Share

Woundead Heart  (Tagalog)
Woundead Heart (Tagalog)
Author: Inkfusion

Chapter 1

Isang malakas na kalabog sa aking kwarto ang bumulabog ng malakas, ngunit hindi ko muna iminulat ang aking mga mata dahil nakiramdam muna ako. Nakatalukbong pa ang buo kong katawan sa malambot na kumot. 

Bumukas ang pinto ng malakas kasabay ng boses na nanggaling doon, "Happy birthday, tanders!" bati sa akin ng aking kapatid. Kahit hindi ko imulat ang mga mata ko ay kilalang-kilala ko ang boses na iyon. Siya lamang ang tanging maingay sa aming lahat, lalo na kung sasapit ang aking kaarawan.

Napa kurap-kurap naman ako nang medyo makabawi na. Inayos ang aking magulong buhok na kita sa salamin, sa aking paanan ay salamin na malaki. Hindi naman ako natatakot sa sarili kong itsura dahil alam kong maganda talaga ako.

Sinulyapan ko ang aking kapatid na may hawak na  cake at  may naka sulat na "Tanders @30" May maliit rin siyang banner, naka sabit sa ilalaim ng lagayan nang cake. Naka print roon ay picture ko noong kinder pa lamang ako. Gupit lalake at may hati sa gitna, na nag sisilbing bangs.  Festival iyo namin noon, mahilig na talaga ako sumali sa mga pasayaw. Kasama ang pinsan kong si Jena. Required din sa school  namin iyon na sumali.Ngayon ay nagsisisi ako kung bakit hindi ko tinago ang mga litrato na iyon bago sumapit ang kaarawan ko.

Ito agad ang bumungad sa akin ng maayos ko ang aking sarili. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa pakulo niya. Sadiyang  wala talaga siyang naidulot sa akin na maganda. Kung ako ang tatanungin, maganda talaga ako. Itong kapatid ko lang talaga ay mukhang kuwago. It’s very questionable, saan kaya siya ipinag lihi ni Mama? Kasi hindi rin masagot ni Mama ang mga tanong ko. 

"Ang epal mo talaga kahit 'no!? Porket nauna kang mag asawa sa akin hindi mo na ako nirespeto!" sigaw ko sa kaniya dahil sa inis. Tuwang-tuwa naman siya dahil naka puntos na naman siya sa akin. Trip talaga ako nitong asarin. Ang sarap niyang itakwil bilang kapatid. 

"Chill lang tands, baka sa susunod na birthday mo deads kana." natatawang sabi niya ng makalapit ito sa akin. Ihinilamos niya sa mukha ko ang cake na dala niya, dahilan para lalo akong mahimasmasan mula sa mahabang pag tulog dahil sa ginawa niya. Bruha talaga itong babae na ito, nakakainis at  wala na siyang matinong ginawa sa buhay ko kundi ang guluhin ako. Ang gandang salubong sa birthday ko. Grabe lang, nakakatuwa!

Hindi pa mag sink-in sa isipan ako ang ginawa niya dahil nahihilo pa ako na pati utak ko ay naalog sa ginawa niyang paghilamos sa mukha kng maganda. Nang makabawi ay inirapan ko siya. Pinag tatanggal  ko ang pira-pirasong cake sa mukha ko at binato sa kaniya iyon. Ang iba ay nasa higaan ko, nagkalat. Ang bedsheet ay tila ba dinaanan ng matinding bagyo. Inilibot ko ang aking paningin, nagkaroon mantsa ang magaganda kong painting. Gusto ko siyang baliktarin sa sobrang inis.

"P****k ka!" sabi ko, at hinabol siya. Wala talaga siyang ibang ginawa kundi bwesitin ako sa kaarawan ko. Akala mo 7 years old kung umasta. Nakapa isip bata! Nag asawa na lahat-lahat ay ganoon pa rin ka isip bata.

Nang hahabulin ko siya ay sumabit pa ang short ko sa door knob, dahilan para mapahinto ako sa pag habol sa kaniya.  Tawa siya nang tawa sa kaniyang kalokohang ginawa habang ako ay inis na inis na.Bakas pa rin sa mukha ko ang inis na hindi maipinta sa kahit anong canvas.

"Ma, si Annie. Hinilamos niya sa mukha ko 'yong cake!" Sigaw ko mula sa kwarto habang hinahaplos ang parte ng aking hita. Namaga ito nang ganoon kabilis at nataranta ako. Nag laglagan na rin ang butil ng cake sa mukha ko. Ang lagkit ko na, kainis  talaga! 

"Hindi ka pa ba naman nasanay sa kapatid mo?'' palagi naman ganiyan. Hindi ka pa ba nasanay, Syd. Kumalma ka at kaarawan mo ngayon,  ''Mag ayos kana at alas dyes na oh! Darating na 'yong mga kapatid mong may mga asawa." makahulugang sabi ni Mama. Ewan ko ba sa magulang ko.

"Ma, naman! Bakit ba ang big deal sa inyo ang pag aasawa!?" inis kong sabi habang papunta sa banyo at mag hihimalos.

Mayroon pang sabon ang buo kong mukha at saka sumilip sa kusina. Naroon si Mama na tila abala sa kaniyang mga ginagawa. Pero bukambibig niya pa rin ang pangaralan ako at pangunahan kung kalian ako mag-aasawa. Si Mama talaga, napaka ano. Madami na nga siyang apo sa mga kapatid ko, ako pa rin inaalala. I can take care of myself naman e, saka hindi ko kailangan ng makakasama sa buhay. I want to be a rich Tita in the future. Tamang bigay lamang ng mga regalo sa mga pamangkin. 

"Sa angkan natin ay ikaw lang ang kauna-unahang Marquez na walang asawa o kung balak mo pang mag asawa." aniya. Pinunasan niya ang kaniyang noo dahil sa pawis. Nakapa meywag na ako sa labas ng pinto habang pinagmamasdan sila ni manang.

"Ay grabe ka naman Ma..." nagkunwari na may pag tatampo sa boses ko. Kinukuskos ko pa rin ang mukha ko gamit ang aking palad. Ayokong maging malagkit ang mukha ko dahil ito na nga lang ang puhunan ko.

"Sabi nga ni Lola Pasing mo, kapag may isang miyembro ng pamilya na hindi pa nag asawa, tiyak pati mga pamangkin at mga pinsan ay gagaya na rin. Ang dapat ay simulan nang putulin ito," makahulugang sabi niya.

"Nasa 21st century na kaya tayo Ma, naniniwala ka pa rin hanggang ngayon?" tanong ko. Nang matapos sa pag himalos ay lumabas na ako mula sa banyo.

"Bakit hindi na lang si Mang Kanor, total gwapo naman 'yon kahit matanda na. May asim pa. Walang asawa at anak, " suhestiyon ni Mama.

"Ayoko niyan Ma, nakakadiri ka naman!" wika ko. Kung anu-ano pa ang mga pinagsasabi ni Mama. Hindi na nahiya sa mga kapit-bahay. Ako na ang nahihiya para sa kaniya sa lakas ng boses niya.

"Bibig mo, bruha ka!" Sigaw nya.

Napailing na lamang ako sa mga sinasabi ni mama. Nagtungi ako sa aking kuwarto at niligpit ko muna ang higaan at saka nag bihis dahil darating ang mga kapatid ko. Tanging ako na lang ang kasama ni Mama sa bahay dahil ang mga kapatid ko ay nag sipag asawa na ang mga ito sa edad na bente singko. Wala naman masama doon dahil stable naman na ang mga ito at nakapag tapos na sa pag aaral. 

Si Papa naman ay nasa abroad at wala pang balak na umuwi. Usapan namin na hanggat hindi pa ako mag aasawa ay hindi siya uuwi. Gawa-gawa niyang kundisyon hindi ko alam pero ang weird ng family namin sa totoo lang.  Pakiramdam ko ay kasalanan ko kung bakit ayaw niyang umuwi. Gayong ang gusto lamang namin ay makasama siya sa kaarawan ko.

I help my mother to prepare the ingredients for her recipes after I cleaned my room. Naging abala kaming tatlo nila manang sa pag luluto at hindi na namalayan ang oras. Mula sa kusina ay rinig na rinig ko na ang boses ng aking mga pamangkin sumisigaw mula sa pintuan. Malaki ang bahay pero rinig pa rin ang boses na nanggagaling sa sala. Bago makarating sa kusina ay may pinto papasok sa kusina.

"Hello dear, old hag! How are you?!" Napalingon kaming lahat kay Richelle.  Ang bunso naming kapatid. Mayroon na siyang dalawang anak at ang isa ay naroon sa ama nito.

"Shut up! Ito buhay pa naman at pinapamukha lang naman ng mahal na reyna na wala pa akong asawa."Irap ko sabay tingin kay Mama. Ngumiwi naman si mama sa akin. Para kaming mag kaibigan ni Mama kung mag usap. 

"Well, may solusyon ako dyan, " aniya. Nakapa meywang ito at ang isang kamay ay naka tukod lamesa kung saan nakalagay ang mga rekados.  

"Ano na naman na 'yon?  Taon-taon mo ng ginagawa sa 'kin 'yan." reklamo ko.

"Nah. This time it will work.’’ Ano na naman kaya naisip niya ''Saka haler, nagtanong-tanong kaya ako sa mga ka trabaho ko, " proud na sabi niya.

"Ayoko na mag tiwala sa 'yo at baka mamaya mamatay na ako ng wala sa oras. Wala rin akong balak mag asawa, " diretsahan kong sabi.

I remembered when she set me up with her colleague, muntikan pa akong atakihin sa puso dahil may asawa pala iyong lalake na ka-trabaho niya sa opisina habang nag part  time siya.  Sinugod kami ng asawa ng lalake na ka-date ko kuno. Mys sister didn’t even know that guy are aleady married and had a kid. Mula noon ay hindi na ako nagtiwala pa sa kapatid kong ito.

"Ikaw rin, aniya. Tila ba may pang aasar sa tono ng kaniya boses.

"Hindi bale, itong pamangkin ko rin ay itutulad ko sa'kin.’’ Ibinabiling ko ang tingin sa anak niya  "Oh, 'di ba para hindi ako nag iisa, "Kinarga ang anak niya.

"Gaga ka. Subukan mo at nang makatay kita, "banta niya at dinuro ang kutsilyo sa akin. Ang bilis talaga ng kamay nitong bruha na ito.

"Baby, gagaya ka kay tita, huh? Na hanggang trenta ay hindi ka mag aasawa. Para hindi ako nag iisa. 'Di ba love mo si tita Sydey?" panghihingi ko ng simpatya habang karga-karga  pa ito.

"O-Opo tita, Daine, " sagot naman ng pamangkin ko kahit hirap na hirao ito magsalita ng tuwid.

"Aray ko naman!" sigaw ko ng bigla akong binatukan ng magaling kong kapatid. I didn't see that coming. Nakaka inis kasi. Ako ang panganay, hindi na ako nirespeto.

"Huwag mong idamay ang anak ko, bruha ka! Halika dito, Monique. Huwag kang mag papaniwala sa Tita mong gurang, " Hinila niya ang anak sa akin. Tumatawa lamang ang pamangkin ko na walang muwang sa mga pnagsasabi ng Nanay niya. 

Nang mag tanghalian ay sa akin na naman ang buong atensyon ng pamilya ko at pati na rin mga kaibigan ko. Minsan napapa isip ako kung pamilya ko nga ba sila dahil sapilitan na akong tinutulak para mag asawa. Para bang gustong-gusto na nila akong palayasin sa bahay na ito.

Marami pa akong gustong gawin sa buhay at gusto ko muna mag enjoy habang dalaga pa. Hindi pa nga ako magaling sa larangan ng fashion designer. I want to learn more. Sometimes it crossed in my mind, asking why the heck I'm not married. Lahat ng batch mates ko ay may mga asawa't anak na. Ako, ito halos singkwenta na 'yong mga inaanak kasama na 'yong sa mga kapatid ko. Maganda naman at matalino ako, Lord, saan ba ako nagkulang?

Tipid na ngiti na lang ang tanging nagawa sa harap nila. Sila ay masaya kasama ang kani-kanilang pamilya. I just want to be practical considering that we had a biggest population. Sa Pilipinas palang ay halos mag hirap na ang mga tao dahil sa dami ng mga bata sa iisang pamilya. Maraming mga batang kalye dahil sa hindi na kaya ng magulang na magpa kain sa mga ito. O 'di kaya ay maagang nag sipag asawa, inabuso at hindi tanggap ang bunga.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok shop para mag ayos ng mga garments at mag inventory. I owned a small boutique shop where I spend most of my time. Sarili kong disenyo ang binebenta ko sa mga kliyente ko. Umaabot na rin ito sa ibang bansa dahil nagustuhan ng isang dayuhan ang gawa ko. She even recommends it to her friends and her friends’ families. Pero syempre iba pa rin talaga kapag hollywood actors/actress ang naka kilala sa akin. Malaki rin ang kinikita ko dahil bigating tao ang mga iyon. They wanted a customized; I gave them what they want. Kaya mabilis lang lumago ang Negosyo ko.

That it was so stressful at the same time. They were looking for something they haven't seen of wear. I'm so thankful that I have my friends who helped me to discover new ideas. After all, hindi ko rin magagawa ito kung wala sila.  Bukod sa family ko na halos burauhtin nila ang Negosyo ko. 

Nabaling ang aking atensyon sa aking staff na papalapit sa gawi ko. "Ma'am, si Ms. Dela Vega ay nagpa sukat siya kahapon at babalik na lang daw sya today dahil gusto niya raw kayong maka usap," wika nya. Umalis naman kaagad ito. 

"Ah, okay. Sige ate salamat, "nag tungo muna ako sa sarili kong opisina dahil may pipirmahan pa akong kontrata sa isang sikat na clothing line dito sa Pilipinas. Balak nilang kumuha ng partnership sa akin. 

It is a wonderful opportunity for me to expand my business. Balak ko na rin kasing mag tayo ng isa pang shop at palaguin ito. Dumarami na rin kasi ang aking mga inaanak. Yes, inaanak to be exact.  Nakapag tayo na rin naman ako ng sariling bahay at naka bili ng lupa na malapit lang din kila Mama. Hindi pa ako puwedeng lumipat dahil walang kasama si Mama. Minsan ay binibisita ko rin naman 'yon kapag wala akong pasok sa shop.

Meron na rin akong SSS, PAG-IBIG at iba pang health insurance kung sakaling mawala ako sa mundo. At least my parents wouldn't worry about expenses. Hindi rin naman ako jowang-jowa talaga. Pero nakakamiss ang ma in love sa totoo lamang. 

Nakarinig naman ako ng katok sa aking opisina at dali-dali ko naman itong pinag buksan."Ma'am, andito na po si Ms.Dela Vega." sabi ng staff. 

"Sige ate. Tell her to wait for seconds. May aayusin lang ako," Kaagad ay iniwan na ang opisina.

Pagka tapos kung basahin ang kontrata ay pinirmahan ko na agad ito saka lumabas. Nasa couch naman ang kliyente at nag hihintay. Isang magandang babae ang bumungad sa akin ng makalabas ako sa aking opisina. Nilapitan ko ito at napatayo siya. "You are Ms. Dela Vega, right?" pag kompirma ko.

"Yes. So, puwede ko na bang makita ulit 'yong pinagawa ko?" nag aalangang tanong niya. 

"Yes. Ready na siya for fitting. Gusto mo raw akong maka usap?" 

"Ah, yeah. Puwede bang gawing elegante ang wedding gown ko? 'yon kasi nag gusto ng fiancé ko," may bahid ng kung ano sa kaniyang mga mata na hindi ko maipaliwanag.

"Of course. Costumer is always right." Naka ngiti kong sabi.

"Thank you." 

She has to be happy on her wedding day but I can see the sadness in her eyes. Hindi ito tulad ng mga kliyente ko na sobra ang sayang nararamdaman sa tuwing isusukat na ang kanilang wedding gown.  She deserves genuine happiness.. She's a good-looking woman. I knew her parents. They are working in politics. Marami na rin silang natulungan dahil sa galing at talinong taglay ng mga ito.

"Here. What do you think?" pukaw ko sa kaniyang atensyon. Tila napaka lalim ng kaniyang iniisip. Pinakita ko ang ibang designs na nagustuhan ko rin. A famous designer in the Philippines inspired it.

"I like it. Do you think he will like it?"

"I'm sure he would love that gown for you, " simpleng sagot ko sa kaniya.

Ngumiti ako at iginaya sya sa dressing room para sukatin ang gown. At para idagdag ang napili niyang designs.  Tumagal rin ng limang oras ang pag tatahi. Nang matapos ay nilapitan ko sya at ipinakita ang bagong disenyo. Bakas sa mukha ang pag aalinlangan, ngunit kinuha niya rin ito.

Pag labas sa dressing room ay mas lalong tumingkad ang kaniyang ganda. Ang maaalon niyang buhok ay mas lalong nag bigay sa buhay suot nyang gown. Bagay ito sa desinyong napili nya. Hindi pa rin naka takas ang malulungkot na mata sa tuwing  susulyapan ko ito. Para bang may bigat itong pinag dadaanan.

"I wish you a fortunate marriage, " wala sa sariling bati ko.

Pilit naman itong ngumiti sa akin at huminto."Have you ever love someone who's been there ever since; yet, you end up loving him because he was there. Knowing that you are in love with someone else. And that someone else aslo hurt your feelings..."aniya. Ngumiti ito ng may pait. 

Batid ko na ngayon kung bakit may lungkot ang kaniyang mga mata. I didn't get any chance to talk to her again because she leaves me behind. Naiwan naman akong tulala sa kanyang tinuran. Hindi ko lubos maisip na may ganitong tao pala. Na kayang isakripisyo ang kaligayahan para lang sa taong mahal sila, kesa sa taong tinitibok nang kanilang puso.

Nang maka alis ay hindi mawala sa akin ang binitawan niyang salita.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status