Share

Chapter 1

ISANG MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Brittany De Salve, 28 years old. Walang trabaho, sariling bahay, sasakyan, sariling pamilya, ganda, at higit sa lahat, walang lovelife.

When God showered misfortune, misery, and stroke of bad luck, she was wide arms open and caught them all. How sweet could that be?

They say, when life throws you lemons, make a lemonade. Kaya lang, nagreklamo ang universe ang mahal daw ng lemon, kaya calamansi na lang—maliliit pero mas masakit. Pero ‘pag naging calamansi juice naman ay sulit sa sarap, kaya inaabangan ni Britanny kung kailan sasarap ang buhay niya.

Pasalampak siyang umupo sa maliit niyang sofa, sa munti niyang sala, nakaharap sa TV niyang hindi 32” flat screen, wala pang cable. Hindi uso ang Netflix and chill sa buhay at bahay niya.

Tila tamad na tamad siya habang kumakain ng mainit-init pang mani. Kailan nga ba siya nagsimulang maging ganito?

Ahhh...

Isang buwan na pala siyang walang trabaho matapos umalis sa call center na pinapasukan. Nagtagal rin siya roon ng ilang buwan kahit nahihirapan sa pang-gabing trabaho. Tutal, nakaipon na rin naman siya kahit kaunti, minabuti niya na lang na mag-resign sa BPO industry. 

Totoo namang malaki ang sweldo, okay na sana, kaya lang ‘di kaya ng katawan niya ang palagiang pagpupuyat. Isama pa ang isang sakong eyebags sa ilalim ng mga mata niya. Pakiramdam niya, tatanda siya ng ilang dekada ‘pag ipinagpatuloy niya ang pagiging call center agent.

Hindi naman siya choosy sa trabaho, sadya nga lang na mas priority niya ang kalusugan dahil ‘yon ang tunay na kayamanan. Wala siyang gold bar, pero ang health niya ay mas mahal pa sa ginto.

Tatagal pa naman siguro ang ipon niya nang ilang buwan when the true battle of survival begins.

Buti na lang, naka-advance payment na itong nirerentahan niyang bahay. Pangkain at pansariling pangangailangan na lang ang iisipin niya. Kaso, hindi naman pwedeng ganito na lang lagi.

Kailangan niyang magbanat ng buto kundi nganga ang aabutin niya rito. Hindi pa sa ngayon, pero baka sa susunod na buwan, dilat na ang mga mata niya, bumubula pa ang bibig sa gutom. Ayokong mamatay na virgin, santisima! Idagdag pa ang gagastusin niya sa paghahanap ng trabaho at ang pangkuha ng sandamakmak na requirements. 

Juice colored. More gastusin is waving at my naghihingalong wallet.

“Kaya natin ito. Kapit ka lang nang maigi, ha. Makahahanap din ng trabaho si Mommy, mabubusog ka rin. Kaya kumapit ka lang,” parang nababaliw na pakikipag-usap niya sa wallet niyang naging mataba lang dahil sa dami ng gift card at discount cards.

May kaunting pera pa naman siya na minana nang maulila sa magulang na hangga’t maaari ay ‘di niya ginagamit. 

Second year college sa kursong Architect nang maaksidente ang mga ito na agad ikinasawi ng kanyang mga magulang. ‘Yon ang naging dahilan kung bakit hindi niya natapos ang kursong minahal niya. Kaya kumuha na lang siya ng kursong secretarial.

Nakitira siya sa bahay ng tiyahing matandang dalaga. Ngunit, lahat ng kapaitang dinanas niya sa buong buhay ay doon niya naranasan. 

Araw-araw kung ipamukha ng tiyahin niya na utang na loob niya ang pagtira roon. Na lahat nang sinusubo niya sa bibig ay pinaghirapan nito. Itinuring siya nitong parang katulong at ni minsan, hindi pinakitaan ng pagmamahal. 

Kaya nang tumuntong siya sa edad na bente uno at nakuha ang may kalakihang halaga na pamana ng kanyang magulang, ibinigay niya ang kalahati sa kanyang masungit na tiyahin, bilang kabayaran sa pag-kupkop nito sa kanya, at hiningi ang kalayaan mula sa kanyang poder. 

Lahat ng disenteng trabaho, pinasok na niya—mapa-waitress, cashier, secretary sa isang loan shark company at marami pa. Masustentuhan lang ang sarili at pamumuhay nang mag-isa.

At ngayon, sa edad na beinte'y otso, hindi man niya masabing successful siya, hindi rin naman siya naghihirap sa buhay. Minalas lang talaga siya sa ibang bagay. Malaki pa rin ang pasasalamat niya sa Panginoon.

“Keep your mind fixed on what you want in life, not on what you don’t,” biglang bulalas ni Britanny nang maalala ang mahirap na parte sa kanyang buhay. “Malalampasan mo rin ito lahat. Laban lang. Be positive! Think of happy thoughts. Magugulat ka na lang bukas mayaman ka na pala, may jowa pang masarap.”

Napabungisngis siya sa happy thoughts niya. It keeps her go on with her life, she needs to think positive and stay positive.

“Freiny!”

Nagulantang siya nang biglang may sumigaw at diretso pasok sa loob ng kanyang bahay. Isa lang naman ang sumusugod nang ganito, walang iba kundi ang kaibigan niyang binigyan ng palawit imbis na kipayla.

“Pwede ba, Roberto Macapotpot, manahimik ka nga,” asik niya sa kaibigan nang makalapit ito sa kanya.

Hindik na hindik na tiningnan siya nito, sabay tumabi sa kanya—o mas tamang sabihin, sumiksik— sa masikip niyang sofa. Medyo may pagka-chubby kasi itong kaibigan niyang berde ang dugo, ‘di naman alien.

“Pwede ba, Brittany, na tunog kontrabida ang pangalan pero manang naman, may good news ako sa’yo!” Bigla itong tumili.

Hindi niya mawari kung maiinis ba siya sa tinawag nito sa kanya o maririndi sa matinis nitong tili.

“Ano ba ‘yon?” angil niya. “Nang matigil ka d’yan sa katitili na parang uod na binudburan ng asin. Kulang na lang bumula ‘yang bibig mo, may epilepsy ka na,” OA na pang-aalaska niya sa kaibigan. “Do’n ka sa monoblock, ang likot mo!”

“Okay, ito na.” Bumuga ito nang malakas.

“Kilala mo si Tita Cynthia, ‘di ba? ‘Yong tita ko na nagtatrabaho sa Montejo Development Corporation? ‘Yong nagpaaral sa akin!” Tumili na naman ang loka.

Hindi na niya napigilan ang sarili, binatukan niya ang kaibigan. “Ano ba, Roberto, tumigil ka nga sa katitili, utang inang juice!” Hinawakan niya ang tengang nananakit. “Isa pa ha! Alalahanin mo, gutom ako. Gutom ako!”

“KJ talaga kahit kailan, kinikilig pa nga ‘ko, eh.”

Nag-irapan silang magkaibigan.

“Oh, ‘eto, pinabibigay ni Mama.” Inabutan siya ni Roberto ng pink na tupperware. Binuksan niya ‘yon at naamoy ang paborito niyang adobo.

“Wow, salamat, friend, ito ang pinaka-good news na natanggap ko today.” 

“Gaga! Hindi ‘yan ang pinaka! Si Tita Cynthia nga ‘di ba?!”

“Oo na, kilala ko si Tita Cynthia. Ano ba’ng meron?” putol niya sa kaibigan.

Gusto na niyang kumain. Tamang-tama ang adobo sa mainit niyang kanin at calamansi juice.

“Magre-resign na si Tita bilang secretary,” wika ni Roberto. “May edad na siya, gusto na niyang magpahinga, kaya naghahanap sila ngayon ng papalit sa posisyon niya.”

Ibinaling na niya ang tingin sa kaibigan.

“So?”

“So, bilang isang mabait na kaibigan, ni-refer na kitang babae ka!”

Nagulat siya sa sinabi nito at napatili.

“Friend! Ang gwapo ng future boss mo.” 

Sabay na silang nagsisigaw.

Salamat Lord sa biyayang bigay mo. Wala na ang magulang ko pero ‘di niyo po ako pinabayaan at kumakatok na ang oportunidad. Hinding-hindi ko po ito pakakawalan.

“Nakikinig ka ba, Brittany?” anang Roberto na nagpabalik sa kanya sa reyalidad.

“Ha? Ano nga uli ‘yon?” tanong niya, ‘di alam na nagsasalita na pala ito kanina.

“Ang sabi ko, bukod sa gwapong papable ang boss mo, kailangan mo pa rin sumabak sa interview. Nirekomenda pa lang kita kay Tita Cynthia, pero ‘di ka pa tanggap talaga kaya bakla, ayusin mo lang.” wika nito naka-taas na ang kaliwang kilay nito, halatang nainis sa pambabaliwala niya.

“Oo naman, friend. Susko, isang buwan na akong tambay dito sa bahay. Ang swerte ko talaga sa’yo. Hulog ka ng langit!” wika niya at niyakap ang kaibigan.

Ito ang kasa-kasama niya palagi sa paghahanap ng trabaho. Ang pamilya ni Roberto ang nakaalalay sa kanya, kaya laking pasasalamat niya.

“Ito naman, wala ‘yon. Basta, galingan mo, ha. Para sa future mo ito, bakla! Malay mo, ito na ang sagot para magka-lovelife ka na rin, friend,” kilig-kilig nitong sabi.

Natawa na lang siya sa pinagsasabi ni Roberto at sa mga mata nitong nagdi-daydream.

 “Landiin mo si poging Boss. My god, ewan ko na lang talaga kung ‘di ka ma-inlove at first sight doon. Lakas maka-wrecking ball ng future boss mo. Pantasya ng mga keps!”

“Sino ba kasi ‘yang boss na ‘yan? Patingin nga!”

Kasi sa totoo lang, si Tita Cynthia lang ang kilala niya, no idea siya kung gaano ka-pogi ang boss.

“Gaga ka! Hindi mo kilala? Si Engineer Jonathan Montejo!”

Umiling-iling siya at ikinunot ang noo sa pagtatakha.

“The country’s best engineer. The gorgeous billionaire slash hottie with eight pack abs,” mariin nitong pag-describe.

“Nakita mo abs niya?”

“Yeah, nakita ko ang stolen shots, babae ka. Grabe, nanginig ako. Tapos ikaw, ‘di mo man lang kilala? Kaloka!”

Matapos ang eksaheradang wika nito ay dinukot nito ang cellphone. Matapos ang ilang pagpipindot, iniharap nito ang screen sa kanya. 

“O, eto. Meet your future boss.”

Nangunot ang kanyang noo. Hindi kasi niya maaninag ng maayos ang nasa screen. Para siyang nanunood ng Youtube videos pero mahina ang signal. Ganoon ang nakikita niya ngayon kaya hindi niya masabi kay Rose kung gwapo ba talaga future boss niya o hindi.

"Gaga! Paano mo makikita nang maayos 'yan kung wala kang suot na salamin?" natatawang inabot sa kanya ni Rose ang makakapal niyang salamin sa mata.

"Sorry na, alam mo naman na andito lang ako lage sa bahay," ani niya sabay kamot sa ulo.

Parang bumagsak ang panty niya nang tuluyan niyang makita ang picture. At isa lang ang masasabi niya:

OH. MY. GOD.

Pantasya ng mga kipay nga!

Comments (2)
goodnovel comment avatar
lupen
nakakatuwa ang kwentong ito hahaha ilang ulit ko ng binasa
goodnovel comment avatar
Quennie Co
kelan po ang update?
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status