Share

Chapter 8

NGUNIT ang mga pangakong iyon ni Kevin ay napako. Makalipas ang halos isang linggo matapos ang pagpunta ko sa condo niya at malaman ang tungkol sa anak nila ni Lexi ay naging madalang na ang pagpaparamdam niya. Kapag tinatawagan ko siya ay sinasagot niya naman pero hindi naman siya makausap ng maayos. Palagi siyang nagpapaalam dahil kay Keegan. 

Ang huli naming pag-uusap ay kahapon pa ng umaga pero wala pa yatang limang minuto iyon. We're on our way to school now. Sa condo pa lang ay tinatawagan ko na siya pero hindi niya sinasagot isa man sa mga tawag ko.

"Ano, wala pa rin?" galit na tanong ni Karen na nasa shotgun seat. Nakatingin siya sa akin kanina pa. Malungkot akong umiling at napasinghal naman siya sa inis. "Kapag ako talaga nabugnot ng husto, susugurin ko na ang lalaking 'yan!" gigil na aniya. 

"Kung hindi mo lang kami pinipigilan, Inari, noon pa lang araw na nalaman naming may anak siya sa ibang babae ay sinugod na namin 'yan!" mahinang ani Vera, na nagda-drive, pero bakas ang galit sa boses. 

"Nang gigil ako riyan sa boyfriend mo, Inari! Napaka-kapal ng mukha niya!" singhal ni Karen at humarap sa bintana. "May girlfriend siyang tao tapos makikipag chugchugan siya sa iba?!" galit na dugtong niya na muling humarap sa akin. 

"L-lasing sila ng gabi 'yong, Ren." Pagtatanggol ko pa kay Kevin. 

Mabilis na bumaling sa akin si Karen at halatang halata sa kanyang mukha ang galut na nararamdaman.

"Alam ko! Ilang beses mo nang nasabi 'yan at mas lalo lang akong nabubwisit!" galit muli niyang sabi. "Mag-iinom inom siya tapos hindi niya mapigilan ang kalibugan niya? Ha!" singhal niya pa. Hindi na ako nakasagot dahil talagang galit na siya. "Kapag hindi pa niya sinagot ang tawag mo mamaya, pupuntahan natin 'yan!" pinal niyang sabi at humarap na sa unahan. 

Hindi na ako nakipagtalo pa dahil gusto ko na rin kasing gawin iyon noong isang araw. Hindi ko lang magawa dahil pagkauwi sa bahay ay para bang parati akong pagod na pagod kahit wala namang masyadong ginagawa. Kaya sa pagkakataong ito ay hindi ko na sila pipigilan na samahan ako. Palagay ko'y hindi ko na rin kayang pumunta pa roon ng mag-isa.

Nakarating kami sa University. Hinatid pa ako ng dalawa sa classroom.  

"Pupuntahan ka namin mamayang lunch, okay?" mahinahong ani Karen nang nasa tapat na kami ng classroom. Mukhang nawala na ang galit niya... O baka pinipilit niya lang ang sarili na huminahon. Nakangiti lang akong tumango.

"Huwag ka nang mag isip nang mag isip, Inari. Huwag mo na rin munang tawagan ang Kevin na 'yon. Ma-i-stress ka lang," sabi naman ni Vera.

"Oo. Sige na, pumasok na kayo. Baka ma-late pa kayo niyan, e." Pagtataboy ko sa kanila.

"O, sige. See you later." Nakipagbeso pa silang dalawa bago tuluyang umalis. 

Nakangiti ako habang pinagmasdan sila na naglalakad palayo pero agad na naging malungkot ang ngiti kong iyon.

Sa nagdaang linggo simula noong malaman naming buntis ako ay todo ang pag-alaga nilang dalawa sa akin. Ang sarap sa pakiramdam dahil may nag-aalaga sa akin, pero hindi ko maiwasang malungkot dahil sa isang bahagi ng isip ko ay hinihiling kong sana ay si Kevin ang gumagawa niyon. 

Gabi-gabi akong umiiyak simula noong malaman ko ang tungkol kay Keegan. Nasasaktan ako pero hindi ko magawang sisihin si Kevin. Nagagalit ako kay Lexi pero iniisip kong para saan pa ang galit ko? Nangyari na. Tapos na. Ikakasama ko lang kung patuloy akong magagalit dahil buntis ako. Baka makasama lang iyon sa amin ng anak ko.

Pumasok ako sa mga klase ko ngayong araw pero parang walang pumapasok sa isip ko dahil sa kaiisip sa sitwasyon namin ni Kevin. Mabuti na lamang at discussion lang ang ginawa sa lahat ng subject. Dahil kung may nag pa-recite or quiz ngayon, baka wala akong maisagot samga iyon. 

Alas singko natapos ang huling klase ko. Pagkalabas ko ng classroom ay naroon na sila Karen, nakasandal sa railings at nag-uusap. Agad silang umayos ng tayo nang makita ako.

"Let's go!"

Pumunta sila sa magkabilang gilid ko. Tahimik kaming naglakad papunta sa parking lot ng University. Kahit no'ng nasa b'yahe na kami ay tahimik pa rin kami hanggang sa makarating sa condo ni Kevin.

Lumabas kaming tatlo sa kotse at naglakad papunta sa elevator. Kahit noong makalabas sa elevator ay walang nagsasalita sa aming tatlo hanggang sa tumigil kami sa pinto ng condo ni Kevin. 

Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip nila. Pero isa lang ang dahilan ng pananahimik ko. Takot. Takot na baka sa huli ay hindi ako ang piliin ni Kevin. Na baka hindi kami ng anak namin ang piliin niya. Dahil sa nakikita ko ngayon, kung talagang gusto niyang panagutan ako ay gagawa siya ng paraan para makausap ako, para mapuntahan ako, para maalagaan ako, para makasama ako…. Pero wala. 

At sobra-sobrang sakit ang idinudulot niyon sa puso ko. Hindi ko matanggap na kailangan kong makaramdam ng ganito samantalang ako ang girlfriend niya. Nakakagago!

"Ito?" masungit na tanong sa akin ni Karen at itinuturo pa ang pinto ng condo. Tumango ako. Mabilis na nag doorbell sii Vera. 

"Huwag mong sabihing wala ang bwisit na 'yon?" nanggagalaiting sabi ni Vera nang makadalawang ulit na siya sa pagdo-doorbell.

Bumuntong-hininga ako at humarap sa kanila. "Baka walang tao. Pumunta na lang tayo sa ibang—" natigilan ako sa pagsasalita nang bumukas ang pinto ng condo. Napalingon ako roon at si Lexi ang bumungad sa paningin ko. 

Pinasadahan ko siya ng tingin. Nakasuot siya ng T-shirt ni Kevin. Nagmukha iyong loose shirt sa kanya, hanggang hita niya iyon kaya hindi na makita kung may short ba siya o wala. At halata rin sa itsura niya na may ginawa silang milagro. Hindi man lang niya nagawang ayusin muna ang buhok bago buksan ang pinto.

Pakiramdam ko ay nawalan ng emosyon ang mukha ko dahil sa nakita. Sobra sobrang galit ang biglang nararamdaman ko sa puso ko ngayon. Para nila akong pinaglalaruan. Parang sobra-sobrang pasakit na ang ibinibigay nila sa akin.

"Oh, Inari, you're here. Akala ko food delivery." Nakakaloko ang ngising aniya. Nawala ang nakakalokang ngiti niyang iyon nang malingunan niya ang mga kaibigan ko. Tinaasan niya ng kilay ang mga ito bago bumaling muli sa akin at ngumisi. "At talagang nagdala ka pa ng back-up."

"Ha!" singhal ni Karen kaya napalingon muli si Lexi sa kanya at seryosong tumingin sa kaibigan ko. Nanatili naman akong nakatingin kay Lexi at walang emosyong pinagmamasdan ang mukha niya. "Ikaw ba ang kabit ni Kevin?" sarkastikong tanong ni Karen. Nakita ko nang umasim ang pagmumukha ni Lexi sa sinabing iyon ni Karen.

"Hindi ako ang kabit!" sigaw niya sa kaibigan ko at lumingon sa akin. "Ikaw ang kabit! Mas una kaming nagkaanak kaya ikaw ang kabit!" gigil na gigil niyang asik. Napangisi ako kaya lalo siyang naiinis. "Ano’ng iningi-ngisi mo riyan?! Totoo naman, ah!"

Sarkastiko akong natawa. "Lexi, kahit sinong tanungin mo, ikaw ang isasagot nila," taas kilay kong sabi. "May relasyon kami ni Kevin kaya kahit pa sabihin mong una kayong nagkaanak ay ikaw pa rin ang kabit."

"Kung hindi ka ba naman tangang higad ka!" malakas na ani Karen at parang maiiyak na si Lexi lingunin ito.

"At hindi ikaw ang kailangan namin babaeng higad!" ani Vera at nilingon rin siya ni Lexi. "Alis nga!" inis na aniya. 

Mahinang kinabig ni Vera pagilid si Lexi at pumasok sa condo. Sumunod sa kanya si Karen. Sinamaan pa nito ng tingin si Lexi nang magkatapat sila sa pinto. Susunod na rin sana ako pero hinarangan ako ni Lexi.

"Sinasabi ko sa'yo, Inari, hindi pa tapos ang laban. At sa huli ako pa rin ang mananalo," aniya sa mismong tenga ko. 

Nakaramdam ako ng matinding galit dahil sa sinabi niya pero hindi ko siya sinagot at sa halip ay malakas ko siyang hinawi pagilid at pumasok na ako nang tuluyan. Narinig ko pa siyang sumigaw sa inis.

'Isa kang baliw, Lexi. Hindi na ako magtataka kung may gagawin ka para piliin kayo ni Kevin.'

Naabutan ko si Karen at Vera na nakatayo sa sala. Kaharap nila si Kevin, na gulat na nakatingin sa mga kaibigan ko habang buhat si Keegan. Napalingon siya sa akin ng lumapit ako sa mga kaibigan ko.

"I-Inari," gulat niyang sabi. 

Seryoso ang mukha ko habang pinapasadahan siya ng tingin. Magulo ang buhok, walang damit pang itaas at naka boxer short lang. Buhat-buhat niya ang natutulog na si Keegan. Napalingon ako kay Lexi nang lumapit siya kay Kevin at may nakakalokong ngiti ang nakapaskil sa mukha nito habang naka-cross arms.

"A-ano'ng g-ginagawa ninyo r-rito?" parang natataranta pang sabi ni Kevin kaya muli ko siyang nilingon. Walang emosyon akong napangisi dahil sa sinabi niya. 

"Konting konti na lang 'yan, Inari, makakatikim talaga 'yan sa'kin!" gigil na gigil na bulong sa akin ni Karen. Pero hula ko'y narinig iyon ni Kevin at Lexi dahil sabay silang lumingon sa kanya.

Pinanood ko nang bumaling si Kevin kay Lexi.

"Dalhin mo muna si Keegan sa kwarto. Doon muna kayo," ani Kevin at iniabot rito ang bata. Halatang hindi marunong bumuhat ng sanggol si Lexi dahil hirap na hirap ito habang kinukuha ang sanggol. "Dahan-dahan," ani pa ni Kevin at inayos ang pagkakabuhat ni Lexi sa katawan ng anak nila. "Sige na." Nilingon pa kami ni Lexi at sinamaan ng tingin bago ito umalis. 

Seryoso ang mukha ko habang tinititigan ko si Kevin  Pinapanood niya si Lexi habang papunta ito sa kwarto niya. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito nang tuluyang nakapasok si Lexi at humarap sa amin. Sa akin agad tumama ang paningin niya. Kitang-kita ko ang pagbabago ng emosyon sa kanyang mga mata. Ang malamlam na tingin niya kay Lexi na may kasamang pag-aalala ay napalitan ng takot at pagkabalisa nang tumingin siya sa akin. Mapait akong napangiti. 

"I- Inari."

Pati ang pagbanggit niya sa pangalan ko ay iba na ang dating sa akin. Wala na ang lambing doon at puro pagkataranta na lang. Para bang takot na takot siya kahit ang banggitin ang pangalan ko.

"Baka gusto mong magpaliwanag sa kaibigan ko?" sarkastikong ani Karen nang hindi ako magsalita. Tiningnan siya ni Kevin habang sinasabi iyon bago ito muling tumingin sa akin.

"I- I'm sorry," ani Kevin at bumuntong-hininga "I need to talk to you," seryosong aniya. Sinulyapan niya ang mga kaibigan ko bago muli akong tiningnan. "C-Can we talk?"

Narinig kong suminghal si Karen. Nilingon ko siya kaya napalingon rin sila ni Vera sa akin. "Mag-uusap lang kami."

"Inari, baka naman magpadala ka sa pagpapaawa niyan?" mahina ngunit mariing bulong ni Karen. 

Umiling ako. "No, Ren. I'm tired of it all. Gusto ko na lang tapusin ito," malungkot kong sabi. Malungkot siyang napabuntong hininga. Si Vera ay nakita kong nag iwas ng tingin at doon pumikit habang naiiling. "Mag-uusap muna kami." Walang salitang tumango si Karen kaya humarap na muli ako kay Kevin. "Saan tayo mag-uusap?"

"A-ah, doon na lang." Tinuro niya ang nursery room. 

Nilingon ko pa iyon bago ako tumingin sa kanya at tumango. Saglit ko pang tiningnan ang mga kaibigan ko bago ako naglakad. Nang magkatapat na kami ni Kevin ay sinabayan niya na ako sa paglalakad papunta sa kwarto. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pinaunang pumasok. Tumigil ako sa gilid ng crib at pumunta naman siya sa tabi ko. Tinitigan ko ang picture nila na nakadikit sa crib.

"I- Inari," tawag niya pero nanatili akong seryosong nakatingin sa litrato. "I-I need to t-tell you something," aniya at doon ko na siya nilingon. 

Seryosong seryoso ang mukha ko habang nakatingin sa kanya. Hindi ako sumagot. Hinintay ko lang siyang magsalita. Tumungo siya at pumikit ng mariin bago nag-angat muli ng tingin sa akin.

"I'm sorry," malungkot na aniya. "I… I..." Muli siyang napatungo at napapikit. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Hinihintay ang sasabihin niya kahit pa nahuhulaan na kung ano 'yon. Muli siyang nag-angat ng tingin at bumuntong-hininga. Napakalungkot ng mga mata niya habang nakatitig sa akin. "I'm s-sorry, Inari. I- I think w-we need to b-break up."

Napatitig ako sa kanya habang pinoproseso ang sinabi niyang iyon. Nang maging malinaw sa akin iyon ay napaatras ako at magkakasunod na tumulo ang mga luha ko. Mas malala pa roon ang mga senaryong naiisip ko habang papunta kami rito, pero para bang sa sinabi niyang iyon gumuho ang mundo ko. 

'Bakit? Bakit nangyayari ang lahat ng ito? Bakit ngayon pang buntis ako?'

Tinanggap ko siya kahit nalaman kong may anak siya sa ibang babae. Tinanggap ko iyon at kinaya ko ang sakit ng malaman ko iyon dahil mahal ko siya. Pero bakit ba patuloy niya akong sinasaktan? Hindi pa ba sapat ang ginawa niyang panloloko? Kailangan niya pa bang dagdagan? At hindi pa ba sapat ang nalaman niyang buntis ako para manatili siya sa akin? 

'What did I do to deserve this kind of pain?'

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status