Chapter 2: Best

Chapter 2

Best

I thought siya na. We plan, that next year is will be our wedding, but what happened! He betrays me, they betrayed me.

Three years! Lintik ka, Andrei! Tatlong taon, sinayang mo lang. Lolokohin mo lang pala ako. How could you do this to me, Andrei?! Sa wala lang pala mapupunta ang lahat ng plano natin.

Patuloy pa rin ako sa paghikbi habang nagmamaneho pauwi. Sana hindi na lang ako nakipagkita kung iyon lang pala ang sasabihin niya. Hindi ako nakapaghanda sa ganitong pangyayari. Bago sa akin ito. At napakasakit nito.

Nang makauwi ay agad akong pumasok sa kuwarto ko at nagkulong doon. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Wala na sigurong katapusan ang sakit na nararamdaman ko. 

Hinalungkat ko agad sa cabinet ang mga gamit na bigay ni Andrei. Damit, scarf, jewerly, shoes, everything. Even those albums na puro pictures naming dalawa sa loob ng tatlong taon. Kahit maliit na bagay, basta galing sa kanya ay hindi ko pinalagpas. Nilimas ko iyong lahat at inilagay sa malaking trash bag.

Lumabas ako ng kuwarto at dumeretso sa bakuran. Inilagay ko ang trash bag sa malaking drum, saka sinunog.

I hate you so much. I hate you. Hindi ko na naman napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Pero marahas ko iyong pinunasan.

Alam ko kung bakit mo ‘yon nagawa. Dahil ‘yon ang hindi ko maibigay-bigay sa ‘yo. Alam kong matagal mo nang gustong mangyari iyon sa atin, pero ‘buti nga hindi ako nagpadalos-dalos at nagtiwala nang lubos sa ‘yo. Ang hina mo! Hindi mo man lang ako inisip. Pareho lang kayo ng best friend kong ahas. Mga manloloko. You’re not worthy of my tears, Andrei. May araw ding pagsisisihan mo ang lahat ng ito. Mga taksil kayo!

Pabalik na sana ako sa kuwarto nang may makapa ako sa aking daliri. Napatingin ako doon at mapait na napailing.

There’s no use keeping this damn ring! Ang bagay dito, itinatapon. 

Bago pa magdalawang-isip ay inihagis ko na ang singsing sa nag-aapoy na basurahan.

Pumasok na uli ako sa loob ng bahay para magkulong sa kuwarto ko. Nagtataka pa si Nanay Martha sa hitsura ko. Nilagpasan ko na lang muna siya dahil hindi pa ako handang sabihin ang pinagdadaanan ko.

___

“Good morning.”

“Good morning, Ma’am,” sabay ngiti sa akin ng babae sa salon.

Kaysa naman magmukmok sa kuwarto, naisipan kong gumawa ng mga bagay na malilibang ako at makakalimot.

“Uhm, Miss, I need a total makeover. ‘Yong lalabas ang ganda ko,” sabi ko na ikinatulala niya. “Miss, are you with me?”

“H-huh? Sure, Ma’am. Here, upo muna kayo.” May iniabot siya sa akin. 

Tinanggap ko iyon at tiningnan ang iba’t ibang uri ng style ng buhok na sikat ngayon. Magaganda namang lahat kaya hindi agad ako nakapag-decide kung ano ang babagay sa akin. Hihingi na lang siguro ako ng suggestion.

“Feel at home, Ma’am, and wait for a while. Thank you,” sabi ng babae.

Para hindi ma-bore ay kumuha na lang muna ako ng isang magazine at nagbasa. Ang napili ko ay iyong sina Angelina Jolie and Brad Pitt ang cover. They were my favorite celebrity couple in Hollywood. At doon pumasok na naman sa isip ko ang imahe ni Andrei.

Damn! Sana mawala ka na nang tuluyan sa isip at sistema ko.

Hindi nagtagal ay tinawag din ako ng babae. Agad akong tumayo at lumapit. In-endorse niya ako sa isang bakla na pinakamagaling daw nila. “Lulu” ang pangalan niya. Lulu was really funny. Madaldal din talaga so I enjoyed his company.

“I have some suggestions for you, Madam, and I think you’re gonna love it,” nakangiting sabi niya nang sabihin ko na wala pa akong napipili.

“Sige, ikaw na ang bahala sa buhok ko. Kung magugustuhan ko ‘yan, eh, di magugustuhan mo rin ang tip ko sa ‘yo,” nakataas ang kilay na sabi ko pero nakangiti naman.

“I am ninety-nine point nine percent sure of that, Madam. You won’t regret it.”

Sinimulan agad ni Lulu ang paggupit sa buhok kong mahaba at walang korte. Nag-suggest din siyang ipa-Brazilian rebond ko at pakulayan. I said yes. Lulubusin ko na ang lahat para sa pagbabago at pagbangon ko.

I waited the whole day para makita ang makeover sa akin. Siyempre, nakaka-excite isipin na ngayon ko pa tuluyang na-experience maging confident sa sarili ko. Mula noon kasi ay kontento na ako sa natural kong buhok.

“Shaaaraaan! O, ‘ayan, Madam, ‘di ba mas lalo ka pang gumanda?” Hindi nga siya nagsisinungaling. “Sabi ko na nga ba, eh, unang tingin ko pa lang ay mas mapapaganda talaga kita. You’re hiding your real beauty, Madam. Sayang ang ilang taon sa pagtatago mo nito. Now you look more irresistible, sophisticated. Hindi na ako magtataka kung dadagsa ang manliligaw n’yo.”

Mapakla akong ngumiti. “Talaga?” Kung alam mo lang sana kung ano ang nararamdaman ko ngayon at kung bakit ako nandito.

“Pak na pak at bagay na bagay,” dagdag niya na parang mas siya ang nasisiyahan sa kinalabasan.

 

“Naku, binola mo pa ako.” Inismiran ko siya.

“Naku, hindi, ah. Sasabunutan ko ‘pag may nagsabing hindi bagay at hindi maganda itong makeover n’yo,” nakangiti at nakataas-kilay pa niyang sabi.

I laughed. “Anyway, thanks for this makeover.”

“No problem, Madam. I’m just doing my job to serve you better and be satisfied. Trabaho ko din talaga ang magpaganda ng mga tulad n’yo.”

He really serves me well, at natuwa ako sa kinalabasan ng gawa niya kaya susklian ko rin iyon ng tama. Kaya ayun tuwang tuwa naman ito sa tip na bigay ko sa kanya.

Pagkatapos, sa spa naman ako nagpunta para magpa-body scrub, massage, facial treatment, at iba pa. Nasiyahan ako kahit mabigat pa rin ang loob ko.

Mariin kong pinigilan ang nagbabantang mga luha sa aking mga mata. They were not worthy of my tears.

Ipapakita ko sa ‘yo na maling niloko mo ako at ipinagpalit.

Pagkatapos ay naisipan kong mag-shopping. Nang magpa-park na ako ng kotse ay hindi ko napansing may kotseng paatras ng parking area. Hindi ko napansin ang signal light nito kaya huli na ang lahat para makailag. Napapikit na lang ako nang magsagian ang mga sasakyan namin.

Tsk! Patay. Problema ito!

Nagulat na lang ako nang may kumatok sa kotse ko. Narinig ko siyang pumapalatak sa labas at nagmumura pa. Pero pag-angat ko ng ulo ay bigla akong natigilan.

Oh, God! Ang pogi niya! Pero nakaka-disappoint lang dahil hindi bagay sa kanyang magmura.

Ibinaba ko ang salamin ng kotse ko at tumingin nang deretso sa kanya. Tumigil siya sa pagmumura.

“I-I’m sorry, Mister… I-I just didn’t notice your signal light. I’m very sorry,” mahinang sabi ko, ewan kung bakit ako natatanga sa kanya. Dahil ba kinakabahan ako, o dahil nabibighani ako sa taglay niyang kaguwapuhan?

Sumeryoso siya at kumalma. “Next time, woman, watch your way while driving. You have to always focus para walang disgrasya,” medyo nakakunot-noo niyang sabi sa akin.

Napalunok ako. “O-okay. U-uhm… How much is the damage, Mister? Babayaran ko na lang.”

“No, thanks. Just be vigilant next time.” Then he turned around and walked out. 

Ang suplado naman niya, pogi pa naman sana. Hmp.

Nagpatuloy ako sa pagmamaneho at ipinark na ang kotse ko. Pagpasok sa mall ay dumeretso agad ako sa boutique at namili ng mga damit na babagay sa new look ko. Bumili na rin ako ng mga makeup. Katulad ng suhestiyon ni Lulu. Ang dami niyang tip sa akin tungkol sa pagpapaganda. He even taught me how to use and apply makeup at kung ano ang babagay sa akin.

Tingnan lang natin ngayon, Andrei, kung sino ang nawalan sa ating dalawa.

Papasok ako sa isang restaurant nang hindi inaasahang makita ko siya—ang isa pang walanghiyang nag-traidor sa akin. Sa unang tingin, mabait siya. Iyon pala, ahas din.

Tinaasan ko siya ng kilay at taas-noong naglakad patungo sa bakanteng table na medyo may kalayuan sa table niya.

Sa gilid ng mga mata ay nakita ko siyang nakatingin lang sa akin. I knew nagtataka siya at nabigla sa pagbabagong anyo ko.

Akala mo siguro, magmumukmok ako sa pagkawala sa akin ni Andrei? Huh, never! I’ll show you that I’m not affected at all.

Um-order ako ng pagkain nang lapitan ako ng waiter. Nang makuha niya ang order ko ay agad siyang ngumiti at umalis.

Kinuha ko ang phone ko sa bag at tiningnan kung sino ang tumatawag. I clicked the End button. Fifteen missed calls and twenty messages na nanggaling lang naman sa Andrei na iyon.

Nang tumawag uli siya ay tuluyan ko nang in-off ang phone ko dahil nakakairita na talaga ang ginagawa niya. Ano ang akala niya sa akin? Mag-stay pa rin sa kabila na nangyari? Bullshit.

“B-best…”

Napaangat ako ng tingin. Tiningnan ko lang siya at walang salitang lumabas sa bibig ko.

“Charm….” Teary-eyed pa ang ahas! Best actress. “Best, I’m s-sorry.”

Bumuntong-hininga ako. “Best!” Nang-uuyam na ngumisi at napapailing lang ako. “Tsk! Hindi bagay na endearment sa isang traidor na tulad mo!” Pinigilan ko ang emosyon ko. Pero hindi pa rin nawala ang sakit dahil sa tagal naming magkaibigan at sa dami ng pinagsamahan namin.

“I know m-mali ang nangyari sa amin ni A-Andre—”

“Can you please stop it? Ayoko nang marinig pa uli ‘yan,” pagtataray ko.

“M-maniwala ka sana. H-hindi namin ‘yon sinadyang mangyari,” patuloy pa rin niya sa mahinang boses, nakayuko pa.

“At gusto n’yong maniwala ako sa drama n’yong dalawa?! Huh? Oh, come on, Kathy, hiwalay na kami, dapat magsaya ka na ngayon. Alam ko namang noon pa man ay may gusto ka na sa kanya. At nakahanap ka lang ng timing para masira kaming dalawa. O, ano ngayon, masaya ka na?” puno ng poot na sumbat ko.

Napaawang ang mga labi niya sa sinabi ko. Noon pa man kasi ay napapansin ko na iyon, pero binale-wala ko lang dahil may tiwala ako sa kanya, sa kanilang dalawa ni Andrei. Pero mali pala ang magtiwala nang sobra. Lalo pa’t hindi mo naman hawak ang iniisip nila.

“I’m really sorry, best. Alam kong mali, pero nadala lang kami pareho dahil lasing kami.”

“Lasing man kayo o hindi, dapat inalala n’yo pa rin ang damdamin ko! Pero hindi, eh, mas nagsaya pa kayo! Bullshit! Sinaktan n’yo ako at idinahilan n’yo pa ang kalasingan n’yo.”

Umiiyak na si Kathy. Napapatingin na rin sa amin ang ilang tao sa paligid. Mabuti na lang at kaunti pa lang ang nasa restaurant.

“Charm… Please f-forgive me. Sorry talaga. Hindi ko sinasadya. Nadala lang ako.”

“God, Kathy! Will you please shut up? Ayoko ngang marinig ‘yan. Hindi kita kayang patawarin. I treated you as my own family, as my sibling. Pero ano’ng ginawa mo? Sinayang mo lang ang lahat! And because of what you did, hindi kita kayang patawarin. Nasaktan ako nang sobra.” Hindi ko na napigilan, my tears fell. “Sayang lang ang lahat. Sayang ang friendship nating dalawa. Okay lang sanang ginago ako ni Andrei, tatanggapin ko ‘yon sa sarili ko. Pero sana, hindi ikaw ‘yong dahilan kung bakit ako mas nasasaktan.” I silently sobbed.

“I hope you’ll still forgive me, b-best. I’m really sorry.” Naramdaman ko na lang na nagmamadali siyang tumayo. Alam kong nasaktan siya sa sinabi ko. Pero mas doble naman ang sakit ng nararamdaman ko kaysa sa kanya. Kasi ako, dalawa ang nawala sa akin. Love life at friendship. Siya, isa lang.

Tuluyan na akong nawalan ng ganang kumain kaya tinake out ko na lang ang lahat ng order ko, saka nagmamadaling umalis.

Habang nagmamaneho pauwi ay hindi ko pa rin maiwasang malungkot sa mga nangyari. Naluluha pa rin ako sa sakit.

Huwag mo silang iyakan, Charmane. Hindi sila worth it para sa luha mo. Ang dapat mong gawin ngayon ay mag-move on. Moving on is the best way to feel better. 

Pero parang mahirap. Lalo pa’t maraming taon ang nakasalalay.

Pagkauwi ay nagkulong agad ako sa kuwarto, saka doon inilabas ang lahat ng sakit. Inalala ang lahat ng magagandang nangyari.

Ganito na lang ba lagi? Naaapektuhan na ang buong sistema ko at pamumuhay.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Dumpit Antolin Editha
talagang ganyan ang buhay di kayo segoro para sa isat isa
goodnovel comment avatar
simple me
wag mo sayangin ang luha mo sa mga kwentang tao
goodnovel comment avatar
Omma Bael
tama wag mong iyakan yang mga ganyang klase ng lalaki at kaibigan makaka tagpo ka rin ng tama guy in perfect time
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status