Share

Chapter 03

3. Stay with me

I sighed when it's finally time for the first subject. Normal na school pa din naman pala ito since may schedule kami and the curriculum is almost the same with my previous school. Less the power.

Pagtapak ko sa classroom ay natahimik sila. Akala ba nila gusto ko silang makasama? Well, the feeling is mutual..

"Scarrlet!" tawag sa akin ni Jana.

So easily, with harsh words

You put scars in my heart

Without even saying sorry

Again, I'm comforting myself

Pero hindi ko siya tiningnan at nagdirediretso na sa dulo kung saan may dalawang upuan lang. Wala pa yata kaming sampo dito.

Nasa may tabi ng bintana ang napili ko. Pagkalapag ng gamit ay agad akong sumubsob sa desk. Wala akong planong makipag usap sa kanila.

Hanggat maaari, ayaw kong makipag ayos o makipagkaibigan sa kahit na sino dito.

"Scarrlet... Scarr.."

"Tsk! What is your problem?"

Natigilan si Jana at sandaling hindi nakapagsalita.

Always nervous

If you're gonna leave me

I just want you to stay

"What the hell is wrong with you? Nasa teritoryo ka namin kaya makisama ka ng maayos!"

I just grinned when the girl with pony-tail butt in.

"Sinabi ko ba na pakisamahan niyo ako? I don't like to be here, I don't like this place or rather your faces so would you just get lost and not get into my way?"

That's the longest sentence I made, right?

In your expressionless face

That's getting more and more dull

I whisper to the mirror

Let's slowly let this go

You take me for granted

But that's you

Sumama ang tingin sa akin ng iba pa nilang kasama. So it's seven versus one? Feisty.

"That's enough." someone's voice boomed over the place nang naghahanda na silang sugurin ako.

Pinanatili ko ang paghalukipkip habang nakatingin sa kanila nang nakataas ang kilay.

Natigil silang lahat dahil sa lalaking dumating. Parang naging maaamong tupa na kanina lang ay mga leon na handang sumugod.

But still stay, stay, stay with me

This sad melody resembles you

It makes me cry eh eh

Your scent is a sweet felony

I hate you so much but I love you

"Your attitude won't save you in this kind of world, newbie."

His voice is stern and cold, as well as his gold eyes. Pero hindi ang mga iyan ang magpapatinag sa akin.

"Then tell your troops to get away from me and we'll be okay." sabi ko lang at sumubsob na ulit sa upuan ko.

Ramdam ko ang matatalim na tingin nila but no one dared to speak.

"Go back to your seats."

Rinig kong utos ng lalaking iyon. So I guess he's the leader of the troops, huh?

Before the dark night traps me in

Don't leave me

Do you still love me?

If you feel the same

"Himala, Steve. Bakit ka pumasok?"

Gossips and men.

"Bakit ka ba nangengealam? Hayaan mo siya." I heard Jana's voice.

Hindi ba darating ang professor namin? Boredom is killing me and I just want to get away from them.

Hindi dahil natatakot ako, kundi dahil nakokonsensya ako.

I know I'm being a brat pero hindi ko alam kung paano ko sila papakisamahan. Hindi ko alam kung dapat ba akong makipagkaibigan.

Don't leave today

Don't ask why it has to be you

Just stay with me

Dahil ang gusto ko lang ay ang makaalis dito. Pero kung mabibigyan ako ng dahilan to stay, mahihirapan ako.

Biglang umihip ang hangin, ramdam kong may tumabi sa akin.

Napalunok ako when I felt the same unbearable feeling I had before.

Before?

Tama! Sumakit ang birthmark ko habang nasa biyahe kami. Mabilis akong tumayo na nakapagpabigla sa kanila.

Wala pa din ang prof kaya malaya akong makakalabas. But before I can even get my things, napaupo ako sa sahig.

"Scarrlet!"

"F-fuck.."

I don't expect a lot right now

Just stay with me

There's nothing more I want now

I can't even tell if my heart is beating

Ang sakit ng birthmark ko! Napalunok ako.

Alam kong pinalibutan nila ako.

The pain is unbearable!

Pinagpapawisan ako ng malamig. I know this feeling pero bakit?

Bakit ang sakit ng balat ko?

Napalunok ako and I tried to stand up.

"Will you tell us what's happening? Damn it!"

Napamaang ako sa galit niyang mga mata. Those golden orbs. Kahit ang mga nakapalibot sa amin ay natigilan sa ipinapakita niya.

Rather than forceful conversation with others

I'd rather be in awkward silence with you

So stay, wherever that may be

I almost stumbled again but he's fast to catch me.

"Scarrlet! Tell us what's happening!"

Jana's worried voice lingers on my mind. Sa kabila ng ipinapakita ko sa kanila ay nagagawa pa din nilang mag alala.

"C'mon, newbie. Ang tapang mo kanina, why are you like that now?"

Gigil na ang boses ng lalaking kaharap ko.

I can't understand. Bakit sila ganito?

Parang sinusunog ang puso ko kasabay ng paghapdi muli ng birthmark ko.

"AARRRGGHHH!"

I cried and whimped..

Sometimes when darkness comes, I'll be your fire

In this world that is a lie, the only truth is you

This a letter from me to you

Before I lost my consciousness, their worried face registered on my mind.

May lumapat sa noo ko, and the pain was gone even before darkness consumed me.

"Why is her birthmark looks like that?"

I heard a voice say.

"Hindi ko din alam. Kakaiba ang kaniya. It looks like a yin-yang but instead of black and white, it's gold and red with an eye in the middle."

They sound familiar.

"Baka kumakawala na ang charm niya kaya nangyari ito. Galing siya sa mortal world, kaya siguro ganiyan ang reaksyon niya sa atin."

What are they talking about? Nasaan ako?

"She still can't accept why she was sent here. At siguro, mas mahirap para sa kaniya ang tanggapin lahat ng nakikita at nalalaman niya."

Ako ba ang pinag uusapan nila? Ano bang nangyari? I slowly move my hands and body.

This sad melody resembles you

It makes me cry eh eh

Your scent is a sweet felony

I hate you so much but I love you

"Pero mas nakakagulat si Steven. Ngayon ko lang siya nakitang magkaganon. Tapos simula ng dumating iyang si Scarrlet, nagkaron siya ng interes pumasok."

I opened my eyes but light consumed my sight kaya napapikit ako ulit sa pagkabigla.

"Let Steve be. Matanda na siya para malaman kung anong ginagawa niya."

When I think I'm ready enough, iminulat ko na ang mata ko nang tuluyan at gumalaw.

"T-tubig.."

They rushed to my side.

"Scarrlet! How are you feeling? May masakit pa ba?"

"T-tubig..."

My voice hoarsed and I felt my throat was dry.

Agad niya akong inabutan ng isang basong tubig.

There are three girls inside the room. The girl with high pony-tail, the one with wavy black and Jana.

"Gosh! Pinag alala mo kami." pahabol niya pa.

Nang maubos ko ang tubig ay umayos na ang lalamunan ko.

"What are you doing here? Nasaan ako?"

"Nasa clinic ka. You lost consciousness earlier."

Napatikom ang bibig ko ng mahigpit.

Before the dark night traps me in

Don't leave me

I should say the words, right?

But why I can't?

Narinig kong huminga sila ng malalim.

"Alam namin na ayaw mo sa amin, pero magpapakilala pa din kami." started the girl with wavy hair. "My name's Kaye Castillo. Air element's sidekick."

Tumikhim ang babaeng may high pony-tail. "I'm Kia Jans, earth element's sidekick."

Ngumiti sila na lalong nakapagpabigat sa dibdib ko.

"Huwag mo na ulit kaming pag aalalahanin ng ganoon, ha? Kapag may nararamdaman kang hindi maganda, sabihin mo agad sa amin. Huwag kang mahiya."

I stared at them. Why are they like this?

Bakit sa kabila ng ugali ko sa kanila, nagmamalasakit pa din sila?

Do you still love me?

If you feel the same

Don't leave today

Naramdaman kong hinawakan ni Jana ang kamay ko. Gusto kong tanggalin iyon dahil natatakot ako na baka bumigay, but her smile melt this ice inside me.

"We might not have any idea kung gaano kahirap para sayo ang mapunta dito, but we are all ready to help you. It's not that easy to cope up and bring your walls down, but letting us to do that is already a big thing to start."

I pursed my lips.

Should I?

Tiningnan ko sila isa isa. I never had a friend before.

Nakakadala kasi na maplastic at saksakin patalikod.

Yes, I experienced that too inspite of my facades.

But, there's no harm in trying, right?

At least I did.

Lumunok ako bago ngumiti.

A smile I never thought I could show dahil ngisi at ismid lang ang alam ko.

Nabigla naman sila.

I pressed Jana's hand and genuinely look at them.

"Thank you." There, I finally said it.

Don't ask why it has to be you

Just stay with me

I was stunned when they hug me.

"I-I can't--"

"Hoy! Baka maipit siya."

They giggled as the boys came in.

Wala naman sigurong masama sa ginawa ko, hindi ba?

I don't expect a lot right now

Just stay with me

Kahit pa mahirapan na akong umalis dito, alam kong hindi ako magsisisi sa ginawa ko. All I want now, is to stay with them.

"Hoy, hoy! Baka naman maipit siya."

Humiwalay sa akin ang tatlong babae na may malalaking ngiti sa labi. Hindi ko inaasahan na gagaan ang loob ko habang nakatingin sa mga ngiting iyon.

Lumapit sa amin ang limang lalaki, kasama iyong leader nila kuno.

"Okay ka na ba?" pagtatanong ng lalaking may blue eyes.

Tumango naman ako. Inilapag nila sa side table ang hawak na plastic at napansin kong pagkain pala iyon.

Nakatingin lang sila sa akin na parang pinapakiramdaman kung okay lang bang nandito sila.

"Hindi ba kayo magpapakilala?" ako na ang nagkusa.

Baka kasi akala nila ay hindi pa din ako maayos sa kanila. Pero dahil sa pinapakita nila, mas natutunaw ang yelo na nakabalot sa puso ko. This place is not that bad afterall.

Nagkatinginan naman sila at ngumiti ang mga babae bago tumango.

Naunang lumapit iyong may blonde na buhok at blue eyes. "My name is Ice Davidson. Air elementalist and kapatid ko ang Headmaster."

"Ako si Royce Ohara, magandang binibini."

Pagsingit ng lalaking may brown na buhok at green na mata. Nakatanggap siya ng pambabatok sa mga katabi niya.

"Huwag mong isali si Scarrlet sa kalokohan mo." Pang iirap dito ni Jana. I smiled a bit with that. Magaan pala silang kasama.

"I'm Jayvee Arellano, fire element's sidekick." he has this good boy yet, arrogant vibes.

"I'm Lorenzo Espinoza, water element's sidekick." This guy is the easiest to be with, I guess. Magaan ang loob ko sa kaniya.

Nagkatinginan sila at sabay-sabay kaming napalingon sa lalaking nasa isang tabi lang at nanunuod sa amin.

I tilted my head.

"Ikaw?" I asked.

Umirap lang siya at lumabas. Oh, so may attitude din?

I heard them sighed.

"Hayaan mo na siya, sadyang ganiyan ang lalaking iyan. He's Steven Stanford. Fire elementalist and currently the top student of Magical Royalty Academy."

Tumango tango ako.

"Pwede ka na daw lumabas sabi ng healer. Hindi na ba masama ang pakiramdam mo?"

"Hindi na."

Halatang may gusto silang itanong pero pinipigilan nila ang sarili nila.

I just shrugged it off. May panahon naman para sa 'getting-to-know-each-other' stuffs, at konti na lang siguro ay magiging kumportable din ako sa kanila.

Huwag biglaan..

Sama sama kami paglabas. Hindi ko na din nakain iyong pagkain na dala nila, sa halip ay sa cafeteria na lang kami didiretso. Halos dalawang oras daw ako walang malay, kaya lunch time na ngayong nagising ako.

"Ako na." nahihiyang pag ako ko sa ginagawang pag aayos ni Jana sa pagkain ko.

Okay, hindi ko ugaling mahiya pero hindi ako kumportable kapag nagpapakita ng kabaitan ang mga nakapaligid sa akin. Nakokonsensya kasi ako kapag pinapairal ko ang ugali ko sa kanila..

But she just smiled at me and  continued what she is doing.

"It's okay. Ngayon lang kita nakitang ngumiti, so reward mo na ito. Also, baka sumama ulit ang pakiramdam mo kapag masyado kang nagkikikilos."

Umupo siya sa tabi ko pagkatapos. Kulang na lang yata ay subuan niya ako.

"Scarrlet, okay lang ba kung magtatanong kami?"

Natigil ako sa pagnguya nang puno ng curiousity ang mga mata nila habang nakatingin sa akin. Ang boys ay nagpunta sa counter para bumili ng pagkain.

Well, hindi siya actually binibili dahil ang eskwelahan ang may sagot sa lahat.

"Fired up." I said instead.

Hindi ko din alam kung saan ako kukuha ng maiisagot sa kanila, but I will try.

Bago pa makapagsalita si Kaye, dumating na ang boys. Napabuntong hininga ako, mukhang madami dami ang sasagutin kong tanong ngayon ah.

"Ngayon lang kasi kami nakakita ng birthmark na katulad ng sayo, alam mo na ba kung ano ang charm mo?"

Napaisip ako. Ni hindi ko nga alam kung mayroon ako no'n.

Umiling ako at uminom muna ng tubig bago sumagot.

"Hindi ko alam. Hindi ko din alam kung mayro'n ba akong charm. Basta ang alam ko lang, bigla biglang sumasakit ang birthmark ko."

Tumango tango sila. Ramdam ko ang tingin ng mga nasa mesa namin sa akin. Hindi man sila nagsasalita pero alam kong may kaniya-kaniya silang mga tanong sa isipan.

"The night before I was sent here, nasa biyahe kami because my parents will send me to my grandfather somewhere in Northern Luzon. Masyado kasi akong naging pasaway kaya gano'n. But it's weird that while on our way, may nakasalubong kaming matanda. Not actually nakasalubong, but nakatigil siya sa gilid ng kalsada kung saan kami dadaan. Nang makatapat ko siya, I was surprised that she seemed to see me inspite of the tinted glass windows of our car then she mouthed something na parang 'Malapit na' ang sinabi niya."

I never thought magagamit ko ng ganito ang laway ko. It feels right, though.

Taimtim naman silang nakikinig sa akin.

"Right after malampasan namin siya, something inside seemed to burned up. Sumakit ang birthmark ko. Tumigil kami sandali para tingnan ng parents ko kung anong nangyayari sakin and I had a glimpse of the full moon. Habang lumalakas ang sinag ng buwan ay mas lalong sumisidhi ang sakit. What confuses me is the looks on my parents' face when they saw my birthmark. Then nawalan ako ng malay noon, katulad ng pagkawala ko ng malay kanina. Pero ang nakakapagtaka din ay ang sinabi ni Headmaster na gising daw ako nang pumunta kami dito. He said that my parents' asked me infront of him if I am willing to study here at nakausap niya pa ako."

Huminga muna ako bago ulit magsalita. Tila napunta naman sila sa malalim na pag iisip.

"Pero sa kabila ng sinabi ni Headmaster, may sulat na iniwan ang mommy ko sa akin. Ang tanong ko lang, bakit niya pa kailangang iwanan ang sulat na iyon at ipaliwanag lahat kung nagkausap kami bago sila umalis ni Daddy?"

"Hypnotism.."

I heard a voice said at my back. Napalingon kaming lahat sa kaniya. I almost hitched my breath when he sits beside me.

Wala pa ding ekspresyon ang mukha niya. Pero nakatingin siya sa akin ng diretso.

"Someone might've hypnotize you that's why you can't remember it."

Balewalang sabi niya.

"You mean, hinipnotize siya ng sarili niyang magulang, Prince?"

Prince? I thought his name is Steven?

"He's the Prince of Fire Kingdom." pagbulong sa akin ni Jana. Oh, so that explains.

"Yes, what does the letter told you?" he asked.

Nag isip pa ako kung kailangan ko pa bang sabihin iyon. I think it's just a personal thing already.

Napansin naman niya na hindi ko iyon masasagot kung kaya't nagkibit balikat siya.

"Well then, that's the only reason I can find why they left you the letter. Because they know you won't remember anything once you wake up. Use that letter to know why you are sent here."

Does it mean na nandito ang tunay kong magulang?

Is that the reason why they sent me here? For real?

"And try to let out your charm. Delikado kapag hinayaan mong makulong ang kapangyarihan mo sa loob, pwede kang mamatay. That's why your birthmark is continuously hurting."

T-that means I have a charm?

"Tutulungan ka namin na mapalabas ang charm mo, Scarr. Don't worry." Royce blurted out, sabay wink sa akin.

And that earned him punches again. Poor Royce...

But then, I'm so thankful for having them.

Napatingin ako kay Steven na nakataas ang gilid ng labi habang nakatingin sa mga nasa mesa namin na nagkukulitan, naramdaman niya yata na nakatingin ako kaya lumingon siya sa akin.

Napaiwas ako ng tingin and I felt my cheeks heated.

Am I fuxking blushing? Hell no!

*****

Marie Mendoza

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status