Share

Chapter 37

KUNG naging lalaki lamang siguro si Chloe, ay kanina pa ito nasaktan ni Greg, sa labis na galit na nadarama niya nang mga oras na iyon.

Nag-uumigting ang mga ugat sa kanyang kamao sa higpit ng pagkakakuyom, dahil sa pagpipigil na masaktan ang dalaga.

"From now on, stay away from me, and Toni. Sa susunod na lumapit ka pa sa amin, hindi ko na alam kung makakaya ko pang pigilan ang sarili ko." naniningkit ang mga matang sabi niya.

Kahit ano'ng gawin nito ay hindi niya kayang kalimutan na lamang ang lahat ng mga ginawa nito. Kamuntikan na siyang iwan ni Toni nang dahil sa kagagawan nito.

"Ayoko nang magkaroon pa ng kahit na ano'ng kaugnayan sa'yo!" nagngangalit ang mga bagang na mariin niyang sabi. "Not even as friends, this time, Chloe!"

Mariing napalunok si Chloe at nanlaki ang mga mata sa intensidad ng mga sinabi niya. "You can't do that to me!"

Umangat ang gilid ng mga labi niya sa isang pagak na ngiti. "Try me." nagh
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status