Share

Chapter 4: Encounter

Chapter 4

Encounter

Oh, boy!


Sa akin ba talaga siya pupunta?

Shit!


He was really the definition of a perfect man. Matikas na pangangatawan, magandang mukha, perfect lips, pointed nose, black dark eyes na kung tumitig ay makalaglag-panga. Thick set of eyebrows. Messy hair na mas bumagay sa kanyang mukha. His luxury apparel suited him very well. I wondered how many abs did he have under his suit? 

Napailing ako sa naisip.

But he looked familiar. Parang nakita ko na siya, hindi ko lang talaga maalala kung saan at paano.


Palapit talaga siya sa akin. Shit! Kaunti na lang. Hindi ko mapigilang paulit-ulit na lumunok. Naramdaman ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko.


Gosh! How will I turn around and avoid his dark eyes kung nandiyan na talaga siya? Ewan kung bakit ako nakakaramdam ng ganitong kaba. Strange feeling. I was sure that I didn’t feel this way to Andrei before, even on our first meeting.


Ibinaling ko na lang agad sa ibang direksiyon ang paningin ko.


“Hi, lady.”


Napasinghap ako at napalingon sa taong nasa tapat na ng mesa ko. Umupo pa siya roon.



“Uhm… H-hello,” tipid kong sagot.


“May I join you? If you don’t mind.”

Nagpapaalam ka pa, umupo ka na nga, eh, gusto ko sanang sabihin.


Tinitigan ko muna siya bago ngumiti nang bahagya. “S-sure, feel free,” tumatango kong sagot.


Hindi ko maiwasang mapatitig sa mga labi niyang namumula. Kahit medyo madilim sa bahaging iyon ay tiyak kong mas guwapo siya sa malapitan.


“You look familiar. I think we already met somewhere,” sabi niya.


Bigla akong nagising sa pagkakatulala rito. “Huh. P-pardon?” 

Ramdam ko ang bahagyang pamumula ng magkabilang pisngi ko nang gawaran niya ako ng isang matamis na ngiti.



“I said, have we met somewhere else?”


“I-I think so. Hindi ko rin maalala,” sagot ko kahit pa nauutal ako.


“Anyway, I’m Lee, and you are?” He smirked and then extended his arms on me.


Tiningnan ko muna ang nakalahad niyang kamay. “Charm here.” Tinanggap ko ang pakikipagkamay niya.


Naramdaman ko ang init ng palad niya at ang bahagyang pagpisil niya na naging dahilan ng pagkagulat ko. Ngumisi siya. Napapitlag ako nang masuyo niyang hinalikan ang likod ng palad ko. Nahihiyang nabawi ko bigla ang kamay ko na hawak-hawak niya.


“Charm? Your name suits you, beautiful. Like a lucky charm,” sabi niya sa pinaka-sexy na tono.


Napabuga ako ng hangin. “Hmm… Magaling ka palang mambola, ano?” nahihiya pero nakangiti kong untag.

He shook his head. “No, I’m not, Charm. But what I said is true,” seryoso niyang sabi na ikinasinghap ko.


“Talaga?”


“Yeah.” Pilyo siyang ngumiti. “Are you alone?”


“Isn’t it obvious?” tanong ko habang nilalaro ang laman ng kopita.


“Well, I think so.” He shrugged. “Like you, wala rin akong kasama.” 

Sinungaling! Nakita kaya kita na may kasama. Grupo pa nga yata kayo, gusto ko sanang sabihin. Bumalik ang tingin ko sa pinanggalingan niya.


Lumingon din siya sa tiningnan ko. “I mean, they’re busy,” sabi niya, saka humarap sa akin.


“Uh… Okay.”


“Bakit nag-iisa ka lang?” he asked na parang nagtataka.


“Being alone is a good way to have some peace of mind,” I said while sipping some wine.


“Yeah, I agree. But you are too beautiful to be alone in this bar.”


“Do I have to thank you because you’re here to accompany me? Anyway, you’re too handsome to be alone too,” pilya kong sagot.


He smirked and then smiled at me. “Thank you.”


Kumunot ang noo ko. “Saan?”

“Sa pagsasabing guwapo ako sa paningin mo,” pilyo niyang sabi. “I think it’s meant to be.”


“Meant to be?” May ngising naglalaro sa mga labi ko, siguro epekto na ng nainom ko.


“Dahil pareho tayong loner ngayong gabi.”


“Ah. I guess,” sang-ayon ko na lang.

We talked about a lot of things. Hanggang sa panatag na ang loob kong makipag-usap sa kanya. Naramdaman ko na lang sa punto ng usapan namin na naaakit na ako sa kanya.


Tinitigan ko uli siya, talagang pamilyar siya. Ayaw lang gumana ng memorya ko kung kailan at saan ko siya nakita. Napailing na lang ako nang wala talaga akong maalala.


“Something wrong?”


“Wala. I’m just trying to remember where did I see you. Para kasing nakita na nga kita. You look so very familiar to me.”


“Same here. Akala ko nga ako lang ang nag-iisip n’on kanina. You look very familiar too.”


Sinalinan ko ng alak ang baso niyang wala nang laman at nilagyan ko rin ang akin. Pagkatapos ay nag-toast kami.


“Cheers…” Itinaas ko ang aking baso. Nawala na ang hiya ko dahil sa dami na nang nainom ko. Pero siya, parang hindi nalalasing.


“Cheers,” sagot niya, sabay pingki ng wineglass namin.


Paunti-unti kong tinungga ang alak sa baso ko habang nakatingin lang sa kanya, at ganoon din siya. Pero ang tingin niya ay parang nakakatunaw dahil napakalalim at matiim. Feeling ko, tagos iyon hanggang buto’t kaluluwa ko.


May sinabi siya na hindi ko masyadong naintindihan. Naka-focus na lang kasi ako sa kanyang mga labi na parang ang sarap halikan. Hindi ko mapigilang magpapungay ng mga mata. Ang hindi ko alam, nakatitig din pala siya sa mga labi ko. Naramdaman ko na lang siyang umusod ng upo sa tabi ko.


He held my hand and caressed it. Dinala rin niya iyon sa mga labi, saka dinampian ng halik ang likod ng palad ko. Gusto ko ang init na nagmumula roon kaya hindi ko napigilang mapalunok.


I knew he was trying to seduce me. Oh… Let’s try it then. 

Naamoy ko ang buga ng hininga niya na tumatama sa pisngi ko. Palapit nang palapit ang mukha niya sa akin.



Kaya bago pa man niya gawin ang binabalak ay inunahan ko na siya.

I put my arms around his neck and pulled him near me. I immediately tasted his warm lips na kanina pa naglalaro sa utak ko kung gaano ba kasarap. Naramdaman ko na nabigla siya sa ginawa ko. But later on, he also snaked his arms around my waist while his other hand was on my back.


Kinabig niya ako lalo palapit sa katawan niya and he deepened our kiss. May gigil sa halik niya. When I opened my mouth, he immediately tasted me there and licked me more. Napapaungol pa ako sa pagkagat niya nang marahan sa dila ko at pagdama niya sa balat ko. Hanggang sa ginaya ko na rin ang ginagawa niya. We enjoyed each other’s kisses and touches.


Daig pa namin ang kinapos ng hininga nang maghiwalay na ang mga labi namin. Nakapulupot pa rin ang mga kamay niya sa baywang ko at ganoon din ako. Nagtitigan lang kami at walang kahit anumang salita ang namagitan sa amin. 

Hindi pa rin tumitigil ang puso ko sa mabilis na pagtibok niyon. Ako kasi ang gumawa ng dahilan para lalong lumalim pa ang pagkakilanlan namin ngayon gabi. Alam kong mali, pero nag-enjoy naman din ako sa halik na pinagsaluhan namin.


Siguro nga lango na ako sa alak. Pero nakakapag-isip pa rin naman ako nang matuwid. Pero bakit hindi ko man lang napigilan ang ginawa ko? Maybe I just wanted to savor his lips dahil nakakaakit talaga iyon at para bang nang-aanyaya na halikan ko.


Napakagat-labi ako sa naisip. 

Napatingin siya sa mga labi ko.



“Seducer…”


Hindi ko siya pinansin. Inihimlay ko na lang basta ang ulo sa balikat niya nang lalo pa siyang lumapit sa tabi ko. Bukod sa nahihiya ay nahihilo na rin ako. Naramdaman ko ang bibig niya sa may ulo ko, he smelled it, and then planted a kiss on my head, neck, and bare shoulder.


Ramdam ko ang lalong pag-iinit ng buong katawan ko, pero hindi ako gumalaw. Pinigilan ko ring umungol. I let him do it all dahil masarap naman sa pakiramdam na para kang dinuduyan.


Ang kaninang maingay na musika ay biglang napalitan ng romantikong tugtugin. Natahimik ang lahat at parang napirmi na lang sa kani-kanilang mesa. May iba namang nagsayaw in a romantic way. Walang pakialamanan kahit pa naghahalikan at halos nagme-makeout na sa dance floor.


“Do you like the music, hmm?” masuyong tanong niya.


“Yes…” nakapikit kong sagot, ninanamnam ang romantikong musika.


“Can I have this dance with you then?”


Napadilat ako sa masuyong tanong niya. “I don’t know how to dance,” sagot ko. Nakakahiya dahil hindi ako marunong.


“I’ll guide and teach you,” nakangiting sabi niya.


Alanganin akong ngumiti. “Okay, let’s try then.”


Tumayo siya sa harap ko at inilahad ang kanang kamay. “Shall we, honey?”

Honey? Hmm… I love the endearment, huh.


“The pleasure is mine, honey,” sagot ko na parang nang-aakit pa.


Hindi na kami lumayo. Nakigaya na lang kami sa iba na nasa tapat ng kanilang table.


Hinila agad niya ang katawan ko pasandal sa malawak niyang dibdib. He was tall, walang-wala ang five-four kong tangkad na hanggang balikat lang niya.



Napalunok ako, but still, I kept going. Bahala na kung saan hahantong ang lahat. Hindi naman siguro lalagpas pa sa halik, haplos, at hawak ang lahat.


Like what I did awhile ago, ipinulupot ko ang mga braso sa leeg niya. Then he pulled my body next to him. Napalunok uli ako sa sobrang lapit namin sa isa’t isa. Wala na yatang katapusan ang malakas na pagkabog ng dibdib ko.


We started moving, walang nagsasalita. Tiningnan niya ako sa mga mata. I did the same, pero ako ang unang pumutol at sa black tie na lang niya tumitig.


“I thought you don’t dance?” mahinang bulong niya sa may tainga ko pagkaraan ng ilang minuto.


“Just kidding. Of course I know a little,” nakangiting sagot ko.


“Such a surprise, hmm…” He smirked, and then kissed my head.



I just closed my eyes at ninamnam lang ang ginawa niya kasabay sa liriko ng kanta. The music playing was Kyla’s “Till They Take My Heart Away.”


Nagpapakiramdaman lang kami. Ramdam kong lalo pang humugpit ang pagkakahawak ng mga kamay niya sa baywang ko. Sa posisyon naming iyon ay ramdam na ramdan ko ang tibok ng aming mga puso. Pati na ang pag-iinit namin.


“I want you.”


Awtomatiko akong nagtaas ng mukha para titigan siya. Naglapat ang aming mga mata.


“I-I like y-you,” pautal-utal kong sagot. Ewan kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko.



He kissed me deep and slow. For the second time around, natikman ko uli ang malalambot niyang labi. I responded to his kiss the same way.



Kaya pareho naming habol ang hininga pagkatapos. That was the best intimate kiss I’d ever tasted. It only came from him. From this stranger.


“Let’s get out of here?” paungol na tanong niya.



Dahil mas nahilo ako sa halik na iginawad niya ay tumango lang ako at mas kumapit pa sa batok niya. Hindi ko maintindihan, basta bago at masarap sa pakiramdam ang lahat.


“My place or yours, honey?” tanong niya sa may tainga ko. Mahigpit pa rin ang yakap niya.


“Anywhere, honey.”


“Okay.”


Hinila agad niya ako paupo at nagpaalam saglit. When he left, I continued sipping on my drink. Uminom pa ako ng ilang shot pampalakas ng loob.


Am I wasted now? This is what I want, right?


Tutungga na naman sana ako ng isa pang shot nang may matigas na kamay na pumigil sa kamay ko.


“Enough. We can drink later… at my place, honey,” pilyong sabi niya.


Napalunok ako kahit lasing na ang diwa ko. Alam na alam ko kung ano ang ipinapahiwatig niya at kung ano pang mas malalim na mangyayari sa amin mamaya. Pinatayo niya ako at inakay palabas.


“W-wait. I haven’t paid my bills yet,” sabi ko.


“Don’t bother, honey. I already paid your order. Come on.”


Napaawang ang bibig ko. I didn’t expect that he would pay it for me, dahil ngayon pa lang kami nagkakilala.


“How much? Babayaran kita,” tanong ko habang kumukuha ng pera sa wallet. Baka kasi isipin niya na pineperahan ko lang siya.


Nakita kong nagliwanag ang mga mata niya. “Don’t mind it, lady,” pigil niya sa kamay ko.


I stopped and looked at him. “Ikaw?” Napakurap ako nang biglang may maalalang eksena. “‘Yong lalaking—”


“You hit my car somewhere.”


Siya nga! Oh, my God!


Parang biglang nawala ang kalasingan ko at nag-init ang magkabilang pisngi ko. “No, I need to return your money.”


“No. Hindi ko tatanggapin ‘yan.”


Kumunot ang noo ko."O-okay,” sagot ko na lang. 

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Omma Bael
sabi kona nga ba si Brad yong nasagi ng sasakyan mo whooaaah ang ganda ng story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status