Share

Chapter 4

Kevin

Hi, kumusta?

Toni

Hello, ayos naman. You?

Kevin

Ayos lang din. Saturday ngayon, gusto mo mag-hang out? Pupunta yata si Lloyd kila Tin, let's join them, para masaya.

Toni

Ahh... hindi ko alam kung papayagan ako, eh. May party dito mamaya sa bahay, birthday n'ong isang friend ni ate, dito daw gagawin, kasi nag-do-dorm lng 'yon dito sa manila, sa cebu ang bahay nila, eh, bawal yata sa dorm.

Kevin

Ah, gan'on ba? Eh, kung kami na lang kaya pumunta diyan? Tamang-tama, libre na food. Hahaha... joke lang.

Toni

Hehe, sira ka talaga. Next time na lang. Nakakahiya naman mag-invite, hindi naman ako ang may birthday.

Kevin

Sabi mo 'yan, ha.

Toni

Alin?

Kevin

'Yung next time, hihintayin ko 'yan.

Toni

Ah, 'yon ba? Oo, promise, next time, babawi ako.

"MORNING, ate." bati ni Toni sa kapatid pagbaba niya pa lamang ng hagdan

Ayon dito kagabi, ay sa bahay daw nila gaganapin ang kaarawan ng isa sa mga kaibigan nito sapagkat bawal magpa-party sa dorm na tinutuluyan ng kaibigan. Kaya't kahapon pa lamang ay abala na ito ng kalilinis at kaaayos ng bahay nila.

"Morning." anitong hindi man lamang siya nilingon at  tutok ang atensyon sa pagkakabit ng bagong kurtina. "Nga pala... may delivery ka."

Bahagya siyang natigilan sa sinabi nito.

"A-anong delivery? Kanino daw galing?"

"Hindi ko alam... wala namang nakalagay na card. Nandoon sa table sa kusina. Doon ko ipinatong kasi maaalikabukan dito, eh." nang matapos nitong ikabit ang huking kurtina ay bumaba na ito sa tinutuntungang bangko. "Ikaw ha, kanino galing 'yon, ha? May bago kang manliligaw? Sino ba un? 'Yung Kevin ba 'yon?"

"Psh. Hindi ko rin alam." sabi niya habang naglalakad na papunta sa kusina.

Humigit kumulang ay alam niya na kung kanino nanggaling ang bulaklak. Wala namang ibang magpapadala sa kanya niyon kundi ang kasintahan lang.

Sorry na agad, ate.

Sa isip-isip niya habang dinadampot ang bulaklak.

Malapad ang ngiting dinala niya iyon sa ilong at sinamyo. Napapikit pa siya nang malanghap ang bango niyon.

"F na F, ah." agad siyang nagmulat ng mga mata nang marinig ang tinig ng apatid niya.

Naroon ito at nakatayo sa may pinto ng kusina at nakahilig sa hamba niyon.

"Siyempre no... nakakaganda kaya ang mabigyan ng flowers." aniya sabay iwas ng tingin.

Agad siyang tumalilis palabas ng kusina at deretsong umakyat pabalik ng silid niya.

Nararamdaman niyang nagva-vibrate ang cellphone niya sa bilsa niya. Kung tama ang hinala niya, si Greg ang tumatawag.

PAGKASARA pa lamang niya ng pintuan ay inilabas niya ang cellphone sa bulsa... at tama nga siya, si Greg nga ang tumatawag.

"GOOD morning, Sweetheart..." bungad agad nito.

"Morning."

Inilapag niya muna ang bulaklal sa mesita sa tabi ng kama niya saka komportableng naupo sa kama.

"Sa'yo ba nanggaling iyong bulaklak?" paniniguro niya habang ang nagniningning na mga mata ay nakatutok pa rin sa katabing bulaklak.

"Yeah. Nagustuhan mo ba?"

"Yep. Ang ganda... thank you, Sweetheart."

"Basta para sa'yo, Sweetheart." malambing nitong sagot. "Dapat nga ako ang magdadala niyan mamaya, pagpunta ko diyan, eh. Kung hinahayaan mo na ba ako'ng magsabi sa ate mo."

"Don't worry, konting panahon na lang pwede mo na akong bigyan ng bulaklak, in person."

"Hay... Sweetheart. Ang tagal mong mag-eighteen." tila hirap na anito.

"Sweetheart, malapit na po iyon, huwag ka nang mainip."

"I'll get my real kiss when you turned eighteen, and that's a promise."

"Oo na po, kinikilig na po ako." which is true. Kilig na kilig na talaga siya.

Narinig niyang tumawa ang binata sa kabilang linya.

"Talaga? Kung hindi ka lang sana masyado pang bata."

"Nagsisisi ka na po ba?" nakagat niya ang pang-ibabang labi. Natatakot siya sa isasagot nito.

"Of course, not." mabilis naman nitong wika.  "Ikaw? Nagsisisi ka na ba?"

"Lalong hindi, no. Dream come true kaya kita." mas mabilis niyang sagot bago pa man siya makapag-isip. "Akala ko talaga dati hanggang dream ka na lang. Tapos ngayon, heto, at love mo rin pala ako. Paano naman ako magsisisi?"

"Sabi ko na nga ba, dati ka pa may gusto sa akin, eh."

"Yabang."

Muling tumawa ang binata.

"Huwag kang mag-alala, dati pa rin kita gusto, hindi ko nga lang alam kung paano kita lalapitan. Masyado ka pang bata, at kapatid pa ng bestfriend ko. Paano kita lalapitan nang hindi iniisip ng bestfriend ko na sinasamantala kita? Nakakatakot yung feeling. Iyong gusto kita pero ayoko ring mawala yung bestfriend ko. Sabi ko sa sarili ko, titikisin ko na lang 'to, tutal marami pa namang iba diyan. Iyong hindi complicated--"

"Ah, ganon?" singit niya sa sinasabi nito.

"Shh... let me finish." sabi naman agad ng nobyo. "Ayon nga, hindi ko pala kaya. Noong nakita kita with that Kevin, parang ang hirap huminga. Hindi ko pala kaya'ng makita ka with another guy. Mababaliw ako. So, I decided to gamble."

My God, 101%  na yata ang kilig ko! May itataas pa ba ito? Baka atakihin na ako dito.

Sa isip-isp ni Toni.

"Sinabi ko yung feelings ko..Kung lalayuan mo ako ng dahil doon, wala na akong magagawa. At least, I tried. Pero sobrang saya ko n'ong malaman ko'ng may katugon din pala y'ong feelings ko for you. Buti na lang, sumubok ako. And I won."

"Ahhhh... naiiyak ako, Sweetheart..."

"I promise, na sa sobrang saya at kilig ka lang iiyak, ng dahil sa akin."

"Thank you, Sweetheart. Mahal na mahal po kita."

"Sweetheart, 'yong 'po'. Ang tanda ko tuloy pakinggan." muling reklamo nito.

Napangiti siya.

"Sweetheart, sign of endearment din po 'yan. And huwag kang mag-alala, kahit pumuti na lahat ng buhok mo, mahal pa rin kita."

"I love you."

"I love you, too."

Jusko, meron pa nga! 102% na!

"By the way, nandiyan pala ako mamaya sa inyo. Huwag kang aalis, please. I wanna see you. Okay lang ba?"

"Oo naman. hindi mo ba napapansin, every Saturday talaga nasa bahay lang ako? Kasi gusto ko, nakikita kita. Kahit every saturday lang."

"Kaya pala. Kaya lang, nasa bahay ka nga, hindi ka naman lumalabas ng room mo. Lagi akong nakatingin sa hagdan, hoping na bumaba ka, and join us."

Kimi siyang tumawa.

"Nahihiya po ako, eh. Pero lagi naman kitang sinisilip, 'twing may chance ako."

"Ay, ang daya pala. Samantalang ako, hindi kita nakikita."

"Gan'on talaga." tawa niya rito. "Promise, mamaya bababa ako."

"Good. Miss na miss na kaya kita."

"Ikaw din po, sobrang miss ko na."

Ilang sandali pa silang nag-usap bago narinig ni Toni ang mga sasakyang tumigil sa labas ng bahay nila at ilang mga boses na nag-uusap sa ibaba.

"Sweetheart, nandito na yata ibang friends n'yo. Naririnig ko na sila." imporma niya sa kasintahan.

"Ah, gan'on ba? Maya-maya lang nandiyan na ako. May dinaanan lang talaga ako, then, deretso na ako diyan. Can't wait to see you."

"Ako din po. Sige na, baba na ako, baka may maitutulong ako sa kanila... 8.!

Isang tawa ang pinakawalan nito sa kabilang linya.

"888. 'Wag masyado magpapagod, ha."

"Okay po. Ingat."

NANG bumaba siya ay naroon na nga ang ibang mga kaibigan ng kapatid niya. Kanya-kanyang tulong ang mga ito ng mga pwede nilang gawin.

"Hi, guys. Happy Birthday, Dennise." malakas na sabi Charlotte, na kadarating lang.

Kulang na lang ay magbuhol ang mga kilay niya nang matawan ang kasunod nitong pumasok sa bahay nila.

Ang higad na si Nicole!

In her hot pink, spagetti strap costume, este, attire.

Hinagod niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa.

Nakita niyang bahagyang nagsalubong ang kilay nito sa ginawa niya.

"Lakumpake!" sa isip-isp niya.

Alam niya naman kung bakit ito nandito. Para magpa-cute kay Greg. Napa-ingos siya sa naisip.

"Sorry, girl. Wala ka nang pag-asa." aniya sa isip niya at ipinagpatuloy na ang ginagawa.

Bago magdilim ay nagsidatingan nang lahat ang mga kaibigan ng kapatid niya, kabilang na rin si Greg.

Nang dumating ito ay agad na sumalubong dito ang pink na higad, na Nicole na iyon at humalik pa sa pisngi nito.

Natitigilang tumingin sa kanya si Greg at alanganing ngumiti.

Tinaasan niya lang ito ng kilay at tumalikod na upang kumuha ng pagkain.

Maya-maya ay naramdaman niyang may tumabi sa kanya sa mesa. Amoy pa lang nito ay alam niya na kung sino iyon.

"Hi." sabi nitong nakatingin sa kanya.

"Hi." tanging sagot niya rito.

Hindi niya ito makompronta dahil may mga kasabay silang kumukuha rin ng pagkain.

Nang matapos siya ay agad siyang lumayo rito at naghanap ng mauupuan.

Nakita niyang bakante ang upuan sa tabi ni Jace. Isa sa mga kaibigan ng ate niya at ni Greg.

Doon siya naupo at tahimik na kumain.

"Hi. Ang sarap ng pasta, no? Actually, ito lang talaga ang ipununta ka rito, eh." nakangiting sabi nito at binuntutan ng tawa.

"Yeah. Masarap." tumatango pang nakatingiting sagot niya na bahagya lamang lumingon dito.

Mabait si Jace at laging nakangiti. At ayon sa ate niya at sa mga maririnig niya tuwing naririto ang mga ito, kabi-kabila ang mga babae nito. In short, playboy.

"Gusto mong i-try 'yong caldereta? Ako ang nagluto n'on. Pampulutan sana 'yon, pero pwede kita ikuha, if you want." 

Pilit siyang ngumiti rito. Ayaw niya naman itong bastusin dahil mabait naman ito. Hindi niya lang maiwasang mainis sapagkat, sa tuwing mag-aangat siya ng tingin ay nakikita niya si Greg na katabi si Nicole. Panaka-nakang nagku-kwentuhan ang mga ito habang kumakain.

So na-miss pala ako, ha? At sa harapan ko talaga?! Hmmp... bahala ka sa buhay mo!

"Toni..." pukaw nito sa atensyon niya. "Okay ka lang ba?" kunot-noong sabi nito.

"H-ha?"

"Sabi ko, try mo 'yung caldereta."

"Ahm... no, thanks." aniyang tumayo na. "Tapos na rin naman ako. Saka may lakad nga pala ako." at lumakad na siya patungong kusina upang ilagay doon ang kinainan niya.

"What was that?"

Napitlag pa siya sa gulat nang biglang may bumulong sa kanya.

Kahit hindi niya ito lingunin ay alam niya na kung sino.

"What?"

"You and Jace?" nahihimigan niya ang inis sa boses nito. "Bakit ka tumabi sa kanya?"

"Wala nang bakanteng upuan."

"Really? Dalawang magkatabing bakanteng upuan iyong inupuan ko, bakit hindi ka doon naupo?" pabulong na singhal pa rin nito.

"May naupo namang iba, 'di ba?" malamig na sabi niya at sinabayan ng talikod.

Pipigilan sana siya nito ngunit sakto namang pumasok rin ng kusina si Jace dala rin ang platong pinagkainan nito.

Matamis itong ngumiti sa kanya na sinuklian niya naman ng isa pa uling pilit na ngiti at tuluyan nang lumabas ng kusina.

Kung lumingon lamang siya ay nakita niya sana ang lalong pagdidilim ng mukha ni Greg.

"Hey, dude. What's with the face?" naulinigan niya pang sabi ni Jace.

Hinanap niya ang kapatid upang magpa-alam na pupunta muna kina Tin. Agad naman siya nitong pinayagan at sinabihang mag-ingat.

PAG-AKYAT niya sa silid niya ay agad siyang nagbihis ng pang-alis at tinawagan si Tin.

"Bez, punta 'ko diyan..." nagmamaktol na bungad niya rito.

Bakas naman ang pagtataka sa tinig ng kaibigan niya nang sumagot.

"O, bakit? Akala ko ba, sabi ni Kevin, niyaya ka raw niya, ayaw mo at may party sa inyo?"

"Oo, nga."

"Oh, eh, bakit bigla kang exit?"

"Nandito si Greg..." sabi niya na lalong nagpataka sa kausap.

"And? Mas lalong nakakapagtaka... kung kailan kayo na, saka ka aalis nang nandiyan siya?"

"Hindi ako makahinga rito. Baka makasampal ako ng malanding pink na higad dito!"

Sandaling natahimik ang nasa kabilang linya na tila nag-loading sa sinabi niya.

"Elaborate, please."

"Bez naman, eh..." maktol niyang muli. "Kasi nga, 'di ba S.O. kami ni Greg? So, hindi pa kami pwede maging sweet in front of everybody... ayon, sila ni Nicole ang magkatabi at parang sila ang mag-jowa." naiinis talaga siya at parang nakikinita pa rin amg eksena kanina. "Pagdating pa lang ni Greg, sinalubong na ng halik nung malanding pink na higad na 'yon."

Narinig niyang malakas na suminghap ang kausap.

"Really?! Sa lips?!"

"Sa pisngi lang naman. Kung sa lips 'yon, e, di hindi lang sana ganito ang reaksyon ko." baka nagrebulusyon na siya. "Pero, ang sakit pa rin sa mata... ay sa puso pala. Basta. Mababaliw na ako kapag nagtagal pa ako rito."

At ang bruha niyang kaibigan, pinagtawanan pa ang ipinagsisintir niya.

"S.O. pa kasi nalalaman. Sige na punta ka na dito. O, gusto mong pasundo kita kay Kevin?"

"'Wag na, magta-taxi na lang ako."

"Sige, ingat ka."

Swit❤

Hey, where are you going? Bakit nakabihis ka?

My Sweetheart

Hihinga.

Swit❤

What? Wait... okay sorry na. Nainis lang naman ako na makitang parang ang sweet n'yo ni Jace, eh.

My Sweetheart

Talaga ba? Nakita mo pala? I thought, busy ka sa pink na higad, eh.

Swit❤

Sweetheart naman, 'wag ka nang umalis, please...

My Sweetheart

Mukha namang hindi mo masyado mararamdaman ang pag-alis ko, may substitute naman, eh.

Swit❤

Sweetheart, umiiwas naman ako, hangga't makakaya ko, eh.

My Sweetheart

Hindi iyon ang nakikita ko. Pagdating mo pa lang, sinalubong ka agad ng halik?  Asawa lang ang peg?.Para kang asawa na umuwi galing sa trabaho, ah.

Swit❤

Sweetheart, wala naman 'yon, eh.. please, huwag ka nang umalis.

My Sweetheart

Basta ayoko pa rin ng nakikita ko. Parang kayo ang magkarelasyon kung maglambing siya sa iyo. Bakit ba kasi nandiyan 'yan?

Swit❤

Hindi ko alam. Sinama ng ate niya. Sweetheart naman... ikaw naman ang may gusto nito, 'di ba? Kung umaamin na ba tayo, e, di sana, wala tayong ganitong problema.

My Sweetheart

Balik na naman tayo diyan?

Swit❤

Okay, sorry na. Naiintindihan.ko naman, eh. Pero huwag namang ganito, please... bumalik ka na. Ang tagal kong hinintay itong araw na 'to, para makita ka, tapos ganito lang? Aalis ka naman?

My Sweetheart

Mukhang hindi naman masyadong kawalan, eh.

Swit❤

Sweetheart, huwag ka namang ganyan, oh. Please... bumalik ka na.

My Sweetheart

Hindi na ako pwedeng bumalik diyan. Magtataka si ate, nagpaalam na akong kila Tin ako matutulog.

Swit❤

Ano?! Ibig sabihin, hindi ka uuwi mamaya?

My Sweetheart

Hindi.

Swit❤

Sige, kung hindi na talaga kita mapipigilan, pumunta ka kila Tin, pero umuwi ka. Please naman, Sweetheart... minsan na nga lang tayo magkita, eh. For sure, uumagahin 'tong mga 'to. Hindi ako uuwi nang wala ka. Hihintayin kita, please.

My Sweetheart

Hindi ako sure. Basta bahala na.

Swit❤

Maghihintay pa rin ako. Mag-iingat ka. Isa pa 'to sa hirap sa sitwasyon natin eh. Hindi man lang kita maihatid. 8

"HUY, busy ka diyan sa kakatext ah..." ani Dawn, na hindi niya napansin na tumabi pala sa kanya ng upo.

"Ah... wala, unli, eh, sayang naman." sagot niya at sinundan ng buntong-hininga.

"Sino ba ka-text mo? At kailan ka pa natutong mag-text? Marunong ka pa mag-unli ngayon, ha?" kulit pa rin ni Dawn.

Hindi ito sanay na nagte-text siya. Madalas ay puro tawag siya. Katwiran niya, mas madaling magka-intindihan kung tatawagan na lang.

Natuto lang siya mag-text nang maging sila na ni Toni. 

At alam niya, marami pa siyang kayang gawin na hindi niya nakasanayan, para sa kasintahan. Ganoon niya ito kamahal.

Sa gilid ng mga mata niya ay napansin niyang nakatingin din sa kanya si Nicole at tila naghihintay din ng sagot niya.

Kanina niya pa napapansin na tila pilit nitong sinisilip kung sino ang ka-text niya.

Sa disimuladong paraan ay iniiwas niyang masilip nito ang text niya.

"Someone Special." maigsing sagot niya at kinindatan ito.

Nakita niyang nangunot ang noo ni Nicole.

"Waaahh... nakakainis ka. Bakit hindi ka man lang nagku-kwento?" tili nito at hinampas pa siya ng hinampas sa braso.

Natatawang umilag na lang siya.

"Soon. Kapag maayos na ang lahat, Dawn... you'll be the first to know. Promise." seryosong sabi niya.

"Ganyan pala ang nagagawa ng pag-ibig sa'yo, Gregorio. Though, I like that." anito at parang batang ginulo ang buhok niya. "And I'm dying to meet this, Special Someone." nakangising sabi nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status