Share

HIS SEDUCTIVE EX-WIFE
HIS SEDUCTIVE EX-WIFE
Author: SMYRIK

CHAPTER 1

"Mina!!!" tili ng kapitbahay  namin na papalapit sa akin habang nakahawak ako sa pisi ng hila-hila kong kalabaw. "Intrimitida ka, ha?" Akmang kukurutin niya ako sa tagiliran nang umilag ako.

"Bakit, Lily?" nagtataka kong tanong sa kanya. 

Maarte niyang inikot ang mga mata habang naka-cross arms pa. "Duh? Huwag ka ngang pakipot diyan. Alam na ng lahat na malapit ka nang ikasal kay Tranz Fernandez Ratcliffe! Ang nag-iisang tagapagmana ng Fernandez and Ratcliffe Groups of Companies. Natikman niya na siguro ang bibingka  mo, ano? Gosh! Gaano ba talaga kasarap iyang bibingka mo at ako na pinakamaganda at pinakamagaling sa kama ay hindi mapansin ni Tranz? Ano'ng gayuma ang ginamit mo, girl? Mukha ka namang talong na nabilad sa initan. Gosh! Virgin ka pa ba, ha?"

Ano bang pinagsasabi nito?

"Sorry, Lily, kasi may ginagawa pa ako, eh." Hinila ko uli ang pisi ng kalabaw pero pinigilan niya uli ako. 

"Why you no telling me." Ano raw? "Telling me everything is a good, yeah, yeah..." Nakanganga lang akong nakatingin sa kanya. Hindi ko talaga siya maintindihan. "Why? You don't understanding mine talking? Gosh! Tatagalogin na nga lang kita dahil hindi mo ako maintindihan! Bobita talaga..." mahinang bulong niya pa pero dinig ko pa rin. "Anong pinakain mo kay Tranz? Bakit papakasalan ka na niya?"

"Kilala mo siya personally?"

"Of course, why not coconut. Naging costumer ko siya noon sa club. Dalawang beses kaya kaming nagkainan ng suman at bibingka. That was I know that him is very very big and very mataba. Nabulunan pa nga ako when I eating him."

Hindi naman ako apektado sa sinasabi niya kaya hindi ko alam kung bakit niya sinasabi ang mga bagay na ito sa akin. 

"Kailan kayo nagkita?" tanong ko na lang habang naglalakad na uli. Gagabihin ako sa pagsusuga nitong kalabaw kung hahayaan ko lang siyang dumakdak nang dumakdak. 

"Before he meeting you. Akala ko nga ay kami na ang forever's not enough but when he is meeting you, he forgetting about me na." Nang tingnan ko siya ay nakanguso siya at parang maiiyak. "How much is your singsing? That is me sana if you not harang-harang may daanan."

Hinarap ko uli siya. Haist. Nasa bundok na kami lahat-lahat, heto at naka-hanging tube at micro mini skirt pa siya. 

"Hindi ko kasalanan na nagustuhan niya ako, Lily. Magkakilala na kami ni Tranz noong nag-aaral pa ako sa kolehiyo. Nanligaw siya sa akin noon pero hindi ko siya sinagot pero nang magkita kami 8 months ago at niligawan niya uli ako ay sinagot ko na siya. Wala namang masama kung sinagot ko siya, hindi ba?"

I don't know why I have to explain myself to her. Naaawa ako kay Lily sa totoo lang. Mag-isa na lang kasi siya sa buhay dahil patay na ang mga magulang niya at dahil hindi nakapag-aral ay kinailangan na magtrabaho sa club. 

"Okay lang. No hurting me inside my feeling. Ingat ka na lang. Balita ko ay pupunta na kayo sa Maynila pagkatapos ng kasal niyo."

Mabait naman 'tong si Lily. Intrimitida nga lang minsan.

"Salamat."

"Imbitahin mo ako sa kasal mo para makakain naman ako ng masarap. Don't me lang pala, lahat ng kabaryo natin, imbitahan mo para naman makakain kami ng masasarap. Okay ba?"

"Sige."

"Oh, siya, alis na is me. Good luck na lang. Kahit masarap ang jowa mo, ayoko na rin sa kanya. Ayoko ng may sabit because I am not a kabit. Babush."

Napailing na lang ako habang tinatanaw siyang papalayo sa akin. Hinila ko na uli ang kalabaw para itali sa puno sa duli. Ako ang gumagawa nito dahil naaksidente ang tatay ko at nadale ang paa. Ito rin ang rason kung bakit sinagot ko si Tranz. 

Katulad ng sabi ko kay Lily, nagkakilala kami ni Tranz sa university before. I was taking up HRM dahil pangarap kong makapagtrabaho abroad. Si Tranz naman ay kumukuha ng Business Administration. Nagkasabay lang kami once kumain noon sa canteen; after that ay nagsimula siyang magpahapyaw na may pagtingin siya sa akin. I turned him down dahil priority ko ang study ko. Ayako ring masira dahil scholar ako. He respected my decision. Akala ko nga ay hindi na kami magkikita, eh. Pero 8 months ago, nagkita kami sa pinagtatrabahuan kong hotel. Nagmamadali ako pauwi that time dahil kailangan kong palitan si nanay na magbantay kay tatay sa hospital. He offered a ride and I never had a chance to declined his offer dahil nagkataon din naman na wala talagang masakyan. Nang makalabas naman si tatay ay nabaon kami sa utang. He offered something na hindi ko mahihindian lalo pa at nakasalalay ang lupa ng mga magulang ko. Siya ang magbabayad ng lahat ng mga utang namin basta bigyan ko siya ng chance. 

But that was all in the past dahil ngayon ay mahal na mahal ko na si Tranz. Hindi siya mahirap mahalin dahil nasa kanya na ang lahat ng katangian na gugustuhin mo sa isang lalaki. 

Matapos maitali ang kalabaw ay umuwi na ako sa kubo namin. 

Hindi ko maiwasang magpakawala ng malalim na buntong-hininga nang pagmasdan ko ang kubo namin. Ang dami ko pang gustong matupad sa buhay ko pero mukhang hindi ko agad makukuha iyon dahil magpapakasal na kami ni Tranz. Gusto ko sanang mapaayos man lang itong bahay nila nanay at tatay. 

Maglalakad na sana ako papasok nang may tumakip na kamay sa mga mata ko. 

"Hi, Love..." Isang baritonong boses ang narinig ko kaya napangiti ako. 

"Love..." Pagbanggit ko ng salitang love ay yinakap niya ako. "Love, put me down!" tili ko dahil binuhat niya ako. "Nakakahiya kila nanay at tatay," humagikhik kong saad.

Ibinaba niya naman ako at iniharap sa kanya kaya nakita ko ang gwapo niyang mukha.

"I'm glad I've heard you laughed. What's bothering you?"

"W-wala."

Tumingin siya sa bahay-kubo namin. "I have a surprise for you before our wedding..."

Sa sunod na araw na ang kasal namin kaya malamang ay bukas niya sasabihin sa akin kung ano ang sorpresa niya.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
July
kaloka nmAn tong si Lily🤣😁 pampa good vibes
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status