Share

CHAPTER 3

"Salamat sa foods!" malakas na sabi ni Lily matapos ay dumighay. "Grabe! Napadami ang kain ko tuloy."

"Mabuti naman at nagustuhan mo ang pagkain, anak," sabi ng tatay kay Lily.

"Siyempre kasi libre." Tumayo siya at nagligpit dahil tapos na rin naman kaming mag-anak na kumain. "Ako na ang kaghuhugas, Mina."

"Huwag na. Ako na."

"Duh? You are marriaging tomorrow kaya stay put ka na lang, okay? Ayokong papaghugasin sina Tiya Magda at Tiyo Berto kaya huwag ka nang umangal diyan dahil may lakad pa ako."

"Saan ang punta mo?" Tinulungan ko na siyang magligpit ng mga plato dahil hindi ko sanay na may tagaligpit ng kinainan namin.

"May nag-hire sa akin sa bayan para magpaligaya sa ikakasal buk—Ay kabayo! Ano ba, Mina?"

"Dios kong mahabagin!" Napaantanda pa si nanay sa pagkagulat.

"Bakit, tiya?"

"Masamang pangitain iyan! Kapag may nabasag ang ikakasal bago ang araw ng kasal niya ay hindi magiging maganda ang magiging buhay-may-asawa niya!"

Nang tumawa si Lily ay napatingin sina nanay at tatay sa kanya. Ako ay nanatiling nakayuko at nakatingin sa nabasag na pinggan.

Nagulat ako sa sinagot sa akin ni Lily sa totoo lang pero alam kong hindi magagawa ni Tranz ang nasa isip ko!

Hindi pwede...

"Tiya, kalma. Hindi totoo ang mga pamahiin na iyan. Sa mga mayayaman nga ay magbabasag pa sila ng bote ng tsampeyn, eh, pero maganda naman ang life nila. Ang ibang groom naman ay nagbabasag pa ng mukha." Kinalabit ako ni Lily. "Hoy, Mina, huwag kang masyadong magpaka-stress diyan. Mabuti pang matulog ka na nang maaga para hindi ka magmukhang zombie bukas." Itinulak niya pa ako palabas sa kusina namin.

Pumasok ako sa kwarto ko at tinawagan si Tranz.

Nakailang tawag na ako sa kanya pero ring lang nang ring at 'di niya sinasagot hanggang sa hindi ko na ma-contact ang number niya.

Calm down, Mina.

Tama. Kailangan kong kumalma dahil hindi makakatulong sa akin ang mag-isip ng masasamang bagay. Kung ngayon nga na 'di pa kami mag-asawa ni Tranz ay pinagdududahan ko na siya, paano pa kaya kung mag-asawa na kami?

I need to think rationally.

Kailangan kong i-practice ang utak kong magtiwala kay Tranz para hindi magkaroon ng lamat ang pagsasama naming dalawa.

Humiga ako at sinubukang matulog pero hindi ko magawa dahil sa kahibangan ko.

Narinig ko pang magpaalam si Lily kaya tumayo ako at lumabas ng bahay.

Ano ang ginagawa mo, Mina?

Natauhan na lang ako sa lamig ng hangin na dumampi sa balat ko.

Ano ba 'tong iniisip ko?

Am I this desperate to know the truth kaya hindi ko na namalayan ang sarili kong susundan ko na pala si Lily?

Pumasok uli ako sa bahay at dumiretso sa kwarto ko.

I was too glad na hindi ko nasalubong ang mga magulang ko dahil tiyak na magtatanong sila kung saan ako galing.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan uli si Tranz pero hindi na talaga siya ma-contact kaya umupo ako sa papag na higaan ko.

I braced myself habang nakayuko sa mga tuhod ko.

My body is shaking at nahihirapan akong huminga.

Patindi nang patindi ang kaba habang naririnig ko ang mga kamay ng orasan na walang tigil sa pagkilos.

Tumayo ako at naglakad sa bintana at tinanaw ang bahay ni Lily.

I saw her leaving in her house kaya mas lalong tumindi ang pagdududa ko.

Magkakilala si Lily at si Tranz kaya malamang na si Lily ang tatawagan ni Tranz para bigyan siya ng aliw sa huling pagkakataon bilang binata!

Nkatanaw ako sa dalaga hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

"Aray!" impit na sigaw ko sabay tingin sa kuko kong nagdudugo na pala dahil sa pagkagat ko!

Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa banyo para hinugasan ang daliri kong nagdudugo.

I'm squeezing my wounded finger with all my strength habang umiiyak.

Hindi ko matanggap sa sarili ko ang nasa imahinasyon ko.

Si Tranz at si Lily; nakahubad habang nagtatalik!

No, Tranz! Please!

Naghubad ako ng damit at itinapat ang katawan ko sa dutsa.

Hinayaan kong bumuhos ang tubig kasabay ng pagtulo ng luha ko.

Masakit isiping nagtataksil si Tranz sa akin sa mga oras na ito.

I want to rip my heart dahil sobrang nakakabaliw ang sakit.

Napaluhod ako at sinalo ng mga palad ko ang mukha ko at umiyak nang umiyak.

Nang maging maayos ang pakiramdam ko ay tinapos ko na ang pagligo ko.

Matapos magbihis ay tinawagan ko uli si Tranz pero katulad kanina ay unattended pa rin kaya humiga na lang ako.

Ang kaba ko ay hindi nawala kahit pa lumipas na ang ilang oras.

Alas—dies na pero hindi pa rin ako makatulog.

I'm still waiting for Tranz's call.

I know it may sounds absurd but I'm afraid that he's having a good time now with Lily lalo pa at malalim na ang gabi.

Mag-a-alas-dose na nang makarinig ako ng tunog ng sasakyan kaya nagmamadali akong bumangon at sumilip sa bintana.

Napangiti ako ng makilala ang kulay itim na Crosswind na pag-aari ni Tranz pero kagyat pa ay napalis ang ngiti ko nang makita kong bumaba si Lily sa sasakyan niya.

How could you do this to me, Love?

Nang tumunog ang cellphone ko ay kinuha ko iyon at sinagot.

"Hello, Love..." Paos ang boses ni Tranz.

I cleared my throat para makapagsalita ako nang maayos. "L-Love."

"Nagising ba kita? I want to see you right now. I want to kiss you because missed you so much."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para hindi magkaroon ng tunog ang pag-iyak ko.

"Hindi pwedeng magkita ang bride at groom sa gabi ng kasal nila dahil baka hindi matuloy ang kasal." I added a cheerful laugh at gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil sa galing kong itago sa kanya ang totoong nararamdaman ko.

"Anong gusto mo kapag kapag magkasama na tayo sa iisang bubong, Love?"

Maging tapat ka lang, Tranz, papatawarin kita sa ginawa mo ngayong gabi, piping saad ko sa sarili ko.

"Gusto kong magkaroon tayo ng tatlong anak, Love," bagkus ay sagot ko. "I'm an only child kaya gusto kong magkaroon ng tatlong anak para may makalaro ang mga anak natin." Isang mahabang katahimikan ang pumagitna sa aming dalawa. "Love?"

"Am I going to be selfish if I want you to take care of me first—me alone. I want to spend even if a few years with you para masulit natin ang araw na hindi tayo magkasama."

"Ayaw mo bang magkaroon ng anak?"

"A-ayoko na m-muna..."

"T-Tranz..."

"I have to go. I'll see you tomorrow. I can't wait to see how beautiful my bride is while walking in the isle. I love you so much..."

"I love you too, Love..."

Ako na ang kusang pumutol sa tawag.

Nanatili akong nakatayo hanggang sa mawala ang sasakyan ni Tranz sa paningin ko.

"WHAT'S THIS?" Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa pregnancy pills na bigay sa akin ni Tranz.

Ngumiti siya sa akin at hunaplos ako sa pisngi. "I want you to take that pills everyday, Love, to prevent you from giving birth."

I can't believe what he's saying!

Kahapon pa kami ikinasal ni Tranz at nandito kami sa mansyon na binili niya sa South Ridge Village.

Ilang minuto pa lang kaming nakarating sa magarbong bahay niya ay ito agad ang bungad niya sa akin!

And what's really frustrating to me? Alo lang yata ang bride na hindi nakipag-sex sa asawa niya sa gabi ng kasal!

He avoided me last night as if mayroon akong nakakahawang sakit!

Tapos ito?! Itong mga pills na 'to ang ibibigay niya sa akin ngayon?!

"What's the matter with you?" Pinilit ko ang sarili kong huwag siyang sigawan dahil ayokong mag-away kamo gayong mahigit isang araw pa lang kaming ikinasal.

"I want you to remain sexy as fuck, Love..." Kinindatan niya ako bago niya sinagot ang cellphone niya na kanina pa tumutunog.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status