Share

Chapter 44

FAMILY DAY. Dalawang salita na nagbibigay ng labis na saya sa mga bata. Sa nakalipas na taon na dumalo ako ng ganitong activity nila Bennett sa school nakikita ko ang saya niya. Pero ngayon triple ‘yon. Kita ko ang pagkislap ng saya sa mga mata niya kapag tumitingin siya sa aming dalawa ni Kaiden. Naisip kong, siguro sa isip niya masasabi niyang sa wakas kumpleto ang pamilya niya katulad ng iba.

Para kaming isang masayang pamilya sa bawat palaro. Natatawa pa ako dahil kahit alam naman namin ni Kaiden ang gagawin ay paulit-ulit 'yong babanggitin ni Bennett. Parang siya pa itong matanda sa aming tatlo. Nagmistulan siyang coach. May oras pa na makikita ko sila ni Kaiden sa isang tabi na parang nag me-meeting at pinag-uusapan ang magiging laro. Kahit kailan napaka-competitive ni Bennett. Mabuti na lang at hindi kakikitaan ng pagkabigo kapag hindi nanalo.

Halos mapuno ang camera ko ng litrato at video ng dalawa. Ngayon ay nakaupo na muli kami matapos ang ilang palaro.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status