Share

Unseen Passion
Unseen Passion
Author: Sariyah

Prologue

"Ate, I should go. Baka ma late ako. Mom's not here. Bye! Take care later. " Llianne shouted outside my door. 

I did not mind to answer her because I can already hear her loud steps on the stairs. 

Hinay-hinay akong bumangon at lumapit sa bintanang natatakpan pa ng makapal na kurtina. Unti-unti ko itong hinawi upang maramdaman ang bagong panimula ng buhay. I closed my eyes to feel the warmth from the rays of the sun. 

Itinaas ko ang aking kamay at gamit ang aking palad ay tinakpan ko ang nakakasilaw na liwanag at muli kong iminulat ang aking mga mata. 

I smiled upon seeing these wonderful things. Sayang nga lang dahil ang taong nagbigay sa akin ng pangalawang pagkakataon para masilayan ang mga ito ay wala na sa tabi ko.

Napatingin ako sa asul na langit. Thinking and wondering if he's watching me from there.

"Dad, I miss you" I whispered trying to stop my tears from falling.

"Ma'am, kapag po kakain na kayo ay ipatawag niyo nalang po ako kay Bianca. Magdidilig lang ako ng halaman sa labas. " sigaw ni Nay Anna sa labas.

Matagal na siya nagtatrabaho sa amin at isa siya sa mga saksi sa mga dinanas ko. 

"Sige po nay. Maliligo lang po ako. Bababa na rin pagkatapos. Please tell kuya Alex na maaga po akong aalis ngayon kaya e ready nalang po niya ang sasakyan. " pasigaw kong sagot. 

"Sige, ma'am"

Nagdesisyon akong umalis na sa harap ng bintana at dumiretso na sa C.R para maligo at makapaghanda na para sa trabaho. 

Araw-araw kong ginagawa to pero ang kupad ko pa rin. Ramdam ko ang pagpatak ng tubig na nagmumula sa shower. Imbes na kumilos ay pinili kong pumikit at dinamdam muna ang lamig ng tubig na dumadampi sa aking balat.

I tried to reminisce the past which I have shared with them. I can still remember their faces. It's too vivid and unpredictable. I lost two important people in my life. The first one died and the other one left me. 

Sumabay ang aking mga luha sa rumaragasang tubig. Ilang taon na ang lumipas ngunit di ko pa rin siya makalimutan. It's been too long but our memories can't let me escape from missing him. 

Sobrang tagal na pero hindi ko pa rin kayang bitawan. Masakit pero hindi ko pa rin kayang makalimutan. 

Imbes na magtagal pa ay lumabas na rin ako sa c.r suot ang aking bathrobe. Dumiretso na ko sa walk-in-closet and I decided to a wear a turtleneck, midnight, blue dress just above my knee. Ang sleeves ay hanggang siko na may white ribbon sa dulo. I paired it with my blue bottom, Louis Vuitton heels na regalo pa ni mommy. 

Pagkatapos ay nagblower na rin ako ng buhok sa tapat ng vanity mirror at dressing table. Habang nagboblower ay namataan ko ang make-up sets na naka display sa harap ng salamin. 

Kapag mga ganitong panahon, hindi ko trip ang maglagay ng make-up, pero para na rin sa trabaho, napagdesisyunan ko'ng maglagay na lang. I put some concealer below my eyes to hide my eyebags. Ngayon ko lang ulit nakita 'yong pagmumukha ko.

"Talagang nasosobrahan na 'ko sa kakaisip sayo. Pumapangit na tuloy ako." I talked to myself.

I sighed heavily as I look to my reflection in the mirror. Napatawa ako sa sarili ko ng mahina. Itinuloy ko nalang ang pagsasagawa ng make-up para maka-alis na. Naglagay na rin ako ng light foundation then light-red lipstick para lang hindi ako magmukhang multo sa sobrang putla. I decided to tie my hair into a ponytail to emphasize the turtleneck dress that I'm wearing.

I smiled upon seeing myself in front of the mirror. My well defined face is aready visible. Kahit naka tali ang buhok ko, halata parin ang kahabaan nito. It reached my armpit and its soft curls are also visible. I have a brownish hair and brown eyes too. Nadepina pa ito lalo dahil sa mahahaba kong pilik-mata. 

Ngayon ko lang ulit na appreciate ang mukha ko. Kung hindi lang dahil sa eyebags ko siguro ay hindi na ako mamomroblema.

Kinuha ko ang paborito kong kate spade, blue shoulder bag. Inilagay ko ang cellphone ko at wallet pagkatapos ay nagsuot ako ng blue-chained na relo. Humarap ulit ako sa salamin to check my whole self.

There, I'm good to go. 

Lumabas na ako sa kwarto at bumaba. Kitang-kita ko ang mga katulong na nagtatrabaho sa paligid. 

"Good morning, ma'am." bati nila sa akin tuwing nadadaan ako sa harap nila. Ginagantihan ko lang ng ngiti ang bawat isa. 

Dumiretso ako sa pinto sa likod papuntang garden para tawagin si Nay Anna. Napangiti ako nang makita ko siyang pasayaw-sayaw pa habang nagdidilig. 

"Nay, kakain na po ako." tawag ko sa kaniya, just enough for her to hear me. 

"Hala ma'am. Sana pinasabi mo nalang kay Bianca. Nandoon naman siya sa sala ah. Dumiretso ka pa talaga dito." nag-aalalang sabi niya habang papalapit sa kinaroroonan ko. Napatawa na lamang ako sa reaksiyon niya

"Nay naman, ang lapit lang. Hindi naman ako lumpo at marunong ako magsalita no. Pagod na nga po sila e, dadagdagan ko pa?"

Nakita kong sumilay ang ngiti sa mga labi ni Nay Anna. Kumunot tuloy ang noo ko. 

"Ikaw talaga ma'am. Ang bait mo pa rin. Ibang-iba ka sa kapatid mong si Llianne"

"Nay, ilang beses ko bang sasabihin na wag ka na mag ma'am sa 'kin?" napairap ako "At tyaka hayaan mo nay, papagalitan ko si Llianne mamaya. Nagiging spoiled na e."

Tumawa na lamang kami ni Nay Anna habang nagkukwentuhan papuntang kusina. Simpleng pang almusal lang ang ipinaluto ko. 'Di naman kasi ako gutom. Bacon and egg lang then fried rice. 

"Mabubusog ka na ba nito? Tingnan mo nga, ang payat mo na" sita niya sa akin. Tumawa nalang ako.

"Nako nay, kaya ka di nakapag-asawa eh. Dami niyong alam. Kapag ako tumaba, iiyak kayo. 'Di na ko sexy" pagbibiro ko sa kaniya 

"Di naman ako nag-sisi na wala akong asawa ma'am. Masaya pa nga ako. Bonus pa na nakilala ko ang mga magulang mo. Nabigyan ako ng magandang trabaho at mababait na amo." may ngiting sagot ni nay Anna. 

"Ano ba nay. Naiiyak ako." pagbibiro ko ulit at sabay kaming tumawa. 

"Saan nga po pala si mommy? " 

"Ang sabi niya sa akin, gagabihin daw siya. Yung kuya mo kasi tumawag. Baka tungkol sa negosyo niyo sa Iloilo." 

Bigla akong natahimik nang marining ko ang lugar na iyon. 

"Naku pasensya na ma'am. Nakalimutan ko" natatarantang sabi ni nanay. Nginitian ko nalang siya. 

"Nay wala pong problema. Matagal na din naman 'yon. Deretso na po ako sa ospital. Pakisabi kay Llianne pag nakauwi siya, gagabihin ako. Hanggang 10 PM ang shift ko. Huwag niyo na po palabasin 'yon." sabi ko kay nay Anna habang inaayos ko ang mga gamit ko. 

Kinalimutan ko nalang muna ang pagbanggit niya sa lugar na gusto-gusto ko'ng kalimutan. Sa office ko nalang sa ospital ako mag totoothbrush, may C.R din naman dun. Napatingin ako sa relo na suot ko. Sobrang late ko na pala. 

"Sige ma'am. Tatawagin ko lang si Alex sa kabila." she said before rushing towards the backdoor. 

After a few more minutes, Kuya Alex arrived together with our car. 

Sumakay na agad ako sa sasakyan at sinabihan si Kuya Alex na bilisan. 

I was definitely nervous even though I do not know why. This is the first time that I feel so uncomfortable. I can clearly feel that something might happen.

Pagkarating ko sa tapat ng ospital na pinagtatrabahuan ko ay lumabas agad ako. Sa aming tatlo, I'm the only one who decided to study in this field. Isa akong Radiologic Technologist ngayon. 

Ewan ko ba, I just find this profession very close to my heart and maybe dahil na rin sa kaniya. 

Lahat ng juniors ko na nadadaanan ay yumuyuko sa akin. Dumiretso ako sa elevator at hindi na muna sila pinansin. 

No one dared to go inside with me. 'Di ko naman sila pinapagalitan. 'Di lang talaga ako namamansin kapag nandito ako. 

Na trauma na ko sa pagiging mabait ko dahil lahat ng pangako ay pinanghahawakan ko at pinaniniwalaan. 

Katulad ng pangako niya na hindi niya 'ko iiwan.

Kinuha ko ang cellphone ko sa aking dalang shoulder bag at nagtipa ng mensahe kay Alise. I'm pretty sure that she's also late. 

Nakayuko ako nang bumukas ang elavator sa tamang floor kung saan ang office ko. I was busy with my phone when I got out. My gaze was still on my phone when someone suddenly bumped me. I lost my balance but he suddenly pulled my waist.

The impact was so hard to the point that I literally lost my balance  Parang nabalian ako. Inis kong hinarap ang taong bumunggo at humila saakin. Grabe, pwede namang hawakan niya ako sa maingat na paraan para hindi ako mabalian. 

I was about to yell and curse him but when I saw his face, a sudden spin of my past towards this present I have now came raging. When I met his menacing eyes, the only thing that I can say is his name. 

"Ismael" I whispered after seeing him. 

I don't know if I should be happy or cry out of pain and longing. It's been 9 long years since we saw each other. 

Before I could say anything, I noticed the logo of this hospital just above the right portion of his white coat. When did he started working here? I thought he's in Iloilo? 

"Kilala mo pala ako?. Excuse me miss. I'm sorry, I have a lot of patients inside." he coldly said before letting me go. 

Dahil na rin sa kawalan ng lakas, natumba ako ng tuluyan. Seeing him like this makes our memories appear once again.

Those eyes, where I can't see familiarity anymore. That voice, which served to be a great melody for me in the past.The one that I can't forget the most. Some simple things that made my heart fluttered before and,--maybe 'till now. 

Ilang taon na ang lumipas ngunit sobrang linaw pa rin ng mga pangyayari. Buong akala ko, makakalimutan ko siya agad but it's too hard. Especially that he's been my strength for how many years. 

He's been my prince, my comfort, my home and the only person who constantly explained the meaning of love just by his existence. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status