Share

Chapter 3

"Sheneth, akala ko ba mag ta-transfer ka na sa school namin nina kuya?" 

Tanong ko sa pinsan namin na nag-aaral ngayon sa CCAM habang tinutulungan ko siya mag-ayos ng mga gamit sa kwarto niya. 

Saturday ngayon kaya nandito kami. Wala sina Mom at Dad, may business meeting sa Singapore kaya napag-isipan naming tumambay dito. Nasa kabilang subdivision lang naman. 

"Hindi na siguro ate. Lilipat ka rin naman sa amin, next school year." sagot niya habang nag a-arrange ng mga libro niya sa study table. 

"Sabagay, huwag ka na lang lumipat. Para di ako ma OP next school year." dagdag ko pa kaya napatawa na lang siya. 

Tinulungan ko na siya para mapadali na ang ginagawa niya. Hindi ko alam kung bakit ang gulo ng kwarto niya kanina pagkarating namin. 

Pagkatapos namin ligpitin ang mga naka-kalat, nagpaalam na akong lalabas muna dahil trip ko magpahangin. 

Medyo napalayo na ako nang may nadaanan akong bahay. Kapansin-pansin ang pinagkaiba nito sa ibang mga bahay dito. Malaki na ang bahay nina Sheneth pero mas malaki ata 'to. Napatagal ako sa pagtitig dahil namamangha ako sa kagandahan nito. 

Almost 70% of the house was made up of glass. The shining chandelier was visible outside, just behind the long staircase. Sa labas pa lang sumisigaw na ito ng karangyaan. 

On the upper side of the house, two beautiful high arched windows with gray sheer lace curtains were visible. The house was painted with a mixture of gray and white. I can also see a small fountain on the other side of the ground.

It's intricate design made it more fabulous.

Wow, may ganito pa lang bahay dito. Sa sobrang pagkamangha, di ko namalayan na may lumabas sa gate ng bahay. 

Sumingkit ang mata ko nang makilala ang lumabas. Napatingin din ang lalaking lumabas sa akin. Malamang, makikita agad ako dahil parang tanga ako dito na nakatambay sa labas ng bahay nila. 

"Wow Ismael, small world." 

Bulong ko sa sarili ko sabay irap. Umalis na ko sa pwesto ko at naglakad pabalik. 

Sayang, ang ganda ng bahay pero ang nakatira, mukhang manok. 

"Wait, Kara right?" habol niya sa akin.

"Obviously" masungit na sagot ko sa kaniya habang diretso lang ang lakad. 

Hindi ko man lang siya tiningnan. Baka isipin niya importante siya.

He chuckled upon hearing my answer.

Bwisit bakit ang gwapo pakinggan? 

"You don't need to be this grumpy every time you see me." pahabol pa ng manok. 

Feeling close ata talaga siya. 

Deretso pa rin ang lakad ko. Hindi ko na siya pinansin baka mainis ako ulit. Dalawa na ang atraso nito sakin tapos sabi ko sa sarili ko babawi ako kapag nagkita kami ulit, pero wala naman akong nagagawa maliban sa pagsusungit. 

"Hey, nakita kitang nakatingin sa bahay kaya lumabas ako." 

Dahil sa sinabi niya, napahinto ako at napaharap sa kaniya habang nakakunot ang noo. 

"What?" sagot ko sa sinabi niya. 

Napatawa siya ulit ng mahina. 

Ano ako clown? 

"Akala ko kasi magnanakaw" natatawa pa niyang turan. 

Mas lalong sumiklab ang inis ko sa lalaking to. Mukha ba akong magnanakaw? 

"What the heck, ang kapal naman ng mukha mo'ng pagkamalan ako'ng magnanakaw." inis na sabi ko sa kaniya. 

"Akala ko nga lang. Bakit ang sungit mo?"

Grabe, kumukulo ang dugo ko sa kaniya. Ang galing ng talent niya, 'yon ay inisin ako. 

Nakakasira ng araw. 

Hindi ko na ulit siya pinansin. Inirapan ko pa ulit. Sayang ang boses ko. Hindi siya worth it paglaanan. Naglakad na ako ulit. Iniwan ko na ang mokong.

Bakit kasi ang layo ng babalikan ko, nakakainis. 

Akala ko hindi na susunod ang asungot pero nararamdaman ko'ng nandito pa rin pala sa likod. 

"Bakit mo 'ko sinusundan?" inis kong lingon sa kaniya.

At dahil biglaan ang pagtigil at paglingon ko, muntik na kaming magkabungguan. Nawalan pa ako ng balanse kaya muntik na akong matumba buti na lang nahawakan niya ako. 

"Be careful." 

Sabi niya habang nakahawak sa bewang ko. Sobrang lapit ng mga mukha namin. His beautiful brown eyes makes my heart beat faster. 

Ramdam ko ang paghinga niya dahil sa ilang pulgada lang ang distansya ng mga mukha namin. Gusto kong kumawala sa mga bisig niya pero hindi ako makagalaw. 

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi manlang ako makapagsalita. Pinipigilan ko pa ang paghinga ko. 

"Are you okay?" nag-aalala niyang tanong. Hindi pa rin nababago ang posisyon namin. 

Tila nagising ako sa mahabang pagkabigla kaya naitulak ko siya. 

"Aray! Ba't mo 'ko tinulak?" 

Kung kanina, concern pa ang itsura niya, ngayon parang pati babae papatulan na niya. 

"Pa...pasensya na. Nabigla lang ako" 

Nauutal pa ko habang nagsasalita. Nakahawak na siya sa kamay niya. Napalakas siguro ang pagtulak. Nakonsensya tuloy ako. Nilapitan ko siya kahit medyo kinakabahan. 

Ang awkward! 

"Sorry talaga." paghihingi ko ng tawad sa kaniya. Hinawakan ko pa ang balikat niya para tingnan kung malala ba.

"Okay lang. Hayaan mo na. Joke lang. Wala nga akong naramdaman eh."

Humagalpak siya ng tawa. Bwisit ginawa pa akong uto-uto. Dahil bumalik ang inis ko, hinampas ko siya nang ilang ulit sa balikan. 

"Bwisit ka! Akala ko nabalian ka talaga. Sinungaling!" sumbat ko sa kaniya

"Aray! Tama na nga. Sumasakit na eh." saway niya sa akin habang nakatawa pa. 

Iniwan ko siya doon. Bahala siya sa buhay niya, ang laking panira niya sa buhay ko. 

"Bye, Kara. See you around!"

Sumigaw pa talaga. Abnormal! 

"As if magkikita pa tayo" bulong ko habang naglalakad na ulit pabalik sa bahay nina Sheneth. 

Umuwi ako nang nakabusangot ang mukha. 'Di ko alam kung bakit naiinis talaga ako sa kanya. Maaga akong natulog at nagising nang maaga. 

Sunday will always be Sunday. Magsisimba kaming lahat at may family bonding. Puro saya lang ang hatid kasi nga kasama ko ang buong pamilya ko. 

When Monday came, nakaramdam ako ng pagod. I thought it was just natural kaya naman pumasok pa rin ako. Nang mag dismissal na nagpractice pa kami. 

"Igalaw mo pa 'yong katawan mo Justice, huwag kang mahiya. Tapos ikaw Marie, umikot ka ng maayos para mahawakan ka agad ng partner mo."

Medyo matagal pa naman ang presentation dahil third week pa lang ng January pero naisipan ko na umpisahan na kahit pagod pa ako para 'di kami mag cramming kapag papalapit na. 

"Ikaw naman Jay, huwag ka puro talon. Anong akala mo sa presentation natin, bar? "

Panay ako reklamo sa kanila. Ilang ulit na kami sa partnering pero madami pa rin ang palpak hindi pa naman maganda ang pakiramdam ko. 

Ilang projects ang pinasa ko kahapon kaya wala akong matinong tulog fo 3 consecutive days. Matagal pa naman ang deadline ng mga 'yon, pero tinapos ko na dahil wala naman akong magawa.

"Ayoko nito besh, gusto ko boy 'yong partner ko" reklamo ng bakla

Inirapan ko siya. Huwag niya akong reklamuhan ngayon. Hindi pa namin nakakalahati ang music. 

"Naman Pres, bakit ang hirap ng steps?. Naaapakan ako ni Jay." dagdag reklamo pa ni Mary Joy. 

"Madali lang naman ah. Ayusin niyo kasi, ginagawa niyo'ng laro eh." inis kong sagot sa kanilang lahat. 

"From the top!" sigaw ko sa kanilang lahat. Buti naman umayos na sila. 

Sinimulan ko na ulit ang music para masabayan nila. 

Pinagmasdan ko ang sayaw nila hanggang sa matapos. Madami pang dapat e-polish pero okay na rin, may improvement na.

"Okay guys, 6:30 na rin naman, umuwi na tayo. Ingat kayo." sabi ko sa kanila dahil madilim na sa labas at medyo nahihilo na ako. 

'Yong iba ay nag-unahan na palabas ng auditorium. 'Yong iba naman ay nagkwentuhan pa. 

"Pres, mauna na kami." paalam sa akin nina Justice at Mary Joy. Kinawayan ko na rin sila ng mahina at sinabihang mag-ingat pauwi. 

"Besh sabay na tayong lumabas. Nasa C.R pa sina Alise at Ely, hintayin na lang natin." rinig kong sabi ni Jay habang papalapit sa akin.

"Sige, hintayin niyo 'ko, magpapalit lang rin ako." 

Binitbit ko ang bag ko papuntang C.R. Naabutan ko pa sina Alise doon na nag reretouch pa ng mga make-up nila. 

"Girl, hintayin ka na lang namin sa labas a" sabi ni Ely habang nagbibihis ako. 

"Sige." sagot ko 

Naka pink shirt ako at black leggings nang nagpractice kaya nagpalit ako ng crop top shirt at high-waisted jeans para na rin di na ko makaramdam ng lagkit galing sa pawis. Almost 3 hours pa naman ang practice namin. Isinuot ko na ulit ang white nike shoes ko. 

Humarap ako sa salamin ng C.R nang mahilo ako ulit. Napahawak ako sa sink. Pinakiramdaman ko muna ang katawan ko. 

Nang medyo humupa na ang pagkahilo, inangat ko ang ulo ko at humarap ulit sa salamin. Naglagay na lang ako ng konting liptint dahil ang putla ko na pala. Hinayaan ko nalang ang buhok kong nakalugay. 

Bumalik na ako sa labas para ayain ang mga kaibigan kong umuwi. Nasa unahan ko sila at nagkukwentuhan habang palabas kami ng school. 

Pinili kong magpahuli para hindi nila mahalatang nanghihina ako. Muntik pa nga akong matumba buti na lang may nahawakan akong halaman sa gilid. 

Pinilit kong tumayo at maglakad ulit. Hawak ko ang ulo ko at minamasahe habang naglalakad para sana maibsan naman ang pagkahilo ko pero wala talaga. 

Nang malapit na kami sa gate, lumingon si Alise sa banda ko. Naglakad pa siya pabalik dahil nahalata niya sigurong ang kupad ng lakad ko. 

"Oy Kara, okay ka lang? Bakit parang nanghihina ka?" nag-aalalang tanong sa akin ni Alise

"Wala 'to, nasobrahan lang ako sa puyat. Madami 'kong pinasa kahapon e. Ilang gabi na akong walang maayos na tulog" sagot ko naman sa kaniya. Buti na lang medyo nawala ang pagkahilo ko.

"Bakit mo kasi minadali? Matagal pa naman ang deadline. 'Yan tuloy, nanghihina ka" inalalayan na 'ko ni Alise palabas. Naabutan namin sina Jay sa waiting shed. 

"Oh napano ka besh?" tanong ng bakla

"Wala to. Nahihilo lang ng kaunti" sagot ko sa kaniya at naupo na sa upuan doon. 

"Hala! Buntis ka? Hoy bruha, bakit ngayon mo lang pinaalam sa amin 'to? Hindi pa namin kilala ang boylet mo, magkaka-anak ka na agad? ha?"

Napairap ako sa sobrang pagka O.A ni Jay. 

"Tanga, wala nga akong boyfriend, mabubuntis pa ako? At tsaka hindi ako bobo" inis kong sagot. Para naman magising. Baka tulog e.

"Kay nako bakla, puro walang silbi ang lumalabas sa bibig mo. Tumahimik ka na lang baka madagdagan pagkahilo niyan sa ginagawa mo" suway ni Ely sa kaniya. 

"Edi wow. Tatahimik na. " 

Umirap pa ang abnormal. Akala niya maganda siya. Kung may sapat na lakas lang ako, babarahin ko pa 'to. Napatawa na lang sina Alise at Ely sa kaabnormalan niya. 

Pagpaplanuhan ko na lang 'tong ipa-hold-up, madami namang pera 'to. Para magkasilbi na. 

Ako lang ang nakaupo, then silang tatlo, nakatayo habang inaabangan ang mga sundo nila. Napasandal ako sa pader ng shed dahil bumabalik na naman ang pagkahilo ko.

"Besh, aalis na kami ni Ely. Ingat ka pauwi ha. Alise ikaw na muna ang bahala diyan." saad ni Jay nang dumating ang sundo niya. Sasabay siguro si Ely, nasa iisang village lang naman sila. 

"Bye, girl pagaling ka." pahabol pa ni Ely. 

Kinawayan ko na lang silang dalawa ng mahina hanggang sa makaalis na ang sasakyan nina Jay. Umupo na rin si Alise sa tabi ko habang wala pa ang sundo niya. 

"Girl, hindi ka ba susunduin? Gabi na, sabay ka na lang sa 'kin malapit na raw si manong." nag-aalalang tanong saakin ni Alise. 

Iminulat ko ang aking nakapikit na mga mata para labanan ang panghihina. Hindi na ganoon ka tindi ang pagkahilo ko pero hindi pa rin nawawala.

"Huwag mo akong alalahanin. Alam ni kuya na gagabihin ako kaya ipapasundo niya ako sa driver naming si Kuya Alex" mahina kong sagot sa kaniya. 

Sinabihan ko naman si kuya kanina na ipasundo niya ako sa driver namin kaya walang problema. Nasa kabilang village pa sina Alise at sobrang layo ng subdivision namin sa kanila. Hindi pa nila madadaanan. 

"Totoo 'yan girl? Baka mamaya mapahamak ka dito kapag iniwan kita." nag-aalala pa ring turan ni Alise nang mamataan na niya ang sundo niya. 

"Oo nga Alise, walang problema. Susunduin ako. Nandiyan na ang sundo mo, ingat ka pauwi" sabi ko nang nasa harapan na namin ang sasakyan nila. 

Nagdadalawang-isip pa siya kung aalis na ba talaga o sasamahan pa ako dito. Tinulak ko na siya patayo. 

"Promise, walang magyayaring masama sa 'kin. Gabi na oh, kaya ko naman at tsaka parating na rin siguro si Kuya Alex." sabi ko pa habang pilit na ngumingiti

"Sigurado ka ha, tatawagan kita pagdating ko sa bahay." paninigurado pa niya. 

"Oo Alise, mag-ingat ka"

Kumaway na ako sa papaalis na sasakyan nila. Nang hindi ko na ito makita, tumayo ako pero napaupo ako ulit dahil sa sobrang pagkahilo. Napahawak ako sa sintido ko ng wala sa oras. 

Ang dilim na at ilaw na lang ng mga buildings at street lights ang nakikita ko sa paligid. Pilit kong binubuksan ang bag ko para sana kunin ang cellphone ko pero hindi ko mahagilap dahil hindi clear ang vissions ko.

Sa huli, sumuko na rin ako at isinandal ko na lang ulit ang ulo ko sa pader ng shed. Nanghihina ako. 

Ramdam ko ang pawis na nagmumula sa noo ko. Kaya hindi ako pinapayagan nina Daddy magpuyat dahil nagkakaganito ako. Kahit hindi ko kita, siguradong namumutla na ako ngayon. Hindi ko magalaw ang mga kamay ko pati na rin ang mga paa ko. 

Tahimik akong nagdasal na sana dumating na ang sundo ko para makauwi na. Ilang minuto pa ang nagdaan pero wala pa ring dumadating. 

Narinig kong tumunog ang phone ko sa bag. Gusto ko mang kunin pero nanatiling nakapikit ang mga mata ko sa sobrang panghihina pati ang katawan ko, hindi ko magalaw ng maayos. 

Ilang ring na ang narinig ko nang maimulat ko ulit ang mga mata ko. May naramdaman akong tao malapit sa akin. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil sa dilim at pagkahilo. Gusto kong humingi ng tulong pero hindi ko na kinaya. 

Unti-unti nang nauubos ang lakas ko. Napatingin ulit ako sa taong dumating at nagbakasakaling kakilala ko. Hindi nga ako nagkamali at sa huling pagkakataon, inubos ko ang buong lakas ko para tawagin ang taong nasa harap ko. 

"Is..mael" bulong ko at umaasang marinig niya pa rin. 

Kahit ano mang pilit kong panatilihing nakabukas ang mga mata ko, hindi ko na magawa.

"Shit, Kara. I'm here" 

Bago ako tuluyang mawalan ng malay, naramdaman ko ang mga bisig niyang bumuhat sa akin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status