Chapter 6: Confess

Chapter 6

Confess

Naaalimpungatan ako sa mainit na hininga na tumatama sa aking mukha at mabigat na bagay na nakadagan sa hita at baywang ko. Unti-unti akong dumilat para lang magulat sa nabungaran ko.

Biglang bumuhos ang matinding kaba sa buong pagkatao ko at parang nabuhusan ako ng malamig na tubig na ikinagising bigla ng diwa ko.

W-what happened? W-where am I? At bakit, hubo’t hubad ako? My God! Who is this man beside me?

Nang mag-sink in sa akin ang mga pangyayari kagabi ay bigla akong napasinghap at mariing napapikit. Mahigpit kong hinawakan ang kumot na tanging tumatabing sa aking kahubdan at ng katabi ko.

Oh,my gosh! Oh,my gosh! 

Pinagmasdan ko ang lalaki na mahimbing pa ring natutulog. What have I done last night? Ang naalala ko lang ay ‘yong… ‘yong pangyayaring nilapitan niya ako at nagpakilala siya.

We then talked. I enjoyed his company, we enjoyed laughing together. Pero ito… Bakit nangyari ito? Inalala kong mabuti ang lahat.

He kissed me. We danced. I got more tipsy, ‘tapos… Niyaya niya ako dito. And damn! Sumama ako with the spirit of liquor inside my senses. How could I do this to myself? Why did I agree? Wala akong ipinagkaiba sa ipinaliwanag sa akin ni Kathy. Nakalimot at hindi sinasadya! Damn it!

I felt so sore between my thighs. Napapangiwi ako sa matinding pagkirot niyon. Pinukol ko ng masamang tingin ang katabi. Gustong-gusto ko na talaga siyang pagsasampalin at kalmutin sa buong mukha dahil sa ginawang pananamantala sa kalasingan ko.

Lee, that was his name. Other than that ay wala na akong matandaan. Ni hindi ko man lang alam ang kanyang apelyido. Napakagat-labi ako nang mariin. What now? Naguguluhan pa rin ako sa kung ano ang gagawin sa mga oras na iyon. I felt so weak and hopeless.

Kailangan ko nang mag-isip bago pa man siya magising. Kailangan ko na ring kumilos at makaalis agad sa lugar na ito. What happened last night should stay last night.

Ingat na ingat akong kumilos para makawala sa mahigpit niyang yakap at maalis ang kanyang binti sa akin. Pagkatapos ay maingat akong bumangon. Ah… Napangiwi uli ako sa pagguhit ng kirot.

Pinulot ko agad ang lahat ng saplot ko at nagmamadaling nagbihis. I didn’t want him to get a glimpse of my face while I was still at his place dahil wala akong mukhang maihaharap sa nangyari sa aming dalawa. Ang nangyari ay dapat kalimutan na lang, I didn’t know who he was. Isa siyang estranghero and worst, baka pamilyado pa siyang tao!

Charmane! What have you done with your life? Dahil sa gusto mo lang makalimot, hinayaan mong ganito ang mangyari sa sarili mo? 

Damn those bullshit thoughts. Hindi nakakatulong, mas nagpapalala lang sa problema ko.

Nang tuluyang makapagbihis ay sumulyap muna ako sa estrangherong lalaki.

I hope you’ll forget what happened last night. Tulad ko, isipin mo na lang na isang panaginip lang ang lahat ng nangyari sa atin. A dream that didn’t happen in real life.

Naramdaman kong muli ang pagkirot ng sentro sa ibabang bahagi ng aking katawan. Tiniis ko iyon kahit paika-ika ako sa paglalakad para lang makaalis na ng lugar na iyon kung saan ako binalot ng masamang panaginip.

Sinulyapan kong muli ang lalaki sa huling pagkakataon. 

Good-bye, stranger.

Nasa loob ako ng taxi, tulala, naglalakbay ang diwa sa lahat ng nangyari sa akin mula kina Andrei at Kathy. Masakit mang isipin pero sila ang puno’t dulo ng pagkakaganito ko.

One-night stand! I let that man took the most important thing for me. Nang dahil sa kanila, nagawa kong magpakalimot at ibigay ang sarili ko. I hate them! I really hate them!

Nakaramdam ako ng habag para sa sarili ko. I wanted to cry but the driver looked at me from his rearview mirror.

“Ma’am, nandito na ho tayo,” untag niya sa akin.

Tumango ako. Pagkaabot ng bayad ay agad akong bumaba at nagmamadaling pumasok sa gate ng bahay namin. Dumeretso agad ako sa kuwarto ko.

Nakakalungkot isipin na wala akong mapagsasabihan ng problema ko. Wala akong pamilya na nasa tabi ko para pagbuhusan ng sama ng loob. Even my big sister who was always by my side to support me and cheer me up. I don’t know kung paano ko ito sasabihin sa pamilya ko.

Oh, God, please help me…

My family was currently living in California, USA. Ako na lang ang naiwang nakatira sa malungkot na bahay na ito. Nag-migrate sila four years ago mula nang makapag-asawa doon si Ate ng Fil-Am. Nakilala ni Ate sa US ang kanyang napangasawa. Six years ago, nabigyan siya ng mga magulang ko ng isang ticket trip to US. Regalo iyon dahil nakapagtapos siya ng kursong Business Administration at summa cum laude pa.

We belonged to a middle-class family. May negosyong napaunlad ang mga magulang namin na siyang tumutustos sa aming pamumuhay. Masuwerte rin ang ate ko dahil nakapag-asawa siya ng mayamang Fil-Am. Isa ang pamilya ng asawa ni Ate sa mga nangungunang may maunlad na negosyo sa California. Mabait naman ang pamilya ng lalaki kaya walang problema sa pagmamahalan nila.

Kuya Billy James Anderson offered a business to Mom and Dad. No’ng una ay nag-aalangan silang tanggapin iyon dahil na rin sa maliit na negosyo namin dito sa Pilipinas. But my ate forced them. Hindi yata siya mabubuhay nang wala ang mga magulang namin sa tabi niya. She was a spoiled brat compared to me because I was independent.

Ibinenta ng mga magulang namin ang aming kabuhayan dahil ayoko namang pamahalaan iyon. Isa pa, nag-aaral pa ako at walang kaide-ideya na pamahalaan iyon. Ayaw sana nila akong iwan mag-isa, but I forced them dahil matagal na rin nilang gusto na makapunta sa bansang iyon.

They didn’t push me to go with them. But we had a deal na kapag nakapagtapos na ako ng pag-aaral, I would follow them there at doon na manirahan at magtrabaho. I just agreed with them para matapos na ang lahat.

Ang bahay na tinitirahan ko ay iyong bahay na naipundar ni Daddy para sa aming apat. Medyo malaki iyon at maluwang ang bakuran. Hindi pa nga pumayag ang mga ito noon na mag-isa lang akong tumira dito. Kaya ang loyal naming kasambahay na si Nanay Martha ang kasa-kasama ko palagi. Mabait at naturingan ko na ngang pangalawang ina.

Nang maka-graduate ay umuwi ang mga magulang ko para dumalo sa graduation ko. Sumama rin sina Ate, Kuya Billy, at ang cute kong pamangkin na lalaki na magdadalawang taon pa lang noong mga panahong iyon. That time, minadali nila ang lahat ng mga papers ko para makasama na ako pagbalik nila sa Amerika. I refused, lalo pa at kami na ni Andrei noong mga panahong iyon. My plans suddenly changed dahil kay Andrei. Mas pinili kong manirahan pa rin dito sa Pilipinas at magtrabaho sa isang magandang kompanya.

Noong una ay sobrang tutol ang mga magulang ko, lalo na si Ate. But I did my best to convince them, sa tulong din ni Kuya Billy. He helped me convince my family hanggang sa wala na silang nagawa sa desisyon ko.

Nagising lang ako sa pagmumuni-muni nang may kumatok. Pumasok si Nanay Martha at naupo sa tabi ng kama.

“Anak…”

Nag-angat ako ng mukha. Dahil siguro sa sobrang emosyon ko ay hindi ko na napigilan ang mga luha na tumulo. I just wanted to let go of all the pain I could feel inside my heart. I needed a companion at si Nanay Martha ang nasa tabi ko. 

Bigla siyang nabahala at agad akong inalo.

“Anak, ano’ng nangyayari sa ‘yo?” worried niyang tanong. “Charmane?”

“Nanay Martha…” sambit ko habang umiiyak. Lahat ng problema at hinanakit ay sinabi ko sa kanya. Lalo na ang nasayang naming relasyon ni Andrei. Alam kong kahit hindi siya boto ky Andrei ay nahabag pa rin siya sa akin.

Lalo siyang nalungkot nang malamang si Kathy ang dahilan ng lahat. She treated Kathy the way she treated me. Lagi pa nga niya kaming pinapangaralan na kahit ano pa man o sino pa mang dahilan ng aming pagtatampuhan ay dapat agad naming ayusin, dahil sa pagkakaibigan ay susukatin kayo ng panahon. Tulad din ng isang relasyon. Binabagyo rin ng problema.

I always remembered all her advice. Sa pag-ibig, marami kang pagpipilian, pero ang kaibigan, iisa lang ‘yan at hindi ka iiwang luhaan.

“Akala ko po ba hindi mang-iiwan ang isang kaibigan at hindi iiwanang luhaan, ‘Nay? Ang sakit po, Nanay Martha.”

“Sige, iiyak mo muna iyan, anak, nandito lang naman ako lagi at handang dumamay sa iyo,” sabi niya na bahagyang hinagod ang likod ko.

Nang humupa na ako sa pag-iyak ay ipinagpatuloy ko ang pagkukuwento mula kagabi na pumasok ako sa isang bar para uminom at makalimot. I even confessed all my crazy moves, pati na ang nangyari sa akin at sa isang estranghero. Wala akong itinago, lahat isiniwalat ko habang umiiyak.

Naramdaman kong nabigla si Nanay Martha at hindi agad nakapag-react.

“Nay, please huwag n’yo po akong isumbong kina Mama at Papa. Ayoko hong malaman nila ang kahihiyang ginawa ko. Please, ‘Nay, pinagkatiwalaan nila akong mag-isa rito dahil kaya ko at may tiwala sila sa akin. Please, ayaw ko pong malaman nila ito,” mahigpit na pakiusap ko. “Nay, please… Tao lang ho ako na nagkakamali.”

Nakiiyak na rin siya. Niyakap niya ako nang mahigpit. Alam kong nababahala rin siya sa pagkakamaling nagawa ko.

“Malalagot talaga ako nito sa mga magulang mong bata ka. Pero wala akong magagawa, nangyari na ang lahat at desisyon mo iyan. Sige, pagbibigyan kita—tumahan ka na at baka ikaw ay sumpungin pa ng hika mo,” pag-aalala niya kaya pinilit ko na ring tumahan. “Ang batang ito talaga.” Napailing na lang siya.

“Nay…” Yumakap ako nang mahigpit sa kanya. I missed my mother so much. Gusto ko rin siyang mayakap nang ganito kahigpit.

“Paano kung magbunga ang nangyaring iyon, hija?” Nagdalawang-isip pa siya sa pagtatanong niyon.

My heart pounded so fast. Paano nga kaya kung magbunga? God, no. “H-huwag naman ho sana, ‘Nay. Hindi pa ho ako handa,” may takot na sagot ko. I remembered what happened to me and to the stranger. He did not use any protection.

Paano kung magbunga nga ang nangyari?

Oh, dear Lord, please don’t let it happen, please. Please… I’m only twenty-two, too young for it at wala rin akong mukhang ihaharap sa mga magulang ko. Hindi ko kayang harapin ang galit nila. I don’t want to disappoint them. Please, sana hindi mangyari ang kinatatakutan ko…

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Omma Bael
Be strong Charm kailangan mo pag handaan kong ano man ang magiging resulta ng pag kakamali mo pag isipan mong mabuti ang mga hakbang na gagawin kong mag bubunga ang na gawa mo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status