Share

Chapter 40

NANUNUYO na ang lalamunan ko at nakakaramdam na ng pagkailang pero hindi ko magawan alisin ang tingin sa nakangiting mukha ni Kaiden. Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin ang sinabi niyang iyon. Wala rin naman akong mahagip na sagot para doon kaya nanatiling tikom ang bibig ko. Hindi ko nga lang napigilan nang mag paulit-ulit 'yon sa isip ko. Paulit-ulit ko ring itinatanong sa sarili kung bakit ganoon ang sinabi niya. 

"Doc Kaiden!"

Laking ginhawa ang naramdaman ko nang marinig ang pagtawag sa pangalan niya. Ilang ulit akong nagpasalamat sa Diyos dahil doon at sa kung sino mang gumawa niyon. Para akong itinakas no’n sa isang gipit na pagkakataon.

Sabay naming nilingon ang mga kasama niya. Nakangiting kumakaway ang isang lalaki. 

"Lalamig ang pagkain," ani ng lalaking kumakaway. 

May mga pagkain na nga sa lamesa nila. Mukhang si Kaiden na lang ang hinihintay ng mga ito para makapag-umpisa silang kumain.

"Hinihinta

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status