Kasalukuyan kaming naghahanap ng bangkero dito sa daungan. Ang dami namang bangkero pero walang sinumang pumayag na ihatid kami.
What's with that island? Iisa lang ang sinasabi nila, wala daw nakakalabas ng buhay doon at nakakamatay daw? Kapag tinatanong naman namin sa sila kung anong meron, ayaw naman nilang sasabihin.
Ang damot nila sa information ah.
Ang ganda kaya noon sa picture. It is a hidden paradise that only few people knew it exist. At gusto naming masali sa isa sa mga iilang na nakadiskubre sa islang iyon. That's why I'm planning to make a vlog if we'll arrive there.
" One week lang Shy", sagot sa akin ni Lawrence while showing his cute smile. Then he offer me his food-- chicharon. Nagkwentuhan lang kaming dalawa sa tabi while yung iba naghahanap pa ng bangkero.
"Sa tingin mo, maganda talaga doon?", tanong niya sa akin. Kumuha ako ng isang piraso chicharon saka sinubo.
Hindi ko napansin na malaking chicharon pala yung sinubo ko kaya nagkanda ubo-ubo ako dahil nabilaukan. Ramdam ko ang pamumula ng aking buong mukha.Napalaki naman ang kaniyang mga mata dahil sa gulat.
" Shy, dahan -dahan naman... wait", tiningnan ko lang siya habang natataranta dahil sa nakita. Ang OA naman nito. Ang layo kaya sa bituka.
Kinuha niya sa kanyang backpack ang isang mineral water saka niya inabot sa'kin.
"Huwag kang mag-alala, hindi ko pa nainuman 'yan", saad niya. Alam na alam 'yong iniisip ko. Ininom ko ito at nang malunok ko na 'yong chicharon sa bunganga ko, saka ko sinagot ang katanungan niya kanina.
"Letshe ka talaga!", sigaw ko sa kanya saka siya sinabutan at hinahampas. Hindi nagtira ang walang hiya.
"Hey lovers in daungan! Tara na! May nahanap na kaming bangkero!", sigaw ni Nicholas sa amin. Kahit kelan talaga yung lalaking 'yon, panira ng moment eh.
Sumakay na kaming lahat sa bangka. Malaki naman itong bangka ni Kuya Arnold na kulay asul. Kaya kasya yung iilang mga dala namin.
" Cath, 'pano ninyo nakumbinsi si Manong?", bulong ko sa kanya. Halos kasi lahat ng bangkero doon umayaw sa offer namin. Ang lakas siguro ng convincing skills ng mga ito.
"Hindi nga rin sana papayag si Manong eh kung 'di namin sinuhulan ng malaking pera. Kailangan daw niya dahil may sakit ang anak nya, kaya ayun! He grab the opportunity! ", so there's something in that island, naging masama tuloy ang kutob ko dito.
"Teka lang tatanungin ko muna si Manong", sabi ko sa kaniya. I was curious of their reasons, alright.
Naglakad ako ng mabilis upang maunahan sila. Papunta na din kasi sila sa puwesto ni Manong dala ang kanilang mga bagahe.
" Uhm..Manong? Ano pong meron sa islang iyon? Bakit takot kayong lahat? May mamamatay tao po bang nakatira doon?", tanong ko agad sa kanya ng lumapit ako sa pwesto nya. Nagpang- abot ang kaniyang kilay at tila'y pinipilit na itago ang tunay na expression.
"Hija, 'di ako sigurado ah? Pero may sabi-sabi kasi na may mga engkanto at diwata daw sa islang iyon. Pero iyon lamang ay isang sabi-sabi. Alam mo na, nadadagdagan ang mga estorya kapag natagalan katulad ng mga kwentong-bayan, alamat at iba pa. Basta mag-iingat kayong magkakaibigan doon. Babalik ako dito sa Miyerkules para sunduin kayo, sabi nga ng kaibigan nyo sa akin. Binayaran na kasi ako", sabi niya.
Gusto ko pa sanang magtanong pa ng marami pero naputol ang aming pag-uusap dahil sa paglapit ng aking mga kaibigan. Makaraan ang ilang minuto, nakasakay na kami na kaniyang bangkang de motor.
Mainit ang araw kaya nagkikislapan ang tubig sa dagat. My friends and I take some pictures for remembrance and to post it in social media.
" Mga hija't hijo..ayon na ang La Isla De Las Monecas", sabi ni Manong na nagpahinto sa aming ginagawa. Hindi namin namalayan na umabot na pala kami ng ilang oras sa picture taking. Tinuro niya ang malaking isla sa hindi namin kalayuan. Kitang- kita mula dito ang white sand at kuweba na katulad doon sa nakita namin sa picture.
"Ano pong kinalaman ng pangalang Monecas sa islang iyon, Manong?", Bea asked him.
"May mga manika daw kasi sa islang iyan, ewan ko lang kung totoo", sagot naman ni Manong. Okay lang kung mga barbies pero 'wag naman sana yung mga nakakatakot na manika.
Malayo pa lang kami sa isla, naramdaman ko na ang matinding kaba ko. 'Di ko alam kong ba't ko 'to nafefeel. Well, epekto na ata ito ng panood ng mga movies.
Sadyang tahimik ng lugar pero maganda ang paligid. Parang bora in a peaceful way.
Sobrang peaceful.
Nang makalapit na kami sa isla, may nakita kaming lumang plywood na karatulang may isinulat sa pulang pintura.
Should we be scared or push this through? Bago pa ako umatras, nakalayo na si Manong sa amin. Iniwan na niya kami at hindi alam kong babalikan niya ba talaga kami.
"Paano mo nasisiguradong babalikan pa tayo ni Manong, Cathy?", I quickly asked her.
Tinanggal niya ang shades sa kaniyang mata at ipinatong sa kaniyang ulo."Hmm.. connections", simple niyang sagot. Mayaman si Cathy kaya hindi na impossible iyon.
"Pero paano mo nga masisiguro eh walang signal at connection dito?", galit na sabi ko sa kaniya at ipinakita ang aking phone.Nasa malayo ang iba naming kaibigan, busy sa pag p-picture taking kaya imposibleng marinig nila kami.
Nang makita na totoo ang sinabi ko. Napamura nalang siya at napasabunot sa kaniyang buhok.
Parehas kaming hindi mapakali ni Cathy. Siya ay namomroblema sa signal at connection, ako..ewan, I just have this weird feeling inside me na may nakatagong misteryo sa islang ito.Habang sila ay naaaliw sa view dito sa isla, ginala ko ang aking tingin sa paligid. Kung iisipin, parang wala talagang problema dito.Worldclass and peaceful view.Todo taas naman si Cathy sa kaniyang phone upang maghanap ng signal. "Fuck!", kanina pa siya nagmumura.Nagdesisyon akong lumapit sa karatula habang busy pa ang iba kong mga kaibigan. Giniba ko ang marupok na kawayan na nagsisilbing suporta dito. Kinuha ko ito ay hinaplos.Pero nagkamali ako.Hindi ito isang pintura.
Gusto kong sigawan ang aking mga kaibigan na kulang nalang maghugis puso ang mga mata simula ng makarating kami dito sa isla. Hindi ko naman sila masisisi kasi sobrang nakakamattract naman talaga ang beautiful view at sa pagkapeaceful ng place.Napigil saglit ang aking paghinga at nagsitaasan ang aking mga balahibo sa lugar na ito nang makapasok na kami sa mismong loob ng isla. Agad naman naming iginala ang aming mga paningin sa paligid.Ito ay isang munting baryo.May mga cabins at gawa sa kawayan ang aming nakikitang kabahayan. Kung titingnan, para kang nasa isang probinsya, though may iilang mga bahay naman na sementado na. Puro mga iba't-ibang puno din ang nakapalibot sa lugar.May iilan lang din ang mga tao sa labas na ginagawa ang kanilang mga usual daily routine. Ang kanilang mga kasuotan ay parang nasa makalumang panahon.Mataas na saya, blouse at may panyo sa ulo ang mga babae. Sa mga lalaki nama'y paran
"Bakit kailangang kumpeskahin pa eh wala namang signal dito?", tanong ko sa manika. Agad naman siyang tumingin sa gawi ko pero ngayon, ang ulo lang niya ang kaniyang pinagalaw.Creepy."Gusto po naming maramdaman ninyo ang kapayapaan ng lugar at maparamdam na para kayong bumalik sa sinaunang panahon na wala pang polusyon at hindi pa gaanong gamit ang teknolohiya. Hindi niyo yata nabasa lahat tungkol dito sa isla?", sabi niya na parang nang-aasar pa na wala kaming alam sa pinasok namin. She even smirked at us. What a rude plastic creature!This barbie grl is so scary, she laughs and talks like a real, normal human being. Ineexpect kong English ang lengguwahe niya kanina , buti nalang pala hindi, kundi nosebleed kahahantungan."May pangalan ka ba?", tanong ni Lawrence sa kaniya. Bumaling siya kay Lawrence at lumapit pa."Pasensya na kayo't nakalimutan kong magpakilala. Ako si Barbara ng La Isla de las Monecas", she said and offered a hand shak
"Two rooms please""Ang room niyo po is number 9 and 10 ", sabi ng receptionist sa amin. Manika din siya pero gawa sa tela.Mga limang minuto din kaming nag- asaran bago dumating ito. May ginagawa daw kasi siya. Ewan, may receptionist bang iniiwan yung trabaho niya?Dumating siya na parang wala siyang trabahong iniwan. Ngumingiti pa siya bago pumunta sa front desk. Mukhang si Anabelle, literally. Pero may mga uunting dugo akong. nakita sa kaniyang paanan. Weird.Kitang- kita ang pin sa kaniyang dibdib. 'Jessica' ang pangalan niya."Pasensya na po kayo't natagalan. Pinatawag po kasi ako ng manager. Heto po ang room key", sabi niya at nilapag sa aming harapan ang dalawang susi na may manika na key chain."Wala bang ibang tao dito miss bukod sa amin?", hindi ko na napigilang itanong. Bumaling siya sa amin at ngumiti. "Wala po. For now, wala pang ibang turista na nags- stay in. Ilang araw po ba kayo dito?"Nagkatinginan
I envy Cathy sometimes kasi hindi siya matatakutin at gusto niya yung mga bagay na may thrill. Well, its the opposite for me.Pero kung matapang ka at hindi mo iniisip ang maaaring posibleng mangyari is another story. May part na sa akin na nagsisisi na sumama ako sa kanya. Hindi naman masamang huminga sa araw- araw na away ni Mom at Dad pero hindi yung ganito. Hindi yung posibilidad na makalabas kami dito.Hindi natatakot si Cathy na matrap dito. Kailangan lang daw kaming kumalma, huwag magpanic at antayin si Manong bangkero sa miyerkules. We couldn't stop our emotions knowing that we don't have any assurance that he will come back to save us.Bitbit pa rin ni Cathy ang manikang pinakita nya sa' min kanina. Hindi ba siya natatakot diyan? Kasi naman, tuwang-tuwa at sabik-sabik siya dito. Niyayakap pa niya na parang ngayon lang siya nagkamanika.Gusto kasi ni Cathy ay yung mga bagay na kahit marumi o nakakatakot, basta bet niya, go. Sobrang babaw lang talaga
"'Asan diyan yung manika natin?", nabatukan ko ng malakas si Nicholas dahil na tanong niya."Baliw ka ba? Yun ba yung iniisip mo bago ang kaligtasan nating lahat ha?", galit na sabi ko sa kaniya."Alam naming praning ka na simula noon pa, Shy pero huwag mo namang bigyan ng malisya lahat. Wala namang ginagawang masama yung mga manika sa atin ah? Ba' t ka ganiyan?", lakas- loob niya akong hinarap. Tumahimik si Cathy kasi alam niya kung saan nanggagaling ang pagka- praning ko. "Bakit ang kj mo?""Nicholas, Nicholas huwag ka munang lumabas!" tinawag siya nina Bea, Nicholas at Lawrence dahil bigla nalang itong nagwalk- out at malakas na sinarado ang pintuan."Ikaw kasi eh, bida- bida ka!", malakas na sigaw naman ni Bea sa harapan ko at sinundan si Nicholas.Napahilamos nalang kami sa aming mga mukha. Frustration and fear run in our system at this moment.
Agad- agad kaming kumaripas nang tumakbo palayo sa cottage dahil sa nakakakilabot na nasaksihan. Napakabrutal ang paraan ng pagpatay nito. Bahagya pa itong tumatawa habang pinapaulanan niya ito ng saksak at ang pagputol. Demonyo. Baka kami pa ang isunod sa nakakaawang manok."Sumusunod siya sa atin! Bilisan niyo!", sigaw ni Cathy na nagpakabog sa aming mga dibdib.Hindi namin namalayan na nawala ng parang bola ang mga malisyosong tumingin na mga manika sa paligid , loob ng hotel pati na rin si Barbara at ang receptionist ng hotel. Ewan, 'di namin alam kung paano nangyari iyon.Hinahabol pa din kami ng manikang putol ang isang kamay habang bitbit pa rin niya ang kutsilyong ginamit sa pagpatay sa kawawang hayop. Mabuti nalang at mabagal ito maglakad at hindi agad-agad ito nakahabol sa amin.Nasa entrance pa lang siya ng hotel at papasok kami sa nakabukas na elevator kaya imposible na niya kaming mahabol. Tahimik kami sa loob habang abot- abot an
"Hey mga turista!", bungad niya at tumingin sa aming mga dala.Pagkatapos niyang sabihin iyon ay ngumiti ito sa amin na parang nang-aasar at umikot ang kanyang ulo. Ang buhok niyang nakalugay kanina ay bumuhaghag. Lalo siyang nagmumukhang nakakatakot na demonyong nilalang.Ang mga mata niyang plastic ay nanglilisik. Para itong luluwa sa kaniyang mga mata. At ang kanyang kamay ay mahigpit na nakahawak sa isang matulis na itak."Saan kayo pupunta? Uuwi na ba kayo? Hindi pa tayo nagsasaya ah?", nakakatakot niyang sabi at akma kaming tatagain sa hawak niyang bagay.Napasigaw kaming lahat sa takot. Buti nalang ay nakadistansya si Nicholas kaagad. Siya kasi ang malapit sa puwesto niya.Medyo may kahabaan at napakatulis na itak ang dala ni Barbara habang kaharap kaming lahat na handa na sanang lumikas at pumunta sa safe na lugar."Aalis na kami Barbara, ang pangit nang isla niyo", pang-aasar ni Cathy na hinarap ang nakakatakot na manika