

Nanigas ako dahil sa sinabi ni mama. Heto na naman, nararamdaman ko na naman iyong bigat sa loob ko. Sa tingin ko ay may anong bagay na nakadagan sa dibdib ko ngayon. Talking about the past is not my favorite topic.

"He doesn't have to know mama..." I paused as I stared at the maze window that was hung on our wall. It is a huge painting. "Hindi na niya kailangan pang malaman dahil alam kong pipigilan niya lang ako and that's not what I like ma." muli kong dinungaw si mama. She was intently listening to me. I smiled.

"But hinahanap-hanap ka niya araw-araw anak."

"I know... I know mama." halos pabulong kong wika.

Alam ko lahat ng nangyari sa kanya simula ng umalis ako. Sinasabihan ako ni ate Vermz kapag bumibisita si John at nagbabakasakaling baka umuwi na ako. Pero mahigpit ang bilin ko kay ate Vermz na dapat walang makaalam tungkol sa pag-alis ko even my parents were clueless about my whereabouts. I only texted them and assured them na okay lang ako at walang dapat ipag-alala dahil maayos ang aking kalagayan.

"John..."

"John was my first everything mama but I had to make a very tough decision for him. May mga bagay na dapat kung isakripisyo para sa kanya and look at him now. He is very successful." humigpit ang pagkakahawak ni mama sa aking mga kamay. Alam ko na dahan-dahan kong binubuksan sa mama ko ang rason ng pag-alis ko noon.

That chapter of my life was hellish. I could not imagine myself to be in that situation again.

"What do you mean Ven?" nagtatakang tanong ni mama. Her forehead creased.

"Nothing mama... kumain na tayo. " paanyaya ko sa kanya. Ngumiti ako at tumayo para hindi na siya magduda pa. I even lightly pulled her hand. Mama just sighed. Nagpatianod na rin ito.

We went to the dining area and we saw Papa was sitting on his area. Lumapit si mama kay papa at hinalikan ito sa pisngi. Kumislap ang nga mata ni Papa dahil sa ginawang paghalik ni mama sa kanya. Umupo ako sa aking silya at mataman na tinutukan ang aking mga magulang. They looked so happy after so many years. I envied them. I really wished to have that kind of relationship but I guess it is not yet the right time for me to meet the one.

"What's wrong, hon?" papa asked mama when he noticed a shed of tears on my mom's eyes.

Saglit akong dinungaw ni mama. I know she pitied me pero walang dapat ikabahala ang mama ko dahil nakayanan ko. I made it for five years alam ko na makakayanan ko ulit iyon.

Umiling si mama. She raised her hand to stop papa from asking questions. Bumaba ang tingin ko sa mga pagkain na nasa harapan ko. I took the utensils. Bumalot ang kakaibang lamig nang dumantay sa daliri ko ang malamig na bakal.

Nagsimula na kaming kumain. Tahimik lamang kami dahil abala rin si papa sa pagbabasa ng tabloid. Isinubo ko iyong hotdog kaya napadaan ang mga mata ko kay Papa. Napansin ko ang pagkakakunot ng noo niya.

"John is really famous, huh?" komento ni papa.

Napaangat nang tingin si mama at dumako sa akin. I remained silent.

"Dahil na rin sikat ang studio niya sa mga artista at lalo na sa mga nasa corporate world." wika ni mama.

Tumango-tango si papa. Nang makontento siya sa kanyang binabasa ay itinabi niya ang tabloid at sinimsim ang kanyang kape na kanina pa naghihintay ng kanyang atensyon.

"He informed me that he's getting married three months from now. That's surprising, isn't it hon?" baling ni papa kay mama.

Bakit ba masyado silang nagmamadali? What's with the rush? He can just take it slow. I shrug my thoughts off. Hindi ko na dapat siya pakialaman. He is now starting a life on his own and I should not interfere with it.

"But how did he meet Blythe Madrigal? I don't find the girl as a wife material." komento ni papa.

"Don't be so judgemental, hon."

Papa just shrugged his shoulder as he continued to sip his coffee. Pero hindi niya pa rin binibitawan ang topic. He was giving a comment about Blythe and John's relationship which is I found it very... awkward.

"But I am always rooting for John to marry Venice. Aren't they perfect for each other, hon?" Papa looked at mama, waiting for will be her response. Nag-iwas nang tingin si mama. "When Ven left I witnessed how John became so weary. He even kneeled down infront of me just and he pleaded to tell me about your whereabout... pero wala rin naman akong alam."

My tears started to pooled in my eyes. I tried my best to suppressed it. Hindi ko alam ang parte na 'to. Ate Vermz never told me about this. My breath hitched. Kinakabahan ako dahil hindi pa ako handang malaman kung ano ang pinagdaanan ni John simula ng mawala ako. I left him without saying goodbye.

"He was devastated. He even asked for your hand but I told him na matagal pa bago ka makabalik pero pursigido siya maghihintay daw siya kahit anong mangyari but it took five long years anak bago ka bumalik siguro napagod na rin siya kakahintay."

Hindi ko na napigilan nagsialpasan na ang mga luhang kanina pa nagbabadya. Pinunasan ko iyon gamit ang likod ng aking kamay. Nasasaktan ako hindi para sa aking kung hindi para kay John.

"Excuse me po Mama and Papa."

Tumayo ako at mabilis na tinakbo ang aking kwarto.

Baby... I am sorry... Please forgive me.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status