Share

CHAPTER 2

                     

                

"I'm so sorry, Miss. Hindi ko sinasadya," saad ng lalaking nakabunggo sa akin.

Kasalukuyan akong namimili sa palengke when I bumped into this lad. A 30 or so perhaps with a prominent eyebrows na siyang una kong napansin sa kanya. Matanggap ang isang 'to katulad ni Tranz at hindi ko itatangging gwapo rin ang lalaking nasa harapan ko.

Ang pinagkaiba lang ng dalawa ay clean-cut ang buhok nitong lalaki habang si Tranz ay may kahabaan ang buhok na maalon which makes the latter more attractive.

"Miss, are you all right?" Hinawakan ng lalaki ang kamay ko kaya natauhan ako. Sa pagkabigla ay iwinaksi ko ang kamay niyang nakahawak pa rin sa kamay ko.

"Watch where you're heading next time para hindi ka nakakabunggo, okay?" pagtataray ko sa kanya bago siya tinalikuran at naglakad papunta sa paradahan.

Nandito ako sa pamilihan dahil namili ako ng rekados para sa bistik para sa hapunan naming mag-anak. It's a day before my wedding kaya sinusulit ko na ang araw na kasama ko si nanay at tatay lalo pa at sa Maynila kami maninirahan ni Tranz.

Nakakalungkot mang isipin na hindi ko na makakasama ang mga magulang ko sa susunod na araw ay kampante naman ako na magiging maayos ang lagay nila kahit wala ako.

Ang sinabing sorpresa ni Tranz kahapon ay kanina ko nalaman o mas tamang sabihin na kanina namin nalaman. It was actually for my parents dahil dumating ang mga materyales na binili ni Tranz para sa pagpapa-ayos ng bahay namin.

Tinawagan ko nga siya kanina kaso sandali ko lang siyang nakausap dahil may pupuntahan daw siya. Nasa Maynila pa siya at mamaya pa ang dating nila dahil dito sa baryo namin gaganapin ang kasal.

Hanggang ngayon ay napapataas-kilay pa ang iba naming kababaryo kapag nakikita ako but I choosed not to entertain their bad behavior dahil wala naman akong ginagawang masama sa kanila.

May narinig pa nga akong kaya ko ginusto na rito sa amin magpakasal upang makapagmayabang pero binalewala ko na lang.

Yes. It's my choice to be married in this town hindi dahil sa kung ano'ng iniisip nila kundi dahil ay pangarap ko talagang makasal sa lugar na saksi ng paghihirap at kaligayahan ko kahit noong bata pa ako.

And I was glad when Tranz agreed to it.

Maliit na bagay para kay Tranz ang makasal kami rito pero para sa akin ay malaking parte ng pangarap ko ang binigyan niya ng katuparan.

"My gas! Daydreaming inside the sun?"

Inside?

Kahit hindi ako lumingon ay alam kong si Lily ang nasa likuran ko dahil sa balikong English niya.

"Oh, ikaw pala?" kunwari ay gulat na tanong ko. "Saan ang punta mo?"

May dala siyang bayong na wala pang laman habang ang isang kamay payong ang bitbit. Sa likuran niya ay ang mga kalalakihang sumisipol na nakasunod sa kanya.

Some of them are saying awful words towards her pero hindi niya pinapatulan.

"Well, bibili sana ako ng gulay kaso ako yata ang unang malalanta dahil sa mga hinayupak na nasa likuran ko. Ang mga letse!" She rolled her eyes bago tumingin sa kamay ko habang nakataas ang isang labi.

"May mga gulay sa bakuran namin kaya doon ka na lang manguha."

"Talaga?"

"Oo naman. Wala namang kaso iyon kina nanay, eh. Pauwi na ako kaya sumabay ka na rin."

"Bakit? May car ka bang dala?"

"Wala. Magta-tricycle lang tayo."

Namaywang siya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Ang yaman ng boylet mo pero no more car ka? Gas!"

"Ikaw na nga ang may sabi, mayaman ang boyfriend ko. Ang boyfriend ko ang mayaman at hindi ako."

"Ses, pa-humble ka pa, eh. Oh, lesgow na dahil sa inyo rin ako kakain dahil mukhang masarap ang pagkain niyo ngayon."

Tumingin uli siya sa kamay ko bago niya kinuha ang plastik na dala ko. Nauna siyang sumakay sa tricycle na nasa harapan namin kaya sumunod na lang ako.

Lily has a life that no one would want to experience. She's been alone for quite some times. Mabuti na lang at matatag ang babaeng 'to kaya kahit hirap sa buhay ay hindi siya sumuko.

Nilingon ko siya dahil ang tahimik niya ngayon. It's very unusual of her because Lily is a talkative one.

"Okay ka lang ba?"

Nilingon niya ako at dahil nakatingin na ako sa kanya ay hindi nakaligtas sa akin ang pilit niyang ngiti.

"Of course, I'm very fine. I everyday happy. Why ba?"

"Mukha kasing malungkot ka."

"Me? Malungkot? Halata ba?" Bumuntong-hininga siya. "Naba-badtrip lang ako sa mga lalaking iyon kanina. Duh? What they thinking out loud? Kahit ganito ako ay may pangarap din naman ako!" Natuwa ako dahil sa sinabi niya. I'm too glad that she has a dream of her own.  "Tse! Huwag kang ngumiti na para bang nakita mo si Santa Claus na nakasuot ng T-bak!"

"It's not like that." Yumuko siya at may kinuha sa bayong na dala niya. It's a bottled water at ibinigay niya sa akin ang isa. "Salamat."

"You're welcome."

"So, ano ba ang pangarap mo?" Nakangiti ako habang binubuksan ang plastic bottle.

"Pangarap kong maging kabit." Dahil sa sagot niya at idagdag pa na kasalukuyan akong umiinom ng tubig ay inihit ako ng ubo.

Nasamid ako sa naging sagot niya at kamuntikan ko pang maibuga ang tubig na nasa loob ng bunganga ko sa kanya.

"Ano?!" Napalakas ang boses ko nang makahuma ako.

"Tss! Gulat na gulat?"

"Akala ko ba ay ayaw mong maging kabit? Kasasabi mo lang niyan kahapon, ah?"

"Duh? Hindi ba pwedeng magbago ang pangarap ko? Napakaganda ko pero tao lang ako kaya nagbabago ang pangarap ko."

I can't believe what she said pero mas lalong hindi ako makapaniwala sa determinasyon sa boses niya na para bang pinal na ang gagawin niyang desiyon niya sa buhay.

"Ano? Kakaiba naman ang pangarap mo. Wala na bang itataas ang pangarap mo?" Hindi ko naitago ang pagiging sarkastiko sa boses ko.

"Duh? Magdalena nga ako kaya ibig sabihin ay mababa ang lipad ko. Wag ka ngang ano! Don't worry, wala naman akong balak sulutin ang jowa mo."

Napailing na lang ako at pinili na hindi na lang magsalita.

Sino ba ako para husgahan siya? Isa pa, baka niloloko niya lang ako.

Nang makarating kami sa bahay ay agad kong inasikaso ang hapunan namin. Katulad ng sinabi ni Lily ay sumama siya sa akin at tinulungan niya pa akong magluto.

Saktong alas-siete nang makaluto kami.

Tatawagin ko na sana sina tatay nang hawakan ako ni Lily sa kamay.

"Nasaan ang singsing ko, Mina?"

Agad akong naalarma dahil sa tanong niya dahil ang totoo ay naiwala ko kaninang umaga ang singsing.

Hinanap ko pa sa bakuran dahil nagwalis ako roon kanina pero hindi ko makita.

"Naiwala mo, ano?"

Hindi uli ako nakasagot. Kahit preso ang hangin na pumapasok sa siit ng kawayang-dingding namin ay pinagpawisan ako.

Ayokong may makaalam na nawawala ang singsing dahil ayokong makarating kay Tranz kaya nga hindi ko sinabi kina nanay ang nangyari.

Dumukot si Lily sa bulsa niya at inilagay sa palad ko ang singsing na kanina ko pa hinahanap!

"S-saan mo 'to nakita?"

"Sa bakuran niyo kanina. Pumunta kasi ako rito sa bahay niyo bago ako pumunta sa palengke. Pasalamat ka at ako ang nakakita—" Hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang yakapin ko siya.

"Salamat, Lily. Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan!"

"Duh? Anong hindi mo alam? Nagpasalamat ka na nga, eh!" Tinapik niya ako sa likod. "Awat na dahil baka magpalit tayo ng mukha. Hay, nako, Mina, kung natatangal lang iyang kepyas mo ay baka naiwala mo na rin iyan!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status