Share

Chapter 9: Freeze

Chapter 9

Freeze

Pagpasok ko pa lang sa kompanyang pinagtatrabahuhan ko ay puro na lang tungkol sa bagong may-ari ng kompanya ang usap-usapan ng karamihan. Kesyo naibenta na raw nang tuluyan ng may-ari itong kompanya. Actually, noong isang buwan pa ang mainit na balita na iyon. Akala ng lahat ay walang katotohanan dahil napakaimposibleng ibenta gayong napakaganda pa ng estado ng kompanyang ito. But when the owner informed us about it, doon pa lang kami naniwalang lahat.

Magma-migrate na raw kasi ito sa ibang bansa. Hindi dahil sa nalulugi na ang negosyo, kundi pagod na raw ito sa pamamahala niyon. Gusto na ng mga anak nito na pagpahingahin ang ama dahil sa katandaan na rin. Palibhasa mga career-oriented ang mga anak nito at may mga sarili na ring maunlad na negosyo sa ibang bansa.

Masakit man sa may-ari na ibenta iyon pero wala itong magawa sa kadahilanang ayaw pamahalaan ng mga anak nito ang kompanya. Kaya hindi mahirap sa kanila na bitawan ang isang property ng ama nila.

Para sa aming empleyado ay napakahirap niyon, dahil usap-usapan na iyong bago raw na magiging may-ari ay mamimili ng empleyadong maayos magtrabaho at maganda ang performance. Meaning, mawawalan ng trabaho ang iba sa amin. Kaya nasa sarili rin namin nakasalalay ang lahat.

Maraming babaguhin ang bagong may-ari. Malamang isa na doon ang pagpapalit ng mga management manager, department supervisors, pati na ‘yong nasa accounting department, at iba pa. Lahat sisilipin at susuriin ng bagong may-ari.

Marami siyempre sa kaopisina ko ang sobra nang kinakabahan, at isa na ako doon. Because what if the new owner didn’t need me here? ‘Sabagay, wala naman akong magagawa kahit pa magmakaawa ako sa kanya. Pero wala naman sigurong dahilan para tanggalin ako dito, because as far as I could remember, wala akong palpak at pending na trabahong nagawa. But if it wasn’t my destiny to stay here, eh, di humanap ng panibagong mapagtatrabahuhan. I think it was time to accept Bea’s offer. She was managing their own business. Kaya hindi ako masyadong apektado kung sakaling matanggal dito.

Kung bad news ang tanggalan, may good news din naman daw. Usap-usapan kasi na guwapo raw ang bagong may-ari at single pa raw.

For me, ano naman kung guwapo at single? Makakatulong ba ‘yon kapag nawalan ng trabaho ang iba sa amin? Duh! Tsk! Mga Pinoy nga naman, mahilig sa guwapo. Kaya maraming naloloko, eh.

Wala sa sari-sariling puwesto ang iba sa amin nang bumukas bigla ang pinto at iniluwa niyon ang aming terror supervisor na laging nakasimangot tuwing umaga.

Tiningnan niya kami isa-isa. I was not worried, dahil hindi naman ako kasali sa kaguluhang naabutan niya. I was just on my place. Pero ‘ika nga, ano ang mali ng isa ay magiging mali na rin ng lahat.

“Umagang-umaga, tsismisan agad? Kailan pa ba kayo magbabagong lahat?” umpisa niya sa malakas na boses.

Awtomatikong nagsibalikan ang mga tao sa kanya-kanyang puwesto. 

“Patay! Nahuli tayo ni Miss Terror,” sabi ng isa naming kasamahan sa pinakamahinang boses.

“Oo nga, eh! Tiyak masasabon na naman tayo nito ngayon,” bulong naman ng isa.

Napailing at natawa ako sa hitsura ng mga ito. Alam naman pala, eh. Ba’t nagpapahuli pa? Tsk.

“Kayo naman kasi, eh.” Aba’t nagsisisihan pa ngayon. 

Napapailing na lang talaga ako.

“Aware naman siguro kayong naibenta na ng may-ari itong kompanya, ‘di ba?” Tahimik na tumango ang lahat na nagtaas ng tingin sa supervisor namin.

“Alam n’yo na rin siguro na iba na ang mamamahala nito sa susunod na mga araw o linggo.” Tumango pa rin kami. “Kaya siguro naman wala nang mabibigla na isa sa atin ay mawawalan ng trabaho, right?” nakataas ang kilay niyang pahayag sa amin. “Maghanda-handa na kayo dahil mayamaya lang ay nandito na ang may-ari para bisitahin at libutin ang kasulok-sulukan nitong kompanyang nabili niya.” Napaawang ang bibig namin. We didn’t expect na ngayon agad ang pagbisitang gagawin ng may-ari. Hindi kami handa. "Alam ko namang lahat sa atin dito ay matagal na, but that’s not an excuse to stay. Dahil iba ang criteria ng may-ari ngayon kaysa noon. He said, he doesn’t need skilled employees, instead, he needs an employee who knows the words respect and how to listen and obey the rules. Maraming magbabago at idadagdag sa mga rules and regulations ng kompanya. So good luck, everyone, and get ready. Anyway, tatawagin na lang ang attention ng lahat mamaya thru paging. A piece of advice, be nice to the new boss. Understand?”

“Yes, Ma’am…” sagot ng lahat.

Hindi nagtagal ay umalis na rin siya. As expected, sarisaring usapan agad pagkalabas pa lang ng supervisor namin. Napailing na lang ako. Hindi ko na lang sila pinansin at nag-focus uli ako sa trabaho.

“Gurl… hindi ka ba nababahala na ma-shugi tayo dito?”

Napaangat ako ng tingin nang may magsalita sa harap mismo ng table ko.

Sa boses pa lang, alam ko na kung sino iyon. Si Gello Meralo aka Gee. Ang binabaeng kaopisina ko slash close friend ko dito sa field. Sa lahat ng kasamahan ko ay siya ang pinaka-close sa akin. Sa katunayan, naipakilala ko na siya kay Bea. Nag-click naman agad ang dalawa. Palibhasa parehong kalog at kung magbiruan ay sobrang nakakatuwa.

 

Minsan na ring pumunta si Gee sa bahay at hindi na lingid sa kanya na may anak ako. Napagkakatiwalaan naman siya kahit pa may pagkataklesa kung minsan. Nagpapasalamat ako na hindi niya ino-open ang topic ni Sam sa harap ng mga kaopisina ko.

“Medyo nga, Gee, eh! Bahala na. Ipagdadasal ko na lang na hindi ako kasama sa mawawalan ng trabaho. Basta naging prominent naman ako sa lahat ng trabaho ko at nagagawa ko naman nang tama at maayos, ‘di ba?” sabi ko.

Umupo siya sa bakanteng upuan sa harap ko. “Pero, Cha, guwapo raw talaga ang may-ari. Excited na tuloy akong makita iyon at nang mapagpantasyahan ko na,” kinikilig niyang pahayag.

“Ayos ka din, ‘no? Guwapo nga, pero paano kung mawalan ka ng trabaho? Okay pa rin sa ‘yo dahil guwapo."

“Aakitin ko siya. Magmamakaawa ako nang bonggang-bongga. Kahit bed warmer na lang niya, payag ako. Basta huwag lang niya akong ipatalsik.”

I rolled my eyes. “Kadiri ka! Puro ka kalokohan.” Hinagisan ko siya ng isang papel.

Humagalpak siya ng tawa. “Napakaseryoso nito, eh, gusto ko nga lang magpatawa kasi nga kinakabahan na talaga ako.” Sumimangot siya.

“Hindi kasi mabenta sa akin ‘yang patawa mo! Tensed na nga ang lahat, nagagawa mo pang magbiro nang ganyan.”

Sasagot pa sana si Gee pero naputol iyon nang may announcement.

Announcement, everyone. The new owner of this company has already arrived. Will you please get ready and proceed to the convention area, now. The meeting is about to start. Please cooperate. Thank you. Three times iyong paulit-ulit sa pagpe-page.

Napasinghap ang lahat sa announcement na meeting. Ang akala kasi namin ay maglilibot lang ang bagong may-ari para i-check ang kabuuan ng kompanya as our supervisor announced. Kanya-kanyang ayos agad ang lahat, magulo ang bawat sulok dahil natataranta sila sa kung ano mang kahihinatnan ng bawat isa.

Paglabas namin ng department ay saka pa talaga ako naihi. Nagpaalam na muna ako na gagamit ng CR at susunod na lang sa convention area.

“Hintayin na lang kita, Cha,” prisinta ni Gee.

“Huwag na. Mauna ka na dahil sandali lang naman ako,” tanggi ko.

“Okay. Ikaw bahala. Sige, mauna na ako dahil excited na akong makita ang hot-hot na new boss natin. Haist! Sana gurly na lang talaga ako tulad mo. Maganda na, sexy pa kahit may—” Hindi na niya itinuloy ang sasabihin dahil pinanliitan ko siya ng mga mata. “Para naman makapaglandi ako nang sabayan tulad ng iba,” nakangising dugtong pa niya.

Natatawang kinurot ko siya sa tagiliran. “Ang harot mo din talagang lalaki ka kahit kailan. Punta ka na nga do’n. Shoo…”

“Ouch, ang sakit namang magsalita nito.” Maarteng tumaas ang kilay niya, saka humalukipkip.

“Dami mong kalokohan. Pakisabi na lang sa kanila na nag-CR ako ‘pag may nagtanong sa ‘yo kung nasaan ako.”

“Noted ‘yan, Cha. Basta dalian mo, gurl, huh?”

“Oo,” sagot ko kahit nakatalikod na siya sa akin.

Nang matapos sa pag-ihi ay humarap muna ako sa malaking salamin. Sinipat ko pa ang sarili. Dahil naaasiwa sa mahabang buhok ay naisipan ko iyong ipunin sa likod at talian. Much better, dahil bumagay naman sa ayos ko iyon. May ilang buhok na nalaglag sa gilid ng aking tainga which made me more attractive.

Nag-retouch muna ako ng powder sa mukha at kaunting lip tint. I smiled after. Aminado akong mas gumanda ako noong isinilang ko si Sam. I kept my original figure. My office attire really suited my curves. Halos walang nagbago. Kung may nagbago man, iyon ay ang edad ko lang. 

Hindi pa naman siguro ako late sa over-all open meeting ng lahat sa ground area. Sana.

But I was wrong. Tahimik at nakaupo na ang lahat kaya paglabas ko ng elevator, napalingon ang lahat sa akin.



Kahit naiilang ay nag-umpisa at nagpatuloy pa rin akong lumakad patungo sa kung saan naroon ang aking mga ka-teammates sa field. Yumuko na lang ako para iwas sa mapanuring mga mata. But I stopped walking when that firm and powerful voice blasted in front of my direction.

“Stop walking.”

“H-huh?” I froze and stopped.

“Is that how you welcome your new boss, woman?”

Oh, my God. Sana pala hindi na lang ako nag-CR. Sana nagpigil na lang ako to avoid this embarrassment. Sa harap pa talaga mismo ng buong tao dito sa kompanya.

Kinakabahan akong huminto at dahan-dahang itinaas ang aking paningin sa nagsalita. I was getting ready to say my apologies but…

Oh.

Biglang napaawang ang bibig ko nang makita nang buo ang lalaking nasa harap ko. I felt like somebody poured me a very cold water. Tipong nanlamig agad ang buong katawan at kaibuturan ko.

Oh, please, it can’t be. Not now please, not ever, dear God…

Comments (25)
goodnovel comment avatar
Rosalinda Ocampo Roldan
next chapter pls tnx
goodnovel comment avatar
Lorenza Otero Tongcayadan
pwede next chater
goodnovel comment avatar
Mj Catanos
pls contenue po
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status