Share

KABANATA 9 — MULING PAGKIKITA

Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon.

Nakatayo akong habang tinitignan lamang ang lalaking sumuka sa akin kanina. 

"Hoy! Spencer! Tanga ka ba? Hindi mo naman kilala 'tong taong 'to eh, bakit ka pa-hero?" sermon ko sa sarili.

Sinampal ko ang sarili kong mukha nang mahimasmasan.

"Aray! Putcha, napalakas tuloy." 

Bakit ko ba kasi tinutulungan 'tong taong 'to? Tanga na ba 'ko? Pa'no kong makasuhan pa 'ko ng tresspassing? 

Hay naku! Bahala na nga, aalis din naman ako kaagad pagkatapos nito.

Pinagpatuloy ko ang paghatak sa kanya patungong sala nila. Medyo mabigat ito kaya sobrang hiningal ako matapos kong malagay siya sa sofa.

Tumayo lamang akong nakapamewang habang hingal na hingal. Ilang sandali pa'y bigla akong nakaramdam ng ginaw. Naalala kong nakahubad pala ako ng pang-itaas.

May nakita akong isang puting t'walya na nakalagay lamang sa isang upuan. Kinuha ko kaagad ito upang ipangtakip sa hubad kong katawan at sinaklob ko ito sa aking mga balikat.

"Hayst... Pa'no ko naman ngayon lalabhan ang damit ko?" naiinis kong sika.

"Hmm... Nathalieee..." biglang wika ng lalaki.

"Nathalie, 'yun pala sinasabi niya. Bakit kaya niya hinahanap? Ahh... Siguro hiniwalayan 'tong taong to kaya nagiinom kasi heartbroken." wika ko sa aking isip.

"So pa'no na 'to ngayon? Uuwi na ba ako?" 

Napabuntong hininga na lamang ako ng malalim dahil naisip ko na namang linisan muna siya dahil sa naligo nga ito ng sariling suka.

Hindi na ako nag reklamo sa sarili kong konsyensya dahil gagawin at gagawin ko rin naman iyon dahil kapag hindi ay uusigin naman ako nito!

Hinanap ko ang kusina sa bahay, nilibot ko ang kabuuan nito. Katamtaman ang laki nito kaya madali ko lang nahanap.

Dalawang palapag ang bahay, sobrang gaganda ng interior designs pati na rin ang kulay ng buong bahay, bagay na bagay at talagang pinag-isipan. Sobra akong nasiyahan habang nililibot ang kabuoan ng bahay, napakagaan sa pakiramdam para bang na rerelax ako habang tinitignan ito.

Kumuha ako ng maligamgam na tubig at bimpong pamunas sa lalaki. Pagkabalik ko sa sala ay nasa sofa pa rin ito at mahimbing na natutulog.

Umupo ako sa sahig at inilagay ang dala kong stainless bowl na may lamang tubig. Hindi naman masyadong marumi ang lalaki dahil sa akin lahat napunta ang suka niya. Kadiri!

Pero kailangan pa ring linisin dahil may amoy nga. 

Tinignan ko ang kanyang mukha, sa totoo lang napakaamo ng mukha niya. Sobrang kinis, at bagay na bagay ang maputi niyang balat sa kanya. Sobrang haba ng kanyang pilik mata, matangos ang kanyang ilong, at mapula ang kanyang labi. Mas lalo pa siyang naging mestiso dahil nga nakainom siya.

Sa isip-isip ko kung ako ang babae hindi ko to ipagpapalit, sa itsura ba naman niya ipagpapalit mo pa?

Natigilan ako sandali, nang napagtanto ko ang aking mga iniisip. 

"Hala, ano bang pumasok sa utak ko't giliw na giliw akong purihin ang lalaking 'to?" 

"Baka siguro talagang pagpupuri lang 'yon, na appreciate ko lang talaga ang looks niya. Kapuri-puri naman din kasi talaga! Wala naman sigurong masama ro'n 'diba?" sabi ko sa sarili.

Sinimulan ko ng hubarin ang polo-shirt niya. Ngunit habang tinatanggal ko bawat butones  sa kanyang suot ay kinakabahan ako. Nanginginig ng sobra ang aking kamay, para akong pasmado. 

Bumuntong hininga ako at itinigil muna ang aking ginagawa. 

"Anong bang nangyayari sayo Spencer? Ba't ka ba kinakabahan? Mag focus ka nga." suway ko sa sarili.

Sinawalang bahala ko ang lahat at binilisan na lang ang pag alis ng mga butones sa kanyang polo. Akala ko'y okay na ang lahat at nawala na ang kaba ko ngunit mas lumala pa pala nang makita kong hubad ang buo niyang katawan. 

"Wait! Anong nangyayari sa akin? Attracted ba ako sa kanya? Ohh... Shit! Bakit ko pa kinukwesyon ang sarili ko?"

"I'm not gay!"

"Okay, okay! Spencer take a deep breath! Siguro hindi ka lang sanay na merong ibang taong hubad sa harapan mo."

Kinuha ko ang bimpo at binasa ko ito gamit ang tubig na aking dinala. Sinawalang bahala ko na ang kaba sa tuwing tinitignan ko siya at sinimulang ipahid sa makinis niyang dibdib ang basang bimpo.

Nanginginig ang aking kamay. Sinimulan ko namang punasan ang kanyang mukha. Nakakaintimidate naman siya, talagang biniyayaan siya ng mala anghel na mukha.

Binalik ko ang pagpahid sa katawan niya, binilisan ko na lamang upang mapadali dahil hindi na ako komportable at awkward na awkward na ako sa sitwasyon. 

Malapit na sana akong matapos ngunit bigla niyang hinawakan ang aking kamay at hinila papalapit sa kanya. 

Napasubsob ang aking mukha sa kanyang dibdib. At dahil nakaluhod ako sa sahig ay hindi ko nabawi kaagad ang balanse ko at 'di nakaalis kaagad sa pagkakasubsob sa kanya.

Habang nasa gano'n kaming posisyon ay may biglang sumigaw sa may pintuan.

"Ay mga bastos!"

Agad akong napatayo at tumingin sa direksyon ng sigaw.

Nakita ko ang isang lalaki na nakatayo sa may pintuan, ito ay nakaharap sa akin at may gulat sa mukha. Meron din siyang kasamang babae na siguroy mas matanda sa amin. Nakatalikod ito at nagtatakip ng mukha.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig at parang tumigas ang aking dila.

"Aa-ahh... N-nakita ko siya ss-sa lab-bas."

Parang pinilipit ang dila ko sa sandaling iyon.

Lalapitan ko sana sila ng bigla akong napatid ng bowl na nilagyan ko ng tubig.

Nakahawak ako sa isang maliit na vase at nahulog ito at nabasag.

"Ohh shit! S-sorry, patay!  Ba-babayaran ko na lang!" kinakabahan kong sabi sa kanila.

Agad kong pinulot ang mga nabasag at isa 'yung maling ideya dahil nahiwa pa tuloy ang daliri ko at nagkasugat.

"Aray!" bigla kong sigaw.

Agad namang lumapit sa akin ang lalaki kaninang nakatayo sa pintuan.

"Hey! 'Wag na." ang wika nito at lumapit siya sa akin para tignan ang sugat.

"Manang paki linis na lang po rito, please!" Utos niya sa kasama niya.

"Sige po sir. Nasa kusina po ang first aid kit. Ako na rin pong bahala kay sir Aaron, mukhang lasing lang kaya pala nilinisan ni sir, akala ko kung ano na kasing ginagawa nila. Parang iba kasi tignan sa labas." patawang sabi nito.

"Okay, manang!" sagot ng lalaki.

"Let's go, Spencer! Just follow me!" dagdag pa nito.

Lumaki ang mata ko sa gulat dahil sa alam nito ang pangalan ko.

Habang naglalakad ay iniisip ko kung magkakilala ba kami dahil parang pamilyar siya o sobrang pamilyar niya talaga.

"Upo ka muna, kunin ko muna ang first aid kit para sa sugat mo." 

Pumunta ito sa isang kabinet, ngunit hindi na ako makapaghintay.

"Ahh... Pa'no mo nalaman pangalan ko? Nagkakilala na ba tayo? Pamilyar ka kasi pero hindi ko matandaan kung saan tayo nagkita."

Hindi ito kaagad na sumagot, kinuha niya muna ang first aid kit at isinara ang kabinet bago humarap sa akin at nagsalita.

"Do you really not remember?" 

Tumingin siya sa akin at tinitigan ang aking mukha, tinitigan ko ring mabuti ang mukha niya.

"Haysst..." buntong hininga nito.

"Okay! Fine! I'm the guy that you bumped with during acquaintance party." pagpapaalala nito sa'kin.

Bumalik sa akin ang nangyari sa acquaintance day at naalala ko na kung sino siya pero hindi ko matandaan ang pangalan niya.

"Ahh... Oo nga ikaw nga 'yun! Ano nga pangalan mo?" medyo nahihiya kong tanong.

"Ganyan na ba talaga ako kadaling kalimutan?" ani niya.

"Hehehe... Pasensya na, talagang makakalimutin lang ako." napangiti ako sa reaksyon niya. Para siyang isang batang nagmaktol.

"I'm Kevin, again!"

"Hehehe... Sorry Kevin!" n

"Btw, how did you meet with Aaron?" bigla niyang tanong.

"Ha?" tanging nasagot ko.

"I said how did you meet with Aaron? — My bestfriend — 'yung tinulungan mo!" paguulit niya.

"A-ahh O-o, yeah! Siya?! Ahhh... Actually, hindi kami magkakilala eh." sagot ko.

"What?! So, why did you get here? And what are you doing here then?" pagtataka nito.

"Wait lang! Pa'no ko ba e-e-explain to. Ahh ganito kasi 'yun!..." ani ko.

"Wait!" pagpapatigil niya sa akin.

"Gamutin ko na rin sugat mo, habang nag kukwento ka." wika niya.

"Ako na! Maliit lang naman to!" 

"No! I insist mag kwento ka lang d'yan." sabi niya sabay kuha sa kamay ko na may sugat.

At sinimulan ko na nga ang pagku-kwento kasabay ng paggamot niya sa sugat ko.

...........

"Hmm... Wala namang masama sa ginawa mo. Don't worry, hindi naman masama ang intensyon mo sa pagpasok dito, hindi mo naman alam. At kung tutuusin you're my guardian angel." saad ni Kevin sa akin matapos kong ikwento lahat ng nangyari. Pero except do'n sa pagdedeliryo ng bestfriend niya at muntik na nitong paghalik sa akin.

"Ha? Bakit naman?" pagpapalinaw ko sa sinabi niya.

"Ikaw na kasi gumawa ng dapat na gagawin ko. Kung nagkataon ako 'yung sumalo ng suka n'ya! Kadiri 'diba?" sabi niya sabay halakhak.

Napasingangot naman ako sa sinabi niya.

"Oh, tapos ko nang magamot hindi naman pala malaki o malalim. Hindi na rin dumudugo. Puntahan ko lang muna si Aaron sa sala ha, excuse me muna." dagdag nito.

"Hmm, salamat!" sabi ko sabay tango.

"And btw, dito kana mag dinner!" 

"Ha?! P-pero—"

"Shhh... 'Di pa ako tapos! 'Dito ka na mag dinner, pero maligo ka muna because you smells like expired food and venigar. Pahiramin na lang kita ng damit at underware, and don't worry hindi pa 'yun nagamit. And just leave your clothes here para ma labhan ni manang. Thank you ko na 'yan sa'yo sa pagtulong sa kaibigan ko. Okay ba?" sabi nito sabay ngiti bago umalis.

"Ahh... Okay!" tanging nasagot ko.

Sinangayunan ko na lang ito sa mga gusto niya.

Naiwan akong nakaupo sa kusina nila. Iniisip kong napakaliit talaga ng mundo, buti na lang at natatandaan pa ako ni Kevin. Siguro pag nagkataon mapagkakamalan akong magnanakaw o masamang tao!

Pero wait lang! Nathalie? Hindi naman siguro kapatid ni doc Bryell 'yung tinutukoy n'ya kanina no?! Siguro magkapangalan lang!

"Hey! Here's your clothes!" napahinto ako sa pagiisip nang biglang dumating si Kevin.

"Hmm salamat!" wika ko sabay ngiti habang kinukuha ang inabot niyang mga damit.

"Pagkatapos mong maligo punta ka lang sa dinning para kumain ha, hintayin ka namin ni manang do'n. Tapos, hatid na kita sa resort ng mga Gonzales." ani Kevin.

"'Wag na siguro! Nakahiya malapit lang naman siguro. Nakakahiya naman sa iyo, marami na akong abala." pagtangi ko.

"I insist dude! You're not familiar here and medyo madilim na rin."

Tumango na lamang ako at tutunguhin sana ang banyo na malapit sa kusina.

"'San punta mo?" pagpapatigil sa'kin ni Kevin.

"Maliligo sa banyo!"

"Ay hindi ko pala nasabi sa'yo, hindi ka pala d'yan maliligo, sa taas — sa kwarto na ginagamit ko. May shower do'n!"

Pumunta kami sa kwarto na sinasabi niya at kaagad naman akong naligo dahil sa masamang amoy ko.

Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko na ang pinahiram na damit sa akin ni Kelvin. Totoo ngang bago pa lahat, nakakahiya nga kasi ako unang nakagamit, ang bait niya talaga.

Agad na akong pumunta sa dinning nila dahil 'yun ang tugon sa'kin ni Kevin kanina.

Nadatnan ko si Kevin at si Manang na nakaupo lamang sa lamesa at tila hinihintay nga ako.

"Sir, upo na ho kayo. 'Wag po kayong mahiya. Masarap po 'yan sigurado." pagiimbita sa akin ni manang.

"Opo salamat po manang." sagot ko kay manang at umupo na.

"Bagay sa'yo ang pula. Komportable ba?" masiglang wika sa akin ni Kevin.

"Hmm!" tumango na lamang ako at nginitian siya.

Bumalik na ang atensyon nito sa kanyang pagkain.

"Ahh... Kevin!" pagtawag ko sa atesyon niya.

Tumingin ito sa akin na may blangkong mukha, parang naghihintay lamang ito sa sasabihin ko.

"Maraming salamat pala. Kasi napakabait mo sa akin. Kaya naman 

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ako kay Kevin at kay Manang para umuwi, feeling ko kasi nag-aalala na 'yung dalawa sa resort. Baka alam na nilang nawawala ako roon. 

Sinabayan nga ako ni Kevin kagaya ng sinabi niya kanina, nang makaraan kami sa sala ay tinignan ko kung naroon pa ba si Aaron pero wala na siguro ay inakyat na nila kanina.

"Si Aaron ba?" biglaang tanong ni Kevin.

"Ha? Ahhh—"

"Dinala na namin ni manang sa taas. 'Wag kang mag-alala okay na 'yun!"

"Mukhang may malalim na pinagdadaan 'yung kaibigan mo no?!" 

"Hmm? Oo nga eh! Pero next time na lang natin pag-usapan 'yun sabi mo nga baka nag-aalala na sayo mga kaibigan mo." 

"Ahh, oo nga! Hehehe tayo na?" anyaya ko.

"Ay sorry taken na 'ko eh." biro n'ya na nakapagpahalakhak sa'kin. 

"Baliw! Tara na nga!" ani ko.

Inihatid niya ako gamit ang kotse niya. Ewan ko ba, pwede lang namang malakad pero mahabahabang lakaran nga rin kasi malawak ang resort nila Raffy at dulo to dulo ang gate. Then sarado 'yung gate na malapit sa amin ayaw din naman ni Kevin na dumaan sa butas na dinaanan ko kanina so pumunta na lang kami sa kabilang dulo para makapasok sa entrance.

Pagkarating namin sa gate ay hinarang kaagad kami ng guard. 

"Good evening Sir. Log book po muna tayo, tapos pakita na rin po ng ID." 

"Okay, just wait for a minute." sabi ni Kevin sa guard at may hinanap sa kotse.

"Anong hinahanap mo?" pagtatanong ko sa kanya.

"Parang hindi ko ata nadala ang ID ko eh." sabi niya.

"Ahhh guard hindi ko kasi nadala ang ID ko, ihahatid ko lang naman 'tong kasama ko sa loob, guest siya dito sa resort." 

"Meron po bang ID 'yung kasama n'yo sir? Kasi po bawal po talaga eh, kung walang ID. Pasensya na po talaga, protocol lang po."

"Wala rin po eh, pero ako po 'yung kasama nila Raffy at Larah kanina. Raffy Gonzales may-ari po ng resort." pagsabat ko sa usapan nila.

"Ahh kayo po ba si sir Spencer? Naku sir! Kanina pa ho kayo hinahanap, ibinilin po kayo sa akin. Sige po pasok na po kayo. Buong tauhan ng resort po naghahanap sa inyo ngayon, nag-aalala na sila sa inyo. Lalong-lalo na sina ma'am Larah at sir Raffy!" saad sa'kin ng gwardya. 

"Hala, tama nga 'yung kutob ko. Hinahanap na nga 'ko ng dalawa! Tara Kev. Nag-aalala na 'yung mga 'yun!" wika ko.

Ipinasok na kaagad ni Kevin ang sasakyan at naghanap ng mapaparadahan sa parking lot.

Pababa na sana ako ng sasakyan nang bigla siyang nagsalita. 

"Hatid na kita Spence!" sabi nito at tinanggal ang seatbelt niya.

"'Wag na masyado na kitang naaabala."

"Okay lang! Tulungan na kitang magpaliwanag sa mga kaibigan mo! At syaka responsibilidad ka namin." 

Dahil sa pamimilit nito ay pumayag na rin akong samahan niya ako sa hotel ng resort kung saan kami tumutuloy.

Naglalakad pa lang kami ay kitangkita ko na sina Larah at Raffy na nakatayo sa entrance ng hotel na tila may hinihintay at alam kong ako 'yun.

Sandali pa'y nakita na rin nila kaming naglalakad papalapit sa kinaroroonan nila.

Akala ko'y magsusungit sila sa akin pero sinalubong nila ako ng yakap at malalaking ngiti.

"Hoy, Ikaw ha! Sa'n ka galing?" ani Raffy.

"You're so nakakainis Spencer! Pinag-alala mo kami ha!" sabi naman ni Larah sabay hampas ng malakas sa braso ko.

"Aray! Sumasadista ka na talagang babae ka ha! Sakit ha!" biro ko sa kanya.

"Deserve mo 'yan ikaw kasi pinag-alala mo kami no!" maarteng sagot nito sa akin.

"Pero Oy, sorry sa inyong dalawa ha! Nag-alala pa tuloy kayo sa'kin kwento ko na lang mamaya sa inyo kung anong buong nangyari!" 

"Muntik na tuloy kaming tumawag sa police station! Tara na nga pasok na tayo!"

"Wait! Who's your companion Spence?" pagtatanong ni Raffy.

"I know you! Your a Salvador right?" pagtatanong ni Larah kay Kevin.

"Yes! Kevin by the way! Kevin Salvador!" pagpapakilala ni Kevin sa dalawa.

"Yeah, kaya pala your familiar!" ani Raffy.

"Raffy pala! Raffy Navarro Gonzales! Nice to meeting you bro!" dagdag ni Raffy sabay abot ng kamay niya at tinanggap naman ito ni Kevin.

"And I'm Larah Navarro!" sabi rin ni Larah at nakipagkamay rin!

"Please join us inside Kevin! Let's have a late dinner! Hahaha" pagyayaya ni Larah.

"Thanks, but sorry if can't accept your invitation. I need to go na kasi!" pagtanggi nito.

"Are you sure?" ani Larah.

"Yeah! I have a lot of works to do pa kasi! Sorry talaga ha! Perhaps next time." sagot ni Kevin.

"Perhaps! Sayang naman pero okay lang. Ingat!"

"Spence! Mauna na 'ko! Raffy bro! Thank you!" pagpapaalam niya sa amin ni Raffy.

"Ingat Kevin! Salamat ng marami!" ani ko naman.

Tumango ito sa akin tanda ng pagsang-ayon at tuluyan na ngang naglakad palayo sa amin.

Habang kami namang magkakaibigan ay pumasok na rin sa hotel.

Sinabayan ko na lang sina Larah at Raffy na mag dinner kahit na kumain na ako kanina. Nakakahiya naman, hinintay talaga nila ako kahit nagugutom na sila, habang ako busog na busog na.

Sempre, inusisa nila ako sa buong pangyagari. At kinwento ko naman sa kanila ang lahat, lahat!

Sa kanila ko rin nalaman na ang Nathalie na tinutukoy ng lalaki kanina, well si Aaron ay ang 'yun palang kapatid ni doc Bryell na artista.

Tama nga ako ng iniisip kanina, siya pala ang boyfriend ni Nathalie. Kaya naman pala sobra ang nakita kong kalungkutan sa kanya! Nakakaawa naman pala talaga! Pero mukha naman siyang mabait, pwede ko siya kaibiganin mukhang 'yun kasi kailangan niya ngayon.

Alnaja❤

Magandang pagbati! Ito po ang inyong manunulat na si Alnaja❤! Maraming salamat sa pagtangkilik sa aking storya sana'y patuloy n'yo ho akong suportahan! #SupportFilipinoWriter

| 1
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Abaton Claire
nakakaexcite na promise gusto cuh na clang mag m8 Ng personal at NASA tamang pag iisip c Aaron .........
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status