Share

Kabanata 6

Kabanata 6

UMIGTING ang panga ni Alec nang sa pagpasok niya sa dining area ng mansyon ay naabutan niya ang Presidenteng pinaghihila ng bangko ang unang ginang. Dr. Hailey smiled at her husband as if she wasn't crying for several days because of the President's infidelity. Napakagaling nitong magpanggap sa harap ng Presidente ngunit hindi nito maitatago kay Alec ang pait na nakapinta sa singkit na mga mata.

Napailing na lamang si Alec nang halikan ni President Vince ang ulo ng asawa. He even whispered something in the first lady's ear that made her giggle before he kissed the back of her hand. How could he act so sweet and perfect when he's doing nasty things behind the first lady's back? Hindi masikmura ni Alec ang pagpapanggap na nagaganap, at kung may pagpipilian lamang siya ay baka umalis na lamang siya sa lugar habang maaga.

Nabaling sa kanya ang tingin ni Dr. Hailey. Her smile suddenly became awkward as if she's hoping he won't bring up everything they had learned about her cheating husband. Nang tignan siya ng Presidente ay sumenyas si Dr. Hailey na itikom niya ang bibig niya.

"Alec, come on. It's been a while since we had dinner as a family," masayang ani ni President Vince saka naupo sa silyang nakalaan para rito. Lumapit naman ang isa sa mga kasambahay upang salinan ng champagne ang baso nito. The food served on the table could already feed a dozen people.

Gustong matawa ni Alec. As a family? What a big word coming from an unfaithful family man. Kung hindi lang niya inaalala ang unang ginang ay baka talagang sumabog na siya dala ng galit.

Huminga siya nang malalim saka pekeng ngumiti. Kung magaling umarte ang Presidente para pagmukhaing tanga ang asawa nito, pwes ay siya ang gaganti para sa babaeng kumalinga sa kanya ng isa at kalahating dekada. He promised to make the President pay for breaking his wife's heart.

Matipid na ngumiti si Alec. "Good evening, Sir." 

"Take the seat next to your Mama Hailey, Alec. Masarap itong pinahanda ko kina Manang," nakangiting balita ng Presidente bago sumimsim sa baso ng alak. "This is really good. Honey, you should try this."

Lihim na kumuyom ang mga kamao ni Alec habang patungo sa tabi ng unang ginang. Humalik siya sa ulo nito saka siya naupo sa silya, ang unang ginang ay pasimpleng piniga ang kanyang kamaong nakakuyom na tila sinasabing kumalma siya.

He took in another deep breath then smiled at Dr. Hailey, silently telling her he will keep his mouth shut despite the anger building up inside his chest. The President thinks he's such a great actor? Then Alec will take the stage and show him who's really playing the fool part. 

"What's the occasion, Sir?" he asked casually.

Umiling ito. "Nothing. I just missed having dinner with the two of you. Palagi na akong sa labas kumakain dahil sa trabaho."

Trabaho? He wanted to laugh. Or perhaps because of Lucy Sta. Maria?

"Tomorrow morning, I'll be flying to Thailand for the ASEAN. Mas kampante sana ako kung ikaw ang piloto kaya lang ay provided ng ASEAN ang lahat," balita nito.

He smirked. "It's okay, Sir. I got something really important to do anyway. I'll probably be busy in the next two weeks."

"Huh. With the ranch in Cagayan?"

Tumango si Alec saka nagsalin ng champagne sa kanyang baso. "Yeah. I got new a new hoe—rse I need to take care of, train perhaps. Masyadong maamo sa groomer nito ngayon so I need to work my wonders... Right?"

Ngumiti ang Presidente, clueless of what he truly meant. "Piece of cake for you, Alec. Alam naman namin ng Mama mo kung gaano ka kahusay sa larangang iyan."

Good thing you know, Sir.

"Isasama mo ba ang Mama mo?"

Tinignan niya ang unang ginang saka siya pekeng ngumiti. "Nah, I don't think Mama would like to see this one. She's got better things to do, Sir but I'll keep her updated." Gumalaw ang kanyang panga. "Sisiguraduhin kong pagkatapos ng dalawang linggo, sa akin na aamo ang isang 'yon..."

Their dinner proceeded. He wanted to applause the couple for acting as if President Vince isn't having an affair while Dr. Hailey dealt with him like she knows nothing. Tahimik namang kumain si Alec, hindi na lamang inintindi ang mapagpanggap na mag-asawa.

Nang matapos ang dinner ay dumating ang spokesperson ng Malacañang. Nag-usap ang mga ito sa opisina ni President Vince kaya inaya siya ng unang ginang sa may pool area upang kausapin.

"Are you sure she's going to show up? Paano kung magsumbong sa Papa mo?" nag-aalalang tanong nito.

"Don't worry about it, Mama. She seems the type who is easy to trick." Payak siyang ngumiti. "I know she will."

Bumuntong hininga ang ginang, ang mga mata nito ay nabaling sa pool. "I can't afford to lose Vincent. When we were younger, napakarami kong hirap para lang patunayang ako ang nararapat sa kanya."

"Did he ever cheat on you before, Mama?"

Sumara sandali ang mga mata ni Dr. Hailey. "Technically... No. Diyos ko, Alec. If this is what they call karma then... I don't know what to do."

Nagsalubong ang mga kilay ni Alec. "What do you mean, Ma?"

Sandaling natahimik ang ginang, tila nag-iisip. Nang muli siyang tignan ay malinaw nang nakaguhit ang pangamba sa mga mata nito.

"Alec, I made my way to your Papa's heart... While he's still with his first love. Marami akong nagawang pinagsisisihan ko pa rin hanggang ngayon pero ito, sa ginagawa niya ngayon with that woman, this is what I'm scared of the most..." Nangilid a g luha nito. "Hindi ko kakayanin oras na mawala sa akin si Vincent. I could kill for him."

"Shhh, Ma don't say that. We don't have to resort to that." Niyakap niya ito at hinagod ang likod upang pakalmahin. "Magtiwala ka sa akin, Ma. Once Papa is back from Thailand, that woman will no longer want him..."

NAKATULALA pa rin si Lucy sa kawalan habang nakaupo sa gilid ng kanyang kama. Halos hindi na siya nakatulog at ngayong malapit nang sumikat ang araw ay lalo siyang hindi makapag-desisyon. 

Ano bang iniisip niya at nag-impake siya ng mga gamit para sa dalawang linggo? Talaga bang kakagatin niya ang pain ni Alec De Vera at sasama rito kung saang lupalop man siya balak dalhin ng binata?

Her eyes shut and let herself breathe out the heaviness in her chest. Hindi niya kayang makamante lalo na at hindi niya alam kung ano ba talagang tumatakbo sa isip ni Alec. Gaya nga ng sabi niya noon sa kanyang isip, mapanganib ang binata. Loving Vince De Vera is already a risk. Letting him get exposed would be something she can never take. 

Napakalaki ng naitulong ni Vince sa kanya at kung sa pagsama kay Alec ay mapoproteksyunan niya ito, siguro nga ay dapat na lamang siyang makisama. Besides, she will just stay with Alec in two weeks. Wala naman sa usapang kailangan niyang ibigay ang sarili rito. Magtitiis lamang siya ng dalawang linggo hanggang sa makabalik si Vince. That's it.

Tuluyan siyang tumayo at ihinanda ang sarili. Nang tumawag si Vince para sabihing mami-miss siya nito at paalis na ito ng bansa, saktong nag-aabang na siya ng taxi patungo sa meeting place nila ni Alec.

"Take care of yourself, Lucy. I'll see you in two weeks. Ikaw ang una kong pupuntahan pagkauwing-pagkauwi ko ng bansa," paniniguro ni Vince sa kanya.

Gusto niyang magprotesta dahil alam niya ang kanyang lugar ngunit gaya ng mga nakaraang usapan nila, alam niyang isisingit lang na naman ni Vince na mas marami itong oras na kasama si Hailey. Hindi rin ito magpapapigil at ayaw ni Lucy na nakikipagtalo lalo na kay Vince.

He bid her goodbyes to him and when the call ended, pinara niya ang taxi patungo sa museo. Halos trenta menutos din ang tinagal ng kanyang byahe ngunit nang marating niya ang lugar, wala ang binata.

She stayed on the far end where she will not get caught by the CCTV. Mga sampung menuto siyang nakaupo roon, hanggang sa maramdaman niya na lamang na may presensyang nasa kanyang likod.

Her back felt his hard chest, and her body shivered when his palm traveled from her arm to her hand that's holding her suitcase. Napatiim-bagang si Lucy nang haplusin ng hinlalaki nito ang kanyang kamao, dahilan para mawala na naman sa katinuan ang kanyang sistema.

Nang lingunin niya si Alec ay nasalubong niya kaagad ang mapanganib nitong mga mata. Mula sa kakarampot na liwanag na nagmumula sa streetlights, nasinagan ang gilid ng gwapo nitong mukha. It gave him a romantic vibe especially when he clenched his jaw and twisted thr corner of his lips for a smirk.

"Told you..." he uttered with his baritone voice.

Napalunok si Lucy. Inagaw niya ang kamay niyang hawak nito saka siya humakbang ng isang beses palayo. God, she's going to be suffocated by the power he's radiating. Parang gusto na tuloy niyang umatras kung hindi lamang hinawakan ni Ale ang kanyang palapulsuhan saka siya kinaladkad patungo sa sasakyan nito kasama ang maleta niya.

He put her suitcase in the trunk then opened the door for her in the shotgun. Aalma sana siya at sasabihing sa likod na siya uupo kaya lang ay umismid ito. "Huwag mo kong pagmukhaing personal driver, Lucy. Get in."

Hinawakan nito ang kanyang ulo saka siya iginiyang maupo sa shotgun seat. Naiirita tuloy niya itong tinitigan ng masama. "Hindi mo kailangang gawin 'yon."

Ngumisi ito at pinasok ang kalahati ng katawan sa sasakyan dahilan para mahigit niya ang kanyang hininga. Nang ilapit nito ang mukha sa kanya, hindi niya napigilan ang panlalaki ng kanyang mga mata at ang pagdikit niya sa sarili nang husto sa upuan.

Alec chuckled, tila aliw na aliw sa nakikitang reaksyon niya. "Ah, Lucy, Lucy, Lucy. Aren't you fun to watch, hmm?" Hinila nito ang seatbelt at ikinabit sa kanya saka siya muling tinitigan sa mga mata. Hindi ito kaagad kumibo, ngunit mayamaya ay natuon ang mga mata sa kanyang mga labi.

He placed the tip of his tongue on the corner of his lips as he shook his head. "Looks like I'm gonna enjoy my two weeks with you." He patted her cheek and pulled his body out of the car before shutting the door on her side. 

Napakurap si Lucy. What the hell does that supposed to mean?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status