Share

Kabanata 2

Kabanata 2

NAKATULALA na naman si Lucy sa salamin ng dresser. Mag-a-alas sais na ng gabi ay hindi pa niya naaayos ang kanyang sarili. Siguradong mamaya lamang ay darating na ang sasakyang gamit ni Vince para sa dinner date nila sa bahay na binili nito para sa kanya ngunit hindi niya pa rin makapa ang enerhiya para simulan ang make up niya. Nakatitig lamang siya sa kanyang sarili, ang itim sa ilalim ng kanyang mga mata ay hindi pa rin niya natatakpan ng concealer nang hindi mapansin ni Vince.

She was so unproductive today because of her nightmares. Her dreams haunted her even when she's already awake, and no matter what she does, the meds just don't work on her anymore. Nadarama pa rin niya ang nakapaninindig-balahibong haplos, ang mga sampal at sabunot. Lumala pa nga yatang lalo, sadyang kumakalma lamang siya kapag kasama na niya ang taong nagligtas sa kanya mula sa madilim na bahagi ng kanyang buhay.

Muli niyang narinig ang tinig sa kanyang isip. Nabitiwan niya ang hair brush na hawak at muling hindi napakali. Her body shivered and her eyes squeezed shut when she heard the familiar man calling her name again, her own voice faded in the background. 

Naririnig niya ang pagtawa ng lalake. Nakikita niya ang sariling patuloy na tumatakbo sa kabila ng matinding sakit ng katawan. She was begging for help. She kept running for her life in the dark alley until she stumbled down. Tumawa ang lalake na tila isang demonyo. Hinawakan nito ang kanyang buhok at dinikit ang dulo ng ilong sa kanyang balikat upang singhutin ang kanyang amoy.

"Akin ka lang, narinig mo? Akin ka lang!"

Naitakip niya ang kanyang mga kamay sa kanyang tainga nang magsimula siyang maghisterikal. Her tears fell heavily, her heart pumped wildly inside her chest.

"Tama na... Tama na..." she whispered. Nanginginig ang kanyang mga kamay, nakayuko ang kanyang ulo habang hindi niya mapigilan ang mapait na alaala sa pagpasok sa kanyang isip.

Mayamaya'y napatili siya nang madamang may humawak sa kanya mula sa likod. Nag-panic siya kaagad at kung hindi siya niyugyog ng lalake sa balikat ay baka kung ano na ang nagawa niya.

"Hey! Hey, it's me!" 

"V—Vince?" she called and looked at him when she recognized his voice.

Gumuhit ang awa sa mukha ni Vince. Hinaplos ng hinlalaki nito ang kanyang basang pisngi saka ito nagpakawala ng marahas na buntong hininga.

"What happened, Lucy?" he asked, his voice brought peace in her heart all of a sudden.

Napahikbi si Lucy at parang batang kinulong ang sarili sa dibdib nito. He's still wearing his business suit, the same one she saw he's wearing in the interview earlier. Naglaro sa kanyang ilong ang panlalakeng pabango ni Vince na siya mismo ang pumili, at habang hinahagod nito ang kanyang likod, hindi niya napigilan ang lalong umiyak.

"Vince... I think the meds are no longer working. I can... I can feel him holding me... Hindi... Hindi ko maalis... Hindi ko maalis sa isip ko..." 

Tuluyang pumiyok ang tinig ni Lucy dahilan para higpitan ni Vince ang pagkakayakap sa kanya. Nang dumampi sa kanyang ulo ang masuyo nitong halik, naisara na lamang ni Lucy ang kanyang mga mata.

"I'll tell Dr. Suarez about it. Maybe she can schedule you another session tomorrow." Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi at pinagmasdan ang kanyang mga matang namumula dala ng pag-iyak. "Tahan na, Lucy. I will never let anyone hurt you."

Basag na ngumiti si Lucy. "Thank you, Vince..."

He pulled her for a tight, comforting hug and Lucy just let herself feel his warmth. Kasalanan ang mahalin ang isang Vince De Vera, ngunit bulag si Lucy sa mga bagay na kayang ibigay ng pag-ibig nilang dalawa.

He was the prince who rescued her, sheltered her, and still patiently helping her heal from the horrifying past she had to go through. Noong nilulunod siya ng buhay at pakiramdam niya ay wala nang magsasalba pa sa kanya, dumating ang lalake sa kanyang buhay at muli siyang binigyan ng pag-asa.

Vince sat on the edge of the bed and made her sit on his lap. Inangkla ni Lucy ang kanyang braso sa leeg nito habang ang isa niyang kamay ay isinalikop ni Vince sa palad nito bago hinalikan.

Payak na napangiti si Lucy. Vince De Vera is thirty years older than her, but  the forty eight years old President of The Republic is still a total head-turner. Naalagaan nitong mabuti ang sarili. Maganda pa rin ang pangangatawan, kinahuhumalingan pa rin ng marami at pinapangarap na mapunta sa pwesto niya.

Yes, she's the mistress of President Vince De Vera, but Vince showered her with more love than the first lady, Hailey De Vera.

Does she feel guilty about it? Yes.

Is she ready to let go? No.

Isang malaking katangahan ang pinasok ni Lucy, ngunit masyado na siyang bulag sa kayang iparamdam ni Vince.

"How was your painting?" he asked in a gentle voice.

Pinagmasdan ni Lucy ang lalake. Vince has this olive eyes, protruding and matched his thick brows. Matangos ang ilong na namana sa lolong espanyol. His jaw is sharp and his lower lip is a bit thicker than the upper. Palangiti ang Presidente lalo sa harap ng media. Noong kabataan nito ay pinag-agawan ng mga TV network ngunit imbes na pasukin ang pagiging artista, sumabak si Vince sa politika upang sundan ang yapak ng amang Senador.

She played with the tip of his hair while he's holding her close and making her feel safe. Palaging ganoon. Kapag tumatama ang epekto ng kanyang trauma, pinakakalma siya ni Vince at pinadarama nitong palagi siyang ligtas sa bisig nito.

"I'm almost done. Would you like to see it?"

The corner of his lips twisted upward, forming a genuin half smile. "Of course."

Mahinang tumango si Lucy. Umalis siya sa pagkakakandong nito saka niya ito giniya patungo sa art room. Nang buksan niya ang ilaw, pinasadahan ni Vince ng tingin ang buong silid. Her unfinished artworks are all over the place. Her paints and brushes are sitting on a shelf on the North-East corner of the cream-painted room.

Then his eyes darted at the canvas covered with a white sheet. Magkahawak ang kamay nilang tinungo ang pwesto ng canvas saka inalis ni Lucy ang takip. Nang ma-reveal ang artwork, yumakap sa kanya mula sa likod si Vince saka nito sinandal ang baba sa tuktok ng kanyang ulo.

"Your paintings are getting darker again, Lucy." He pressed a gentle kiss on her head. "What is it about this time?"

Pinuno ni Lucy ng hangin ang kanyang dibdib saka siya basag na ngumiti. "It's about the hope I found after the series of storms." Tiningala niya ito. "It's about you, Mr. President."

Ngumiti si Vince saka siya pinihit paharap. Her hands held his nape, her fingertips made small circles on his skin as he squeezed her tiny waist.

"I missed you, Lucy. It's been a long week," paos ang tinig nitong ani.

"Me, too." She breathed in deeply as she felt the fire that's slowly burning both of them. "I wanted to see you yesterday but I knew you were busy because of Hailey's birthday."

Parang may bumara sa lalamunan ni Lucy nang banggitin niya ang pangalan ng tunay na nagmamay-ari kay Vince. Alam naman niya ang lugar niya sa buhay nito, ngunit habang hindi pa nagsasawa si Vince sa kanya, saka na niya iisipin ang kanyang mga kasalanan. She's going to let herself burn in hell if it means she can feel this, the love, security, and comfort Vince can offer. It all started when she was desperate to survive, but as her feelings grew for Vince, she found herself embracing her sins just to be with him in their stolen moments.

Bumaba ang mukha ni Vince upang halikan ang kanyang mga labi. Hindi naman siya nag-atubiling halikan ito pabalik, hanggang ang marahang hagod ng mga labi ni Vince ay unti-unting lumalim. Her eyes shut when his hand found her breast, his kisses trailed down her neck.

"Vince..." She gasped. "Di... Dinner..."

"I can't wait for that anymore, Lucy. I want you now," he replied hoarsely then carried her back to her room.

Lumapat ang likod ni Lucy sa malambot na kama saka niya pinanood si Vince na hubarin ang bawat piraso ng damit nito. When he's done with his tops, his warm palm ran through her thighs until he reached the edge of her underwear. Napakapit si Lucy sa pulang comforter habang namumungay ang mga matang nakatitig kay Vince.

His eyes sparked with desire that made her gasp for air. Nanuyo ang kanyang lalamunan at ang isang kamay niya ay humawak sa palapulsuhan nito.

"I want you, too..." she uttered like a sinner ready to rot in hell.

Pumungay ang mga mata ni Vince. Humalik ito sa kanyang tuhod saka nito hinawakan ang garter ng kanyang underwear. "Then let's get rid of this. I can't wait to hear you moan my name..."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status