Share

Just One Night [Tagalog]
Just One Night [Tagalog]
Author: Mairisian

Chapter 1: Betrayal

Chapter 1

Betrayal

“Hey, Andrei, what happened? Ang tahimik mo yata ngayon?” puna ko sa boyfriend ko. Napansin ko kasi ang pananahimik niya mula nang dumating ako.

Nasa isang restaurant kami. Nasa bahay ako kanina nang magyaya siya ng dinner. Hindi sana ako pupunta pero ang sabi niya ay may importante raw siyang sasabihin. So here I was, napasugod agad sa meeting place namin.

“U-uhm…”

“Hey! Ano ba’ng nangyayari sa ‘yo?” nakangiti ko pang tanong.

“K-kasi, babe…” Hindi siya makatingin nang deretso sa mga mata ko.

“Pinagmadali mo ako sa pagpunta dito, Andrei. So, ano ‘yong sasabihin mo?” Nagtataka na ako dahil tumitig lang siya nang bahagya sa mga mata ko. “Come on, Andrei, spill it, babe.” Ngumiti uli ako kahit pilit.

“K-kasi, babe…” Parang nag-aalinlangan pa rin siya sa gusto niyang sabihin.

“Andrei, speak up. Tell me. What’s wrong with you?” kalmado kong sabi. Hinawakan ko pa ang kamay niyang nakapatong sa mesa.

“Babe…” mahinang sabi niya at saka tuwid na tumingin sa mga mata ko. “I-I’m sorry…”

Kumunot bigla ang noo ko. Bigla rin akong kinabahan kaya naguguluhang tumingin ako sa kanya. “Sorry? For what?” I managed to stay calm. “Hay, naku! Kumain na nga lang tayo, babe.” Saka ko siya kinindatan.

Pilit ko pa ring pinapakalma ang nararamdaman ko kahit medyo kinakabahan na talaga ako sa “sorry” niyang iyon. I knew there was something wrong with it. And he was not yet ready to spill it tonight.

Nagsimula na akong sumubo, habang si Andrei ay parang nagdadalawang-isip pang kumain. May napupuna na ako sa kanya these past few days. He was always busy at parang nawawalan na ng time sa akin. Kahit ang pag-text o tawag ay nakakalimutan na niya.

Kung hindi pa ako ang magkukusa, wala talagang darating na mensahe galing sa kanya. Idagdag pa na sobrang lamig na niya sa relasyon namin. Like what was happening now. He was so close yet so far.

“Babe!” he called my attention. “Kathy is pregnant.” 

Natigilan ako. Awtomatikong napatingin ako sa kanya at nabitiwan ang kutsarang gamit ko. “W-what did you say?”

“K-Kathy is pregnant.”

Biglang bumilis ang paghinga ko. Hindi naman siguro… Shit!  “R-really? But she didn’t inform me yet.” Napangiti ako kahit sa totoo lang, mas kinakabahan ako.

Kathy was my friend. Not just a friend but my best-of-the-best friend. She was like a sister to me sa sobrang close namin sa isa’t isa. But these past few weeks ay parang naging iba rin siya tulad ni Andrei. Una ko iyong napansin noong dumating ako mula sa pagbabakasyon sa US. Hindi ako sinundo ni Kathy sa airport na first time nangyari. Siya ang laging sumusundo sa akin kapag wala si Andrei. Pagkatapos n’on, pakiramdam ko ay lumalayo at umiiwas na siya sa akin sa hindi ko malamang dahilan.

Pero kung buntis nga si Kathy, bakit hindi niya sinabi sa akin? I was her best friend pero mas itinago pa niya iyon sa akin.

“B-because it’s—m-mine."

Bigla akong nabulunan sa pagkaing nginunguya ko. “A-ano ka ba, Andrei? This is not a joke. M-masamang biro iyan. Hindi nakakatuwa!” sabi ko pagkatapos uminom ng tubig at pilit na pinakalma ang boses.

“I know you’ll never believe this mess, but it’s true. A-ako ang n-nakabuntis sa kanya…” nakayuko niyang sabi.

Grabeng kaba na ang nararamdaman ko. “Can you please stop it? Hindi na talaga ako natutuwa, Andrei!” singhal ko na siyang ikinalingon sa amin ng ibang tao na kumakain din doon.

“B-but it’s true, Charm.” Nakayuko pa rin siya.

Bigla akong natigilan at parang tumigil ang pag-ikot ng mundo. Para akong sinampal ng katotohanang sinasabi niya na pilit kong dine-deny sa sarili ko.

What the hell is happening?! Oh, God.

Kaya pala nag-iba si Kathy sa akin, tinraidor pala niya ako. I treated her like my own sister!

So, totoo pala? That your best friend would be one of your best enemies. They would turn into a snake, beat you anytime just for their own happiness! 

Damn it! Damn her!

Nang humupa ang nararamdaman ko at naunawaan ang lahat ng sinasabi ni Andrei ay bigla akong kumilos. I grabbed my shoulder bag and walked out of the restaurant.

Habang naglalakad ay naramdaman ko ang munting butil ng luha na nalaglag sa aking mga pisngi. I didn’t notice it! All I could feel was the pain inside my heart.

Of all people, bakit si Kathy pa? Ang dami namang iba diyan, eh. Oh, God, ang sakit ng ginawa nila sa akin. Sila pa na pareho kong mahal. 

Malapit na ako sa nakaparadang kotse ko nang may biglang humawak sa braso ko at pilit akong pinapahinto sa paglalakad. Paglingon ko ay agad kong nasilayan ang mga mata ni Andrei na may lungkot.

Isang sampal na puno ng galit ang agad kumawala sa kamay ko. Hindi pa ako nasiyahan at isang sampal pa uli ang pinakawalan ko sa kabilang pisngi niya.

“Don’t touch me!” sabi ko at agad pinunasan ang hindi maampat-ampat na mga luha.

“I deserved it,” tukoy ni Andrei sa sampal, hinaplos-haplos pa ang namumulang pisngi.

“Yes, you deserve that! More than that!” matigas kong ulit sa sinabi niya.

“I-I’m sorry. Hindi namin parehong s-sinasadya—”

“Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Huh? Na hindi n’yo sinasadya? Oh, come on! Ang sabihin mo, ginusto n’yo ‘yon! Niloloko n’yo lang pala ako!”

“No! It was an accident, babe. Pareho kaming lasing nang sobra at hindi namin alam ang nangyayari nang gabing iyon,” paliwanag pa niya.

“Huwag mo nga akong gawing tanga, Andrei! Alam mo, kung totoong mahal mo ako, dapat umiwas ka kahit pa lasing ka. Mahina ka! Hindi mo ako pinahalagahan kaya nangyari ‘yan. My God, Andrei! Bakit si Kathy pa?” My tears fell at hindi ko na mapigilan iyon. Ang sakit talaga.

Yumuko lang siya at hindi makatingin sa akin nang deretso.

Tatalikuran ko na sana siya nang pigilan na naman niya ako.

“I love you, babe.”

“Mahal mo ako? No, you don’t love me! Kasi kung talagang mahal mo ako, hindi ka dapat natuksong subukan ang isang bagay na magpapasakit ng damdamin ko. Of all people, si Kathy pa!”

“I’m so sorry, babe. I understand what you feel and it’s my damn fault. Please forgive me,” mahinang-mahina niyang paghingi ng tawad.

“It’s over!” sabi ko at tinanggal ang kamay niya sa braso ko. Yeah, it was over. Doon at doon din naman kami papunta. Maybe we were not meant for each other.

“No! Hindi ako papayag. Please, pag-usapan muna natin ‘to, babe. Please. Kung puwede ko lang sanang ibalik ang araw na iyon, gagawin ko, para itama ang mali kong iyon. Please, babe, give me one more chance, please? Aayusin ko ito, promise. Huwag mo lang akong itaboy palayo,” pakiusap niya at hinawakan pa uli ang dalawang kamay ko.

Mapakla akong tumawa. “Sana inisip mo ‘yan bago ka gumawa ng ikasisira ng relasyon natin, Andrei! Sana inisip mo muna ang kahihinatnan ng relasyong ito. Higit sa lahat, itong nararamdaman ko…” lumuluha ko pa ring sabi. Pilit akong kumawala sa hawak niya. “Maybe… maybe we’re not meant for each other, Andrei. Siguro nangyari ito dahil talagang hindi tayo ang para sa isa’t isa at wala talagang tayo.” Napailing ako. “Maybe may dahilan ang lahat kung bakit nangyari ‘to.”

“Don’t, babe. I still want to build a family with you. Please. Tuparin pa rin natin ang sinumpaan natin. We don’t have to end this all just because of her, of that baby,” pagsusumamo pa rin niya.

Nagulat ako sa sinabi ni Andrei at deretso siyang tiningnan sa mga mata.

“Just because of ‘that baby’? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Alam mo, kung wala kang konsiyensiya, puwes, ibahin mo ako. Hindi ako tulad mo na walang puso. Kung masisikmura mong gawin iyon sa bata, puwes ako, hindi. Walang kasalanan ang bata sa ginawa n’yo sa akin kaya huwag kang ganyan! Naumpisahan mo na ang pagkakamaling iyan kaya dapat mong panindigan!” bulyaw ko. “Hindi ako magpapakasaya habang may nasasaktan akong isang inosenteng bata.”

“Please, Charm. I love you. I love you, babe, please. Gagawin ko ang lahat, papakasalan pa rin kita.” This time ay umiyak na rin siya.

“If you really love me, Andrei, then, please panagutan mo ang batang iyon.”

Napailing siya. “Hindi ko kaya ang sinasabi mo. Ikaw ang mahal ko. Ikaw lang, b-babe.” 

“Patunayan mo. P-panindigan mo ang bata kahit hindi mo man ‘yan pinlano. Nandiyan na ‘yan, eh. Have mercy on that little child, for Christ’s sake, Andrei. Huwag mo siyang ibilang sa iba na walang pamilya.”

“Ayaw kong magpatali sa buhay na ayaw ko, Charm. Humiling ka na lang ng iba, huwag lang iyon, please.”

“Then it’s your choice, Andrei! But it doesn’t mean na patuloy pa rin akong makikipagrelasyon sa ‘yo,” sabi ko. “Bye. T-thank you pa rin. Because you didn’t hide it from me. Kahit nasaktan n’yo ako nang sobra, at least nalaman ko habang maaga pa.”

Tumalikod na ako nang tuluyan at hindi na lumingon pa kahit anong tawag ni Andrei sa pangalan ko. Sa bawat pagtawag niya at pagmamakaawa ay parang sinasakal din naman ang puso ko. Umiiyak ako sa bawat hakbang ko palayo sa kanya.

Mabilis akong pumasok sa kotse at agad pinaandar ang makina niyon. Nakita ko si Andrei na lumapit sa tabi ng kotse ko at bahagyang kinatok ang salamin. Tiningnan ko siya at nakitang puno ng luha ang mukha niya. I knew nasaktan siya, pero mas malala naman ‘yong sakit na nararamdaman ko.

Hindi ko pinairal ang awa. Tinigasan ko ang damdamin ko. Ayaw kong maawa sa kanya dahil hindi niya iyon deserve. Tatanggapin ko ang nangyari pero hindi ganoon kadali iyon.

Habang nagmamaneho ay inalala ko ang magagandang nangyari sa loob ng ilang taon naming magkarelasyon. Nakakapanghinayang ang lahat ng magagandang alaala. Nagsumpaan pa kami na kahit ano ang mangyari ay kami pa rin sa bandang huli. Na mauuwi ang lahat sa kasalan. Ang dami-dami naming plano sa buhay. Pero siya mismo ang sumira niyon. Siya mismo ang bumura niyon.

Sumumpa si Andrei na hinding-hindi ako lolokohin at paiiyakin. Pero ano itong ginawa niya? He betrayed me! And worse, he betrayed me with my best friend.

Bigla akong huminto sa pagmamaneho. Para kasing hindi na ako makahinga sa kakaiyak. Pinaghahampas ko ang manibela ng kotse.

I hate you! I hate you! I hate you both!

Sinayang nila ang lahat, pati na ang ibinigay kong malaking tiwala sa kanila. Napailing ako sa panghihinayang. Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na ang lahat ng nagpapasaya sa akin. Siguro totoo nga ang kasabihan na, “pinagtagpo, ngunit hindi itinadhana.”

Comments (8)
goodnovel comment avatar
simple me
nice story po
goodnovel comment avatar
Mark Barquilla
nice po.,...Ang g a.n.d.a...
goodnovel comment avatar
Daniele Porquerino
up date nmn plzzzzzz
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status