Share

Chapter 4

    This is it!

    Today is the most anticipated day in my life. The day that I finally that my boring world would probably change...or just I thought?

   I stared at the beautiful building in front of me. I didn't mind the cars moving in unison, the people out about and enjoy their daily life routine, nor the sunrise peeking on my back.

    Tila nag karoon ng panandaliang Slowmo sa paligid ko.

    Dahan-dahan kung ini-angat ang aking kanang kamay na animo'y ina-abot ang gusaling nasa harapan.

    "Ako ang pinaka magaling at masipag na empleyadong meron ka. Tandaan mo yan!" Parang baliw kung i-sinigaw ang mga salitang 'yun sa gusali.

    Gusto kung matawa sa sariling kahibangan at kagagahan. Kong meron man makarinig sa mga sinasabi ko, malamang sa malamang napag-kamalan na akong baliw. Kaso, naalala kung may pag-kabaliw din pala ako minsan. Kaya ayos lang, blame it too Rose. Hawa-hawa lang daw 'yan friend. Napahagikgik ako dahil sa mga naiisip ko ngayon.

    Nakangisi kung tiningala muli ang gusali 'di baling mangalay na ang leeg ko sa katitingala. Wala akong pakialam.

    "Nag-iisa nalang ako sa buhay, ikaw! Ikaw ang tangi kung pag asa para matupad ang pangarap kung mag ka-anak." Mahina kung bulong.

    Habang ang pang umagang hangin naman ay malayang yuma-yakap at hini-hipan ang aking mahaba't maalong buhok.

    Brittany found herself walking towards her new found amazing life. Towards Montejo building. Tatlong beses niya nang nasilayan ang naturang gusali. Pero hindi parin niya mapigilan ang sariling humanga sa matayog nitong instraktura.

    Narating ko na ang harapan ng pamilyar na modernong gusali. Kusang umangat ang sulok ng aking mga labi ng tumongtung ang aking mga paa sa entrada nito.

    Saktong seven thirty palang ng umaga. Mga janitor at security guard palang ang nakikita ko sa lobby ng building. Magalang kung binati ang masisipag na mga empleyado at ganadong pumasok na siya sa loob ng elevator.

     Nakaugalian ko na kasing maging maaga. I'ka nga sa kasabihan 'daig ng maagap ang masipag' kaya ang maging maagap sa ano 'mang bagay. Sabayan pa nang pagiging masipag, malamang sa malamang a-asenso tayo sa buhay. At 'yun lage ang nakasanayan ni Brittany kung saan man siya pumupunta.

    Kahit nag-iisa sa loob ng elevator. Patago ko pa rin na hinihila ang laylayan ng bagong biling palda. Bukod sa nararamdaman kung unti-unti nang nanunuot ang lamig na ng gagaling sa aircon. At isa pa, hindi pa rin talaga ako sanay mag suot ng mini skirt. Nag all out si Rose sa pag transform sa akin, ayaw paawat ni bakla. Dapat daw maganda ako para maganda rin daw ang aura ng magiging trabaho ko.

    Pushhh...Trabaho my asss! Hindi ko maiwasan na mapa-irap.

    Alam ko naman e, kung bakit ginagawa 'tong lahat ni Rose. Mula ulo hangang paa bago lahat ng suot ko. Ultimo underware ko bago rin, pinipilit pa ako ni Rose na mag pa-brazilian wax daw. Noong una nag taka ako ano 'yun? Pupunta ba kaming Brazil? Kung di pa pinaliwanag ni Ashley kung ano ba ang kahulugan noon. Mahabaging langit! Aba'y nahindik talaga ang berhen kung kipay. 'Nag mukha tuloy akong engot, noong sinigaw ko na alaga sa trim kipayla ko. Bruhitang bakla napahiya tuloy ako ng wala sa oras.

    Hangang tuhod lang ang haba ng kulay brown niyang palda, hapit na hapit naman sa kanya. With black inner sleeveless shirt na pinatungan naman niya ng white corporate blazer. Si Rose pa mismo nag handa nitong lahat. Hindi talaga siya iniwan ni bakla masunod lang ang gusto nito. Ang mag mukha siyang tao sa susuotin niya ngayon. Unang araw niya pa naman daw sa trabaho. Hindi niya na masisi ang kaibigan, hindi talaga ito maka move on sa Miss Tapia outfit niya.

    Hindi ko rin maintindihan ang sarili pwede naman akong umayaw?

    This thing is not my cup of tea. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakapag suot ng high heels. 

    Lord mahal niyo pa naman ako di'ba? Sana di ako madapa dito sa suot ko. Isang mataimtim na dasal ang aking iginawad. Habang ang kanang kamay ko ay mariin na nakahawak sa metal hand grill sa loob ng elevator.

    She's wearing every girls favorite thing. And she's not a girl, she's a woman. Girls tend to flaunt there legs. Woman are hiding it because of this damn varicose vein! Now you see the difference?

   Pilit kung bina-balance ng maayos ang sarili. Baka kasi bigla akong matapilok habang naka tayo.

    This heels is insane! It's a 3-inches heel that for me it would consider as a killer heels. Agad akong kumuha ng tissue nang maramdaman na naluluha nanaman ang aking mga mata. Pinagamit din kasi ako ni Rose ng contact lens, sa halip daw na gamitin ang makakapal na salamin sa aking mga mata, at nag-make up din ako ng very-very light lang naman.

    Sana lang talaga hindi ako nagmukhang circus clown dahil sa make up na ito.

    Ng dumating ang elevator sa 40th floor kung saan matatagpuan ang opisina ni Eng. Montejo. Marahan akong napa buntong hininga sabay paskil ng isang magandang ngiti sa mga labi.

    Pag labas ko sa elevator, Isang tahimik na hallway ang sumalubong sa akin. Hindi na nakakapag-taka ang aga ko para sa isang empleyado. Kaya kusa na akong pumunta kung saan ang opisina ng boss niya. Ang alam ko intended for VIP's ang buong 40th floor.  Ng makarating na ako sa dulong bahagi ng hallway. 

    Isang naka'tuwang eksena ang aking na-abotan. Nakita ko ang dalawang lalaki na parehong naka-jeans at t-shirt. Pareho'ng hinulma sa isang perpektong hulmahan ng panginoon. Nasilayan kung nag-tatawanan at nag mumurahan sa labas ng opisina ng boss niya. Sa hinula ko ay nag aagawan ang mga ito sa isang folder, naka taas kasi ang kamay ng isang lalaking may suot na puting T-shirt. Na pilit naman ina-abot no'ng lalaking may suot na blue T-shirt. Parehong matangkad ang mga ito at higit sa lahat ay parehong guwapo, walang maitulak kabigin. Ika nga'y mga perpektong nilalang sa mundong ibabaw.

    Kung andito lang si Rose ma-iihi nanaman 'yun sa subrang kilig.

    Ang isang gwapong lalaki na may maskuladong katawan, at itim na itim ang magulo nitong buhok. May suot na ripped jeans and blue shirt na may naka-printang  'Lick me' sa harap. Namu-mukhaan niya ito at parang nakasalubong niya ito noong palabas na siya sa huling interview niya. Kapansin-pansin kasi ito dahil parang aligaga ito, at nanga-ngating tanggalin ang suot-suot na business suit noong araw na 'yon. 

    Samantalang ang isang lalaki naman ay sa tingin ko ay isang dayohan. Hindi dahil sa tindig at gandang lalaki nito, kundi dahil sa ang pananalita nitong may halong british accent. Na kahit ng mga oras na 'yun ay puro pagmumura ang lumalabas sa bibig nito'y astig pa rin pakinggan. Na mas lalong nag padagdag sa angkin nitong ka-guwapohan

    Wala na finish na! Sila na ang bukod tanging pinag pala ng lahat! Piping hiyaw ko sa aking isipan. 

    Para silang hinugot sa isang magazine tapos napag-tripan na mag agawan ng isang folder. Sa harapan ko pa mismo, para raw mas lalong gumanda ang unang araw ko sa trabaho.

    Lord thank you sa yummy na pa-welcome.

    Natigil lang ang dalawang lalaki ng mapansin ang isang gulat na dalaga.

    "Oh. Hello there, Goodmorning, lovely lady," Wika ng lalaking may naka sulat na 'lick me' sa damit, hindi ko maiwasang pamulahan habang binabasa ang nakasulat sa damit nito. Lumapit ito sa gawi ko at tumigil sa aking harapan. Ito 'yung namukhaan ko. "I'm Aiden at your service, milady," he offer his right hand for a handshake. Kemeng tinangap ko naman 'yon. "Wait.. I think I remember you. Ikaw 'yung nakasalubong ko noong isang linggo? Ikaw ba ang bagong secretary ni Jonathan?"  Hawak-hawak pa rin nito ang aking kamay at tila'y may kakaibang kislap na mababanaag sa mga abohing nitong mata at may nakaka-lokong ngiti rin na naka-paskil sa mga labi nito. "Now, I know why he picked you." Dagdag pa ni Aiden. Nakahinga ako ng maluwag nang bitawan nito ang aking kamay.

    May ugali si Brittany na unang kita palang aakalain mo'ng nagtataray na dahil sa pagiging madamot niyang ngumiti. Pero ngayon nahihiyang nginitian niya si Aiden pabalik. Ang sabi lage ni Father sa homily wag tanggihan ang grasya. Pero bago niya pa masagot ang tanong nito. Biglang lumapit din sa kanya ang lalaking kasama nito at marahas na itinulak si Aiden. Nakita niya'ng sinuntok ito ni Aiden sa balikat ngunit hindi man lang nasaktan ang lalaki.

    Naisip tuloy niya'ng puro muscle si baby boy 'di man lang nag flinched.

    "What a lucky bastard to have a gorgeous secretary, Desmund. Milady," Wika nito sabay abot sa kanyang kanang kamay at dahan-dahan nitong dinala 'yun sa mga labi at hinalikan. Hindi ko na mapigilan ang sarili na pamulahan, siguro kasing kulay na ng kamatis ang buo kung mukha.

    Lord... Ito na ba ang tamang panahon para mag ka anak na ako? Piping usal ko sa sarili habang naka tingin sa dalawang binata na nasa aking harapan.

 "Wait! Do you have a problem with your left eye?" Tanong ni Desmund. May halong pagaalala sa boses nito, hindi ko mapigilan ang kabahan. 

    Naguguluhang umiling siya. Bigla umatake ang kaba sa aking sistema, hindi ko ba nalagay ng maayos ang contact lens? Pero, maayos naman ang aking paningin. Isang mabilis na iling ang aking naisagot sa binata.

    "Cause' baby girl, I think you're the right one for me," malambing na usal ni Desmund sabay kindat.

    BOOOOM! Tangina! Imagine may guwapong nilalang ang nag pick up line sa'yo! Tapos hindi ka naman masyadong kagandahan. Tapos with matching british accent pa! Kasing imported ng Doritos! Langya! taob sa Neneng B. na may magandang katawan.

    "And I believe, stop using useless piece of shit, that pick up lines of yours will not work on my employee Desmund. And please spare us. Kung ayaw mong ipa Ban kita sa building ko." Wika ng isang naiiritang boses mula sa aking likuran.

    Kumabog nang pag ka lakas-lakas ang puso ko. Buong himaymay ng aking katawan nakilala agad kung sino man ang mamay-ari noon. 

    "Damn! Lumayo ka nga Desmund! Amoy alak pa hininga mo, tangina! Lumayo ka! Ang aga mong lumandi." Asik ni Aiden kay Desmund. Pinipilit pa nitong hinihila ang huli.

    "Fuck! What's wrong with you people? Masama bang purihin ang isang magandang dilag?" ayaw paawat at naiinis na tanong ni Desmund. Ngunit ayaw talaga nitong mag pa pigil, ngumiti ito ng nakakaloko at parang may nakitang nakakatuwa. "Fine! Fine! Hands off na! I get that, she's all yours." Itinaas pa nito ang dalawamg kamay na animo'y indikasyon na ito'y sumusuko.

    "Fuck man! Bakit kasi ginawang breakfast ang Jellybean!" Natatawang saad ni Aiden sa boss niya.

    Nahihiyang a dahan-dahan aking lumingon sa binatang boss. At base sa itsura ng guwapo nitong mukha, mukhang wala ito sa mood. Tila nayayamot ito sa hindi malamang dahilan.

    Baka may hindi magandang nangyari kaya bad mood. Kalma ka lang self may trabaho ka pa naman. 

    And just like the first time that her almond eyes, meet the most beutiful set of blue eye's. It's mesmerizing! Biglang nabaliwala ang pag papantasya ko sa dalawang lalaki na kani-kanina lang ay nag aagawan ng folder. Sa wari niya'y tinaob silang lahat ni Eng. Jonathan Montejo. 

    "Wait! 8am pa office hour napa-aga ata ang bagong secretarya mo?" Tanong ni Aiden.

    "Gusto ko sa tao ay 'yung maaga lage, particularly the one that will work directly under my supervision. So I suggest gayahin niyo secretary ko maaga lage." He said that with a proud voice.

    Natigil na naman ang mundo ni Brittany nang bumaling sa kanya ang poging boss sabay ngiti ng napakaganda.

    It's seems that, this is the firstime sun shine on me and give comfort to my soul. The kind of smile that makes my heart do somersault. Iyon ang nararamdamn ko ngayon, it's foreign yet I'm loving it.

    "Brittany, nakikita mo ba 'tong eyeglasses?" Biglang tanong ni Jonathan sa akin. Bigla nitong inangat ang eyeglasses na hawak-hawak. "Alam mo ba kapag suot ko 'to kitang-kita ko halaga mo." Wika nito. Kalmado lang ang pag kakasabi nito pero alam niya'ng may malalim na dahilan.

    "Fuck!"

    "Holy shit!!!"

    Narinig kong sabay na nagmura ang dalawang lalaki. Pero naka nganga lang ako sa harapan ng binatang boss. Hindi pa ma proseso ng aking isipan kung ano ba ang nangyari. Totoo ba 'yun lahat?

    "And that, my friend. Is how you do a proper pick up line." Nakangising sabi ni Jonathan kay Desmund at Aiden. 

    Binigyan siya nito ng isang tapik sa balikat at lumapit na ito sa mga kaibigan. Sabay pa nitong inakbay ang dalawa na tulad niya ay 'di parin maka paniwala.

    At doon na nag sink-in lahat sa kanya.

    Damn! Sino ba nag pa-uso ng pesteng pick-up lines na 'yon ang sarap ilibing ng buhay...

   


    

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status