Share

Chapter Four

Heinz's POV

"GOOD AFTERNOON, Mr. Saavedra. This is Heinz Alvarez," pakilala ko sa kabilang linya.

"Oh! Yes hijo?"

"I want to talk to you, Mr. Saavedra. Let's discuss my plan about your daughter," agad na turan ko.

"Sure, hijo. Saan tayo magkikita? Alam mo namang hindi maaari rito sa bahay," halos pabulong na sambit niya. Marahil ay mag-iingat ang matanda huwag marinig ng anak.

"No problem, Mr. Saavedra. Please, come to my office. Dito na lamang po natin pag-usapan ang lahat, Sir."

"Okay, hijo. I will come."

"Thank you, Sir. See you!" pagtatapos ko sa usapan. Agad naman niyang ibinaba ang telepono sa kabilang linya. Ako naman ay muling humarap sa laptop at itinuloy ang naudlot na ginagawa.

Ilang oras pa ang lumipas ay dumating na si Mr. Saavedra. Tumayo ako at nakipagkamay nang makita siya m. "Good afternoon, Mr. Saavedra. Please, have a sit," agad kong iminuwestra ang swivel chair na katapat ko lamang.

Bahagya naman itong ngumiti at gumanti ng bati. "Good afternoon. Thank you, hijo," anang matanda saka naupo.

Pasimple kong pinasadahan ang suot niya. Naka-white polo shirt ito at khaki pants na pinarisan ng black leather shoes. Pormal na pormal ang itsura niya habang nakamasid sa akin. Kung titingnan ay mukha nang 50 pataas ang edad niya dahil bahagya ng nakakalbo ang tuktok ng ulo niya.

Bakas na rin sa mukha ang katandaan dahil kulubot na rin ang balat niya. Subalit kahit matanda na, ay hindi rin naman mapagkakailang gwapo ang matanda noong kabataan pa. Maganda pa rin ang pangangatawan niya kahit may edad na.

May inabot siyang isang brown envelope. Clueless ko naman itong tinanggap. "What is this, Mr. Saavedra?"

"Nariyan ang ilan sa mahahalagang impormasyon tungkol sa aking anak. Maging ang lugar kung saan siya nagpupunta at kung anong oras siya umaalis. Ngunit hindi lahat ng whereabouts niya ay nakatala diyan. Sapagkat ang iba niyang activities ay hindi ko na nalalaman pa," mahabang paliwanang ng matanda saka tumingin sa akin. "And also, nasa loob niyan ang paunang bayad ko sa iyo, Mr. Alavarez. Ibibigay ko sa iyo ang kabuohan kapag natapos mo na ang ipinagagawa ko."

Tumango ako bilang sagot saka binuksan ang envelope at inilabas ang mga laman niyon. Naroon nga ang kalakip na pera, maging ang papel kung saan nakasulat ang whereabouts ng anak niya. Mayro'n din itong larawan na nakapaloob.

Malinaw ko nakikita sa larawang iyon ang bawat parte ng mukha ng dalaga dahil closeup ang kuhang iyon. Nahihinuha kong ito ang larawan ng anak ito noong bago mag rebelde. Mukha pa kasi itong bata sa larawang iyon. Mukha pang inosente at walang kamuwang-muwang sa mundo. Hindi paris ng larawan na una niyang nakita

.

Sa naunang larawan kasi ay mukha itong lesbian. Napakaikli ng buhok at maraming hikaw sa tenga. May tattoo rin sa leeg na tila isang simbolo. Sa larawan namang hawak niya ngayon, mahaba ang buhok nito at malapad ang pagkakangiti.

Ibinaba ko ang litrato at pinasadahan naman ng tingin ang papel na tinutukoy ni Mr. Saavedra. Masusi ko itong binasa.

Name: Leigh Alexandria Saavedra

Age: 23

Birthday: December 1, 1993

Height: 5'4

Weight: 118 lbs.

Eye color: Coffee Brown

Hair color: Black

Educational Attainment: College ; Undergraduate

DAILY ROUTINE

KAWASHIMA Motor Racing Club

Tuesday: 8:00PM

Thursday: 9:00PM

Saturday: 8:00PM

Other activities: Unknown

Nang matapos kong basahin ay hinarap ko ang matanda. Kampante lamang siyang nakaupo at tila naghihintay lamang ng sasabihin ko. Pumasok sa isip kong alukin pa muna siya alukin ng maiinom. "Do you want drinks, Mr. Saavedra? Magpapatimpla po ako."

Umiling lang siya. "No, thanks. I'm okay, hijo," marahang pagtanggi niya.

Tumango na lamang ako bilang tugon. Habang inaayos ko ang mga papeles na nagkalat sa aking mesa ay naisip kong tanungin kung nasaan ang kabiyak ng matanda. Simula kasi noong una kaming magkaharap ay nag-iisa lamang siya parati.

Nagdalawang-isip pa muna ako no'ng una kung itatanong iyon sa matanda ngunit sa huli ay nanaig sa'kin ang kyuryosidad. Isa pa, ay parte ito ng mga kailangan kong malaman upang matukoy kung saan nagsimula ang pagrerebelde ng kaisa-isang anak niya.

Tumikhim muna ako upang kunin ang atensyon niya. Tumingin naman siya sa akin agad. "Excuse me, Mr. Saavedra for asking this question, but may I ask if where is her mother?"

Dagliang namang napalitan ng lungkot ang ekspresyon ng matanda pagkarinig noon. Ang mga mata niya ay lumamlam at kababakasan ng matinding lungkot. Agad akong humingi ng dispensa. Marahil ay may hindi magandang nangyari sa kabiyak niya kung kaya't ganoon na lamang ang reaksyon niya.

"I'm sorry for that question, Mr. Saavedra. That's fine if you're not ready to talk about it," saad ko sa matanda. Tumingin naman siya na tila nag-iisip. "But, gusto ko po sanang maging open-minded at honest kayo sa mga bagay na maaari ko pang itanong sa inyo. I'm looking for a possible reason why your daughter might suddenly change. From there, maaari akong makabuo ng magandang plano upang makalapit sa anak n'yo ng hindi ito naghihinala. Makakatulong din po ito para makuha ko ang tiwala ng anak ninyo."

Tumango naman si Mr. Saavedra tila naunawaan ang mga sinabi ko. Nakita kong nag-isip muna siya sandali saka humugot ng malalim na hininga bago nagsalita, "She passed away five years ago."

Hindi ko inaasahan ang pag-amin ng matanda. At bigla ay nakaramdam ako ng simpatya at awa para sa matandang Saavedra. Talagang napakasakit mawalan ng mahal sa buhay, ngunit mas masakit kapag kabiyak mo ito. Nakababaliw ang sakit! "I'm sorry for your lost, Mr. Saavedra," sinserong saad ko sa matanda.

Ngumiti naman siya bilang sagot ngunit batid kong peke lamang iyon. Dahil walang kasing lungkot ang mababanaag sa mga mata ng matanda. Hindi na lamang din ako nag-usisa pa tungkol sa kabiyak niya, sapagkat hindi na rin niya dinugtungan pa ang sinabi. Isa pa, batid ko kung gaano mahirap tanggapin ang pagkawala ng mga taong mahal natin sa buhay. Dahil maging ako ay ganoon din.

"It's okay, hijo. Pasensya na rin dahil sa tuwing naaalala ko ang aking kabiyak ay nagiging emosyonal ako."

"Walang anuman iyon, Mr. Saavedra. I'll understand you," sinserong turan ko naman. "Anyway, wala ba kayong idea kung bakit nagrerebelde ang inyong anak? Napagalitan ba ninyo s'ya? Nagkaroon ba kayo ng pagtatalo o hindi pagkakaunawaan?"

Narinig kong bumuntong-hininga ang matanda. "Lagi kaming nagtatalo ng aking anak dahil sa pakikipagkarera niya pero bukod doon ay wala na akong nalalaman pa."

Umiwas pa ng tingin ang matanda kaya batid kong hindi siya nagsasabi ng totoo. Hindi na rin ako muling nag-usisa pa. Isa pa, alam ko namang sasabihin din niya iyon sa akin kapag handa na ito. Sa ngayon, ang importante ay makalapit ako sa anak niya.

"How about her friends? May alam ba kayong mga kaibigan ng inyong anak na maaaring mapagtanungan. 'Yong lagi n'yang kasama at napagsasabihan ng saloobin?"

"Wala akong nababalitaan na may kaibigan siya, hijo. Simula noong nagrebelde siya, wala na akong nalalaman pa kung ano ang nangyayari sa buhay niya," umiling-iling pa niyang tugon sa akin. Marahil ay kulang s'ya atensyon n'yo, sambit ko sa isipan. "Wala akong ibang nalalaman na kakilala ng aking anak, aside from Cyrus," dagdag pa nito.

Cyrus? Tiningnan ko ang matanda ng nagtatanong. "Who is Cyrus, Mr. Saavedra?"

"He is my daughters fiancé." Kakaiba ang tingin niya pagkasabi niyon. Tila ba inaalam ng matanda ang aking saloobin. Muli ko ring naalala ang paalala niya na huwag 'daw' akong mahuhulog sa anak niya. Hindi mangyayari 'yon. Maganda lang siya pero hindi sapat para magustuhan ko ang anak mong suwail! Sinabi ko iyon sa isip.

"Cyrus is son of Mayor Rodrigo Montemayor. Mabait ito at gwapo. Higit sa lahat, mahal nito ang aking anak," may himig pagmamalaki pa niyang sagot sa akin.

Lihim akong napailing. Do I look, I care? "So, aside from Cyrus, wala na kayong ibang alam na kaibigan n'ya?" paniniguro ko pa sa matanda. Iniba ko na rin ang usapan dahil pakiramdam ko ay hindi ako komportable sa topic na iyon sa hindi ko rin malamang dahilan.

Umiling muli ito. "Wala na, hijo. Masyado malihim ang aking nag-iisang anak. Simula ng yumao ang kaniyang ina ay doon siya nagbago. Nagrebelde siya, naging matigas ang ulo. Hindi na rin siya madalas umuwi sa aming bahay. Kapag uuwi naman siya ay lagi kaming nagtatalo dahil sa pagkakarera niya," anang matanda na bumalatay ang inis sa mukha.

Nag-isip ako sandali. Mukhang ang pagkamatay ng ina nito ang dahilan kung bakit ito nagre-rebelde at hindi ang nauna kong hula na kulang ito sa atensyon ng ama, isip-isip ko. Subalit hindi pa rin ako kumbinsido. May pakiramdam akong may mas malalim pang dahilan kung bakit ito nagrerebelde. Aalamin ko kung ano 'yon. . . paniniyak ko sa sarili.

Marahan akong tumango sa matanda. "Okay, sir. For now, sa impormasyon na binigay n'yo ay bubuo na ako ng plano kung papa'no makalalapit sa anak n'yo. I-inform ko na lamang po kayo kapag may development na ang misyon. And I want your full cooperation, Mr. Saavedra," saad ko bilang pagtatapos ng pag-uusap na iyon.

"Okay, hijo, walang problema. Makakaasa ka," anitong bahagyang nakangiti. Maaliwalas na din ang mukha ng matanda at marahil ay nakakita ng pag-asa. "And please, gawin mo ang lahat para maibalik sa dati ang aking nag-iisang anak. Babayaran kita ng kahit magkanong halaga. Kahit maubos pa ang aking pera," saad niya sa himig nakikiusap.

Natigilan ako sa huling sinabi ng matanda ngunit hindi ko na lamang pa ipinahalata. Sa totoo ay hindi mayaman ang mga Saavedra. Nagtanong ako tungkol sa pamilya nito kay Mr. Dominguez, dahil malapit silang magkaibigan noong kolehiyo.

Mag-kaklase kasi ang mga ito noon. May ilang negosyo daw ang mga ito dati kaya lamang ay nalugi at nagsara sa hindi malamang dahilan. Na-elit na din ng banko ang mga ito ng maligo.

Hindi ko alam kung paano nabubuhay ang mag-ama, dahil sa pagkakaalam ko ay hindi naman nagtatrabaho ang nag-iisang anak nito. Tanging pangangarera lamang ang ginagawa anak nitong dalaga ayon na rin sa matanda.

Ito ang malaking palaisipan sa akin ngayon kung saan kumukuha si Mr. Saavedra ng perang ibinabayad niya sa akin. Ayaw ko naman isipin na galing ito sa masama. Marahil ay may naipon s'yang pera mula sa mga dati nitong kabuhayan, kumbinsi ko sa sarili.

'Wag mong husgahan ang matanda Heinz! kastigo naman ng kabilang panig ng isipan ko.

Ang totoo ay wala naman sa akin kung babayaran ako ng matanda o hindi. Pera lamang iyon. Ang layunin ko ay makatulong sa mga taong humihingi ng aking serbisyo, mayaman man ito o mahirap. "Okay sir, I will do the best I can para sa inyong anak," paninigurado ko pa. Tumango ang matanda at bumalatay ang kasiyahan sa mukha.

"Thank you very much, Mr. Alvarez," pasasalamat pa niya saka tumayo na. "Mauna na rin ako sa iyo, hijo. And please, I want a good result as soon as possible," bilin pa ni Mr. Saavedra sa akin pagkatapos ay inilahad ang kamay.

Tinanggap ko naman ang kamay niyang nakalahad at ngumiti ng tipid. "Yes Sir, makakaasa kayo."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status