Share

Chapter 6

"I missed you, Inari. I really do."

Napangiti ako ng sabihin iyon ni Kevin pagkatapos ng mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa habang magkayakap pa rin. Nakangiti ko siyang hinarap at nanatiling nasa balikat niya ang pareho kong mga braso. Tinitigan ko siya at wala na ang bakas ng pagkabalisa na nakikita ko sa kanya kanina. Maliit ang ngiti niya habang nakatitig siya sa mukha ko.

"Bakit naman kasi hindi ka man lang nagpaparamdam? Ganoon ka ba kabusy?" nagtatampo kong tanong. 

"I'm sorry! Naging busy lang ako this past few weeks. Babawi ako," aniya na hinawi pa ang buhok na humarang sa mukha ko at inilagay sa likod ng tenga ko.

"Dapat lang, no!" nakangusong sabi ko. "Ano namang pinagkaabalahan mo at kahit pagtetext ay hindi mo—"

Natigilan ako sa pagsasalita ng makarinig ng malakas na iyak ng sanggol. Nanlaki ang mga mata ni Kevin at bumalik ang pagiging balisa niya. Wala sa sariling inalis ko ang mga braso ko sa leeg niya at napakunot ang noo ko habang patuloy na pinapakinggan ang iyak na iyon hababg nakatingin pa rin ako kay Kevin. 

"Ano yun?" tanong ko sa kanya pero umiling-iling lang siya at lalong naging balisa. 

Napatingin ako sa isang kwarto kung saan ko naulinigan ang iyak. Hindi ko iyon naisipang puntahan kanina dahil gaming room lamang naman iyon. Kunot noo kong tiningnan muli si Kevin na ngayon ay para bang takot na takot.

"I-Inari. . ." Parang maiiyak na aniya.

Lumingon muli ako sa kwartong iyon na patuloy ang pag-iyak ng sanggol na naroon. Mabilis akong naglakad papunta roon. Naramdaman ko pang pinigilan ako ni Kevin sa braso pero iwinaksi ko lang iyon. May mga sinasabi rin siya pero hindi ko pinansin lahat ng naririnig ko. 

"Love! Please, let me explain! Inari, please! Inari!"

Nakasunod parin sa akin si Kevin at pilit akong pinipigilan sa braso. Malaking tao si Kevin at sigurado akong kayang-kaya niya akong pigilan pero hindi ko alam kung saan nanggagaling ang lakas ko na labanan ang pagpigil niya.

Binuksan ko ang gaming room ng makalapit sa pintuan ngunit nabigo ako ng walang makitang mga computers roon na dating naroon. Napanganga ako habang inililibot ko ang aking paningin sa buong kwarto na ngayon ay nursery room na. Kulay asul na ang wall no'n— na dating puti. Maraming gamit roon ng pambata tulad ng crib, wardrobe, cabinet na puno ng stuffed toys at walker. Napatitig ako sa dingding na nasa likod ng crib. May nakasulat roong malaking Keegan.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa crib at magkakasunod na tumulo ang mga luha ko ng may makitang sanggol roon. He stopped crying and start sucking his thumb habang parang inaantok na papikit-pikit. Kung hindi ako nagkakamali ay one-month-old pa lamang ang baby. Napatingin ako sa bandang ulunan niya. May nakadikit na picture roon— isang polaroid. Naitakip ko ang kamay ko sa bibig ko ng makita ko kung sino ang nasa litrato kasabay no'n ang sunod-sunod na pagtulo ng luha ko. Kuha iyon ng nakangiting si Kevin kasama ang naka hospital gown na babae at buhat nito ang sanggol. Nakaupo sila sa hospital bed.

"Lexi?" luhaan kong sambit habang tinititigan ang babae sa litrato. 

"I-Inari, I-I'm s-sorry." Rinig ko ang mahinang sabi ni Kevin at hinawakan ako sa braso. 

Luhaan ko siyang nilingon na nasa gilid ko. Luhaan rin siya at halo-halo ang nakikita ko sa mga mata niya. Naroon ang sakit, awa at pagsisisi. Tumingin ako sa kanya at umiling bago ko siya tinalikuran.

Lumabas ako ng kwarto at tumigil ako sa harap no'n. Napahawak ako sa noo ko at napapikit habang pilit na pinipigilan ang bugso ng galit na naramdaman. Maya-maya lang ay narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya nagmulat ako at hinarap si Kevin. Nangangatal ang kamay kong itinuro ang pintuan habang nakatingin sa kanya.

"A-anak mo ba siya?" Hindi agad siya sumagot. Tinitigan niya ako bago nakatiim-bagang siyang tumango. Lalong nag unahan ang mga luha ko sa pagpatak. Napatingala ako at napapikit bago muling tumingin sa kanya. Nabitawan ko pa ang bag ko ng sumugod ako sa kanya. "Hayop ka!" malakas at nanggigigil kong sigaw. "Hayop ka, Kevin! Gago ka! Bakit mo ako niloko! Bakit!" sigaw ko habang pinagsusuntok siya sa d****b.

"I-Inari!" Nahuli niya ang mga kamay ko at hinawakan iyon. Hindi na rin maipinta ang mukha niya at patuloy sa pag-iyak tulad ko. 

"Bakit?! Bakit mo ako niloko?! Bakit?!" gigil na gigil na sigaw ko parin habang nakaharap sa mismong mukha niya. "Hayop ka, Kevin! Bakit?! Sabi mo hindi mo ako lolokohin! Nangako ka!" sunod-sunod ang pagsigaw ko habang pilit na inaalis ang pagkakahawak niya sa braso ko at patuloy ang pag iyak.

"I'm sorry, Inari! I'm so sorry! Hindi ko sinasadya! Patawarin mo 'ko, please!" nagmamakaawang aniya habang umiiyak rin tulad ko..

Nagpumiglas pa ako hanggang sa nabitawan niya na ang mga braso ko. Itinulak ko siya ng malakas at nanghihina siyang napaatras. Napatungo na rin siya at parang sising-sisi sa kasalanan niya..

"Hindi mo sinasadya?!" galit na sigaw ko at itinulak ko siyang muli kaya napaatras siya katulad kanina. "Nabuntis mo siya ng hindi mo sinasadya?! Ganyan nalang ba lagi ang sasabihin niyo?! Hindi mo sinasadya?! Hindi mo sinasadyang pumasok 'yang t*ti mo sa kanya?! Ganoon ba?! Ha?!" malakas ko iyong isinigaw sa kanya at nanatili lang siyang nakatayo roon. Napahagulgol ako at walang lakas siyang pinaghahampas sa d****b. "Nangako kang hindi mo ako lolokohin, Kevin! Nangako ka! Bakit mo nagawa sa'kin 'to?! Bakit?!"

Hindi siya sumagot. Maski isa sa mga sinabi ko ay hindi niya sinagot. Nanatili lamang siyang nakatungo habang umiiyak. Luhaan akong napalayo sa kanya at naitakip ko ang isang kamay sa mga mata ko habang patuloy ang pag-iyak at pagmumura. Hindi naman nagsasalita si Kevin at panay lamang ang tahimik na pag-iyak nito. 

Matagal kaming nanatiling ganoon. Sabay na umiiyak habang sabay na nagdurusa pero hindi magawang patahanin ang isa't isa. Tiningnan ko siya matapos ang mahabang katahimikan habang nangangatal na ang labi ko sa sobrang pag-iyak. Nakatingin na siya sa akin ngayon at kitang-kita ko ang pagsisisi sa mga mata niya. Basang-basa ang mukha niya dahil sa mga luha.

"A-anong nangyari?" gigil kong tanong pero sa pagkakataong ito ay pinili kong magpakahinahon. Umiling siya at kagat-labing nag iwas ng tingin at pinunasan ang mga luha niya gamit ang likod ng kanyang palad. "Tell me, Kev. A-anong nangyari? Paano. . ." Hindi ko maituloy ang tanong na iyon. Parang pinupunit ang puso ko dahil nakikita ko silang dalawa sa isip ko na ginagawa iyon. Pero kailangan. Kailangan kong malaman ang totoong nangyari. "P-paano mo siya nabuntis? K-kailan?"

Tumingin siya sa akin at tumitig sa mga mata ko. Mabigat ang hiningang pinakawalan niya bago muling nag iwas ng tingin pero agad ring ibinalik ang paningin sa akin habang nakatiimbagang.

"N-noong birthday p-party ni J-Jared," aniya na ang tinutukoy ay ang college friend niya.

Napapikit ako ng maalala ko ang binanggit niyang birthday party. Kasama niya ako roon at bagong kilala ko lamang ang mga kaibigan niya ng araw na iyon maging ang bestfriend at childhood friend niyang si Lexi. Muli akong nagmulat at tiningnan siya.

"P-paano nangyari?! K-kasama mo ako ng gabing iyon!" naguguluhan kong tanong.

"I don't know, Inari. I promise! Hindi ko talaga sinasadya. Maniwala ka sakin, please," naiiyak muling aniya.

"Paanong hindi mo sinasadya?!" gigil kong sigaw. "Anong nangyari?! Paano?! Ipaliwanag mo!"

Napatungo siya at parang gigil na napasabunot siya sa kanyang buhok. Napahilamos pa siya sa kanyang mukha bago humarap sa akin.

"A-akala ko i-ikaw ang kasama ko papunta sa isang k-kwarto at may nangyari sa atin," mahinang aniya. 

Naguguluhan akong napatingin sa kanya. "Hinatid mo ako sa isang kwarto no'ng malasing na ako," sabi ko sa kanya na parang pinapaalala ang ginawa niya ng gabing iyon.

"Kaya nga hindi ko sinasadya, Inari. Akala ko ikaw iyon," mahinang aniya at parang nagsisisi siya sa paraan ng pagkakasabi niyon. "Akala ko ng gabing iyon ay ikaw ang kasama ko at may nangyari sa atin kasi paggising ko kinabukasan ay nasa tabi na kita."

Malakas akong napabuntong hininga sa sinabi niya. "Itinuro ka sa akin ni Jed pagkagising ko ng umaga kaya pinuntahan kita no'n sa kwarto," sabi ko na inaalala pa ang nangyaring iyon. 

"Sinabi lang sa akin lahat ni Lexi ng nalaman niyang buntis siya. L-Lasing kami pareho at h-hindi na alam ang ginagawa. P-pero maniwala ka, Inari, a-akala ko talaga ay ikaw 'yong kasama ko nang gabing 'yon." 

Napapikit ako sa sinabi niya at napabuntong-hininga pa ulit. Pilit kong pinahinahon ang sarili ko. Hindi rin makakabuti sa akin ang magalit dahil sa kalagayan ko. Muling tumulo ang luha ko ng maalalang buntis ako. Tumingin ako kay Kevin na nakatingin rin sa akin at parang hindi alam ang gagawin. 

'Anong gagawin ko? Pumunta ako rito para ipaalam ang kalagayan ko. Pero paano ko iyon sasabihin sa kanya ngayong nalaman ko ang lahat ng ito?'

"Anong plano mo? Anong plano niyo?" tanong ko sa kanya. Biglang bumagsak ang mga balikat niya at napatitig sa mga mata ko.

"G-gusto nila T-Tita Geneve na i-ipakasal kami n-next m-month" Napakurap kurap ako sa sinabi niya at napaatras. 

'Kung ganoon. . . paano ako? Paano kami ng baby ko? Anong gagawin ko? Sasabihin ko pa ba sa kanya na magkakababy kami? Pero para saan pa?'

"Pero, Inari, a-ayoko," aniya at malungkot na umiling. "Ikaw ang mahal ko," mahinang aniya pa at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang mga luha roon. "Mahal na mahal kita, Inari. Ayokong mawala ka." Niyakap niya ako ng napakahigpit pagkatapos sabihin iyon.

Napapikit ako habang yakap-yakap niya at muling napaiyak. Sobrang sakit ng nararamdaman ko na para bang may napupunit sa puso ko at parang paulit-ulit na pinipiga iyon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa mga oras na ito. Paano ko pa sasabihin sa kanya na buntis ako at magkaka-anak kami? Tama pa bang sabihin ko iyon ngayong ikakasal na siya?

Kumalas siya sa pagkakayakap at hinarap ako. Magsasalita na sana siya ng marinig naming bumukas ang pinto ng condo niya. Napalingon kami roon at nakita kong pumasok si Lexi na may yakap na dalawang medyo may kalakihang paper bags mula sa isang grocery store. 

Nakangiti siya ng pumasok pero unti-unting nawala ang maganda niyang ngiti ng makita ako at natigil sa paglalakad. Napalingon ito kay Kevin na nasa tabi ko bago sa akin. Nanatili lang ito sa tapat ng pinto. Napatingin ako sa paper bags na dala niya. Mukhang nahihirapan na siya sa mga iyon.

"Help her," sabi ko kay Kevin na hindi lumilingon rito.

Naramdaman ko siyang nilingon ako bago ito lumapit kay Lexi at kinuha ang mga dala nito. Dinala niya iyon sa kusina kaya naiwan kami ni Lexi roon sa sala. Malapit lang ako sa kinatatayuan niya. Halos dalawang dipa lang ang pagitan naming dalawa.. Napatingin ako sa kanya pero yumuko siya.

"How are you?" malumanay kong tanong at gulat siyang nag angat ng tingin sa akin. Napabuntong hininga ako. "H-hindi ka dapat naglalalabas. Kapapanganak mo palang," mahinahon pa ring sabi ko at nakita ko ng tumulo ang luha niya at mabilis niya iyong pinunasan.

"I- I'm okay," aniya at napatungo muli. Tinitigan ko siya habang patuloy niyang pinupunasan ang mga luha niyang patuloy rin sa pagpatak.

I've only been with Lexi thrice but I can say that she is a good person. She's a sweet and jolly person. All I know is that she and Kevin are best of friends and childhood friends. They are both in the same University now at pareho rin ng course na kinukuha.

"Do you love him?" tanong ko at mabilis siyang napatingin sa akin. Kita ko ang pag aalinlangan niya sa pagsagot sa tanong ko. At habang tiningnan siya sa mga oras na iyon ay alam ko na ang sagot. "You love him," sabi ko na ikinagulat niya.

I don't know why this happened. My plan to let Kevin know that I was pregnant did not happen and I found out that he has a child with his best friend. I don't know what I should do at these times. I don't know if it's right to let Kevin know about my condition.

Anong mangyayari kapag nalaman niya? Pananagutan niya ba ako imbes na si Lexi? Paano si Lexi at ang baby nila? Pero paano kung hindi ko ipaalam sa kanya na buntis ako at magkakaanak na kami? Paano ako? Paano kami ng anak ko?

This is probably one of the biggest challenges I have to overcome in my whole life. At sana ay malampasan ko nga ito. Dahil kahit ako ay hindi ko alam kung kaya ko itong pagsubok na ibinigay sa akin. Dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon? Hindi na ako makapag-isip pa ng maayos. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status