Share

Chapter 3: Club

Chapter 3

Club



Iba sa paningin, iba sa pakiramdam, at kakaibang kapaligiran.


That was my first expression the moment I stepped inside this establishment. “Paraiso” ang tawag dito ng mga taong walang ibang alam gawin kundi magpakasaya.


Hindi pa ako nakakapunta sa ganitong lugar dahil puro bahay at eskuwelahan lang ako noong nag-aaral pa ako. Nang makapagtapos, bahay at trabaho lang. Naiba lang three years ago when I met Andrei.


Sa edad ko ngayon, napaka-late na para ma-experience ang ganito. But it was better late, than never.


I felt a little bit nervous. I was scared dahil sa kadiliman ng kapaligiran at bagsik ng mga tugtog. My knees were shaking, my hands were sweating, and my skin felt cold. But despite that, I still managed to stay cool.


Maraming nagkakasiyahan. Inom dito, inom doon. Sayaw na walang pakialam at puro paglalandian sa mga hindi naman kakilala. Wasted Bar, iyon ang pangalan ng bar na pinasukan ko. Wasted, saktong-sakto sa mga customer na nandito because they looked wasted. And I was here to overcome, to forget, and to get wasted.


Hindi ko masisisi ang ibang kalalakihan kung paano nila ako titigan. Why? Because I was wearing my most seductive black fitted backless dress na above the knee. The neckline of the dress perfectly suited my bosom, and it was emphasizing my white skin. Idagdag pa ang nakalantad kong balikat at likod. My hair was sexily swaying while moving inside the bar. I chose to apply dark makeup na alam kong mas babagay sa aking suot.


Ganito ba ang nagagawa kapag nasasaktan? Gaganda ka nang hindi mo namamalayan?


Naalala ko pa kanina nang makita ako ni ‘Nay Martha. Hindi raw niya ako nakilala at sobrang gandang-ganda siya sa akin. Tinanong pa ako kung bakit ako nagkaganoon. Ngumiti lang ako at hindi siya sinagot.


Agad akong pumuwesto sa harap ng bartender. I didn’t entertain the lustful stares from the guys.


“One shot of martini, please,” I seductively asked the hot bartender.


He smirked. “Sure, Ma’am.”


___


Bradley Hernandez,

The CEO of the Hernandez Group of Companies. The young businessman. Hinahangaan ng marami dahil sa pagka-young achiever, maliban doon hinahangaan din ng mga kababaihan.


Earning money at a young age is very spectacular. Very hot and handsome, intimidating and many more. Lahat yata ng isinabog ng Diyos na magagandang katangian sa lalaki ay siya ang nakasalo. Except sa kagandahan ng ugali. He is one of a serious man living in his own way, minsan lang kung ngumiti, and he is a snob and stubborn billionaire.



The perfect man existing. Well, he is part of that society.


Sabi ng karamihan, ang suwerte daw ng magiging girlfriend niya. At lalo na ang magiging asawa. But he didn’t use to it, he doesn’t want to belong to those married man like others. Sakit lang daw ang mga babae sa ulo ng katulad niya na puro negosyo lang ang dapat alagaan.


He is heartless sometimes. Strict boss to their company. But of a good provider and also a leader. Hindi naman siya masamang tao, gusto lang niya'ng nasa ayos ang lahat.

He never goes out to have some fun, kasi katwiran niya tapos na ang buhay pagpapakasasa niya noong panahong wala siyang iniintindi kundi ang sarili lang niya.


_____

Brad

“Cheers and chill!” my colleagues happily shouted.


“Hey, Brad. Himala’t dumalo ka sa grupo ngayon?” Vincent couldn’t believe my presence.


“Oo nga, Brad,” segunda naman nina Troy, Albert, at Greg. They were my best buddies, mula noon hanggang ngayon.


I smirked and then drank my liquor. “If you don’t want me here, guys, then I’ll go,” sabi ko pagkababa ng wineglass sa mesa.


“Gago. Hindi lang kami makapaniwala,” Troy said.


“Yeah. Agree,” sabi naman ni Albert.


“Tsk! Pasensiya na. Alam n’yo namang sobrang busy talaga ako. Handling and running that family business alone is really hard. You know that,” paliwanag ko. Mula nang magretiro na si Dad ay sa akin na naatang ang lahat. 

Pero naisip ko, kailangan ko ring mag-unwind minsan para naman mawala ang stress ko sa office.


“Hey, dude. Hindi lang naman ikaw ang busy. We all are. Pero bakit mas gusto mo pang magkulong sa boring at pribado mong opisina? Magsaya ka naman kung minsan,” Greg said habang nagsasalin ng alak sa baso ko. “Drink up. ‘Dami mo nang absent.” At marami siyang inilagay sa baso na halos mangalahati na.


“Ito ngang si Vincent, will be happily married soon. But look at him, nakakasabay pa rin,” sabi ni Troy.


“Okay, guys. To shut you up, dadalasan ko na dito sa Wasted,” sabi ko na lang para manahimik na sila.


“We heard you loud and clear. Aasahan ka namin lagi dito,” Albert said. “Cheers! Para sa kaibigan nating laging busy.” 

Naghiyawan naman ang tatlo at natawa na lang ako.


“Pare! Parang ang suwerte natin ngayon, ah. Look, ang daming chikababes,” turo ni Greg sa isang grupo ng kababaihan na sumasayaw ngayon sa dance floor.


Sa kanilang lahat, si Greg ang pinaka-playboy at chickboy. Ang daming nagkakandarapa sa kanya at ang dami na rin niyang napaiyak. Kahit saan yata magpunta ay hindi nauubusan ng babae. Parang damit lang kung magpalit ng babae.



“Very well said. Let’s go and join them, Greg. Painitin natin ang gabi nila.” Albert grinned.


Si Albert naman ay pilyong stick to one. Minsan nanloloko, madalas na naloloko. Iba kasi siya kung magmahal. Bigay nang bigay. But unlike the others, madali lang para sa kanya ang makabawi.


“Yeah, dude. Let’s join them. Come on,” sabi ni Troy na mas nauna pang tumayo.


Si Troy naman ay pihikan pero playboy rin. Mapili kasi siya sa mga babae. He wanted that perfect girl who would pleasure and please him. So far ay hindi rin siya nawawalan ng babae.


“Good luck, dude. Malay n’yo, isa sa mga iyan ang para sa inyo,” Vincent said na napapailing na lang.


Vincent Madrigal, tinaguriang “the most secretive” among of us. Namalayan na lang namin na ikakasal na pala siya sa kanyang childhood sweetheart. But way back ay maloko rin siya sa chicks.


“Oh, come on, Vince. Hindi pa ipinapanganak ang para sa amin. Right, Brad?” Greg said matapos lagukin ang lahat ng laman ng kopita niya.

“Ikaw talaga, Greg, kahit kailan. You always play as the mastermind,” naiiling kong sabi. Ngumiti lang siya. “But yeah, you’re right.”


“As always, Brad. Come on, let’s mingle,” sabi niya, nakatayo na at papasunod sa nauna nang sina Troy at Albert.


“Nah, pass muna,” I said but I think hindi na niya narinig dahil nakaalis na siya.


Naiwan kami ni Vincent. Nagpatuloy na lang kami sa pagtungga at pagkukuwentuhan ng kung ano-anong bagay tungkol sa business world. He was also handling their business—ang The Ruby’s na isang five-star hotel and restaurant na nasa Quezon City. He was also busy man, lalo na sa mga susunod na araw dahil magkakaroon na siya ng sariling pamilya. Ano kaya ang palusot niya sa kanyang bride-to-be at pinayagan siyang makapag-hangout ngayon?


“Ikaw? Ayaw mo ba talagang sumunod sa kanila?”


“No. Pumunta ako dito para mag-relax, hindi para maghanap ng babae.”

“But a woman is relaxing,” he playfully said.


“Not all the time.”


“Whoa! You really changed a lot, Brad. Parang nag-mature ka na yata ngayon, ibang-iba sa noon. Naalala ko pa, sobra ka pa sa tatlong iyon,” turo niya sa tatlo naming kaibigan na may kanya-kanya nang kapareha.


“That’s life. Hindi naman kasi habang-buhay, magpapaka-happy-go-lucky na lang tayo. Kailangan din nating magseryoso. Like you.”


Napatango siya. “Yeah. May point ka, p’re.”


“Anyway, kailan ang kasal n’yo ni Evane?” tanong ko out of curiosity.


“Soon, pare. Hindi pa namin napagdedesisyunan kung anong buwan at petsa, ayaw naman naming madaliin. You know, my bride-to-be wants a perfect time always. And of course, gusto kong ibigay ang the best wedding para sa kanya,” sagot ni Vincent na nakangiti pa at sobrang saya.


“Tsk! Tsk! Mababawasan na pala kaming mga single nito. Ayaw mo na bang magpaawat?”


“Ganyan talaga ang buhay, lahat tayo ay magkakapamilya din balang-araw. Magpaawat? Never, because this is what I want. Alam kong hindi magtatagal ay isa sa inyong apat ang susunod sa akin,” he proudly said.


“Nah. Not my dream. You really love her?”


“Very much. I love her and I dreamt of this a long time ago.” It was very obvious that Vincent loves her.


Tumagal pa ang pag-uusap namin habang ang tatlo naman ay nagkakasiyahan pa rin. Naputol lang ang pag-uusap namin nang may tumawag kay Vincent. Tumayo siya at lumabas para sagutin ang tawag.


When Vincent left for awhile, nagka-chance akong tingnan ang buong paligid. Wasted Bar. This bar was our paradise. After class ay dito agad kami tumutungo noon. We met our flings here. We were happy-go-lucky bastards way back. Pero sa aming lima, ang tatlong iyon ang lalong lumala sa paglipas ng mga taon.


Kumunot ang noo ko when I saw a woman sitting alone on a corner. She looked familiar, but I didn’t know when and where did I first saw her.


My eyes focused on her. She was beautiful kaya nakakaagaw ng pansin. She had perfect curves that was hard to resist. She did not look like a whore. I had this urge to join her. But I stayed still dahil baka nasa CR lang ang kasama niya. But I think she was alone and lonely? Impossible! Sa ganda niya, wala siyang kasama? 

Naputol ang pagmamasid ko sa babae nang may magsalita sa harap ko.


“Pare, puwedeng mauna na ako sa inyong lahat? May emergency lang. Pakisabi na lang din sa tatlo?” Vincent said worriedly.


“Sure, Vince. Ako nang bahala dito,” sagot ko naman agad.


“Okay, Brad. Salamat. I’ll go now.” And then he left. May pagmamadali pa sa kilos niya.


My eyes went back to that woman again. Wala pa rin siyang kasama. Kung lapitan ko kaya siya?


____


Charmane



Hmp! Ang dami ngang nakatingin sa akin, pero wala namang lumalapit. Gano’n na ba ako kapangit? tanong ko sa sarili.


Sa paglinga-linga ko ay may nakita akong isang lalaki. He was looking at my direction like I was a small object and he needed a microscope to see me clearly. Napakunot ang noo ko nang makitang parang pamilyar siya sa akin. But I couldn’t remember when or how. May kadiliman sa puwesto ko pero naaaninag pa rin naman ako.


Napalunok ako nang makita siyang kumindat. Biglang nag-init ang magkabilang pisngi ko. I ignored his presence and enjoyed the moment alone. But when I turned my eyes on him again, nakita kong sa akin pa rin siya nakatingin.


What’s wrong with him?


I avoided his gaze dahil hindi ko matagalan. Tumungga uli ako ng alak. Napangiwi ako nang maramdaman uli ang mapait na likido sa lalamunan ko. Parang ganoon ‘yong pait ng nasayang na relasyon namin ni Andrei. 

I was now a little bit tipsy dahil nakakalimang shot na ako ng martini. But I was grateful because I had high tolerance for alcohol. Kaya malakas ang loob kong uminom nang marami at mag-isa. Wala naman akong mayayang kaibigan. Because Kathy was my only friend who turned out to be my best enemy.


Tumingin uli ako sa direksiyon ng lalaki kanina. Napalunok ako dahil sa akin pa rin pala siya nakatitig. And this time, nakangiti na siya nang bahagya na nagpabilis sa tibok ng puso ko.


He is cute. I mean handsome, and I think superlative among the other guys here. What if I invite him here o alukin siya ng alak? Hmm, napaisip ako bigla.


Nakita kong inangat niya ang wineglass at nag-cheers sa akin. So siya na ang unang nag-alok. Why not?


Nagpakawala ako ng pilyang ngiti, saka itinaas din ang kopita ko. Doon na siya bahagyang tumayo. And—and—

Oh, God! I think he’s coming over my direction!

Mga Comments (9)
goodnovel comment avatar
Rex Balane
relax Lang charm
goodnovel comment avatar
Nerissa Mendoza
ok nA maka move on na siya
goodnovel comment avatar
Rose Laya Relampagos
pinagtagpo kayo.ulit ng tadhana charm
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status