Share

Chapter Six

Mabilis kong itinapon lahat ng mga dumi na nagkakalat sa loob ng aking opisina. Marami akong ginagawang reports na dapat kong ipasa sa board pero maski isa ay wala pa akong natatapos. Hindi ko rin matapos-tapos ang pakikipag-usap sa kampo ni John tungkol sa Hacienda Mayora. They also want the Hacienda but I will fight for that land. Alam ko sa sarili ko na doon ako matatahimik. I always wanted to live peacefully. Masyado na akong nasasaktan dahil sa mga balitang lumalabas tungkol kay John at kay Blythe. I should start to move but I don't know where to start. 

Tinawagan ko si Ivy para asikasuhin ang aming nilulutong event para ma endorse ang mga gawa kong shoes and sandals. Ivy was very much excited siya na mismo ang nag-organize ng naturang event. I was also handling my father's company this time. 

Napaangat ako ng tingin ng bumukas ang pinto ng opisina ko. Sumungaw doon ang ulo ng pinsan ko na si Vermuda. I rolled my eyes at her. 

"Can I come in?" tanong ni Vermz. Tumango lang ako at ibinalik ang atensyon sa nga papeles na nasa harapan ko. 

"Why the sudden visit, Vermz?" I asked her. Vermz was settling some stuff in my coffee table. Nakaupo na ito ngayon sa couch na nasa loob ng opisina. 

"I brought you lunch cousin sabi kasi ni Tita na dalhan ka baka magka-ulcer ka sa dami ng ginagawa mo." anito. 

My mom is still treating me like a baby. Hindi na rin ako nagtaka dahil kaisa-isa nila akong anak. Hirap magbuntis si Mama dahil may deperensya ang matres nito. I was a miracle baby. Hindi inaasahan nila mama ang pagdating ko. They already lost hope pero bigla nalang akong dumating sa buhay nila mama at papa. They were both happy and excited. Naging maselan ang pagbubuntis ni mama sa akin at kailangan niya lang na palaging may alalay at bed rest lamang siya. And when the day that I finally arrived in to their lives ay halos mabawian ng buhay si mama but thanks to God ay nakaraos kaming dalawa ni mama. 

"About the Hacienda Mayora ano na ang balita sa lupain na 'yon Ven?" untag ni Vermz sa akin. 

Napasandal ako sa aking swivel chair at malayang nilalaro ang ballpen na hawak ko. Nakatingin ako sa layo at alam ko na hinihintay ni Vermz ang sagot ko. I heaved a sighed. 

"Ewan ko, I am aching for that land but John also wants it. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang tungkol sa Hacienda Mayora but he wants to renovate it and offer it as a gift to Blythe. Don't you think it's too much Vermz?" 

"I don't know Venice. Ipinagtataka ko rin kung bakit nagustuhan ang lupain na iyon sa San Isidro pero I believe that you are fighting for that land right?" Tumango ako sa tanong ni Vermz. Of course, hindi ko hahayaan na mapunta sa mga kamay ni John ang lupang inaasam-asam ko. I'll make sure that I will be the owner of Hacienda Mayora. 

Ginayak na ako ni Vermz na kumain hindi na ako nakatanggi dahil nakaplastada na lahat ng tupperwares na may lamang luto ni mama sa coffee table ko. Kinuha ko iyong pink na tupperware na may lamang kanin. Natakam ako bigla sa luto ni mama. Si Vermz naman ay nagsimula ng kumain. We were talking about our lives at sa nalalapit niyang promotion sa kompanyang pinagtratrabahuan niya. 

"Diba sabi ni Mama na dito ka nalang magtrabaho. Mama wants you to be part of this company because this is also yours." wika ko habang nakatingin sa pinsan. 

Natatawang umiling si Vermz. "I am not capable in the corporate world, Ven." sagot nito sa akin. Matagal na naming kinukimbinsi si Vermz na sa kompanya na namin magtrabaho pero gusto ni Vermz ang trabaho niya ngayon. Yes, she’s been with that industry for almost six years hindi pa rin ito nagsasawa sa napiling propesyon nito. 

We were just busy eating and chatting when Jade suddenly knocked on the door. 

“Miss, Mr. Guanzalo is outside. He wants to talk to you.” Sabi ni Jane. 

Napakagat ako ng aking labi at alam kung nakatuon sa akin ang mga mata ni Jade at ni vermz. They are waiting for my response. Huminga ako ng malalim at tinanguhan si Jade. 

“Tell him I’ll meet him after five minutes.” Wika ko. KInakabahan ako at alam kong normal lang ito dahil may nararamdamn pa ako kay John pero ano ba ang sadya niya at naparito siya sa aking opisina.  I stood up. Hindi na ako kumain pa. Hindi ko alam kung kaya ko pang kumain. Hindi ako mapakali. 

“Vermuda, anong ginagawa niya rito?” tanong ko sa pinsan ko. 

Nagkibit-balikat ito. “I have no idea. Baka ito na rin ang panahon para mag-usap kayo.” 

“Kailangan pa ba naming mag-usap?” 

Tumango si Vermuda. “For closure Venice.” She smiled. “Magliligpit na ako para makapag-usap na kayo.” 

Tinulungan ko si Vermz sa pagliligpit patra madali rin kaming matapos. Hindi na nagtagal pa ang pinsan ko at nagpaalam na ito sa akin. Wala pa ring tigil ang pagkabog ng dibdib ko. I went inside the bathroom and looked at my reflection at the mirror. Kaya ko ba siyang harapin matapos ang lahat ng nangyari sa amin? Inaain ko nahihirapan akong harapin siyua dahil alam kong may kasalanan ako but I had to that for him. Kailangan kong gawin ang isang bagay na magpapahirap sa aming dalawa para marating niya kung anoman ang mayroon siya ngayon. 

It may be a mistake but I will do the same mistake for him all over again. I sighed deeply as I wiped the tears on my cheeks. I should be strong. Kaya ko pa naman indahin ang sakit na pauli-ulit na pumapatay sa akin. 

Hindi na ako nagtagal pa sa banyo. Lumabas na ako nang matapos akong ayusin ang aking sarili pero laking gulat ko ng bumungad sa akin ang lalaking mahal na mahal ko. John Antonio was sitting like a king in my couch. Malaki na talaga ang ipinagbago niya. Hindi niya ako napansin dahil parang nasa kawalan ito. 

I cleared my throat to get his attention. Napaangat siya nang tingin sa akin. Dumaan ang kung anomang emosyon sa kanyang mga mata pero agad iyon napalitan ng galit at pagkamuhi. 

“Hi…” 

I started a conversation. Tumayo si John at namulsa. Again for the nth time ay huminga ako nang malalim. 

“What brings you here?” I asked. I tried to pull off a strong façade. Ayaw kong ipahalata sa kanya na nasasaktan ako. Taas-noo ko siyang hinarap. 

“I know you know the reason why I am here Venice.” Sabi niya. Dumiritso ako sa aking upuan at kunwaring nagrereview ng kung ano-anong papeles sa mesa ko. 

“I don’t have any idea why you’re here John Antonio.” 

He laughed sarcastically. “Stop fooling around, Venice Cai.” 

I shook my head. Pinasadahan ko siya nang tingin.  “I don’t have time to fool around John Antonio. I am a busy person and I have a lot of things to do.” 

“I want the Hacienda Mayora. “ deklara nito. 

Naikuyom ko ang aking mga kamay dahil sa inis na may pinaghalong sakit. Alam ko kung ano ang rason kung bakit niya gusto ang Hacienda Mayora. He wants to give it to Blythe. Hindi ko matatanggap na pati ‘yon ay mawala pa sa akin. I love him and I am willing to give everything for him pero ang Hacienda Mayora… No! I needed that place to redeem myself. I could feel the lump in my throat. I just swallowed hard. Ayaw kong makita niya akong umiiyak o nasasaktan ng dahil sa kanya. I can endure this… I can endure him. 

“I will fight for that property John… please.” Sabi ko. Ipinikit ko ang aking mga mata dahil nagbabadya nang tumulo ang aking mga luha. 

“Kaya mong ipaglaban ang isang lupain pero hindi mo kayang ipaglaban ang taong sinasabi mong mahal mo.” Sabi niya. Napamulat ako ng mata at sinalubong ang kanyang mga tingin. I can see the anger and the pain in his eyes. 

“John…” 

“Was it so hard for you  to fight for me?” 

Dumaan na naman iyong sakit na nararamdaman ko noong mga panahon na iniwan ko siya. I bit my lower lip as I stared at him. Nasasaktan pa rin si John sa mga nagawa ko sa kanya noon. Nasasaktan pa rin siya hanggang ngayon pero mas nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon. Gusto ko siyang aluin. Gusto ko siyang yakapin at sabihin sa kanya ang totoo pero hindi pwede dahil may ibang taong madadamay kung sasabihin ko pa sa kanya ang totoo.  People may think that I am stupid for still loving John but I don’t care. Buong buhay pinangarap ko na makilala ang isang taong kagaya ng Daddy ko. I wished for a man who will love me as much as I do. And while I was silently wishing John suddenly came into my life. Naalala ko pa noon kung gaano ako kainis dahil hinalikan ako ni John sa pisngi at kung gaano ako kainis nang malaman kung si Vermz ang gusto niya. 

And to answer his question honestly… Hindi, hindi madali sa akin ang iwan siya. Marami akong pinagdaanan noong mga panahon na nagpasya akong lumayo sa kanya nang walang pasabi. Sobra akong nasaktan… sobra-sobra. 

Maagap kong pinunasan ang aking mga luha. Umiiyak na naman ako. Fuck! Ayaw kong makita niyang nasasaktan ako pero hindi ko na kaya. 

“Importante sa akin ang Hacienda Mayora.” I said after I composed myself. 

“Answer my question Venice was it hard for you to fight for me?” 

Nakipagsukatan ako nang tingin sa kanya. He was just waiting for my answer. Inisang lagok ko ang bikig na namumuo sa aking lalamunan. Muli ay unti-unting nagsialpasan ang aking mga luha. 

“H-hindi John. May mga rason ako kung bakit nagawa ko iyon.” Sabi ko sa kanya. 

Napailing siya. “Damn that reasons!” He muttered. Mabilis na naglakad si John patungo sa gawi ko. Umikot siya sa mesa ko at hinawakan niya ang aking braso para maipatayo ako sa kinauupuan ko. I looked up at him. Mas matangkad si John sa akin. 

“John—” 

I wasn’t able to finished my sentence when John’s lips landed on mine. Para akong nahihilo dahil sa halik na iginagawad ni John sa akin. I tried to push him away but his lips are so tempting. Hindi ko na napigilan ang sarili kong tugunin ang kanyang mga halik.  I missed this so much! 

John was the one who cut the kiss. Napatingin ako sa kanya may hindi ako mabasang emosyon sa kanyang mga mata. 

“I am sorry…” 

Iyon lang ng namutawi sa aking mga labi. Alam ko kung para saan ang pagso-sorry ko. I am sorry for causing too much pain to him. Binitaan ako ni John at walang salitang iniwan ako at nilisan ang aking opisina. Hinang-hina akong nakaupo sa aking silya. I touched my lips and I can still feel the warmth of his lips. 

“John kissed me…” mahinang sambit ko. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status