Share

Chapter 5

ILANG minuto pa akong nakayakap kay Karen habang pinapahinahon niya ang sarili. Nang lumabas si Vera sa kwarto nito ay humiwalay agad sa akin si Karen at pasimpleng pinunasan ang kanyang mukha. Ayaw ipakitan rito na umiiyak siya. Pero mukhang napansin pa rin ni Vera na may mali sa kaibigan namin.

“Ano’ng nangyayari? Umiiyak ka ba?” takang tanong nito kay Karen.

“Hindi, ah!” Mariing tanggi ni Karen at tumayo. “Tara na.” Kunot-noo siyang tinitigan ni Vera kaya nakangiti niya itong inakbayan bago siya bumaling sa akin. “Tara na!” masayang aniya na ikinawit sa braso ko ang isa pa niyang braso.

“Alis nga!” masungit na ani Vera na tinanggal ang braso ni Karen sa balikat niya. “Para namang magkakasya tayo sa pinto nito!”

“Napakasungit mo! Akala mo naman maganda ka,” nakangusong ani Karen.

“Hoy, sa ating tatlo ako ang pinakamaganda. Ipagtanong mo pa,” maarteng ani Vera. She even flipped her long black hair.

“Oo na. Oo na,” walang ganang ani Karen at umirap.

“Palibhasa hindi ka kagandahan,” mahinang bulong ni Vera.

“Excuse me? Maganda ako, 'no,” maarte ring sabi ni Karen

Naiiling ako habang pinapanood sila. Magsasalita pa sana si Vera pero inunahan ko na siya dahil baka kung saan pa mapunta ang bangayan nila. At mukhang nakalimutan nilang may pupuntahan pa kami.

“Aalis pa ba tayo o mag aaway na lang kayo?”

Sabay silang napalingon sa akin at sabay na ngumiti nang pilit. “Aalis na,” sabay rin nilang sabi na pareho pang ikinawit ang mga braso sa magkabilang braso ko. Agad akong napangiwi at naalibadbaran.

“Ano ba! Ang init-init!”

Pareho silang nagulat nang sumigaw ako at pinagtatanggal ang braso nila sa akin. Napatitig sila sa akin bago nagkatinginan at pilit na ngumiti muli sa isa’t isa. Kunot-noo ko silang tiningnan.

“Para kayong mga baliw,” naiiinis na sabi ko at nauna nang naglakad palabas ng condominiym. Agad naman silang sumunod sa akin.

“Ang sungit ni mommy.” Rinig ko ang mahinang bulong ni Karen habang naglalakad kami sa pasilyo papunta sa elevator.

“Mood swing,” bulong rin ni Vera.

Naiinis ko silang nilingon. Pareho silang natigilan sa paglalakad at pareho rin nilang naitikom ang mga bibig. Tinitigan ko pa sila. Napatingin ako sa magkakawit nilang mga braso na parang hindi nagtalo kanina. Napangiwi ako bago ako nagpatuloy sa paglalakad. Narinig ko pa ang hagikhikan nila pero hindi ko na iyon pinansin. Pinahinahon ang sarili sa biglang pagbabago ng mood.

Habang nasa biyahe ay sinabi ko sa kanila na kay Tita Precious na lamang ako magpapa-check-up. Agad iyong sinang-ayunan ni Karen. Hindi naman umangal pa si Vera kahit halata sa kanya na ayaw niya roon.

Nang makarating sa clinic ni Tita Precious ay saka lamang ako nakaramdam ng labis na kaba. Namamawis ang magkahawak kong mga kamay. Lumabas na sila Vera ng sasakyan pero nanatili pa rin ako sa loob. Bumukas ang pinto sa gilid ko at nakita ko ang nakangiting si Karen.

“Let’s go,” yaya niya at inilahad pa ang isang kamay sa akin.

Hindi ko magawang tanggapin iyon. Parang sasabog ang dibdib ko sa kabang nararamdaman. Tanggap ko na naman ang pagbubuntis ko kaya hindi ko malaman kung bakit kinakabahan pa rin ako. Siguro dahil first time ko? Ganito ba talaga ang nararamdaman ng mga first time mommy?

“Kinakabahan ka?” tanong niya at kagat-labi akong tumango. Hinawakan niya ang mga kamay ko na nakapatong sa kandungan ko. “Ano ka ba, narito lang kami, Inari,” nakangiti aniya.

Simple lang naman ang salitang iyon pero nabawasan ang kabang nararamdaman ko dahil doon. Knowing na may kasama ako roon at hindi nag-iisa.

Nahigit ko ang hininga at naibuga iyon. Kahit may kaunti pang kaba sa puso ay bumaba na ako ng sasakyan. Inalalayan naman ako ni Karen. Nasa may pinto na si Vera ng clinic. Pumasok kami at sakto namang wala pang pasyente. Nakita namin ang nasa mid 20’s na si Ate Gemma—ang assistant nurse ni Tita Precious na nakaupo sa likod ng isang table at nakaharap sa laptop.

“Ate Gemma,” tawag ni Karen dito.

Natigilan si Ate Gemma sa ginagawa at lumingon sa amin. Bakas ang gulat sa kanyang mukha nang makita kami. Agad itong tumayo at lumapit sa amin. “Karen, bakit narito kayo?” Nagtataka niya kaming tiningnan isa-isa.

“May pasyente na po ba si Tita?”

“Wala pa naman. Pero baka mayamaya ay may pumunta ng mga magpapa-check-up. Bakit?” aniya na na kay Karen ang paningin.

“Kakausapin lang po namin siya.”

“Ganoon ba." Tiningnan niya muli kami isa-isa. “Sige, sasabihin ko muna na narito kayo, ha.”

“Sige po. Thank you.”

Pumasok si Ate Gemma sa isang glass sliding door na nagsisilbing opisina at nagsisilbi rin na consultation room ni Tita Precious. Wala pang dalawang minuto ay lumabas din agad si Ate Gemma at lumapit sa amin.

“Pasok na lang daw kayo.”

Pumasok nga kaming tatlo. Naabutan naman naming nag-aayos si Tita ng table niya. Puno iyon ng mga booklet, at may ilan pamg gamot at vitamins for kids.

“Good morning po, Doctora!” sabay-sabay naming bati na nagpaangat ang tingin niya sa amin.

“Oh, girls, gusto n’yo raw akong makausap?" Itinigil niya ang ginagawa at tuluyang humarap sa amin. “Have a seat.” Itinuro niya ang dalawang upuan na nasa harapan ng table niya. Umupo kami roon ni Karen. Si Vera naman ay umupo sa wooden bench na nasa tabi ng pinto. “So, how can I help you?” tanong ni Tita Precious at tiningnan kami isa-isa.

“Ah, T-Tita… a-ano po kasi…” bakas ang kabang ani Karen.

Hinawakan ko ang kamay niya na nasa kandungan niya. “Ako na, Ren.”

“Kaya mo ba?”

Muntik na akong matawa roon pero sa halip ay nginitian ko siya. “Oo naman," ani ko kahit pa nga parang malaki pa sa akin ang kabang nararamdaman ko. Hinarap ko si Tita Precious at sinabi rito ang pakay ko na akala mo’y hindi kinakabahan pero pinagpapawisan na kahit may aircon ang kinaroroonan namin.

“Check-up?” nagtatakang tanong ni Tita Precious.

“Uh—” Nakagat ko ang ibabang labi at malalim na bumuntong-hininga saka nagpatuloy, “D-Delayed po kasi ako. Nag try na po ako ng pregnancy tests. It's all positive po.”

Bakas ang gulat sa mukha ni Tita Precious dahil sa mga sinabi kong iyon. Napatitig pa siya sa akin at mayamaya ay tumikhim. “Alam na ba ito ng parents mo, Inari?”

“H-Hindi pa po, Tita. Balak ko po sana’ng sabihin sa kanila kapag nakapagpa-check-up na po ako,” diretsong sabi ko na para bang ganoon lang kadali ang gagawing iyon.

Kinalimutan ko muna ang takot na nararamdaman oras na humarap ako sa mga magulang ko at sabihin sa mga ito ang kondisyon ko. Ang gusto ko lang muna sa ngayon ay malaman kung safe ba ang baby ko sa aking sinapupunan.

“Okay.” Tumango siya at let out a deep breath. Kumuha si Tita ng isang papel, para ‘yong form, na nasa ibabaw ng table niya at nagsulat roon. “You’re twenty-one, Inari?”

Sumulyap siya sa akin at tumango naman ako kasabay ng pagsagot. “Yes po.”

Muli siyang tumuon sa papel at isinulat ang aking edad doon sa ibaba ng pangalan. Kinuha ni Doc ang vital signs ko at isinulat lahat iyon sa form. “Kailan ang last menstruation mo?” tanong niya muli.

“October 14 po.” Tumango siya.

“Do you take pills?”

“Hindi po.”

“Ano’ng nararamdaman mo this fast few weeks?” tanong niya na muling itinuon ang atensyon sa akin at pinagsiklop pa ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa.

“Wala naman po. Pero kagabi ay parang naging sensitive ang pang-amoy ko noong makaamoy ako ng Garlic Shrimp at naduwal po ako.”

Tumango-tango siya. “Hindi ka ba nahihilo o nasusuka tuwing umaga?”

“Hindi naman po. Kaya nga nagtataka po ako na positive ako kasi wala naman akong nararamdamang symptoms bukod sa pagduwal ko kahapon.”

“Kung ganoon ay wala kang morning sickness. May ganoon talagang cases ng ibang mommy. Ibig sabihin ay hindi ka ganoog kaselan magbuntis. Good for you lalo na’t nag-aaral ka.”

Napatango-tango ako sa sinabi niya. Ngayon ko lang nalaman na mayroon pa lang nagbubuntis na hindi nakararanas ng morning sickness. Akala ko kasi ay lahat.

Marami pang naging tanong si Doc. Pinahiga niya rin ako sa isang table na may katabing maliit na monitor for transvaginal or Trans V ultrasound. Nalaman ko roon na four weeks na akong buntis. Nalaman ko rin doon kung kailan ang due date ko. Ibinigay niya sa akin ang copy ng Trans V na mabilis na inagaw sa akin nila Karen at Vera.

Maraming naging bilin si Doctora at may ibinigay rin siyang mga vitamins sa akin and milk para sa pagbubuntis ko. Nagtanong rin ako kung may mga bawal bang pagkain sa akin at kung may dapat ba akong baguhin sa routine ko sa pag da-diet and exercise na ipinaliwanag naman isa-isa ni Doc.

“Your next appointment will be on—” Tumingin siya sa maliit na calendar na nakapatong sa table niya. “December 20.” Nakangiting baling niya sa akin.

Pagkatapos ng maraming pagbibilin ay nagbayad na kami bago umalis. Napagpasyahan naming mag lunch na sa isang restaurant na nadaanan namin bago umuwi dahil almost eleven na rin naman.

“July 17 ang due date mo, 'di ba?” nakangiting tanong ni Vera habang kumakain kami. Tumango lang ako dahil may laman ang aking bibig. “Ang galing! Pareho kayong July ni baby!” manghang aniya na ikinangiti ko. Maski nang sabihin iyon kanina ni Tita Precious ay parang tumalon ang puso ko.

“Ano’ng balak mo, Inari? Paano mo sasabihin kay Kevin?” si Karen.

“Pupuntahan ko siya sa condo niya,” seryoso kong saad.

“Gusto mong samahan ka namin?” tanong ni Vera.

“Hindi na,” sabi ko at umiling pa. “Kaya ko naman.”

“Sure ka?” sabay nilang tanong.

“Oo. Kailangan ko siyang makausap kaya baka magtagal ako roon. Marami siyang dapat ipaliwanag,” gigil at makahulugan kong sabi. Nakuha naman nila ang ibig kong sabihin.

“Kailan mo naman siya pupuntahan?” tanong muli ni Vera.

“Mamaya. After nating mag lunch.”

Balak ko na iyon kahapon pa. Pagkatapos nga namin mananghalian ay inihatid nila ako sa condominium na tinutuluyan ni Kevin. Bumaba ako mula sa passenger seat at nilapitan ang side ni Karen at ibinaba naman nito ang glass ng bintana.

“Magtext ka kung kailangan mo ng back-up, ha? Darating agad kami,” aniya na kinatawa ko nang bahagya. “Seryoso ako!” Nanlalaki ang mga matang angil niya.

“Oo na,” natatawa ko pa ring sabi.

“Magtext ka rin kung magpapasundo ka, okay?”

“Opo, mommy,” nang-aasar kong sabi. Inirapan niya naman ako. “Sige na, aakyat na ako. Ingat kayo pauwi.”

“Okay, ikaw rin.”

“Inari, fighting!” nakangiting ani Vera na nasa front passenger seat. Itinaas pa nito ang dalawang nakakuyom na mga kamay at sumuntok sa ere. Natatawa kong ginaya ang ginawa niyang iyon.

Pinanood ko pa ang papalayong sasakyan nila hanggang sa mawala ito sa paningin ko. Pumihit na ako paharap sa entrance ng condominium. Maliit lang iyon hindi katulad ng tinutuluyan namin. Kilala na ako ng binatang guard na nagbabantay rito kaya mabilis niya akong pinapasok.

“Akala ko talaga break na kayo ni Sir Kevin, Ma’am Inari,” kunot-noo at nagtatakang ani pa ng guard noong inililista ang pangala

“Bakit naman po? Kasi hindi na ako nakakapunta rito? Busy lang po ako sa school,” natatawa ko pang sabi.

“A-Akala ko talaga…”

Nangunot ang noo niya at napakamot pa sa ulo. Para bang may gusto siyang sabihin pero pinipigilan niya ang sarili. Hindi ko na lamang iyon pinansin dahil nagmadali na akong nagpaalam sa kanya at sumakay na sa elevator. Nang makarating sa fourth floor na ay naglakad pa ako hanggang sa dulo ng hallway dahil naroon ang kwarto ni Kevin.

Habang papalapit roon ay nakaramdam ako biglaang kaba na hindi ko alam kung saan nagmumula. Marahil ay dahil iyon sa dalawang linggo naming hindi pagkikita. I missed him a lot pero mas lamang ang inis ko.

Nakatatlong ulit ako sa pag doorbell pero walang nagbubukas. Inulit ko pa iyon nang isa pang beses bago pa may magbukas ng pinto. Bumungad sa paningin ko ang naka-topless na si Kevin. Naka grey cotton short lang ito at magulo ang buhok. Mukha ring bagong gising dahil halata iyon sa mga mata niya.

Agad na nanlalaki ang mga mata niya pagkakita niya sa akin, maski ang bibig niya ay namilog. Kita ko ang pagkataranta sa kanyang kilos. Para siyang lasing na nahulasan nang makita niya ako sa harapan niya. Seryoso lang akong nakatingin sa kanya pero ang inis ko ay wala ng paglagyan nang maalala ang mga pambabalewala niya sa akin nitong mga nakaraang araw.

“I-Inari,” nautal-utal niyang sabi. “A-Ano’ng ginagawa mo rito?”

“Ha!” inis akong napasinghal at tinitigan siya nang mariin. Gusto kong maramdam niya ang galit na nararamdaman ko sa talas ng tingin ko. “Dalawang linggo kang hindi nagpakita at nang pinuntahan kita ay iyan ang ibubungad mo sa akin?!”

“I-Inari kasi—”

Wala sa sariling napatingin ako sa loob ng condo niya. Pero ipinagtaka ko nang tuluyan siyang lumabas doon nang makita niya ang ginawa kong iyom. Isinara niya pa ang pinto.

“What are you doing?” nang-gigigil kong tanong. May naramdaman akong hindi maganda sa ginawa niyang iyon at hindi ko gusto ang pakiramdam na iyon. Nagsusumigaw iyon ng warning. “May tinatago ka?” pabulong pero mariin kong tanong.

“W-Wala. P-Please, Inari, mag-usap muna tayo,” parang natatarantang aniya na iniharang pa ang dalawang kamay sa harapan ko.

Dahil sa kilos niyang iyon ay parang mas lalo niyang idiniin ang hinila ko. May itinatago siya.

”Kung gano’n papasukin mo ako at sa loob tayo mag-uusap!”

“Inari—”

Tinabig ko siya at dahil hindi niya iyon inaasahan ay napaatras siya pagilid. Lumapit ako sa pinto at binuksan iyon. Habang papasok ako sa loob ng condo ay pumasok sa isip ko ang iba’t-ibang eksena na katulad ng mga napapanood at nababasa ko na may makikita akong babae rito. At gusto ko na agad maluha isipin pa lamang na baka may itinatago nga siyang babae sa condo niya. Iyon ba ang dahilan ng dalawang linggong hindi niya pakikipagkita sa akin?

“Inari, w-wala akong itinatago! Please, let me explain! Inari!”

Pero hindi iyon nangyari. Wala akong nakitang ibang babae. Pinuntahan ko na ang lahat ng sulok ng condo ni Kevin habang nakasunod siya sa akin at pinipigilan ako sa ginagawa ko. Napabuntong-hininga ko siyang hinarap nang wala naman akong makitang kahina-hinala. Mabilis akong kinain ng konsensya ko sa ginawa ko. Kita ko ang lungkot sa mga mata ni Kevin nang humarap ako sa kanya.

“I-I'm sorry!” malungkot na sabi ko.

Umiling lang siya at malungkot na ngumiti. “It’s okay.”

“I missed you!” Mahigpit ko siyang niyakap at agad naman siyang gumanti roon. “I’m sorry kung naghinala ako.” Hindi siya sumagot, sa halip ay naramdaman ko ang paghigpit ng yakap.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status