Share

CHAPTER 5

"Just bring it to boil, Remy, okay? I'm just gonna answer this call," saad ko sa katulong namin.

I'm preparing a food for tonight's dinner. Nag-effort ako dahil espesyal para sa akin ang gabing 'to.

I'm seven weeks pregnant.

Until now, I still could hear my baby's heartbeat.

Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahang naramdaman ko kanina nang marinig ko ang munting tibok ng puso ng nasa sinapupunan ko.

I can't wait to hold this precious life kaya alam kong hindi ako maiinip na maghintay sa loob ng ilang buwan.

"Hello, Nanay..." masayang bati ko sa ina ko.

Naisip ko, ganito rin ba ang naramdaman ni Nanay noong malaman niya na nasa sinapupunan niya na ako?

"Kumusta ka na, anak?" tanong niya sa kabilang linya.

"Okay naman po ako. Kayo po?"

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni  Nanay. Alam ko ang dahilan niyon pero hinayaan ko na muna siyang magsalita.

Kumibot ang labi ko dahil sa pagpipigil na maiyak. Nalulungkot ako dahil simula nang lumipat kami rito ni Tranz sa South Ridge Village ay hindi na ako nagkaroon ng pagkakaton na makita ang mga magulang ko.

I want to visit them pero dahil malayo ang probinsya ay 'di ko magawa lalo pa at alam kong buntis na ako nitong nakaraan.

I'm busy with my business too.

"Ito na-miss ka na namin ng tatay mo. Kailan ka ba dadalaw rito sa amin? Aba'y dalawang taon ka na namin na hindi nakakasama, ah... Nakalimutan mo na yata kami."

"N-Nanay..." Imbit akong napaiyak dahil sa mga sinabi ni Nanay.

I'm guilty for abandoning them.

Hindi porke't may-asawa na ako ay dapat ko na silang kalimutan.

I didn't keep my promise to them at iyon ang masakit sa akin.

Nangako ako sa kanila, matapos ng kasal namin na parati akong dadalaw pero hindi ko iyon natupad.

I was too busy with my married life. Idagdag pa na ako rin mismo ang umaasikaso sa negosyo ko.

"Umiiyak ka ba, anak? May problema ka ba?"

Umiling ako kahit hindi niya ako nakikita. Pinunasan ko ang mga luha ko at kinalma ko ang sarili ko.

Suminghot ako bago ko sinagot si Nanay. "A-ayos lang ako, Nanay. Na-miss ko lang kayo kaya nang marinig ko ang b-boses mo ay napaiyak ako."

"Hindi ka ba nagsisinungaling? Sigurado bang hindi ka sinasaktan ng asawa mo?"

Sa ikalawang pagkakataon ay naging matindi uli ang pag-iling ko.

"Hindi po, Nanay. Kahit isang beses ay hindi ako pinagbuhatan ng kamay ng asawa ko. Mahal namin ang isa't-isa kaya malabong mangyari iyon." Napalingon ako kay Nana Marina nang tawagin niya ako. Itinaas ko ang kaliwang kamay ko para sabihin na sandali lang. "Nay, tatawagan ko kayo mamaya, okay? May balita rin kasi ako sa inyo ni Tatay. May kailangan lang akong gawin."

"Oh, siya sige. Hihintayin namin ng tatay mo ang tawag mo, ano?"

"Opo, Nay..."

Matapos naming makapagpaalam na dalawa ay lumapit na ako kay Nanay Marina.

"Ito na po ba lahat?" Sa kabila ng pag-iyak ko dahil sa pakikpag-usap sa magulang ko ay napangiti ako nang makita ko ang nakapatong sa lamesa.

"Oo, hija. Sigurado ka ba na iyan na lahat ng kailangan mo?"

"Opo."

"Sige. Asikasuhin mo na ang niluluto mo para sa asawa mo at kami na ang bahalang mag-ayos ng mga ito."

"Ayos lang po ba?"

"Ano ba na batang iri? Aba'y oo naman." Hinawakan ako ni Nana Marina sa tiyan ko bago hinagod ang ang braso ko. She genuinely smiled at me. "Masaya ako para sa inyo ng asawa mo, hija. Mabuti naman at matapos ng mahabang taon at magkakaroon ulit ako ng pagkakataon na mag-alaga ng bata. Naku! Mas exited pa nga yata ako sa iyo."

Tanging si Nana Marina lang ang sinabihan ko na buntis ako. Mula pa kanina ay hindi niya ako tinantanan. Ayaw na nga akong pakilusin pero nakiusap akong ako na ang magluluto ng paborito na pagkain ni Tranz which is bulalo.

"Oh, siya. Kami na ang bahala sa mga rosas na 'to. Hayaan mong ipakita ko sa iyo kung paano ko inakit noon ang Nonong Carding mo." Napahagikhik pa si Nana Marina kaya natawa na rin ako dahil sa kakulitan niya.

Ang mga sumunod na oras ay naging mabagal lalo pa at may hinihintay ako. Tapos na akong makapagluto ng mga pagkain na hilig ng asawa ko.

I rest a bit bago umakyat sa kwarto ko at naligo.

Isinuot ko ang kulay pulang gown na ibinigay sa akin ni Tranz last week. Pinarisan ko iyon ng pearl necklace na binili ko naman noong isang araw.

At dahil espesyal ang araw na 'to ay inilabas ko ang kulay red na sexy lingerie na binili ko. Halos malula pa ako sa presyo pero dahil anniversary nga namin ng asawa ko ay gumastos ako para maging kaakit-akit ako sa paningin niya ngayong gabi.

Inilatag ko ang lingerie sa kama bago pinasadahan ng isa pang tingin ang kabuuan ko bago bumaba.

Nang makababa ako ay naglakad ako papunta sa pavilion.

Napangiti ako nang makita ang mga traces ng bulaklak na nasa pathway papunta sa naturang lugar.

Nang makarating ay ako sa mismong pavilion ay humalimuyak na kaagad ang bango ng pinagsama-sama na mga bulaklak.

Sa loob ng pavilion ay naroon ang lamesa na mayroong kandila at champaign.

Sa palibot naman ng lugar ay may mga nakadesinyo na mga bulaklak katulad ng lily, baby's breathe at iba't-ibang kulay ng mga roses.

Simple pero elegante ang pagkakadesinyo ng lugar.

Sa taas, sa tapat ng lamesa ay ang mga dangling flowers at mga maliliit na bumbilya. Korteng bilog ang pagkakadesinyo ng mga bulalak at bumbilya at sa gitna niyon ay ang kulay pulang laso na may nakasabit na white card.

I opened the card at pinasadahan ng mga daliri ko ang naka-embossed na mga letra.

You're a daddy now, Tranz!

We love you, daddy! Always and forever...

Pinunasan ko ang luhang kumawala sa akin.

I'm happy and I can't contain my happiness right now.

Excited akong makita ang reaksyon ng lalaking pinakamamahal ko.

Pabalik na ako sa bahay nang tumunog ang cell phone ko.

Si Nanay, tumatawag.

Sinagot ko iyon at nakipagkwentuhan sa kanilang dalawa.

Nasa kalagitnaan na kami ng pag-uusap nang may itanong si Tatay sanhi para matigilan ako.

"A-ano po i-iyon, Tatay?"

Ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko at ang tila ugong na naiwan sa tainga ko ay sapat na para manghina ako.

"Nagkita na raw ba kayo ni Lily, tanong ng Tatay mo."

Nanlalaki ang mga mata ko kasabay ng panginginig ng buong katawan ko.

"N-nandito p-po si Lily sa Maynila?" Halos hindi ko maibuka ang bibig ko sa sobrang tensyon.

What is wrong with me?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status