Share

Chapter 43

PARA akong ipinako sa kinatatayuan. Hindi makakilos at hindi magawang alisin ang tingin kay Kaiden. Hindi ko mabura ang gulat na bumalatay sa aking mukha dahil sa paraan ng pagpapakilala niya kay Lexi. 

‘Boyfriend? Kailan ko pa siya naging nobyo? Ilang beses niya pa kaya akong gugulatin sa mga sinasabi niya? Mukhang eksperto siya sa bagay na iyon, ah.’

"I’m Lexi... Lexi Romero."

Natauhan ako nang marinig ang pagpapakilala ni Lexi rito. Ibinalik ko sa ayos ang mukha. Itinikom ang bahagyang nakangangang bibig at tumikhim para maalis ang bara sa lalamunan. Nang lingunin ko si Lexi ay naabutan ko ang nakangiti niyang pagtanggap sa pakikipagkamay ni Kaiden.

"Nice to meet you, Mr. Petterson."

"Kaiden na lang. Masyadong pormal ang Mr. Petterson," ani Kaiden kasabay ng pagbitaw sa kamay ni Lexi. Napangiti ako roon sa hindi ko malamang dahilan. 

"Oh, okay, Kaiden." 

Nakangiti akong nilingon ni Lexi. Kung hindi

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status