Share

Chapter 6

KATATAPOS lang ng klase nina Toni at naglalakad sila palabas ng University nang tumunog ang cellphone niya. Napangiti pa siya nang makita ang pangalan ng kasintahan.

"Hello, beautiful!" bungad kaagad nito nang sagutin niya ang tawag 

"Hi, handsome!" sagot niyang may malapad pa ring ngiti. "How's your day, Sweetheart?"

"Hmm... kanina okay naman, pero parang ngayon hindi na."

"Aww... why po?" malambing ang tinig na aniya rito, hindi alintana ang nagtatakang tingin ni Kevin, na kasabay niyang naglalakad.

Patay malisya naman si Tin na humigit kumulang, alam na kung sino ang kausap niya.

"I hate seeing my girlfriend with another guy."

Kunot ang noong magpalinga-linga siya sa paligid.

Nakikita niya ako?

"Huh? Nasaan ka po, Sweetheart?

"Nandito sa labas ng school ng girlfriend ko, susunduin ko sana siya, pero may kasabay na pala siyang iba." anito sa pinalungkot pang tinig.

Lalo niyang pinagbuti ang paglinga-linga sa paligid.

"Huh?! Sweetheart, please, tell me where are you... papaunahin ko

na sina Tin, tapos pupuntahan na kita."

"Sure? Baka nakaka-istorbo ako sa inyo..."

Ipinaikot niya ang mga mata... alam naman niyang nakikita siya nito. "Of course not, miss na po kita." malambing niya sabi.

"I'm here, sa harap ng burger stand, black Mercedes."

Nakita niya nga ang sinabi nitong sasakyan na nakaparada sa harap ng burger stand.

"Ikaw 'yon? Kaninong car 'yan?"

"Hiniram ko lang 'to sa friend ko, para walang makakita sa atin."

Natawa siya sa sinabi nito.

"Ikaw talaga! Sige po, paalam na ako sa kanila, tapos punta na ako diyan."

"Okay. "

Pagkababa ng tawag ay saka lamang niya napansin na nakahinto na pala sila sa tapat ng gate at sa kanya nakapako ang tingin ng tatlong kasama.

Alanganin niyang nginitian ang mga ito at nag-iwas ng tingin kina Kevin at Lloyd. Kay Tin niya ipinaling ang tingin.

"Ahm... Bez, una na pala kayo." tiningnan niya ito ng makahulugan at base sa marahang pagtango nito ay alam niyang naintindihan nito ang nais niyang sabihin.

Bumaling siya kina Kevin at Lloyd at nginitian ang mga ito.

"Paesenya na, next time na lang pala ako sasama sa inyo maglunch. May lalakarin pala ako, nakalimutan ko."

Kahit nagtataka ay nakuhang ngumiti ni Kevin, habang wala naman siyang nakitang kakaiba sa ekspresyon ni Lloyd. Nakangiting tumango lamang ito habang nakaakbay sa kasintahan.

"Gan'on ba?" ani Kevin. "Hatid na kita sa pupuntahan mo," alok pa nito.

Mabilis siyang umiling. "No thanks. Tuloy n'yo na lang 'yung lunch n'yo."

Bakas ang panghihinayang sa mukha ni Kevin.

Tumingin naman siya ng makahulugan kay Tin, anyong nagpapasaklolong segundahan ang sinabi niya, na mabilis naman nitong naintindihan.

"Oo nga, Kevin, let's go. Hayaan mo na 'yang bestfriend ko, kaya niya na sarili niya."

Tumingin muna si Kevin kay Tin bago bumalik ang tingin sa kanya.

"Sure?" paniniyak pa nito.

"Sure." nakangiti pa niyang sabi.

Lumapit siya kay Tin upang humalik sa pisngi nito. "Thanks." bulong niya, bago lumayo dito.

Doon lamang siya tinapunan ng nagtatakang tanong ni Lloyd na alam niyang narinig ang ibinulong niya sa kasintahan nito.

Matamis niya lang itong nginitian.

NANG makaalis ang tatlo ay saka pa lamang siya naglakad patungo sa sasakyang sinabi ni Greg. Sa passenger's seat na siya dumeretso at agad na binuksan ang pintuan niyon... hindi na naka-lock.

"Hi." bati niya rito nang makasakay.

"Hi, yourself." walang ngiting sabi nito na binuhay na ang makina.

Tumatakbo na sila nang muli siyang bumaling dito. Hindi niya matiis ang katahimikan lumulukob sa buong sasakyan.

"Galit ka?" alanganin niya tanong dito.

Wala pa ring imik na umiling ito.

Humugot na lamang siya ng malalim na paghinga at saka bumaling ng tingin sa labas ng bintana. Alam niyang may kinalaman si Kevin sa pagsusungit nito.

"School mate pala kayo ng Kevin na 'yon? Akala ko ba pinsan lang siya ng boyfriend ni Tin?" maya-maya ay sabi nito.

Noon siya lumingon at tumingin dito.

"Yeah." aniyang may kasama pang tango. "Nagpatransfer siya sa school, last week."

"At nanliligaw na siya sa iyo?" wala pa ring makikitang emosyon sa mukha nito.

"Nagseselos ka?" nangingiting tanong niya rito.

Sumulyap lang ito sa kanya na tila ba sinasabing, 'tinatanong pa ba 'yon?', bago ibinalik muli ang mga mata sa daan.

Nangingiti pa ring umiba siya ng upo. Nakaharap na dito.

"Sweetheart, wala ka pong dapat na ikaselos kay Kevin, ikaw nga ang man of my dreams, remember?"

Mataman siyang nakatitig dito kaya't nakita niya ang paglambot ng ekspresyon nito at ang pinipigil na ngiti.

"Ayee... kinilig!" tukso niya pa rito sabay sundot sa tagiliran nito na ikinaigtad ng binata.

"Sweetheart, i'm driving,"

Isa pa uling sundot sa tagiliran nito ang ginawa niya.

"Sabihin mo munang hindi ka na galit at kinikilig ka." pangungulit niya rito.

Hinuli nito ang kamay niya at dinala iyon sa mga labi nito saka pinagkawing ang mga daliri nito.

"Sweetheart, alam mong hindi ko kayang magalit sa'yo," ani Greg at minsan pang hinalikan ang kamay niyang hawak pa rin nito.

"At kinikilig ka?" nakangiti pa ring kulit niya muli dito.

Parang siya yata ang kinikilig!

Urgh!

Nakangising kinindatan lamang siya nito.

"Saan mo gustong kumain?" tanong nito kapagkuwan.

Umangat ang isang kilay niya sa tanong nito.

"Baka may makakita sa'tin."

Unti-unting napalis ang ngiti sa mga labi nito.

Nakaramdam naman siya ng pangongonsensya. Ayaw niyang isipin nito na ikinahihiya niya ito. Pero natatakot talaga siyang may makakita sa kanila at makarating sa ate niya. Siguradong mahabang paliwanagan kung bakit sila magkasama ng binata.

"Sorry." aniyang nagbaba ng tingin.

Nakakunawa namang pinisil nito ang kamay niya.

"It's okay." saka siya nito binigyan ng nakakaunawang ngiti. "Don't worry, we'll eat somewhere, na walang makakakita sa atin."

Muli siyang ngumiti rito at tumango.

Napakaswerte niya talaga sa pagiging understanding ng nobyo kahit minsan alam niyang hindi ito sang-ayon sa gusto niya ay pinipilit pa rin siya nitong intindihin.

Wala na talaga siyang mahihiling pa rito.

Binitiwan nito ang kamay niya at dinampot ang telepono nito. Maya-maya lamang ay may kausap na ito.

Hindi niya gaanong nainitindihan ang mga sinabi nito ngunit kumabog ang dibdib niya at napaawang ang mga labi nang marinig niya ang salitang 'suite'.

Jusko, maghohotel na yata kami!

Ready na ba ako?

Nang ibaba nito ang tawag ay ang lapad ng ngiti nitong sumulyap muli sa kanya.

Nawala ang ngiti nito sa mga labi nang makita ang reaksyin niya.

"Are you okay?" tanong nito habang pasulyap-sulyap sa kanya at muling ibabalik ang tingin sa kalsada.

"Ahm... I heard, you reserved a suite, for us?" paniniyak niya sa narinig.

"Yeah, why?" parang walang anuman na sabi nito.

Kahit malamig ang sasakyan, pakiramdam niya ay pinawisan siya nang kumpirmahin nito ang narinig niya.

"Ahm... ah, Sweetheart..." hindi siya makaapuhap ng sasabihin.

Kunot noong sinulyapan siya nitong muli.

"Is there a problem, Sweetheart?"

Muli nitong inabot ang kamay niya na ikinapitlag niya pa. Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Greg.

"Sweetheart...?" nagtatanong ang mga mata nito.

"Sweetheart... ahm... I d-don't think... ahm.." hindi niya alam kung papaano sasabihin ditong hindi pa siya handa sa mga ganoong bagay. "I d-don't think, i'm ready for that."

Kunot ang noong tumingin ito muli sa kanya... anyong naguguluhan sa sinasabi niya.

"Sweet--"

"Please, try to understand, Sweetheart... nag-aaral pa ako, and mag-e-eighteen pa lang ako, in two weeks time... ayoko naman na kapag tinanong ako ng anak natin kung kailan ako na-de-verginize, seventeen ang isasagot ko sa kanya... that's not even a legal age, right?"

Unti-unting namilog ang mga mata ni Greg sa sinabi niya. Tila noon lamang rumehistro sa isip nito kung ano ang ibig niya sabihin.

"Sweetheart..." pagpapatuloy pa rin niyang hindi pinansin ang anyo nito. "...pwede bang after ko na lang mag-eighteen?" nananantiya pang aniya rito.

Pumuno sa buong sasakyan ang paghagalpak ng malakas na tawa ni Greg. Hitsurang aliw na aliw.

Siya naman ang nangunot ang noo rito.

"Sweetheart..." hindi pa rin naghuhupa ang tawa nito. "I wasn't thinking of that, you silly!"

"Eh, ano ang gagawin natin sa motel?" takang tanong pa niya.

"Hotel, Sweetheart... not motel." hindi pa rin ito nakakarecover sa katatawa.

Sinamaan niya ito ng tingin at sinimangutan. Pinagtitripan ba siya nito?

Pilit naman nitong pinigil ang pagtawa ngunit naroon pa rin ang kislap ng pagkaalis sa mga mata. "Sweetheart... mali ka ng iniisip. Wala akong balak na masama noong naisip kong magpabook ng hotel."

"Eh, ano nga ang gagawin natin d'on? Huwag mong sabihing manananghalian lang tayo doon?"

"I'm telling you now... manananghalian lang tayo doon."

Binigyan niya ito ng nagdududang tingin.

Natatawa pa ring hinalikan nito ang kamay niya.

"Trust me, Sweetheart... I am never after that. Kakain lang talaga tayo d'on." seryoso na ito sa pagkakataong iyon. Tila nais iparamdam sa kanyang totoo ito sa sinasabi. "And I want to be with you... iyong tayong dalawa lang. Where, I could kiss you, and nobody will see and judge."

Bagaman naroon at mababanaag ang labis na pagmamahal sa mga mata nito... there's something else na hindi niya matukoy.

Nangunot ang noo niya.

"Sweetheart--"

"It's okay, Sweetheart. I love you... and it's all that matters." madamdaming sabi ni Greg.

Muli siyang nakaramdam ng pangongonsensya. Alam niyang nahihirapan ito. Dahil nasa legal nang edad si Greg, alam niyang hindi ito sanay na itinatago ang relasyon. O, na itinatago ito.

"I'm sorry, Sweetheart, alam kong nahihirapan ka na sa sitwasyon natin." humilig pa siya sa balikat nito. "Don't worry, two weeks na lang po, and magiging legal na tayo." nag-angat siya ng tingin at ipinatong ang baba niya sa balikat nito habang nakatingin dito.

Muling may nakiraang kung ano sa mga mata nito na hindi niya matukoy, inignora na lamang niya. "And, in two weeks, promise ready na ako."

Kunot-noo munang tumingin ito sa kanya. At nang sa tila ay naiproseso na sa utak kung ano ang sinabi niya at matamlay itong ngumiti sa pagtataka niya, at saka siya hinalikan sa noo.

"Silly." mahinang anito. "That's not what I want you to promise." seryoso nitong sabi.

Nahihiwagaan na talaga siya sa nobyo.

"What, then?"

"I want you to promise me, that you'll finish your studies, the soonest time possible. After your graduation, you'll see me... patiently waiting to claim what you were offering. I'll gladly claim it, by that time. Promise me, you'll wait..."

Muling nangunot ang noo niya.

"Ako talaga?"

Ngumiti ito sa kanya ngunit hindi naman umabot sa mga mata nito.

"Yeah, you. Because I already made a promised that I will wait for you... until such time, that you are ready. For me... for us. And I promised, that I am always there, in every steps of your way." matapos nitong sabihin iyon ay mariin siya nitong hinalikan sa noo. "I love you."

Lalo yata siyang naguluhan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status